Chapter XVI

Background color
Font
Font size
Line height


AUTUMN FOLL GONZALES



Pwede kang mamili ng taong kakaibiganin mo, ng taong pakikisamahan mo. Pero hinding-hindi ka pwedeng pumili ng magulang mo.

Yan, yan ang laging sinasabi sa'kin ni mommy noong bata pa ko.

Lahat gagawin nila para mapanatiling maayos ang kalagayan ng mga anak nila. Lahat gagawin nila para mapalaking maayos ang mga bata.

Tipong, isusubo na lang nila, ibibigay pa satin.

Ngayon, alam na alam ko na ang ibig sabihin ni mommy. Alam na alam ko na ang pakiramdam niya sa tuwing napapahamak ako. Alam na alam ko na ang grabeng takot sa dibdib niya tuwing uuwi akong umiiyak at sugatan.

Walang perpektong pamilya, minsan nagtatalo tayo, minsan nag-aaway at minsan hindi nag-iimikan, pero sa huli ang pamilya parin natin ang tatanggap sa atin at ang pagmamahal parin ang mangingibabaw.

Nanghihinang napahawak ako sa doorknob ng kwarto kung saan naroon si Gaia. Hindi pa ko nakakapasok ng tuluyan sa loob, hinang-hina na agad ako.

Marahil dahil ito sa pagbibigay ko ng dugo. Pero wala akong paki, ang mahalaga ngayon ay ang buhay ng anak ko.

Pagkatapos kong makipag-usap sa mga magulang ko, dito ako dumeretso. Dahil kailangan niya ko.

Napahinga ako ng malalim bago tuluyang buksan ang pinto. Unang tumambad sa'kin si Kuya Apollo na mariing binabantayan ang anak kong mahimbing na natutulog.

"Autumn"

I gulped and nodded at him. "Hey. How is she?"

He inhaled deeply. "Nagising siya kanina. Hinahanap niya kayo ni Venus."

Napakunot noo ako. Ngayon ko lang din napansin na wala si Venus dito. "Nasaan siya? Si Venus, nasaan?"

He just shrugged at me. "I don't know. Sabi niya lang, may importante siyang pupuntahan at hindi niya sinabi sa'kin kung saan."

Napatango na lang ako. Mukhang alam ko na kung nasaan ang babaeng iyon. Dahan-dahan akong lumapit sa anghel na natutulog ngayon. Napakagat labi agad ako para pigilan ang mga luhang gustong kumawala sa'kin.

Ibang klase talaga kumilos ang kapalaran. Akalain mong anak ko pala talaga ang batang ito.

Gustong-gusto ko siyang gisingin ngayon gamit ang mahigpit na yakap pero natatakot ako. Natatakot ako na baka hindi niya ko matanggap bilang isang ina niya.

Nanginginig na dinampian ko ng malamyos na halik ang noo niya. Pinapangako ko, aayusin ko ang pamilya natin. Mabubuo tayo. Pangako yan anak.

"Autumn, are you alright?"

I just nodded at him. "Yeah. Don't worry about me." I took a deep breath. "Kailangan ko ng umalis, babalik ako dito mamaya."

Saglit pa niya kong tinitigan bago tumango na lang. "Okay. Be cautious Autumn." He sincerely said

My smile curved into a slight smile. He never change a bit, he's caring and sweet person. "Thank you Kuya."

Saglit ko lang pinagmasdan si Gaia bago napagdesisyunang lumabas ng kwartong iyon. Nakakailang hakbang pa lang ang nagagawa ko ng biglang tumunog ang cellphone hudyat na may tumawag.

Napahinga pa ko ng malalim ng makita kung sino ang taong tumatawag sa'kin ngayon. "Selene"

( "Where are you Autumn? Hindi ka sumabay kay Ate Prim papunta dito." )

"I'm sorry, nandito ako sa Hospital."

( "Anong ginawa mo diyan?" )

I gulped. "Ginawa yung tama."

Narinig ko naman ang malalim niyang paghinga. ( "Okay. Pumunta kana dito." )

Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng kaba. Alam ko ang pinupunto niya. "Saan?"

( "Raven's place. I'll for you." )

Tumango naman ako kahit hindi niya nakikita bago agad na binaba ang tawag. Walang pagdadalawang isip na nilisan ko ang lugar na ito at tinungo ang sinasabing lugar ng pinsan ko.

Habang nasa biyahe, hindi ko maiwasang mag-isip ng kung anu-ano. Ang daming tanong na gumugulo sa isipan ko. Mga tanong na alam ko, siya ang makakasagot.

Ilang minuto din ang lumipas hanggang sa tuluyan kong ihinto ang sasakyan sa tapat ng bahay ni Raven. Napahigpit pa ang hawak ko sa manibela dahil kabang aking nadarama. Hindi ko lubos maisip na mauuwi sa ganito ang lahat.

