Chapter XIV

Background color
Font
Font size
Line height


AUTUMN FOLL GONZALES



"Autumn! Shit naman. Alam kong nagmamadali tayo, pero please lang, bagalan mo naman!"

Napahigpit ang kapit ko sa manibela. Gustong-gusto ko ng makarating sa Hospital. Gusto ko ng alamin kung anong nangyari kay Gaia. Damn it! "Shit Autumn! Slow down!"

I inhaled deeply. "I'm sorry."

Agad kong binagalan ang pagpapatakbo ko. Nawala sa isip ko na may kasama pala ako dito. "Alam kong nag-aalala ka katulad ko. Pero please lang, gusto kong makarating sa Hospital bilang bisita, hindi bilang pasyente."

I bit my lower lips. "I'm sorry Juno."

I heard her sigh. "Just relax, pwede mong bilisan pero may ingat." she looked at me. "Ayaw ko pang mamatay."

Matagal na namayani ang katahimikan sa'ming dalawa hanggang sa tuluyan na kaming makarating dito sa Hospital. At katulad ng ginawa ko kanina, iniwan ko na siya at nauna na kong pumasok sa loob. Lakad takbo pa ang ginagawa ko.

Halos hindi ako mapakali sa loob nitong elevator. Panay ang hinga ko ng malalim. Bakit ba pakiramdam ko, ang bagal ng paggalaw nito? Tss.

Ilang minuto lang ang hinintay ko bago nakarating sa floor kung saan ako pupunta.

At halos manigas ang buong katawan ko ng makita ang babaeng mahal na mahal ko kasama ang mga kaibigan niya na umiiyak. Wala ng mas sasakit pa ang makita siyang ganito.

I clenched my fist, trying to calm myself. "Venus"

Parang sinaksak ang puso ko ng ilang kutsilyo dahil sa nakita. "A-autumn"

I immediately run towards her. Agad ko siyang niyakap ng mahigpit na tinigunan niya. "Autumn, si G-gaia."

I bit my lower lip. "Sshh. Don't worry, magiging okay din si bulinggit. Trust me honey." I softly said to her while I gently caressing her back.

"Venus!" hindi na ko umangal pa ng agad siyang bumitaw sa pagkakayakap ko at patakbong lumapit sa pinsan niya

Napahinga ako ng malalim. "May atraso ka pa sa'min Gonzales."

Agad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses na yun. At kung wala lang kami sa ganitong sitwasyon, baka natakot na ko sa kanya dahil sa sama ng tingin niya. "Wife, calm down."

"You, cheater." mahina ngunit madiin niyang saad.

Napalunok ako. Kung gagawin niya ang ginagawa sa'kin ni Juno kani-kanina lang, please wag na.

Ayaw kong mabaog. Jusko.

"Hindi ito ang oras para dyan Vi." Juno said

Tanging pag-irap lang ang tinugon sa kanya ng kaibigan. Hindi ko na lang sila pinansin at lumapit sa babaeng nakatulala sa kawalan at malalim ang iniisip. "Mahal"

She looked at me, teary-eyed. "Your here."

I bit my lower lip. "Yes, I'm here. And I'm always here for you. Hindi ko kayo iiwan."

Mariin akong napapikit ng yakapin niya ko ng mahigpit. Hinding-hindi ako aalis sa tabi mo,  kahit na ilang beses pa niya kong ipagtabuyan, hinding-hindi ko siya iiwan.

Nasa ganon kaming posisyon ng lumabas ang na labis kong ikinakaba. Bakit pakiramdam ko, hindi maganda ang sasabihin niya?

Please, wag naman. Ayaw kong may mangyaring masama sa batang iyon, sa tinuturing kong tunay na anak.

"Doc? What happened to her? Is she alright?" Ianthe asked.

"Where's the guardian?"

Naramdaman ko pa ang paghigpit ng kapit ni Venus sa baywang ko. I gulped. "Kami po, kami ang magulang ng bata." biglang saad ko, dahilan para makuha ko ang atensiyon nilang lahat. I sighed. "What happened to her?"

"Your daughter is suffering from Acute Lymphocytic Leukemia."

Pakiramdam ko nayanig ang buong mundo ko pagkatapos kong marinig iyon. Sobrang gulat na gulat kaming lahat dito, wala ni isang makapag salita.

