Chapter XXV

Background color
Font
Font size
Line height


ASPEN GRAY GONZALES


"Can we talk?"

She looked at me, seriously. "No"

Napahinga naman ako ng malalim. "Please ate, I need to talk to you."

"Wala tayong dapat pag-usapan Aspen." seryosong saad niya

Hindi ko maiwasang makaramdam ng sakit. Hindi ako manhid para hindi maramdaman ang paglamig ng pakikitungo niya sa'kin. "Ate, please. Kailangan kitang maka-usap." I gulped. "It's about Ate Venus." 

Malakas niya kong tinulak dahilan para mapaupo ako sa buhangin ngayon. Hindi na ko nagulat. Simula ng mahanap ko siya, ganito ang routine naming dalawa sa tuwing binbanggit ko ang pangalan ni Ate Ven. At hindi ko alam kung bakit naging ganito siya.

"Stop saying her name Aspen."

I clenched my fist. Sumusobra na siya. Hindi ko na kaya pang dagdagan ang kasalanang nagawa ko. "Alam mo ate, hindi kita maintindihan." agad akong tumayo para makapantay siya. "Alam mong may pamilyang naghihintay sayo! Pero mas pinili mong kalimutan sila! Kami!" I gulped hard. "You're a fucking coward!"

At sa kauna-unahang pagkakataon, naramdaman ko ang kamao niyang dumapo sa pisngi ko. Kung hindi ko natatagan ang pagkakatayo ko, malamang nakalupagi na naman ako dito. "Wag na wag mo kong sasabihang duwag Aspen Gray. Wala kang alam." she paused. "Hindi mo alam ang totoong nangyayari."

She was about to turned around when I immediately stopped her and punched her fucking face. Ngayon lang. Ngayon lang ako magiging bastos sa tana ng buhay ko. Ngayon ko lang siya papatulan.

"Duwag ka!" dinuro ko siya. "Napaka duwag mo! Tinakasan mo ang responsibilidad mo! Tinakasan mo ang mag-iina mo!" I punched her again. Fuck it! Sana naman maalog ang utak niya para naman tumuwid na ang pag-iisip niya. "Duwag ka!"

"Damn you Aspen!" Hindi ko alam kung anong nangyari, basta nagulat na lang ako nakasubsob na ko sa buhangin.

Gulong-gulo ako. Hindi ko siya maintindihan. Bakit ba ginaganito niya kami? Bakit niya sinasaktan ng ganito si Ate Venus?

Bakit ba ganito na siya?

Ano na bang nangyari sa kanya?

"Itigil mo na ang kahibangan na 'to." nahihimigan ko pa ang galit sa boses niya. "Dahil kahit anong gawin mo, hindi na ko babalik sa inyo." she paused. "Hindi ko na kayo babalikan pa."

Dahan-dahan akong tumayo at agad na pinunasan ang dugong nasa gilid ng labi ko. "May pamilya ka. May pamilyang naghihintay sayo."

Pero tila wala lang sa kanya ang narinig at matamang nakatingin sa'kin. "Wala akong paki."

Naiyukom ko ang kamay ko. "Si Gaia, ang tagal ka niyang hinintay. Hindi kaba naawa sa bata?" I inhaled deeply. "Naghahanap siya ng kalinga mo. Araw-araw, walang palyang tinatanong niya sa'kin kung nasaan ka." napalunok ako. Kung kailangan gawin ko ang lahat para maituwid ang baluktot niyang pag-iisip, gagawin ko. "Sobra-sobra na ang pagkaulila nila sayo."  pagpapatuloy ko

"May pamilya na ko dito. May anak na ko, may asawa." she looked away. "Bakit ko pa sila babalikan kung masaya na ako dito?" 

Nanghina ang sinabi niya. Ayaw kong marinig ni Ate Venus ang lahat ng 'to, dahil kahit ako, nasaktan.

"Bakit ba ganyan kana?" napakagat labi naman ako para pigilan ang sariling huwag mapaiyak. "You've change.. a lot." I paused for a minute. "Hindi na ikaw ang ate ko. Hindi na ikaw si Ate Autumn."

