Chapter IV

Background color
Font
Font size
Line height


AUTUMN FOLL GONZALES





"Maari mo bang isalaysay sa'kin kung nasan ka nang mangyari ang krimen?"

Nagpamulsa ako sa harap niya at seryoso siyang tiningnan. Habang siya naman, tila boring na boring na kausap ako. Minsan talaga, ang sarap upakan ng mga kriminal. Jusko. "Nasagot ko na yan noong nakaraan. Bakit kailangang paulit-ulit?"

I just smile at him. "Pakiusap, sabihin mo sa'min ngayon."

He rolled his eyes at me. "Nasa bahay ko. Hindi naman ako naalis sa bahay ko."

I nodded slowly. Nasa bahay pala huh. "Pero base sa nakuha naming impromasyon, hindi ka nauwi sa bahay mo magmula ang araw kung saan napatay ang biktima?" sinimulan kong buksan ang folder na hawak ko. "Sinabi mo din sa'min noong nakaraan na sa unit mo ikaw tumutuloy." I looked at him. "Bakit naiba na ata ngayon?" 

Napangisi ako sa loob loob ko ng makitang tila natuliro siya dahil sa katangahang nasabi niya. Puno narin ng bulung-bulungan ang maririnig diti ngayon sa trial court.

I cleared my throat. "Base sa nakalap naming impormasyon, may witness na nakakita na ikaw ang pumatay sa biktima."

"Hindi ko siya pinatay!" madiing sagot niya.

I nodded slowly. "Pero, yun ang sinabi ng witness." I paused "Na kasama mo sa pagpatay mo sa biktima." 

Hindi naman nakatakas sa'kin ang pasimpleng pagyukom ng kamay niya. Hindi ako nagpakita ng kahit anong takot sa kanya bagkus ngumisi ako sa kanya.

Mukhang mananalo ulit ako. Tss. Tss.

"Hindi ko siya pinatay." he said, still looking at me. "Hindi ko siya pinatay!" 

Imbes na sagutin ko siya, hindi ko pinansin ang sinabi niya. Rela lang, aaminin na yan. Konti na lang. Konting pang-aasar na lang.

"Hindi ko siya pinatay!"

I inhaled deeply. "Sinasabi mo bang nagsisinungaling ang kaibigan mo?" 

Lahat napasinghap ng mabilis siyang tumayo mula sa pagkakaupo. Napangisi naman ako sa loob loob ko ng makitang unti-unting umagos ang luha niya. "Hindi ko pinatay si Ana! Hindi ko siya pinatay!" sigaw niya. "Si Raymond! Siya ang pumatay kay Ana! Siya! Hindi ako!"

I nodded slowly. "Pero sabi ni Raymond, ikaw ang pumatay sa bik-.."

"Ginahasa ko siya!"

Tila tumahimik ang buong paligid dahil sa pag-amin niya. Napangisi naman ako. Bakit kaya may mga taong gumagawa ng krimen, pero sila din mismo ang lalaglag sa sarili nila.

"Si Raymond, siya ang pumatay kay A-ana." he added, looking down.

Nakangising humarap ako sa judge na gulat na gulat sa mga nangyayari. "He's guilty Judge." I smirked. "Your son is guilty."

"Shet lang Autumn! Napaka galing mo talagang babae ka!"

"Kaya nga. Akalain mong nahuli mo ang bwisit na yun sa sarili niyang dila."

I just shrugged at them. "Magaling ako ee."

"Ay punyemas. Lumaki ang ulo."

Natawa na lang ako sa kanilang dalawa. Kahit ako, hindi ko akalain na maipapanalo ko ang kasong hawak ko. Pero gaya nga ng sinabi ko kanina, magaling ako ee. Pssh.

Naramdaman ko naman ang pagpatong ng braso ni Abi sa balikat ko. "At dahil napanalo mo ang kaso, bar tayo!"

I chuckled. "Pass muna ko. May kailangan lang asikasuhin."

"Ay wala. Madaya. Pass daw."

Sabay naman kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses na yun. Hindi ko parin maiwasang hindi mamangha sa kanya.

Jazmine Manansala...

