Chapter XXIV

Background color
Font
Font size
Line height


VENUS ALEXANDRIA SIMMONS






"A-autumn... M-mahal."

Hindi ko na natuloy ang paglapit sa kanya ng agad siyang humakbang papalayo sa'kin, na labis kong ikinapagtaka.

"Autumn?"

She immediately avoided my gaze. "Excuse me."

Naalerto naman ako ng dali-dali niyang buhatin ang batang kasama niya. Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob at agad ko siyang hinawakan sa braso para pigilan. "Autumn, wait."

Ito na naman ang pakiramdam ko sa tuwing magtatama ang paningin naming dalawa. Para akong nasa alapaap at siya lang ang tanging nakikita.

Fuck! I've missed her! I fucking missed her!

"V-venus"

At sa loob ng ilang taon na lumipas, narinig ko na ding sambitin niyang muli ang pangalan ko.

Hindi na ito panaginip, totoong-totoo na ito.

Nasa harap ko nga siya. Malamlam ang matang nakatingin sa'kin.

"I mi-..."

"Ate Venus?"

Agad naman akong napalingon sa pinanggalingan ng boses na yun. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ng makita siyang nandito.

Gulat na gulat at halos hindi ako matingnan ng deretso.

"Mama?"

Kunot noong napatingin ako sa batang buhat-buhat niya ngayon.

Gulong-gulo ako sa mga oras na 'to.

Ang daming tanong na gumugulo sa isipan ko.

Anong mama?  Si Autumn? Ina ng batang iyan?

Damn it!

"Mauuna na kami. Excuse me."

"Autu-.."

"Ate Venus" saglit ko lang siyan sinulyapan bago habulin ng tingin ang babaeng nagmamadali ngayong umalis.

Unti-unting bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Anong nangyayari? Bakit siya ganun?

"What the fuck Aspen?! Anong ibig sabihin nito?"

She gulped hard. "I... I'm sorry Ate Ven."

Pagak naman akong napatawa. "Sorry? Well, maghihintay ako ng paliwanag mo." marahas ko namang pinahid ang pisngi kong basang-basa na ng luha. "At pagkatapos mong ipaliwanag ang lahat, dadalhin mo ako sa kanya."

Agad ko namang binuhat si Caroline na nagtatakang nakatingin sa'kin ngayon at hinawakan ko sa kamay si Gaia na katulad ko, umiiyak na rin.

Nasasaktan ako.

Kung tutuusin, dapat masaya ako. Kasi sa wakas, nagkita na din kami ng babaeng mahal ko.

Pero mali, nasasaktan ako. Nasasaktan ako dahil pakiramdam ko, siya mismo ang lumalayo sa'kin.

Damn it!

"C'mon Dike, sino ba yang ka-text mo? Importante ba yan?"

"Shut the fuck up Ianthe. Alis nga!"

"Hey Ven, where ha-.. The hell? Anong nangyari sayo?" gulat na bungad sa'kin ni Athena

Hindi ko sila pinansin at dali-dali akong umakyat sa kwartong tutulugan namin sa loob ng ilang araw. "D-dto lang kayo."

"Mommy, why awe you cwying?" punong-puno ng pagtatakang tanong ng bunso ko.

Wala akong nagawa kundi ang halikan silang dalawa sa noo nila bago lumabas ng kwartong iyon.

I bit my lower lips to stiple a sob. Damn it! "Venus? What happened?"

Walang pagdadalawang-isip na niyakap ko agad siya. Bakit ba pakiramdam ko, pinagkakaisahan ako ng mga taong pinagkakatiwalaan ko ng lubos?

"C'mon, tell me Venus. What happened?" kitang-kita ko anv pag-aalala ngayon sa mukha ng pinsan ko.

Napahawak naman ako sa noo ko. Fuck! "Si Autumn, she's h-here!"

"What? Nandito siya?" gulat na tanong ni Helen.

Agad ko namang pinahid ang luha ko at kinalma ang sarili ko.

Nakakainis lang. Bakit ba ko umiiyak? 

"Teka lang ah, paanong nandito siya?" Cassandra asked

I took a deep breath trying to calm myself. "Nakita ko siya. Nakita namin siya ni Gaia."

"Are you serious? Baka naman namamalikmata lang kayong mag-ina." Penelope said

Mabilis akong umiling sa kanya. "No, nakausap ko siya."

Nanghihinang napaupo ako ngayon sa sofa. Mariin akong napapikit para pigilan ang sariling mapaiyak. Gulong-gulo ako sa totoo lang

"Kung nandito siya, bakit ni minsan hindi nagtagpo ang landas naming dalawa?" Helen asked

"Wait." Thalia said. "Baka naman may alam ka dito Selene?"