"Autumn"

Malakas na kinatok ni Selene ang bintana ng sasakyan ko dahilan para mabalik ako sa ulirat. Napahinga pa ko ng malalim bago tuluyang lumabas. "Selene"

"Long time no see Foll."

Agad akong napabaling sa pinanggalinga ng boses na yun. Ilang buwan na din ang lumipas mula ng huli namin pagkikita. Simula ng maghiwalay sila ng asawa niya, umalis siya at nagpakalayo-layo. Pero heto siya ngayon, nasa harap ko at matamang nakatingin sa'kin.

"Raven, you're back."

She just smile at me, a slight smile to be exact. "Panandalian lang ang pagbalik ko. Aalis din ako kapag tapos na ang problemang meron ka."

I nodded slowly. "Thank you RJ." 

"Tara na sa loob. Handa na ang lahat."

Hindi na niya ko hinintay pang makapagsalita at nauna na siyang pumasok sa loob. Napailing na lang ako.

Napaka laki na nga ng pinagbago niya. Hindi na siya ang dating Raven na kilala ko. "Let's go Autumn. Venus is waiting for you."

Pagkarinig na pagkarinig ko ng pangalan niya, agad akong pumasok sa loob. Hindi ko na pinansin ang kabang nararamdaman ko. Dahil sa oras na 'to, gustong-gusto ko na siyang makita.

At katulad ng inaasahan ko, kumpleto silang magkakaibigan na nandito. Masamang nakatingin sa bintana kung saan naroon ang babaeng tinatawag nilang si Misty.

"Autumn, you're here." Cassandra noticed my presense.

Hindi ko siya pinansin at tinuon lang ang pansin ko sa babaeng hindi man lang akong nagawang tingnan. Agad akong napa-iwas ng tingin. Kung mahirap para sa'kin ang nangyayari ngayon, alam kong mas mahirap ang lahat para sa kanya.

"Lieutenant"

Agad naman akong napatingin sa pinanggalingan ng boses na iyon, na labis kong kinagulat. "Aspen?"

Kitang-kita ko naman ang gulat at kaba sa mga mata niya. "A-ate"

Before I could even utter a word, Raven interrupt. "Thank you Aspen."

Nagtatakang napatingin ngayon ako kay Raven na mariing nakatingin din pala sa'kin. "Lieutenant?" Great. Isa pa siyang mahilig maglihim.

"Pumasok ka sa Military? At hindi mo nagawang sabihin sa'kin iyon?" napapitlag pa ko sa gulat dahil sa biglang pagsulpot ni Helen. Hindi ko tuloy alam kung makikinig ba ko sa usapan nila o ano.

"You didn't ask." Raven simply said.

"You're really unbelievable Raven Joy."

"Excuse me."

Hindi na nagawa pang sumagot ng asawa niya dahil sa dere-deretso siyang umalis at pumasok sa loob kung nasan si Misty. Kanina ko pa pilit na inaalala kung sino ba ang babaeng ito, pero bigo ako. Wala akong mahagilap sa isip ko na nagkatagpo kami noon.

Sunod-sunod na paglunok ang ginawa ko dahil sa biglang pagkirot ng ulo ko. Hindi na ko natutuwa, minu-minuto na lang sumasakit ito. Damn it.

"You, alright?" nag-aalalang tanong ng pinsan ko

I just nodded at her. "I'm fine. Don't worry."

I immediately avoided my gaze to her when she staring at me intently. Ito ang pinaka ayaw ko sa lahat, ang binabasa ako ng ibang tao.

"Misty Love Thomas, 29 years old. Daughter of Robert and Anita Thomas." Raven started. "And you're a doctor, a Ophthalmologists, right?"

She nodded. "Yeah"

"Katulad namin, nagtapos ka din sa Brandon. Actually, you are Thalia's friend, tama ba ko?"

Kitang-kita ko naman mula dito sa pwesto ko ang paglunok niya. "Yeah, you're right."

Nagtatakang napatingin ako ngayon kay Thalia na hindi makapaniwalang nakatingin ngayon sa kaibigan niya. Totoo? Naging kaibigan niya ang babaeng yun? "Anong ginagawa mo sa labas ng unit ni Autumn?"

Gulat na napabaling ako ng tingin kina Raven. Naguguluhan ako. Anong nasa labas siya ng unit ko? "I'm looking for her." walang kagatol-gatol na sagot ng isa.

"Tss. She's bitch. Walang pinagbago." I heard Selene murmured.

I looked at her. "You know her?"

