Chapter XXIX

Background color
Font
Font size
Line height


VENUS ALEXANDRIA SIMMONS






"Venus! Venus! Wake up!"

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko ng maramdaman ang malakas na pagyugyog sa balikat ko.

Nag-aalalang mukha ni Selene at Athena ang bumungad sa'kin.

Anong nangyari?

"Hey. Are you alright?" Athena asked, worriedly

Napakunot noo ako. Ano ba talagang nangyari?

Ang natatandaan ko lang, nasa biyahe kaming magkakaibigan pauwi ng Manila. Tapos biglang tumawag si Autumn at sinabing nandoon si Brin.

Nanlaki ang mata ko ng maalala ang nangyari. Fuck! Ang mga anak ko!

"Si Gaia? Nasaan si Gaia?" agarang tanong ko sa kanilang dalawa.

Napakunot noo naman sa'kin si Selene. "Ahm. Nasa school?"

My brows furrowed. School? Anong school? "Damn it! Selene! Wag mo kong pinagloloko!" I gulped hard. "Nasan ang mga bata? Si Gaia? Si Caroline? Nasaan sila?"

"Wait! Calm down sweetie." pagkalma sa'kin ni Selene. "Caroline? Sino yun?"

Mabilis akong bumangon mula sa pagkakahiga ko na labis kong ikinagulat ng makita ang malaking umbok sa tiyan ko. "What is it?" I almost whispered into myself.

"I guess, you're pregnant." Athena sarcastically said

I looked at her, brows furrowed. "I am pregnant?"

Nagkatinginan naman ang dalawa kong kaibigan bago kunot noong binalik ang tingin sa'kin. May nasabi ba kong mali?

Selene rolled her eyes at me. "Hindi Ven. Hindi ka buntis." she paused. "Bigla lang lumaki ang tiyan mo kasi nagpatusok ka." sarkastikong dagdag niya

Napatingin naman ako sa tiyan ko. Malaki na siya.

Paanong buntis ako?

"May sakit kaba?" Athena asked

I quickly looked at her. "Sakit?" I massaged my temple. Gosh. Biglang sumakit ang ulo ko sa dahil kanilang dalawa. "Ano bang nangyari? Diba nasa sasakyan tayong lahat. Pauwi na tayo sa Manila dahil galing tayo sa bakasyon."

At ang dalawang ito, maang na nakatingin lang sa'kin. Para tuloy akong baliw dahil sa tingin nila. "Teka lang Ven ah, sumasakit ang ulo ko sayong babae ka." tila frustrated na saad ni Selene. "Anong sasakyan? Anong bakasyon? Nababaliw kana ba? Hindi kita maintindihang babae ka." she added

"Hanep ka Ven. Ang pangit mo palang mabuntis." Athena second

Naguguluhan na ko. Ano ba talagang nangyari? Jusko.

"Nananaginip ka kanina." Selene said. "Mabuti na lang at dito namin naisipang tumambay ni Athena at nagising ka namin agad." pagpapatuloy niya

"At ang hirap mong gisingin ah." Segunda naman ni Minerva. "Ano bang napanaginipan mo? Grabe ka makaiyak ee."

Napanganga ako. Lintsak! Panaginip lang lahat yun?

Yung pagkawalan ni Autumn ng mahigit na limang taon. Yung pagkakaroon niya ng bagong pamilya. Yung hindi niya pagpili sa'kin. Panaginip lang lahat yun?

Oh gosh. Bakit sa lahat ng mapapanaginipan ko, ganun pa? At talagang ganun pa kasakit?

Bakit parang totoo ang lahat?

Pwede bang magmura kahit isa lang? Bwisit ee.

"Ilang buwan na kong buntis?"

At katulad kanina, sabay nila kong inirapan. "Ikaw na nga ang kumausap sa babaeng yan. Nauutas ako ee. Baka pati ako, makunan. Jusko."

Hindi na ko hinintay pang makasalita ni Athena at lumabas na siya ng kwarto ko. Nailibot ko tuloy bigla ang paningin ko sa loob ng kwartong kinauupahan ko.

Doon lang bumalik sa alaala ko ang lahat. Tama nga si Selene, nananaginip nga ako.

"Okay kana? Nakapag-isip-isip kana?"

Nahihiyang napakamot ako sa ulo ko. Nakakahiya nga jusme. "Pasensiya naman. Para kasing totoo ang panaginip ko."

She just chuckled at me, while shooking her head. "Okay lang. Ang nakakapagtaka lang, umiiyak ka kanina." she paused. "Ano bang napanaginipan mo?"

Para naman akong tangang nakaramdam ng kirot sa puso ko. "Kasi ano." napakamot naman ako sa noo ko. Pano ba 'to? "May ib-.."

"Mommy!"

Hindi ko na natapos ang dapat na sasabihin ko dahil sa pagsulpot ni Gaia at patakbong lumapit sa'kin. "Gaia! Baby!"

Agad ko naman siyang niyakap ng mahigpit at pinugpog ng halik sa buong mukha niya. "Ahm. Mommy?"