Pati ako napatingin ngayon kay Selene na hindi makapaniwalang nakatingin kay Thalia. "Wala akong alam dyan. Okay? Hindi ko nga alam na nandito pala siya."

I nodded slowly. "Pero alam ni Aspen."

Her eyes widened. "Aspen? Alam niya?"

Napahilot ako sa sintido ako. Unti-unting bumalik sa alaala ko ang eksena naming dalawa kanina. Ang mga tingin niya sa'kin noon, na puno ng pagmamahal hindi ko iyon nakita kanina.

Dahil ang tinging binigay niya sa'kin kanina, ay punong-puno ng takot at pangamba. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya.

Para bang hindi siya ang Autumn na minahal ko.

Shit lang talaga.

"Aspen is here."

Lahat kami napatingin ngayon kay Brier na hila-hila si Aspen. Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng galit sa kanya.

Pinagkakatiwalaan ko siya, pero niloko niya ko. 

"Aspen, pwede ba sa mga oras na 'to maging tapat ka sa'min." Selene started. "Alam mong nandito ang Ate mo?" pagpapatuloy niya

Naging mailap ang mata ni Aspen sa aming lahat. At sa mga oras na ito, hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan ko pa ba siya.

"Aspen!"

"Oo! Shit lang!" bulong niya sa huli.

I clenched my fist. "Kailan pa?"

She took a deep breath. "Last year Ate Ven."

Napatayo naman ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko akalain na maitatago niya sa'kin ang bagay na ito sa ganoong katagal na panahon.

Paano?

Paano niya nagawa sa'kin ito?

"T-ngina! Last year pa? Alam mo ba kung anong petsa na ngayon? Alam mo ba kung gaano naghirap ang kaibigan ko dahil sa babaeng iyan? Tapos matagal mo na palang tinatago sa'min na alam mo kung nasaan siya!" Athena hissed at her. "You fucking asshole!"

"Hey Athena. Chill out." pag-awat sa kanya ni Thalia

"Chill out? The hell! Naririnig mo ba yang sinasabi mo?"

I inhaled deeply. "Can you please shut the fuck up!" Nahilot ko naman ang noo ko. Mabuti na lang talaga at tumigil sila.

Hinarap ko naman ang babaeng hindi makatingin ng deretso sa'kin ngayon. "Bakit hindi mo sinabi sa'kin?"

She shook her head. "Hindi ko alam." she gulped. "Hindi ko alam kung paano sasabihin sayo."

"Anong hindi? Damn it!"

"Listen Ate Ven, hindi mo magugustuhan kung sasabihin ko sayo ang nalaman ko tungkol sa kanya."

Marahas akong napahilamos sa buong mukha ko. Tell me Aspen! Tell me!"

She froze for a minute. "Hindi na siya ang Autumn na minahal mo."

Napakunot noo ako. Hindi ko siya maintindihan. Anong ibig niyang sabihin? "What are you talking about Aspen?"

I saw how she gulped hard. "May iba na siyang pamilya Ate Ven." she paused. "Bagong pamilya."

I froze. I fucking froze! What the hell is she talking about? "W-what do you mean?"

Kitang-kita ko ang paglandas ng luha sa mukha niya. At sa mga oras na ito, hindi ko alam kung magugustuhan ko ba ang sasabihin niya. "Ang batang kasama niya kanina, it's her daughter." she paused. "Her real daughter."

Sunod-sunod na paglunok ang ginawa ko. Ramdam na ramdam ko din ang panglalamig ng buong sistema ko.

May part sa puso ko na ayaw kong maniwala sa kanya, pero mas nanaig sa kalooban ko na baka nga totoo ang sinabi niya.

Dahil kanina, rinig na rinig ko ang pagtawag sa kanya na 'mama' ng batang kasama niya kanina lang.

Dahan-dahan akong umiling sa kanya habang patuloy na umaagos ang luha ko."H-hindi ako naniniwala sayo. Hindi magagawa ni Autumn sa'kin ang ganito."

"Nawala ang alaala niya." she looked up, trying not to fall her tears.

I immediately shook my head. "Still, I don't believe you. Kilala niya ko, binanggit niya ang pangalan ko kani-kanina lang."

Her lips curved into a sad smile. "Bumalik ang alaala niya, pero huli na." she bit her lips. "Nakahanap siya ng taong masasandalan niya. At hindi ikaw yun."

I clenched my fist because of so much anger. "Fuck you Aspen."

"Nagka-anak sila. At ang batang kasama niya kanina, ay anak niya."

Nanghihinang napaupo ako. Hindi ko alam ang dapat kong sabihin sa kanya.

Sobrang sakit lang na ako, nagawa ko siyang hintayin sa loob ng ilang taon. Pero siya, kung gaano ako kabilis nakalimutan ng isip niya, ganun din ng puso niya.