She rolled her eyes at me. "Ofcourse." matabang na sagot niya

Napailing na lang ako bago sulyapan si Venus na mariing nakatingin kina Raven sa loob. Gustong-gusto ko siyang lapitan at yakapin ng mahigpit pero hindi ko magawa, pakiramdam ko may malaking pader na nakaharang sa pagitan naming dalawa. "And why are you looking for her?"

"I just want to help. That's it."

Raven nodded slowly. "Help? Okay, then tell me, anong maitutulong mo sa kanya?"

Nahigit ko naman ang paghinga ko dahil sa hindi siya makasagot. Para tuloy gusto kong pumasok sa loob at ako ang kumausap sa kanya. "Tell me Misty."

She looked down. "Lahat. Lahat ng gusto niyang malaman."

Naiyukom ko ang kamao ko. Please Raven, ask her. Itanong mo na sa kanya ang lahat. Do it! "Sabihin mo sa'kin, isa ka ba sa mga dumukot kay Autumn at Venus?"

Agad akong tumingin kay Venus ng marinig ko ang pangalan niya. Para akong sinaksak ng ilang libong karayom dahil sa umiiyak na siya ngayon sa balikat ni Ianthe.

"Yes"

"That bitch! Argh! Hindi na ko makapaghintay na idapo ang kamay ko sa pagmumukha niya." galit na saad ni Cassandra.

"Bakit? Bakit niyo nagawa ang bagay na ito?" kahit mahina ang pagkakatanong ni Raven, rinig na rinig namin iyon.

Misty looked at me, before her gaze turned to Venus. "I'm sorry, nagmahal lang din ako."

Napakunot noo ako. What the fuck is she talking about? "Sumusunod lang ako sa pinag-uutos nila." she added.

I clenched my fist. Sabihin mo na ang lahat. C'mon. "Sino? Sino ang nag-uutos sayo?" Raven asked her

"Lauren" she paused. "Lauren Rodriguez."

Natigilan ako. Si Lauren, kahit papaano, naalala ko pa siya.

"What the fuck?!"

Naagaw ni Jeremiah ang atensiyon naming lahat. At katulad ko, gulong-gulo din siya dahil sa narinig.

Papaanong si Lauren? Sa pagkakaalam ko, wala akong kasalanang nagawa sa kanya.

"Nagsisinungaling yan. Hindi magagawa ni Lauren ang ganito." Jeremiah yelled. "Hindi ako naniniwala sa kanya."

"Jeremiah, wife. Calm down please."

"Kalma? Pano ako kakalma Ianthe? Kaibigan ko yung... shit lang talaga!"

Agad akong nag-iwas ng tingin sa kanila ng biglang dumapo ang atensiyon sa'kin ni Jeremiah. Ayaw ko, ayaw kong tapatan ang tingin nila. Hindi ko kaya. Dahil pakiramdam ko, sobrang hina ko. "Ginamit kami ni Lauren para magawa ang plano niya. Si Lauren ang may pakana sa nangyari five years ago." pagpapatuloy niya. "Pagkatapos magawa ni Lauren ang pakay niya, iniwan niya kami. Umalis siya sa grupo na parang walang nangyari."

She gulped hard. "Pero maniwala ka, hindi si Autumn at Venus ang dapat na mawawala ng araw na yun."

"Ano daw? Hindi ko siya maintindihan." gulong-gulo na tanong ni Selene

"Ano bang pinagsasabi n babaeng iyan? Ang gulo niya." segunda naman ni Athena

"Konti na lang talaga, papasok na ko sa loob na yan at pagsasampalin ko siya. Konting-konti na lang." And it's Cassandra

"Magsitahimik kayo. Makinig na lang kayo sa kanila." Pag-awat naman ni Penelope

Hindi ko sila masisisi, kahit ako, gulong-gulo din ako. Hindi ko maintindihan ang nangyayari. "What did you mean Misty?" Raven asked her

Pero ni isang sagot wala kaming narinig mula sa kanya. Damn it! "Sabihin mo sa'kin, sino-sino kayong gumawa ng bagay na yun?"

She shook her head. "I c-can't." she gulped. "Nagmahal lang kami Raven. Nagpa-alipin kami sa p-tanginang pagmamahal na yan. Kaya kami nasa ganitong sitwasyon."

"Hindi mo sinagot ang tanong ko."

"Si Lauren, mahal na mahal niya si Jazmine. Kaya niya nagawa ang bagay na yun kay Autumn and Venus." she looked at me. "At ang pagkawalan ng anak ni Autumn, si Lauren. Si Lauren ang dumukot sa bata."

Nanlamig ang buong katawan ko dahil sa narinig. Ngayon, unti-unti ko ng nalalaman ang totoo. Unti-unti na kong naliliwanagan.