Pero ni isang sagot, wala akong natanggap mula sa kanya bagkus mataman lang siyang nakatingin ngayon sa dalampasigan. "What happened to you?" nanghihinang napaupo ako sa buhanginan at napatitig ngayon sa dagat. Dito kami lagi nag-uusap sa tuwing dinadalaw ko siya.

Maganda ang tanawing nasa harap ko ngayon. Tila isang paraiso na kahit kailanman, hindi malalaos.

Pero dahil sa gulo ng buhay na meron ako, hindi ko maramdaman ang kapayapaan na hatid ng tanawing nakikita ko.

Sayang lang.

Sayang at hindi magandang alaala ang mabubuo ko dito.

"I have a reason."

I nodded slowly. "Then tell me." I gulped hard. "Sabihin mo sa'kin para maintindihan ko." 

Hindi niya ko sinagot bagkus tumabi lang siya sa'kin sa pagkakaupo dito. "I can't."

Mariin akong napapikit para damhin ang hanging tumama sa balat ko. Nakakarelax. Nakakatanggal ng pagod. "Why?" I open my eyes and looked at her. "Bakit mas pinili mong kalimutan kami, ang pamilya mo. Kaysa ang bumalik sa'min?"

"Ayaw kong mapahamak sila." mahinang sagot niya pero sapat lang para marinig ko.

Napailing ako. "Hindi sila mapapahamak kung babalik ka." kumuha naman ako ng bato at malakas iyong hinagis sa dagat. "Matutuwa pa nga sila. Dahil sa wakas, buo na ang pamilyang inaasam nila."

"Pero may pamilya ako dito." she simply said.

Pagak akong natawa dahil sa sinabi niya. Hindi ko talaga alam kung paano niya nagagawang makapagsalita ng ganito. "Bakit ba ang dali-dali sayong iwan si Ate Venus?" punong-puno ng hinanakit ang mga mata kong tumingin sa kanya. "Bakit ba ganyan kana kabilis sumuko?"

"Like what I said earlier, I have my reason."

"Then tell me! Tell me what's your fucking reason!" sigaw ko.

She looked down. "We can't be together Aspen." At sa kauna-unahang pagkakataon, nakita ko ang sakit at lungkot sa mga mata niya. Na halos ilang taon ko ding hindi  nakita sa kanya.

"Ate"

Her lips formed into a weak smile. "I love her." she gulped. "I do love her. But, when Ashley came into my life, she became in it." she smile. A fucking sweetest smile! "Mahal ko ang ate Venus mo." she inhaled deeply. "Pero mas mahal ko ang babaeng bumuo ng nasirang pagkatao ko. Mas mahal ko si Ashley."

"At kung tatanungin mo ko kung sinong pipiliin ko. Wag mo na ituloy pa, dahil kahit anong pilit ang gawin mo. Si Ashley ang pipiliin ko." she paused. "Siya ang pipiliin kong makasama hanggang huling hininga ko."

What the fuck?!

Ano bang pag-iisip meron ang kapatid kong ito?

Damn it!



-----------------------



VENUS ALEXANDRIA SIMMONS

"Hey Ven."

Napa-ayos naman ako ng pagkakaupo ko at tipid na ngumiti sa kanya. "Helen"

Tumabi naman siya sa'kin. "Ahm." she cleared her throat. "Honestly, hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin sayo ngayon."

My brows furrowed. Hindi ko siya maintindihan. Ano bang dapat niyang sabihin? "Ha?"

"I mean, alangan namang tanungin kita kung kamusta kana kahit alam kong hindi ka okay."  she said

I nodded slowly. Okay. I get it. "Okay"

"But still, I just wanna ask." she inhaled deeply. "How are you my friend?"

Napabuga naman ako ng malalim na paghinga bago sumandal sa sofa. Simula kaninang umaga, wala pa kong maayos na pahinga. Ni hindi ko nga magawang umidlip muna dahil sa daming tanong na gumugulo sa isip ko. "I'm fine Helen." I smile bitterly. "Kaya ko."

She nodded slowly. "Alam mo, hindi ko alam kung anong pwede kong magawa sa babaeng yun pag nagtagpo ang landas namin."