I cupped her face. Natatawa ko sa sarili ko ngayon. Mukhang alam ko na ang magiging itsura ng anak ko paglaki niya. "You're so pretty baby."

Her brows furrowed. "Yes, I am. But, you're so weird mommy."

Napatawa naman ako. Pati siya, napansin niya. "Sor-.."

"Hi mahal."

Nanlaki ang mata ko ng marinig ang boses na yun. Nandito siya, naglalakad papalapit sa'kin habang nakangiti ng matamis.

Ramdam na ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Tanging siya lang talaga ang nakakagawa sa'kin ng ganito.

Mabilis ngunit maingat akong tumayo at agad na sinalubong siya ng mahigpit na yakap.

Namiss ko siya. Namiss ko ang babaeng ito. Ang babaeng bumuo sa nasira kong mundo. Ang babaeng nagsilbing liwanag sa madilim kong mundo.

Damn you Autumn!

Bakit ba sinaktan mo ko sa panaginip? Bwisit ka!

"Hey, mahal? Okay ka lang?" I felt her hand rubbing my back.

Mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya at sumubsob sa leeg niya. "I've missed you." bulong ko

I heard her chuckled. "Ilang minuto lang tayo naghiwalay mahal. Pero namiss din kita."

Ako na ang humiwalay sa yakap naming dalawa at agad siyang siniil ng halik.

Nakakainis. Dalang-dala ako sa bwisit na panaginip na yun.

Kayo din naman. Dalang-dala.

"Hey! Ano ba yan! May bata oh. Jusko kayo." Selene hissed

Nanlalaki ang matang humiwalay ako kay Autumn. Shit lang. Nakalimutan kong nanditi din pala si Gaia.

"Grabe Ven ah. Miss na miss?"

I bit my lower lips to hide my embarassment. "I'm sorry Sel." napatingin naman ako kay Gaia na kunot noong nakatingin sa'min ngayon.

Gusto ko tuloy matawa dahil sa kakaibang tinging pinupukol niya sa'ming dalawa ng mama niya. Para naman akong nakagawa ng kasalanan dahil sa tingin niyang yun.

"Hay nako kayong dalawa." Selene said. "Ako na mag-aasikaso sa inaanak ko. At ikaw Autumn, asikasuhin mo yang asawa mo." She looked at me. "Masama pala ang mabuntis yan. Nababaliw."

Gustong-gusto ko siyang batuhin ng unan ngayon pero nakaalis na agad siya bitbit ang anak ko.

Ang babaeng yun, napaka bwisit talaga.

"Mahal" napatingin naman ako sa babaeng kasama ko ngayon. Napakaganda niya talaga. "Okay ka lang ba? Ang weird mo ngayon."

I pout and immediately hugged her. "I miss hugging you mahal."

I know she was puzzled but she choose to hugged me back. "I miss you too mahal. Okay lang na ang weird mo ngayon. Nakatikman ko naman ulit labi mo ee."

Natatawang humiwalay ako sa kanya saka siya marahang kinurot sa tagiliran niya.

Bakit parang ang sweet ko naman ata sa kanya?

"How are you feeling love?" malambing na tanong niya.

Hinila ko naman siya paupo sa kama. "Okay naman." I said, smiling from ear to ear. "Ikaw? Kamusta ka?"

She just give a peck in my lips. "Basta kasama ko kayo ng anak natin, okay pa ko sa okay."

Napangiti naman ako. Hindi lang pala ako ang sweet sa'ming dalawa. Pati din pala siya. "May tatanong pala ko."

She just nodded and tucked my hair behind my ear. "Sure mahal, itanong mo na."

I cleared my throat, trying to compose myself. "May kilala ka bang Ashley?"

Her brows furrowed. "Ashley? Sinong Ashley?"

Napairap naman ako. Kaya nga tinatanong ko siya ee. "Kung may kilala ka nga." iritang tanong ko.

"Woah! Calm down mahal." tinaas niya pa ang dalawang kamay niya tanda ng pagsuko. "Wala akong kilalang Ashley mahal ko. Wala po." agarang sagot niya sa'kin

Mataman ko siyang tiningnan, na tila ba binabasa ko ang kilos niya. Sa aming dalawa, siya ang abogado. Pero ako? Ako parin ang boss niya at walang magbabago dun. "Are you telling the thruth Autumn Foll?"

Kahit nagtataka, mas pinili niyang tumango sa'kin. "Yes po mahal. Nagsasabi po ako ng totoo. Wala po akong kilalang Ashley."

I crossed my arms over my chest. "Really?"

She immediately nodded at me. "Talagang-talaga."

Saglit ko pa siyang tinitigan bago nagkibit balikat na lang. "We're not yet done. May itatanong pa ko sayo."

Her eyebrows met. "Okay?" napataas naman ako ng kilay ko dahil sa sagot niya. "I mean, go mahal. Ano ba yang tanong mong iyan?"

I took a deep breath and held her hand. "Autumn."

Her brows furrowed. "Hey, what's wrong?"

I gulped hard. "Iiwan mo ba ko?"