"Inilayo ko sa kanya ang bata dahil gusto niya itong patayin." and now, she's crying. "Ako, ako ang nag-iwan ng bata sa bahay ni Venus. At oo, sinadya kong sa kanya iwan ang anak ni Autumn."

Marahas niyang pinunasan ang luhang patuloy na dumadaloy sa pisngi niya. "Jeremiah, alam kong naririnig mo ko. Si Lauren, napaka delikado niyang tao. Siya, siya ang nagtanggal ng brake sa sasakyan ng asawa mo, siya din ang humabol sa kanila noong birthday ni Penelope. Siya ang dahilan kung bakit namatay ang una niyong anak."

"Oh. My. Gosh."

Si Helen lang ang nagawang makapagsalita ngayon. Halos lahat kami dito, gulat parin dahil sa nangyari.

Hindi ko lubos akalain na magagawa ni Lauren ang bagay na yun. Bakit? Bakit pati kaibigan niya, nagawan niya ng masama?

"Nagmistulang anino niyo siya, na hindi niyo man lang napapansin."

"Sabihin mo sa'kin, sino ang may pakana ng lahat ng ito?"

Mataman silang nakatingin sa isa't isa. Hindi ko maintindihan si Raven, sinabi na ni Misty na si Lauren ang may pakana ng lahat, ano pang gusto niyang malaman? "Gaya ng sabi ko kanina, hindi dapat si Autumn at Venus ng araw na yun." she paused.


"Thalia should be that."

"What the fudge! Why me?"

Marahas akong napahilamos sa mukha ko. Ano bang nangyayari? Bakit ang gulo-gulo?

"Si Thalia dapat ang nawawala ng araw na yun. Nag-iba lang ang plano ng makita ni Lauren na mag-isa si Venus sa labas ng coffee shop. At mas lalo siyang natuwa ng nagtangkang tulungan ni Autumn ang babaeng pinakamamahal niya."

Mariin akong napapikit dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. Para itong binibiyak na hindi maintindihan. "At bakit si Thalia? Bakit hindi niyo tanungin si Brooklyn and Brier?"

Nagtatakang napatingin ako sa mga kasama ko ditong mabilis na nagsipasukan sa loob, maliban lang kay Selene na tahimik na nakatayo sa tabi ko at kay Jeremiah na mas piniling samahan kami dito sa labas.

Hindi ako makagalaw. Hindi ko magawang igalaw ang katawan ko. Matamang nakatingin lang ako ngayon kay Misty na pilit tinatago ni Aspen sa likod niya.

Ano bang nangyayari?

"You bitch! Wag na wag mong idadamay ang asawa ko sa kahayupang ginawa niyo! At saka, pwede ba deretsuhin mo na kami! Wag mo na kaming lituhin pa!" Cassandra yelled.

"Shut the fuck up! Bakit ba kayo pumasok dito?!" rinig kong sigaw ni Raven.

Nilibot ko ang tingin ko sa loob. Where's Venus? Bakit wala siya?

"Selene. Where's Venus?"

She looked at me. "Bumalik siya sa Hospital."

"May kasama ba siya?"

She nodded. "She's with Penelope."

"Ano pa? Ano pang alam mo?" Malamig na tanong ni Juno

Ayaw ko ng pakinggan pa ang pag-uusap nila. Pero mayroong nagtutulak sa loob ko, na kailangan kong malaman ang lahat.

"Si Achilles. Dra. Achilles Daniles. Alam ko kung ano ang nangyari sa kanya."

Natahimik ang buong paligid. At kahit ako, mabilis na tiningnan ang pinsan kong gulat na gulat ngayon. "What about her?" Ianthe asked

"She's not dead." she paused. "Right Juno? Raven?"

"No, this is not t-true." Selene whispered.

"I'm sorry Selene, pero lahat ng narinig mo sa kanya, totoo."

Napakunot noo ako. "Ate Prim"

Hindi ko na nagawang ibuka pa ang bibig ko para makapagsalita ng biglang bumungad sa harap namin ang taong matagal na naming inakalang patay na.

Mali kami, dahil buhay na buhay siya.

"A-achi." Selene uttered

Hindi ako makapagsalita. Ni ibuka ang bibig ko hindi ko magawa. Ang laki ng nagbago sa kanya, at ang una kong napansin sa babaeng nasa harap namin, ay ang pagkakaiba ng kulay ng dalawang mata niya.



Laking pagtataka ko ng hindi man lang niya magawa tingnan si Selene.

Anong nangyari sa kanya?


"It's Brin." she looked down. "Brin Cook Petterson. Siya ang nagtangkang pumatay kay Achilles. At siya din, ang nagtanggal ng isang kidney ni Venus."

She looked Brook and Brier. "She's a monster. Halimaw ang kambal niyo."



What the hell?!





------------

You are reading the story above: TeenFic.Net