Nagtatakang napatingin naman ako sa kanya. "Bakit?"

She just shrugged. "Well, alangan namang sampalin ko siya at sabihing manloloko ang jowa mo, ee ganun din naman ako." napatawa naman ako dun. Aminado siya ah. "Pero, tutulungan ko na lang si Ianthe na putulin ang puhunang meron siya."

Literal na nanlaki ang mata ko at mabilis na napatuwid ng upo. Hindi naman siya seryoso dun hindi ba? Grabe kasi.

"Ibang klase kayo." iiling-iling na sagot ko

At ang babaeng ito, tinawanan lang ako. "Kung kailangan mo ng makakausap, just call me. Makikinig ako."

Napangiti ako. Minsan talaga, ang sarap ipagsigawan sa buong mundo kung gaano ako kaswerte sa mga kaibigang meron ako. "Thank you Helen." I reached for her hand. "Thank you so much."

Dinaluhan niya naman ako ng mainit na yakap na agad kong tinugunan. Kahit papaano, nabawasan ang bigat sa loob ko dahil sa kanya.

Ganun nga talaga siguro, na kahit gaano kapangit ang araw mo basta kasama mo ang mga kaibigan mo, ngingiti at ngingiti ka.

Saglit pa kong nakipagbiruan sa kanila bago napagdesisyunang maglakad-lakad sa tabing dagat. Mabuti pa dito, sariwa ang simoy ng hangin. Hindi katulad sa Manila na kulang na lang, pati hangin sa katawan mo maging polluted na.

Grabe talaga.

Mataman akong napatitig sa malawak na karagatan. Ang buhay ng tao ay parang alon lang. Kapag inaalon ka ng problema, sabayan mo lang. Tiyak mapagtatagumpayan mo ang laban.

Sana sa lahat ng alon na dumating sa buhay ko, kaya kong sabayan ang lahat ng iyon. Sana, mas maging matatag pa ko. Hindi lang para sa sarili ko, kundi para na rin sa mga anak ko.

"Venus" 

Mabilis akong lumingon sa pinanggalingan ng boses na yun. At sa mga oras na 'to, hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin. Kung susugurin ko ba siya ng mainit at mahigpit na yakap o mag-asawang sampal.

Galit ako, oo. Pero lamang ang sakit na nararamdaman ko.

"Hey, Autumn."

Kahit madilim, hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagka-ilap ng mga mata niya, na para bang iniiwasan niyang matingnan ako ng matagal. "Can we talk?"

I nodded slowly. "About what?"

She looked at me. "Us"

Pagak akong natawa sa kanya. Wow lang. Pagkatapos niya kaming talikuran kanina, ang lakas ng loob niyang magpakita pa sa'kin at sabihing gusto niya makipag-usap.

Hindi rin makapal ang pagmumukhang meron siya.

"Wala na tayong dapat pag-usapan Autumn. Nasabi na lahat sa'kin ng kapatid mo ang dapat kong malaman." mas tinapangan ko ang tinging binibigay ko sa kanya, kahit sa loob loob ko bibigay na ko. "Wala ng dahilan pa para mag-usap tayo." I added

"Ang mga bata." mabilis na turan niya. "Gusto ko silang makita."

Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya. Nagpupuyos sa galit ang puso ko ngayon. Paano niya nagawa sa'kin ang ganito? Ano bang nagawa kong mali sa kanya para ganituhin niyo ko?

"Para saan pa?" matabang kong saad. "Hindi paba sapat sayo ang isa mong anak sa bagong pamilyang meron ka, at gusto mo pang kunin sa'kin si Gaia at Caroline?"

She staring at me intently. "Hindi ko sila kukunin sayo."

I nodded slowly. "Dapat lang, dahil hindi ko naman sila ibibigay sayo."

We looked each others eyes. Na tila isa kaming mortal na magkalaban dahil sa puno ng galit ang bawat tinging pinupukol namin sa isa't isa.

Minahal ko siya.. Binigay ko ang lahat sa kanya.

Binuksan ko ang puso ko sa kanya.

Pero bakit naman sinaktan niya ko?

Bakit naman dinurog niya ko?

"Umalis kana. At wag ka ng magpapakita pa."

