Chapter XIX

Background color
Font
Font size
Line height


AUTUMN FOLL GONZALES






"Nasaan siya?" yan agad binungad ko kay Raven ng makarating kami dito sa bahay niya.

Simula ng sabihin ni Juno ang tungkol kay Misty, halos hindi na kami magkumahog ni Venus para lang makapunta dito.

"Raven"

She sighed. "May lumason sa kanya."

Napakunot noo ako. "Paano? Hawak na siya ng awtoridad hindi ba? Paanong nakalusot pa ang pumatay sa kanya?"

"Si Brin, siya ang nakita sa cctv na nakausap ni Misty."

Marahas akong napakamot sa ulo ko. "Paano nga nangyari hindi niyo man lang napansin na si Brin yun? Damn it Raven! Ano bang nangyayari dito?"

"Hey, calm down." napahinga na lang ako ng malalim ng maramdaman ko ang marahang paghaplos ni Venus sa braso ko.

Mabuti na lang talaga at kasama ko siya. Napapakalma niya ko. "Hindi namin alam Autumn."

Agad akong nag-iwas ng tingin para kalmahin ang sarili. Naisahan sila. Napaka galing naman talaga.

"Are you alright? Bakit kalmot ka?" rinig kong tanong sa kanya ni Venus.

Napatingin naman ako kay Raven ngayon na hindi makatingin sa'kin ng deretso. Oo nga, ngayon ko lang napansin na puro kalmot siya sa leeg at panga niya.

Saan naman nagsusuot ang isang 'to?

"Napano yan?"

"Wala 'to. Wag niyong intindihin."

Napakunot noo ako. Panay parin ang paglilikot ng mga mata na tila may iniiwasang makita. Napangisi ako. Wag ako Raven, abogado ang kausap mo. "Sino may gawa niyan?"

She gulped. "Wala nga. Ang kulit Autumn ah."

Mataman ko naman siyang tinitigan dahilan para irapan niya ko. Wow. Babaeng-babae kung umirap ah. "Tss. Ew-.."

"Raven Joy!"

Sabay-sabay naman kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses na yun. At halos mapunit ang labi ko dahil sa laki ng pagkakangiti ko. Sabi na nga ba.

Napalaban ang ungas.

"Wala lang pala yan ah."

She just rolled her eyes at me. "Shut up Autumn Foll."

Rerebat pa sana ako ng makaramdam naman ako ng marahang kurot sa braso. "Wag ng sumagot. Tara na sa loob."

Napanguso na lang ako sa kanya. Ako na talaga under sa'ming dalawa?

Hindi na mababago yun? Final na?

"Autumn"

I sighed. "Let's go mahal." oo na, ako na under sa'min.

Inirapan ko naman si Raven na nakangisi na sa'kin ngayon. Upakan ko talaga siya. Bwisit.

Pagkapasok na pagkapasok namin sa loob, si Ianthe at Jeremiah lang ang bumungad sa'min.

Nagtaka tuloy ako. Nasaan ang iba? Hindi ata sila kumpleto ngayon?

"May mga inaasikaso sila." Jeremiah said.

I just nodded at her. Naupo na lang ako sa harap ng mag-asawa habang si Venus, yumakap naman kay Ianthe na akala mo'y ngayon lang nagkita.

"Kamusta Autumn? Himala ata at lumabas ka sa lungga mo."

Napairap ako sa loob loob ko. "Naboring ako bigla ee."

"Wala na si Misty." seryosong saad niya

Napahinga ako ng malalim. "Oo, nasabi na sa'min ni Juno kanina."

"Hindi nasabi ni Misty kung saan nagtatago sina Brin." tila stress na turan ni Jeremiah

Napailing na lang ako. Ito na nga ba ang tinutukoy ni Raven. Na kung dadalhin agad namin si Misty sa mga pulis, maaring may mangyaring hindi maganda.

At nangyari na nga.

"Si Achilles, wala ba siyang sinabi?" Tumikhim ako. "I mean, wala ba siyang nalalaman?"

