Chapter VIII

Background color
Font
Font size
Line height


AUTUMN FOLL GONZALES






"Saan po kayo pupunta ni Mommy?"

Napatawa ako ng mahina. Kanina pa siya tanong ng tanong sa'kin at kanina ko parin sinasagot ang tanong niya.

Paulit-ulit na kami dito at para na kaming sirang plaka. Jusko. "Baby, kakain kami sa labas."

Her brows furrowed. "Tita Autumn, kanina mo pa po sinasabing kakain kayo sa labas."

I shook my head in disbelief. "Kasi kanina mo pa tinatanong kung saan kami pupunta. Kaya malamang, sasabihin ko talagang kakain kami sa labas." ibang klase talaga ang bata ito.

"Bakit nga po kayo kakain sa labas? Kung pwede namang kumain dito sa loob ng bahay?" kunot noong tanong niya

Napamaang ako sa kanya. Sa totoo lang, para siya ang nanay ni Venus, grabe sa pagkastrikto jusko. Nanggigil na kinurot ko ang pisngi niya. Napaka cute kasi. Ang kulit pa. "Don't worry baby, I will take care of her. Hindi ko pababayaan si mommy mo." I gently caressing her cheeks. Ewan ko lang ah, pero pakiramdam ko sobrang kilala ko siya.

Kahit tinatanaw ko lang sila noon ng mommy niya, sobra-sobra na ang pag-aalala ko sa kanya. Pakiramdam ko pa nga, tunay ko siyang anak.

Nababaliw na siguro ako.

"Promise me Tita Autumn, you'll take care of her."

I smile and nodded at her. "Promise."

Marahan ko namang dinampian ng halik ang noo niya. Kahit hindi ko siya totoong anak, mahal na mahal ko siya. At gagawin ko ang lahat ng makakaya ko maprotektahan lang silang dalawa ng mommy niya.

"Ang tagal naman ata ng mommy mo."

she just chuckled. "Nagpapaganda pa si mommy."

Napangiti ako. "Hindi na kailangan yun. Sobrang ganda na ng mommy mo."

"Yes, you're right. She look like an angel."

Napatawa naman ako. Pustahan paglaki nito, magiging bolera din siya. "Pano mo nasabi bulinggit? Nakakita ka na ng angel?"

She nodded at me. "Yes. Sa tuwing tumitingin ako sa salamin." she proudly said to me

Napamaang ako. Wow naman talaga. Hanep sa lupet. HAHA lakas makabuhat ng sariling bangko ng batang ito. "Wow. How to be you po?"

She just giggled at me. Natatawang niyakap ko naman siya. Kung magkaka-anak man ako, syempre si bulinggit na yun. Anak namin siya ni Mahal ee.

"Wow. Ang sweet niyo naman."

Mas lalong lumawak ang pagkakangiti ko ng marinig ko ang mala-anghel niyang boses.

"Syem-... W-wow."

Shit lang.

Nasa langit na ba ako? Bakit may anghel dito sa harap ko?

Simple lang naman ang suot niya. Nakasuot siya ng blue floral dress above the knee. Simple na nga lang ang suot niya pero napakalakas parin ng dating niya sa'kin.

Tamang-tama nga ang sinabi ni Gaia kanina, mukha talaga siyang anghel.

"Tita Autumn, alam kong sobrang ganda ni mommy, pero pwede mo na pong isara ang bibig mo."

Doon lang ako nabalik sa ulirat ko at agad na tumikhim. Nako. Nakakahiya. Para akong tangang nakatulala sa kanya at nakanganga pa. Jusko lang talaga. "Hi mahal." I gulped hard. "Wow. You're beyond gorgeous." kung ganito ba naman kaganda ang nasa harap mo, tingnan lang natin kung laway lang ang tutulo sayo.

She chuckled. "Thank you Autumn. Ikaw din, ang ganda mo ngayon." Jusko po. Mas lalo akong nahuhulog sa kanya.

"Salamat mahal. Pero araw-araw akong maganda." proud na proud na sagot ko

"Wow. So conceited tita Autumn."

Napanguso naman ako. Napaka alaskador talaga ng batang ito. Manang-mana siya sa mga ninang niya. Hay nako.

"Hoy kayo love birds. Baka naman pwedeng umalis na kayo? Jusko. Ang haharot ee."

Napairap naman ako. Isa pa 'tong babaeng ito. Napaka paepal din jusko. "Hoy ikaw Kendra. Bantayan mong maigi si bulinggit ah. Wag mong ipapakagat yan sa lamok."

She raised her brow at me. "Wow. Makapag bili kala mo nanay talaga."

Kung wala lang talaga sa harap namin si Venus at si bulinggit, binato ko na sa kanya ang sandals na suot ko. Napakatabil ng dila! "Hey girls. Calm down." pag-awat naman sa'min ni Venus "Aalis na kami Selene, ikaw ng bahala kay Gaia."