Mabilis naman siyang umiling sa'kin. "Gusto ko silang makita."

I looked away. "Hindi mo na sila makikita pa Autumn. Kaya umalis kana. Bumalik kana sa pamilyang pinagmamalaki mo."

"Wala kang karapatan para ilayo sa'kin ang mga anak ko."

Napamaang ako. Ang kapal din talaga ng pagmumukha niya. Sa pagkakaalam ko, siya ang unang lumayo. Siya ang nagpakalayo-layo at mas piniling magbuhay dalaga hanggang sa makakita ng bagong aanakan niya.

"Anak ko sila. Kaya may karapatan ako sa mga bata." punong-puno ng galit na saad ko.

But, she just smirked at me. "Hindi mo anak si Gaia."

Sa lahat ng taong sinasabi sa'kin ang tungkol kay Gaia, sa kanya ang pinaka masakit. Pakiramdam ko, sinaksak ako ng ilang beses sa dibdib dahil sa sinabi niya. "Ako ang nagpalaki sa kanya."

"But still, she's not your real daughter." She paused. "Wag mong angkinin ang bagay na hindi naman sayo."

Buong lakas kong sinampal ang babaeng nasa harap ko ngayon. Ramdam na ramdam ko ang pamamanhid ng kamay ko pero hindi ko iyon pinansin bagkus sinampal ko ulit siya. "Fuck you Autumn! Fuck you!"

Mabilis na bumuhos ang luha ko. Ni hindi ko man lang nagawang punasan ito dahil sa panghihina ko.

Napakasakit. Napakasakit na marinig ang mga salitang iyon, galing mismo sa taong mahal ko. "H-how.. how could you do this m-me?"

Pero wala akong nakuhang sagot mula sa kanya. Kaya sa pangatlong pagkakataon, sinampal ko ulit siya. "Damn you! Bakit ba bumalik ka pa?!"

"Dahil hiniling mong bumalik ako?"

I tried to wiped my tears but it just won't stop. "Yeah. Hiniling ko nga yun. Na bagay na hindi ko dapat ginawa."

Hindi naman nakaligtas sa'kin ang pagguhit ng sakit sa mga mata niya. "Kung maibabalik ko lang ang nakaraan, itatama ko ang pagkakamali ko." I gulped hard. "Pagkakamaling minahal kita."

Shocked written all over her face. Agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya at marahas na pinunasan ang luha ko gamit ang kamay ko. "I don't love you anymore." She paused. "Ayaw kong piliin ka kung hindi naman ako masaya."

Parang may sariling buhay ang mga luha ko at kusa itong pumatak. Ang sarap tumakbo papalayo sa kanya, papalayo sa taong minahal ko pero nagawa akong saktan ng ganito.

"Don't worry, hindi kita pipiliting piliin ako, kami." I bit my lower lip to stiple a sob. "Ayaw ko ding mahalin ang taong hindi naman ako kayang mahalin ng buo."

Buong tapang kong nilabanan ang tinging binibigay niya sa'kin ngayon. "Loving you was my biggest mistake I've ever made in my entire life." 

Why Autumn? Why are you doing this to me?

Hindi ba sapat ang pagmamahal na binigay ko sayo at nagawa mo sa'kin ang bagay na ganito?

Why?

"I do love you Venus." She said, plainly. "Pero hindi na tayo pwedeng magsama." she paused "Never again."

Agad akong tumango sa kanya habang patuloy na umaagos ang luha ko. "L-loving you was wonderful but it was so painful and unbearable at the same time." I wiped the tears in my face using my thumb. "And yes, I still love you but never again."

I gulped hard. "I hope our paths never meet again."

Agad akong tumalikod sa kanya at mabilis na humakbang paalis sa lugar na yun.

Umaasa.

Umaasa akong susundan niya ko at yayakapin ng mahigpit, at sasabihing 'aayusin namin ang lahat'.

Pero wala, walang Autumn na humabol sa'kin. Walang Autumn na yumakap sa'kin.

Wala ng Autumn na bubuo ng pangarap ko.

Wala na...

Wala na ang taong mahal ko..



----------------

You are reading the story above: TeenFic.Net