"Kilala ni Achi ang mga kasamahan ni Brin." hindi ko na kailangan pang lumingon dahil alam na alam ko na kung kaninong boses yun. "Sinu-sino sila Raven?" Venus asked her.

Nakatingin lang kami sa kanya habang isa-isa niyang nilalagay sa lamesa ang mga papel na hindi ko naman alam kung para saan.

"What's that Raven?" Ianthe asked her

"Papel" simpleng sagot naman ng isa

Napailing na lang ako. Mukhang hindi sila magkakasundo. Kinuha ko nalang ang isang papel at binasa yun. Bahagya pang kumunot ang noo ko ng makita ang picture na nakalagay dito.

Kilala ko siya.

Naging magkaharap din kaming dalawa sa loob ng korte.

"Davy Jones Brown." bulalas ko.

"Wait. What?" kunot noong tanong sa'kin ni Violet

Bahagya ko namang inangat ang papel na hawak ko. "Davy Jones Brown." pag-uulit ko.

"Kilala ko siya. He's Cassandra's ex-boyfriend."

I nodded slowly. "But, he's a prosecutor."

"And a killer." dagdag niya.

Napanganga na lang ako. Wow lang ah. What a coincidence?

Bakit puro mga naging part ng buhay nila ang mga taong may kasalanan ng lahat?

"Hindi lang si Davy, pati narin ang kambal niyang si Denver." Helen said all of sudden.

Kitang-kita ko naman ang pag-irap ng tinaguriang bitch ng Brandon. "Hindi na ko magugulat. Mukha naman talagang walang gagawing matino ang lalaking yan."

"Kilala mo sila wife?" Jeremiah asked her

Tila naging maapong tupa naman ang isa at ngumiti ng matamis sa asawa niya.

Tss. Sa harap pa namin.

"Yes wife." napa-iwas naman ako ng tingin ng bigla niyang halikan ang asawa sa labi. Napakahaharot.

"Hey! Get a room!" Helen hissed

Ianthe smirked at her. "Inggit ka? Two timer pa."

"Bitch" tila naiinis na sagot ng isa

Napailing na lang ako. Mukhang mauubos ang oras namin sa kanilang dalawa. "Diba, kapatid ni Damon ang dalawang yan?" Venus asked

Kunot noong napatingin naman ako sa kanya. "Who's Damon?"

"Penelope's Ex-boyfriend." she simply said

I nodded slowly. Wow naman talaga. Bakit ba ganito ang eksena ng buhay namin? Ano yun? Gantihan ng mga ex? Gantihan ng mga taong hindi pinili? Grabe ah.

"Umalis si Juno and Cassandra. Hinahanap nila si Davy." Raven suddenly said

Napahilot ako sa sintido ko. Bigla akong na-stress dahil sa mga nangyayari. "Si Achi, nasan siya?"

At itong sundalong kasama namin, kunot noong tiningnan lang ako. Napa-ayos tuloy ako ng upo. "Why are looking at me like that?"

"Pumunta siya sayo, hindi ba kayo nagkita?"

My brows furrowed. "What? No. Walang Achilles na nagpakita sa'kin ngayon."

Sasagot pa sana si Raven ng biglang sumingit sa usapan namin ang babaeng katabi ko. "Kasama siya ni Selene ngayon." nahihimigan ko pa ang pagngiti sa boses niya.

"Oh. Wag na natin hanapin ang dalawa. Hayaan niyo sila." Helen said.

"Ano namang pinag-uusapan ng dalawang yun?" kunot noong tanong ni Ianthe

I just shrugged. "Baka, closure?"

At ang bitch na 'to, inirapan lang ako. "Closure? Pero baka nakahubad silang dalawa? Wow!"

"Hey, Ianthe."

Napakagat labi ako para pigilan ang pagtawa ko. Habang itong katabi ko, tahimik na tumatawa. Jusko. "Bukod kina Misty, at kambal, kasama nila sina Andrei Steward and Phoenix Jimenez."