Hindi ba niya alam na may pamilya siyang naghihintay sa kanya?

Hindi ba niya alam kung gaano kami nangungulila sa kanya?

Hindi ba niya alam kung gaano ako naghirap para lang mahanap siya?

Hindi ba niya alam, na hanggang ngayon, mahal ko parin siya?

Damn you Autumn!

"Fuck her!" I heard Ianthe murmured. "Wag na wag siyang magpapakita sa'kin. I fucking swear, I'll gonna cut her tits!"

"Hey Wife, calm down." pag-awat sa kanya ng asawa niya

Naitakip ko ang kamay ko sa buong mukha ko at doon umiyak ng umiyak. Nanghihina ako.

Yung taong nagsisilbing pahinga ko, napagod na at nakahanap ng pahinga sa iba.

"I'm sorry" rinig kong sambit ni Aspen

"Nasaan siya? Nasaan ang gago mong kapatid?" Selene asked. "Dalhin mo kami sa kanya."

Nanghihinang umiling ako. "I c-can't."

"Halika Venus."

Wala na kong nagawa pa ng alalayan ako ni Gwenn patayo. Napakapit na lang ako sa kanya. Dahil pakiramdam ko, bibigay na ko. Sobra-sobra na kong nanghihina.

Tahimik lang akong umiiyak habang nakatulala sa bintana nitong sasakyan. Kinakabahan ako. Gusto ko siyang makita, pero natatakot ako. Natatakot ako na baka imbes na matuwa ako ng makita siya, mas lalo lang akong masaktan.

Nabalik lang ako sa wisyo ko ng maramdaman ang paghinto ng sasakyan sa tapat ng isang maliit na kubo.

 

Hindi ko maiwasang hindi mapaiyak ng siya ang mabungaran ko. Tahimik na nakaupo sa upuang kahoy at tila may malalim na iniisip.

Kahit nasa loob ako ng sasakyan, kitang-kita ko ang pagbabago sa katawan niya. Kapansin-pansin din ang laki ng pinayat niya. At hindi naman nakaligtas sa paningin ko, ang peklat sa panga niya.

Fuck! I've missed her!

Akmang lalabas na ko ng sasakyan para puntahan siya ng biglang may lumapit sa kanya na isang babae na hindi ko kilala.

At tama nga ang hinala ko kanina pa lang, masasaktan lang ako sa makikita ko.

Mapait akong napangiti ng daluhan siya nito ng yakap. 

Autumn..

Paano mo nagagawang maging masaya sa piling ng iba, habang kami nagdurusa?

Paano mong nagawang kalimutan ang pag-ibig mo sa'kin?

Paano mo nagawang talikuran ang responsibilidad mo bilang isang ina?

Paano mo nagawang kalimutan kami ng mga anak mo?

Paano?

Gustong-gusto kong sumugal at ipaglaban ang kung anong meron sa'ting dalawa.

Pero sa nakikita ko, hindi pa kong nagsisismulang lumaban, mukhang talo na ko.

Marahas kong pinahid ang luhang patuloy na umaagos sa mukha ko. Napakasaya mo. Napakasaya mo habang kasama ang bagong pamilya mo.

Pero minsan ba, sumagi sa isip mo kami? Kami ng mga anak mo na pagtuloy na naghihintay sa pagbabalik mo.

"Siya ba?" I heard Selene asked

"Yeah" mahinang sagot ni Aspen sa kanya.

"Nakikita ko ang babaeng yan dito. Pero hindi ko lubos akalain na yan pala ang bagong kinakasama ni Autumn." Helen said all of sudden.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at mariin lang nakatingin sa isang pamilya na nasa harap ko ngayon.

A happy family to be exact.

"What a cheater!" Cassandra hissed

"Oh Helen, may karamay ka." rinig kong segunda ni Dike.

"You dumbass! Upakan kita ee."

I bit my lower lip and tried to wiped my tears but it just wont stop. Fuck you Autumn. How could you do this to me? "So, what's you plan Venus?" Juno asked

I gulped hard. "I don't know JC."

Hindi ko alam...

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin sa mga oras na 'to.

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa mga anak ko na ang mama Autumn nila, ay may iba ng pamilya.

Durog na durog ako mula ng mawala siya, pero ngayong nakita ko na siya.

Mas lalo lang akong nadurog at hindi ko na alam kung paano ko bubuuin ang sarili ko.

Siya ang kasiyahan ko.

Siya ang dahilan ng bawat ngiti sa labi ko.

Pero hindi ko akalain, na siya din pala ang dahilan kung bakit ako masasaktan ng ganito.

Autumn.. bakit ba.. bakit ba napakadali sayo ang palitan ako sa puso mo?

Bakit?







-------------------

You are reading the story above: TeenFic.Net