My cousin just smile at her. "No problema my friend. Akong bahala dito sa inaanak ko."

Napangiti naman ako ng mapasulyap ako kay bulinggit na matamang nakikinig sa'min. "Hey baby, come here to mommy."

"Mom, hindi ko na po kayo hihintayin makauwi?"

Venus just smile at her. "Yes baby, matulog kana agad mamaya kasi may pasok ka pa bukas. Si ninang Selene mo ang bahala sayo."

"Okay mommy. Take care."

Pareho naman naming dinampian ng halik sa pisngi si Gaia bago yakapin si Selene. Napaka laki talaga ng utang na loob ko sa babaeng ito. "Enjoy your night girls!"

Napangiti ako. Napaka supportive talaga ng pinsan ko. Hay.

Nakangiting pinagbuksan ko naman ng sasakyan ang diyosang kasama ko ngayon. Hindi naman niya ko binigo at maingat siyang pumasok sa loob. "Fasten your seatbelt my majesty."

She chuckled. "Sige, uripon."

Napamaang ako. Grabe siya. Pareho talaga sila ng anak niya, panira ng moment. Ay nako. "Anong uripon ka dyan? Mukha ba kong alipin?"

"Ikaw nagsabi niyan, hindi ako." natatawang sagot niya sa'kin.

Napanguso ako. "Ang harsh mo sa'kin mahal ah. Hindi mo ba ko lab?"

Ang ang diyosang ito, tinawanan lang ako. May nakakatawa ba sa sinabi ko? Ha? "Magmaneho ka na lang diyan Autumn."

Napailing na lang ako bago sundin ang sinabi niya. Saglit lang namayani ang katahimikan sa'ming dalawa ng may maalala akong sabihin sa kanya. Paniguradong matutuwa siya. "Mahal"

"Yes?"

Napangiti ako. Feeling ko talaga mag-asawa na kami. Shit lang. Lakas maka-mahal. HAHA "Marunong kaba gumawa ng brownies?"

Napakunot noo naman siya dahil sa sinabi ko. Ano ba naman yan. Miski pagkunot ng noo bagay sa kanya. Wala ba kong maipipintas sa babaeng ito? "Syempee naman. Bakit mo natanong?"

Mas lalong lumawak ang pagkakangiti ko. "Gusto kasi ng mga katrabaho ko ang brownies. Pa-order daw sila."

Napatawa naman ako ng makitang gulat na gulat ang ekpresiyon ng napakaganda niyang mukha. Kung hindi lang ako nagmamaneho ngayon, hahalikan ko talaga siyam

Kaso hindi pa pala kami. Hehe

"Really?"

Nakangiting tumango ako sa kanya. "Yep. Ano? Game kaba?"

"Syempre naman. Malaking tulong din yun para sa'min ni Gaia."

Sobrang lawak ng pagkakangiti ko. Sobrang saya ko lang kasi kahit sa simpleng bagay na yun, napasaya ko na siya.

Gaya nga ng sabi kp noon, gagawin ko ang lahat para sa kanilang dalawa. Sa ngayon, yan lang muna ang maitutulong ko. Inaayos ko pa ang lahat ng dapat ayusin.

Ibibigay ko ang lahat ng bagay sa deserve niyang makamit. Dahil gusto ko, kasama niya ko sa bawat tagumpay niya sa buhay.

Nabalik naman ako sa ulirat ko ng maramdaman ko ang mainit na kamay na nakahawak ngayon sa kamay ko. "Thank you so much Autumn. I really appreciate it."

I bit my lower lip to stop myself from smiling. "I want to help you Venus. At gagawin ko ang lahat, makatulong lang sa inyong dalawa ni Gaia." I inhaled deeply. "Napaka halaga niyo sa'kin."

Simula ng makasama ko silang mag-ina, sobra-sobrang saya ang aking nadarama. Pakiramdam ko talaga buong-buo ako kapag sila ang kasama.

At hinding-hindi ako magsasawang kulitin sila sa araw-araw na ginawa ng diyos. Dahil ang tanging gusto ko lang, maging masaya kapiling ng dalawang babaeng mahal na mahal ko.

Napahinga ako ng malalim ng maramdaman ang pagpatong ng ulo niya sa balikat ko. Simple lang ang ginawa niya pero para sa'kin, sobrang laki na nun.

Iba nga talaga ang tama ko sa kanya. Hay nako.

Mahal ko nga talaga siya, walang duda.

Namayani ang mahabang katahimikan sa'ming dalawa hanggang sa maihinto ko ang sasakyan ko sa tapat ng isang Italian Restaurant dito lang din sa Manila. Pinagbuksan ko lang ng pinto ang diyosang kasama ko.

"Tara?"