Bahagya pa kong nagulat dahil sa sinabi ni Raven. Totoo ngang madami silang magkakasamang gumawa ng krimen na yun. Paano ba nila nagagawa ang mga bagay na 'to? Ano bang kasalanan namin sa kanila?

"Si Misty ang tumulong kay Achi para makaligtas." Raven seriously said. "Doctor sa mata si Misty, kaya madali para sa kanya ang palitan ang nabulag na mata ni Achilles."

Napahinga ako ng malalim. Mula ng malaman naming buhay si Achi, ni hindi ko magawang tingnan siya ng matagal. Naiilang ako. "May nasabi paba siya sayo na hindi namin alam?" Venus asked her.

Raven sighed. "Meron."

Napalunok ako. Hindi ko alam, pero sa mga oras na 'to ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Parang hindi ko magugustuhan ang sasabihin niya. "She have a daughter." she paused. "With Brin."

My jaw dropped. What the hell?! "What? Totoo ba yan?"

Hindi ko alam dapat kong maramdaman sa mga oras na 'to. Bakit ba punong-puno ng rebelasyon ang istorya ko?

"Nasaan ang bata Raven?" Helen asked her wife.

Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang pagdaan ng lungkot sa mga mata ng pinsan ko. "Tinago ni Misty ang bata kay Brin. At hindi niya nasabi sa'kin, kung nasaan ang anak niya."

Bagsak balikat akong napasandal dito sa upuan. Ngayon, kailangan naming hanapin ang bata. Bago pa kami maunahan ni Brin.

Paano na?



--------





"Mag-iingat kayo."

Napangiti naman ako. Bakit ba napakasweet ng babaeng ito? Lalo tuloy akong nahuhulog "Mag-iingat ako. Wag kang mag-alala, pagbalik ko papakasalan na kita."

Kahit nag-aalala siya ngayon, nagawa parin niyang ngumiti. Napatawa tuloy ako. Kinikilig ang mahal ko. "Promise me Autumn, mag-iingat ka."

I sighed and give a peck in her forehead. "I will love."

Tumawag kasi sa'min si Juno at sinabing nakita na nila si Davy. Mukhang hindi magaling sa taguan ang gagong yun. Kaya ito kami ni Raven, papunta sa kanila. "Babalik ako sa inyo ni Gaia. I promise."

I cupped her face. Napaka ganda niya talaga. Ang makasama siya ang pinaka masayang parte sa buhay ko.

Ang mahalin niya ang pinaka masayang nangyari sa buhay ko.

"Di pa kayo tapos?" tila naiinip na pagsingit sa'min ni Lieutenant. Inirapan ko lang siya. Paepal.

"Aalis na kami."

She just nodded at me. "Be careful."

I smile. "I will honey."

Hindi na ko nagpatumpik-tumpik pa at agad ko siyang siniil ng halik na tinugunan naman niya.

Na-miss ko 'to. Ang labi niya, nakakamiss. Parang ayaw ko ng humiwalay sa kanya at gusto kong dito na lang sa tabi niya.

I'm the one who pulled out a kiss when we needed an air. I smile. I feel like ever since I met her I've been living the best dream of my life.

"Babalik ako. Hintayin mo ko."

She bit her lips. "I will." she gulped. "I love you Autumn. So much."

Mas lalong lumawak ang pagkakangiti ko. Nakakakilig. "I love you too." I kissed her cheek. "Hintayin mo ko."

Dinampian ko pa siya ng halik sa labi bago humarap kay Raven na inip na inip ng nakatingin sa'min.

"Okay na? Tapos na?"

I chuckled. "Yes Lieutenant. Tara na."

Sinulyapan ko muna si Venus na matamang nakatingin sa'kin bago sumunod kay Raven. Napahinga na lang ako ng malalim ng makasakay ako sa sasakyan niya. Bakit feeling ko, hindi maganda ang mangyayari ngayong araw na 'to?