Natigilan naman siya dahil sa tanong ko. Tila hindi makapaniwala dahil sa narinig mula sa'kin. "Iiwan? Ofcourse not." mabilis na sagot niya. "Listen baby, I will not leave you. No matter what happen, I will not give up on you." she sincerely said

I felt my heart melts when I heard those words coming from her. Gosh. Mahal na mahal ko talaga ang babaeng ito. God knows how much I love her.

Napalunok naman ako. "Mahal mo parin kahit na may masalimuot akong nakaraan?"

She just smile at me. The sweetest smile I've ever seen in my entire life. "Nakaraan mo lang yan. Kaya ko yang palitan ng masayang alaala." she kissed my hand. "Masayang alaala kasama ako. Kasama ng pamilyang bubuoin nating magkasama."

Napangiti ako. Ibang-iba ang Autumn na kaharap ko ngayon, kaysa sa Autumn na nasa panaginip ko.

Dahil ang Autumn na kasama ko ngayon, hinding-hindi ako magagawang saktan.

She held my hand ang gently squeezed it. "When you fall for someone, everything about them becomes beautiful."

Napakagat labi na lang ako para pigilan anh sariling mapaiyak. "You make me feel like I'm alive again."

"Always remember mahal, lights will guide you home." she kissed forehead. "I can be your light." and she kissed my lips. "And home."

Hindi ko na pinatagal pa ang lahat at agad ko siyang dinaluhan ko siya ng mainit na yakap.

Napaka saya ko. Sobrang saya ko.

Dati, pinapangarap ko lang  na magkaroon ng masaya at kumpletong pamilya. Pero ito na. Kasama ko siya, sila ng anak naming dalawa.

"I love you so much A-autumn." I lovingly said.

Marahan niyang pinunasan ang luhang lumandas na mukha ko habang may nakapaskil na matamis na ngiti sa labi niya. "Mahal na mahal din kita Venus." she paused. "At habang buhay kitang mamahalin."

"Mommy? Why are you crying?"

Nasa gano'n kaming  posisyon ng biglang sumulpot si Gaia. Napatawa tuloy ako ng tingnan niya si Autumn na parang kriminal. "Pinaiyak mo po si Mommy? Mama."

"No baby." mabilis na sagot naman ng isa. "Come here. Dito ka."

Pinunasan ko  lang ang mukha ko habang si Autumn, binuhat si Gaia para makaupo ito sa gitna naming dalawa. "Ee bakit po siya naiyak? You hurt her mama."

"No, I'm not." depensa naman niya.

Napatawa tuloy ako bago panggigilan ang pisngi ng anak ko. "I cried baby, because I'm happy."

She nodded slowly. "Happy? Why?"

I chuckled. "Nothing my love." I pinched her nose. "Ang cute mo talaga."

"Mom, Mama. I have something to tell you."

Napangiti naman ako. Ang ganda ng anak ko. Manang-mana sa pinagmanahan. "What is it baby?"

She looked at me before her gaze turned  to Autumn. "May family day po kami." she almost whispered.

Napatango naman ako. Mukhang alam ko na ang pinupunto ng anak ko. Hindi pa ko nakakasagot ng maramdaman ko ang kamay ng babaeng mahal ko sa likod ko.

Palihim ko naman siyang kinurot sa tagiliran niya ng kalikutin niya ang kawit ng bra ko.

Napaka bastos talaga.

"When baby?"

"Saturday po mom." mahinang sagot niya

"Okay then, we're coming!" masiglang sagot ng isa na akala mo'y walang ginawang kalokohan sa'kin kani-kanina lang.

Konti na lang talaga, puputulin ko na yang daliri niya. Ang likot ee.

"Pupunta po tayo?" gulat na tanong ng anak ko.

Ngumiti lang ako bago dampian ng halik ang noo niya. "Yes baby. Pupunta tayo." I looked at her, my  baby damulag. "We're family, kaya pupunta tayo."

Ang kaninang malungkot niyang mukha, napalitan ng masaya at buhay na mga mata. Napangiti din tuloy ako. Nakakahawa ee. "Yes mom! Pupunta tayo!" malakas na sigaw niya

Napatawa tuloy ako bago sumandal kay Autumn.

Napahawak naman ako sa tiyan kong malaki na ngayon.

Napakadami ng nangyari sa buhay namin. Napakadami na ding pagsubok ang dumating.

Pero heto kami, masaya at magkasama. Hindi kami natibag ng pagsubok na yan.

Dahil mahal namin ang isa't isa.

Mas lakas at mas matibay ang pagmamahalan namin kumpara sa pagsubok na yan.

"I love you Autumn." I whispered into her ear

She just smile, and kissed my temple. "Mahal din kita, asawa kong buntis."

Napatawa ako.

Kahit kailan talaga, ang bwisit niya.

Pero kahit bwisit siya, mahal ko siya.

Ngayon, masasabi ko.

Masaya ako sa kung anong meron ako. Basta kasama ko sila, kuntento na ko.

Sila ang kasiyahan ko.

Sila ang buhay ko.

Autumn, my baby, my world.









---------


Sino pang galit dyan kay Autumn? Umamin na.

You are reading the story above: TeenFic.Net