Marahan kong hinawakan ang kamay niya ay iginiya siya papasok sa loob. Napangiti pa ko sa guard dahil sa gulat ng makita niya ko.

Well, ganda kasi ako.

"Bakit parang may pakiramdam ako na kilala ka ng mga crew dito?" she whispered into my ear.

I just chuckled. "Suki." simpleng sagot ko

Natatawang napailing na lang siya sa'kin. Kasalanan ko bang favorite ko ang Italian food? "Good evening Ma'am."

Napangiti ako. "Good evening Chester."

Gusto ko namang matawa ng malakas ng kulang na lang, mag mukha siyang catsup sa pagkapula ng mukha niya. "Here's the menu ma'am. Enjoy your night."

"Thank you." Venus said

Napatawa na lang ako ng mahina. Hanggang ngayon parin talaga, hindi parin sila sanay sa presensiya ko. "Mukhang suking-suki ka nga dito."

"Promise, masarap ang mga pagkain dito."

She smirked at me. "Talaga ba?"

Mabilis naman akong tumango naman sa kanya. "Oo naman. Baka nga unang tikim mo pa lang makalimutan mo na ang pangalan ko, at matawag mo kong 'mahal ko'".woah! Smooth ko dun! Shet! HAHA

"Ibang klase ka, nasingit mo pa yun." natatawang sagot niya sa'kin.

Napatawa din tuloy ako. Kapag talaga siya ang kasama ko, nagiging mabulaklak ang lahat ng mga salitang sinasambit ko.

Hay buhay.

"You know what, all day long I've been dreaming about having this dinner with you."

And again, she just smile at me. The sweetest smile I've ever seen in my entire life. Tell me guys, how can I unlove her? "Patay na patay ka kasi sa'kin noon."

Napaismid ko. Hindi na talaga mawawala sa ugali niya ang mangbasag ng trip. "Hanggang ngayon parin naman, deads na deads parin ako sayo."

She laughed. Damn it! Tawa pa lang niya, nakaka-inlove na. "Ay wow. Ina-.."

"Venus? Is that you?"

Halos sabay pa kaming napalingon sa epalogs na tumawag sa pangalan ng babaeng mahal ko.

At kulang na lang maghalo ang balat sa tinalupan mg makilala ko kung sino ang lapastangan na sumira ng mood ko.

Anak ni Goku, oo. Anong ginagawa ng bwisit na 'to dito?

"Jaroi? Ikaw na ba yan?"

At gagong 'to, pasimple pang ngumisi sa'kin na akala niya ata hindi ko napansin.

Ang kapal ng kanyang fucking effin face ah. Pangit naman.

"Yes honey, it's me. Your first love." he said with a pride.

Tss. First love daw. Edi wow! Hindi naman naging sila ah. Kung maka-first love akala mo naging sila ng mahal ko. Ipakulong ko siya ee.

"Oh my gosh!"

Agad akong nag-iwas ng tingin ng halos sunggaban siya ni Venus ng yakap, na sobrang kinainis ko.

Ang sarap magmura ngayon.

Sa harap ko pa talaga. Bwisit.

"I miss you Jaroi." Dapak! First blood. Aray. "I missed you so much." double kill. Aray ulit.

Napahinga ako ng malalim bago mabilis na ininom ang isang basong tubig na nasa table lang namin.

Bakit ba lahat na lang ng tao, natatalo ng first love?

At sa kamalas-malasan pa, kasama ata ako sa mga talunan na yun.

Tahimik akong tumayo at umalis sa pwesto ko. Mabilis naman ang paghakbang na ginawa ko para makapasok sa restroom.

Tandang-tanda ko pa yung panahon na binusted ako ni Venus ng dahil sa lalaking yun. Sariwang-sariwa pa sa'kin ang lahat.

Kung pano ako unti-unting nadurog ng sabihin niya sa'kin ang katagang...

"hindi ko magagawang mahalin ka gaya ng iniisip mo."

Mapait akong napangiti sa repleksiyon ko sa salamin.

Ano Autumn? Papayag kaba na sa pangalawang pagkakataon matalo ka ulit?

Papayag kaba na hindi ulit piliin?

I clenched my fist. "No, hindi ako papayag."

Itook a deep breath. Ngayon pa ba ko susuko kung kailan malaki na ang nasimulan ko? Syempre hindi,  tuloy parin ang laban.

Pero wala naman sigurong masama kung makaramdam ako ng sakit sa puso ko dahil sa nasaksihan.

Tao lang din naman ako, nasasaktan.

Pero kung duwag ako noon, hindi na ngayon. Ipaglalaban ko na siya, gaya ng paglalaban ko sa mga taong natulungan kong maipaglaban ang kanilang karapatan.

Hindi ko siya susukuan, kahit yung first love pa niya ang kalaban ko.




First kiss naman niya ko.

Yiiieee!




--------

You are reading the story above: TeenFic.Net