Bakit pakiramdam ko, ito na ang huling pagkikita namin ng babaeng mahal ko?

Damn it!

Mataman akong nakatingin ngayon kay Venus hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa paningin ko. Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng takot.

Takot na hindi ko mawari kung ano.

"Are you alright?"

I gulped. "Yeah, I'm fine."

I heard her sigh. "Wag kang mag-alala, pareho tayo ng nararamdaman."

Napabuntong hininga tuloy ako. "Wala naman mangyayaring hindi maganda hindi ba?"

"Magdasal ka na wala nga."

Napairap ako. Ang hirap talaga niyang kausap. "Bwisit ka."

Imbes na mainis lang ako sa kabalbalan niya, kinuha ko na lang ang wallet ko at pinagmasdan ang picture ng babaeng matagal ko ng minamahal.

Ako mismo kumuha sa kanya ng litratong 'to noong Foundation day. Photo booth kasi yung theme ng booth namin. At kapag sinuswerte ka nga naman, nagpapicture silang magkakaibigan.

Buti na nga lang at napilit siya ni Selene na magpapicture mag-isa. Kaya kahit papaano, may naitago ako.

Ang tagal na ng picture na 'to, pero hanggang ngayon wala paring kakupas-kupas. Katulad ng pagmamahal ko sa kanya, habang tumatagal mas lalo ko siyang minamahal.

"Ganyan kaba talaga magmahal?"

Agad akong napalingon sa kasama ko. "Ha?"

"Hanggang ngayon, mahal na mahal mo parin siya."

Takang-taka ako ngayon sa kanya. Pero nagawa ko paring ngumiti. Kapag talaga siya ang pinaguusapan namin, hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Mahal ko nga talaga ang babaeng ito. "Hindi naman nagbago ang nararamdaman ko para sa kanya."

"Hindi ka ba napapagod?"

Napailing na lang ako. "Alam mo Raven, ikaw lang naman ang taong kilalang kong napagod agad."

Tinago ko ulit ang picture niya wallet ko at ibinalik iyon sa bulsa ko. "Naiintindihan naman kita kung bakit ka sumuko. Ang sa akin lang, bakit ngayon pa? Kung kailan malapit na?"

"Hindi niya ko mamahalin katulad ng pagmamahal niya para kay Samuel."

Napailing na lang ako. "Tinanong mo ba siya kung mahal ka niya?"

Natahimik naman siya. Napahinga na lang ako ng malalim. Bakit ba usong-uso sa lahi namin ang katangahan? Si Aspen pa lang ang hindi nagiging tanga, pero tingin ko malapit na. "Desisyon mo yan RJ, at kung sakaling magbabago ang isip mo at babalik kana sa kanya, lapit ka muna sa'kin."

Napakunot noo naman siya. "Ha? Bakit?"

"Tutuhurin ko muna yang kipay mong gaga ka."

Inirapan naman niya ko. "Gaga ka din."

Napatawa na lang ako. Diba, ang hirap niyang asarin. Hindi mo malaman kung napipikon ba siya o ano. "At saka, an-... Wait. May nasunod ata satin."

Agad naman akong sumilip sa likod namin. "Ikanan mo Raven."

Hindi naman siya sumagot pa at agad na sinunod ang sinabi ko. At katulad nga ng inaasahan ko, nakasunod parin sa'min ang kotseng yun. "Nakasunod parin." rinig kong bulong niya

Napa-ayos naman ako ng upo bilisan niya ang pagpapatakbo.

Minsan ko ng naranasan ang ganito. Dahil sa mga pulitikong nakakabangga ko sa korte. Naranasan ko na din ang dalhan ng mga patay na hayop sa opisina.

Pero ni minsan, hindi ako nakaramdam ng kaba.



Ngayon lang. At hindi ko alam kung alam bakit.


"Rav-... Fuck!" muntik pa kong mapasubsob sa dashboard dahil sa biglang pagpreno niya. "What the hell Raven? Papata-.. Damn it!"