I looked up trying not to fall my tears. Fuck it! Bakit siya pa? Bakit si Gaia pa?

Napaka bata niya pa. Bakit ba nangyayari ang lahat ng ito? "Doc, can you please do the test a-again? Baka naman nagkakamali lang kayo." I gulped hard. "Please, ulitin niyo yung test."

"Pangalawang beses na itong result na ginawa namin. At katulad ng una, ito rin ang lumabas." mahinahong sagot niya

Natigilan ako. Ibig sabihin, lumabas na ang result niya? Agad akong napabaling sa babaeng tahimik na umiiyak sa upuan. "Ven, bakit hindi mo sinabi sa'kin?"

She looked down, crying hard. "Hindi ko alam ang gagawin ko Autumn."

Napakagat labi ako para mapigilan ang sariling hindi mapaiyak. Bakit hindi man lang niya sinabi sa'kin? Ayaw ba niyang malaman ko? Pero bakit? "Pero sana sinabi mo sa'kin Venus. Para naagapan natin."

She shook her head. "Hindi mo ko naiintindihan."

Sunod-sunod na paglunok ang ginawa ko. Gulong-gulo na ko sa mga oras na 'to. Hindi ko na talaga siya maintindihan. "Then, ipaintindi mo sa'kin." I took deep breath. "Makikinig naman ako ee."

"Hindi ko alam kung anong gagawin ko!"

"Anong hindi mo alam? Nanay ka niya diba?" damn it! Ang gulo!

"I'm not her mother!" agad na sigaw niya

Natigilan ako. Hindi ako makapaniwala sa narinig. Patuloy lang ang pag-agos ng luha niya. Gustong-gusto ko siyang yakapin ngayon ng mahigpit at sabihing okay lang ang lahat, pero hindi ko magawang igalaw ang katawan ko, tila natuod ako. "What di you say?"

She bit her lips. "I'm not her mother." she paused. "I a-adopt her."

Doon lang naging malinaw sa'kin ang lahat. Agad akong nag-iwas ng tingin. Hindi ko alam ang dapat kong sabihin sa kanya.

Bakit ba ang hilig niyang magsikreto?

Nanghihinang napaupo ako. Akala ko, alam ko na ang lahat ng tungkol sa kanya. Kaya ba, hindi niya sinasabi sa'kin kung sino ang ama ni Gaia, dahil hindi niya ito anak?

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isipin. Hindi ko na din alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman.

"I'm sorry, hindi ko sinabi sayo."

I covered my face, with my hands. What the fuck is happening? Bakit si Gaia pa? Bakit ang pamilya ko pa?

Hey fate, bakit kami pa?

"Pinaalis ko na yung Doctor. Nakakahiya naman kasi kung marinig pa niya ang pagtatalo niyong dalawa." nahihimigan ko pa ang inis sa tono niya. Tss.

"Ianthe" Jeremiah warned her.

"Okay lang naman daw kung magdonate ako ng dugo." Venus started. "Pero, mas kakailangin daw ng katawan ni Gaia ang dugong magmamatch sa kanya." she added.

I inhaled deeply. "You mean, ang pamilya niya." Napalunok ako. "Kailangan natin silang makita? Yun ba ibig mong sabihin?"

She looked down, nodded. "Yeah"

Great. Ang galing talaga. At saan namin hahanapin ang mga iyon?

Mariin akong napapikit bago napahawak sa ulo ko. Napangiwi pa ko ng bahagya itong kumirot. Damn it. Please lang, wag kana munang sumabay. Wag ngayon.

"Girls!" lahat kami napatingin ngayon sa iba pa niyang kaibigan na humahangos papunta sa'min.

"Sorry, nahuli kami, kamusta si Gaia?" nag-aalalang tanong ni Penelope

Walang sumagot sa kanya. Marahil hindi alam kung ano ba ang dapat na isagot sa tanong niya. Napabaling naman ang atensiyon ko sa babaeng tahimik na nakaupo dito sa tabi ko. I inhaled deeply and held her hand. "Mahal"

Gusto kong murahin ang sarili ko ng makita ang malungkot niyang mata. Bakit ba kung kailan nagsisimula na ang lahat sa'min, saka naman magkakaroon ng ganitong problema? "I'm sorry."