Sunod-sunod ang pagmumura sa isip ko ng makita ang isa pang sasakyan na humarang sa'min. Saan galing yun? Bakit hindi ko napansin?

"Ano ng gagawin natin?"

Agad na nanlaki ang mata ko ng abutan niya ko ng baril. Jusko. Marunong naman ako gumamit nito, pero hindi ako marunong makipagpatayan. "Maghiwalay tayo."

"What?! No! Ayaw ko."

"Ililigaw ko sila. Alam mo na ang gagawin mo."

Napahilamos ako sa mukha ko bago kunin yung baril. Sabay pa kaming lumabas ng sasakyan niya at tumakbo papunta sa kakahuyan. Ni hindi ko na magawang lumingon pa sa kanya dahil sa kabang nararamdaman ko.

Ito na nga ba ang sinasabi ko. Tss.

Nang masiguro kong malayo-layo na ang tinakbo ko, humihingal na napahinto ako. Ngayon lang ako nakatakbo ng ganun katagal at ganun kalayo.

"Damn you Raven. Ako ang papatay sayo pag nahuli ka nila." shit lang talaga.

Napahinga pa ko ng malalim bago magsimulang humakbang.

Halos hindi pa ko nakakausad ng may maramdaman akong hapdi sa binti ko dahilan para mapahinto ako.

Shit lang talaga.

"Sapol"

Gulat akong nakatingin ngayon sa pigurang unti-unting lumalapit sa'kin. Kung kabado ako kanina, mas doble ngayon.

Buong lakas kong inalis ang kutsilyong nakatarak sa binti ko at sinimulang tumakbo. Hindi ko inindad ang sakit ng sugat ko dahil ang mahalaga ngayon ay ang makaalis ako sa lugar na 'to.

"Atty. Hindi ka ba napapagod? Panay ang takbo mo."

Hindi ko pinansin ang sinabi ng ungas na yun at dere-deretso lang ako sa pagtakbo.

"Autumn"

"Fuck!"

Nanghihinang napasubsob ako sa lupa sa pagtama ng kutsilyo sa tiyan ko. Nabitawan ko na din ang baril na hawak ko at mariing napahawak sa tiyan ko.

Shit! Ang sakit.

"Pinagod mo ko Atty."

Sinubukan kong tumayo pero hindi ko na nagawa pa dahil sa malakas na sipa ang natanggap ko mula sa kanya. "Akalain mong magkikita tayong muli dito."

"L-lauren"

She smirked. "Ako nga. Long time no see."

Naiyukom ko ang palad ko. Siya, siya ang dahilan ng lahat ng ito. Buong lakas kong binunot ang kutsilyong nakatarak sa tiyan ko at sinubukang isaksak iyon sa kaniya.

Na agad naman niyang nailagan. "Wrong move Atty. Gonzales." At sa pangatlong pagkakataon, sinaksak niya ko.

Sa dibdib.

Ramdam na ramdam ko ang panghihina ko. "P-please Lauren. T-tama na."

Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa kutsilyong hanggang ngayon nasa dibdib ko parin. Unti-unting tumulo ang mga luha ko.

I coughed. "May p-pamilya akong naghihintay sa'kin. Bakit mo ba g-ginagawa ang bagat na 'to?"

"I'm sorry Autumn, pero tinatapos ko lang ang nasimulan ko."

"S-sumuko kana. Sumuko kana sa batas."

"Susu-..."


"Autumn! Damn it!"

Doon ako nabuhayan ng loob. Kahit nanlalabo ang paningin ko, kitang-kita ko parin ang damit niyang punong-puno na ng dugo.

"Raven"

Please... help me..

"Susuko ako sa batas Autumn. Pero papatayin muna kita."

She stabbed me again in my chest. Napapapikit ako at tanging mukha ng babaeng mahal ko ang nakita ko.

Venus, please. No matter what happen, wait for me.

That was the last thing that came to my mind before I loss consciousness.





---------

You are reading the story above: TeenFic.Net