I cupped her face and wiped the tears in her face using my thumb. "Hey, wag kang magsorry sa'kin. Wala kang kasalanan."

She shook her head. "Napabayaan ko si Gaia. Hindi mangyayari ang lahat ng 'to kung di ko siya inalagaan ng maayos."

I immediately hugged her. "Don't say that Venus. Naalagaan mo ng maayos si Gaia. Look, lumaki nga siyang mabuting bata hindi ba?" I kissed her forehead. "Always remember love, everything happens for a reason."

Kung may magagawa lang ako para mapawi ang sakit na nararamdaman niya ngayon, ginawa ko na. Agad ko siyang dinaluhan ng mahigpit na yakap. Ayaw ko ng ganito. Ayaw kong umiiyak siya. Dahil sa tuwing nasasaktan siya, mas nasasaktan ako.

"May sakit si Gaia, tama ba ko?" I heard Selene asked

"Yeah" mahinang sagot sa kanya ni Juno.

"So anong plano niyo? Hanapin yung totoong magulang niya?" Cassandra asked

Agad namang humiwalay sa'kin si Venus at hinarap ang mga kaibigan niya. "Hindi ko alam."

"Hanapin?" kunot noong tanong ni Selene.

Pati tuloy ako, nagtataka sa mga kinikilos niya. Parang ang kalmada niya lang ngayon, parang hindi siya nababahala. "Oo, may iba pa bang magagawa?" Athen asked her

"Ang tanong, saan natin hahanapin yun?" tila frustrated na tanong ni Thalia

Napahilot ako sa sintido ko ng kumirot na naman ang ulo ko. Damn it! Sabing wag ka muna makisabay ee. Nakakainis. "Autumn, are you alright?" Selene asked

I just nodded at her. "Yeah. Just a migraine."

She nodde slowly. "Bakit pa kailangan hanapin ang magulang ni Gaia?"

Halos lahat kami dito, nagtatakang tiningnan si Selene dahil sa sinabi niya. At ang mas nakakapagtaka pa dun, ang kalmado niya lang habang sinabi ang mga katagang yun.

Ano ba talagang nangyayari sa babaeng ito?

"Hindi mo naiintindihan Kendra?" tila naiinis na tanong sa kanya ni Penelope

"Alam mo Sel, kanina ka pa. Kung wala kang magandang sasabihin, mas magandang tumahimik ka nalang." She paused. "You're not helping."

Agad akong napabaling ng tingin sa pinsan kong mariin ding nakatingin sa'kin. Napakunot noo ako. Hindi ko mabasa kung ano bang nasa isip niya ngayon. Base sa tingin niya, para bang may nagawa akong kasalanan.

"Hindi ko na kailangan hanapin ang magulang ni Gaia." she said, still looking at me.

"Shut up Selene Kendra. Hindi na kami natutuwa sayo." Ianthe said

Agad niyang inalis ang tingin sa'kin ay inilibot ang tingin sa mga kaibigan niya. "Hindi niyo na kailangan pang hanapin ang taong yun." she looked at me. "Dahil nandito naman siya."

My brows furrowed. What is she talking about? ."What did you mean Selene?" Helen asked her, all of sudden.

"Kung si Venus, hindi nagmatch kay Gaia." she looked at me, again. "Why don't you try Autumn?"

Napakunot noo ako. "Ano bang pinagsasasabi mo?" Gosh. Kung may alam siyang paraan, bakit hindi niya agad sabihin? Bakit kailangan pa-intense pa?

"Si Autumn, nasa dugo niya ang buhay ng inaanak ko."

"Can you please get straight to the point Selene?" nahihimigan ko na ang iritasiyon sa boses ni Venus ng sabihin niya iyon.

Sunod-sunod na paglunok ang ginawa ko ng mataman siyang nakatingin sa'kin.

Ano ba talagang problema Selene?

"Gaia" she gulped. "Gaia is your daughter Autumn. She's your real daughter."





-----------


a/n: wala akong kaalam-alam sa mga sakit na yan. So, kung mali man ang nasulat ko dyan, hayaan niyo na. Hehe.

Muah!:*

You are reading the story above: TeenFic.Net