"Jaz! Buti nandito kana! Pakiusapan mo nga itong si Atty. Gonzales. Nagpapaka-KJ na naman kasi ee."

Napatawa ako. Talagang si Jaz pa ang naisipan niyang kumulit sa'kin. Ibang klase talaga ito. "Hey Autumn!"

I just smile at her. "Yow Jaz."

"Yiiee. Nakakakilig naman."

Napailing na lang ako habang natatawa na lang ang isa sa kanya. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman naming lahat na nagkagusto sa'kin si Jazmine noong college days namin. Lakas loob siyang umamin sa'kin noon. Ang kaso lang, talagang nasa iba na ang puso ko noon, well hanggan ngayon naman. Nagkaroon naman kami ng maayos na pag-uusap na hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay sa kanya.

Sadyang paepal lang talaga si Abigail at panay ang ship sa'ming dalawa. Hay nako

"Iwan ko muna kayong dalawa dyan. Moment niyo 'to ee."

Napailing na lang ako dahil sa kagagahan niya bago umupo sa swivel chair ko. Napahinga ako ng malalim. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod.

"Naipanalo mo daw ang kaso?"

I nodded at her. "Yup. Thanks to Abigail, tinulungan niya ko."

"Hindi kaba natatakot Autumn?" she seriously asked

My brows furrowed. "Natatakot? Saan?"

Marahas siyang umupo sa upuan na nasa harap ko ngayon at seryosong tiningnan ako. "May problema ba Jaz?"

She sighed. "Look Autumn, si Judge ang kinalaban mo. Hindi ba delikado yun para sayo?"

I just smile at her. Alam ko na ang pinupunto niya. "I'm fine Jazmine. Don't worry about me. Kaya ko ang sarili ko."

She shook her head. "Hindi na talaga kita maintindihan. Ang hilig mong pumasok sa mga bayay na ikapapahamak mo."

I inhaled deeply. "Relax lang Jazmine. Walang mangyayaring masama sa'kin. Masamang damo ako ee."

Kita ko naman ang pagtutol sa mukha niya dahil sa sinabi ko. Hindi ko na lang yun pinansin at tumayo na. May gusto akong makita ngayon.

Namiss ko siya bigla. Hihi.

"Where are you going?" kunot noong tanong niya

Napangiti ako. "Kay Venus."

She nodded slowly. "By the way, iniinom mo ba ang gamot mo?"

This time, ako naman ang napakunot noo. "Bakit ko nga ulit kailangan uminom nun?" dahil sa totoo lang, hindi ko alam kung para saan ba ang pag-inom ko ng gamot na yun. Sabi sa'kin ni mom, vitamins daw.

Anong akala nila sa'kin? Bata? Tss.

"So, hindi ka umiinom?"

Napahinga ako ng malalim. "Look Jaz, hindi naman siguro kailangan na inumin ko yun."

"But Autumn, you ne-.."

"I have to go Jazmine. Sasabay kaba sa'kin?" I cut her off.

We staring each others for a moment before she immediately avoided my gaze. "Hindi na." she sighed and looked at me. "Take care Autumn."

I just smile and nodded at her. Dere-deretso lang ang paglalakad ko hanggang sa marating ko ang kotse ko. Napabuga ako ng hangin ng tuluyan akong makapasok sa loob ng sasakyan ko.

Ilang linggo na din ang lumipas mula ng tigilan ko ang pag-inom ng gamot ko. At masasabi kong mas gumanda ang pakiramdam ko mula ng itigil ko ang pag-inom nun.

Bakit parang pakiramdam ko, may tinatago sila sa'kin?

Tahimik lang ang buong biyahe ko. Hindi naman ako gaano naipit sa traffic kaya smooth lang.

Ilang minuto din ang lumipas mula ng tuluyan na kong nakarating sa shop ni Ate Prim. At masamang tingin lang ang bungad niya sa'kin. Napaka talaga ng babaeng ito. Kaya walang nagtangkang manligaw sa kanya ee, tingin pa lang busted na.

"Ano na namang ginagawa mo dito Autumn?"

Inirapan ko lang siya. "Makiki-parking. Ano pa ba. Alis muna ko."

"Hoy! Saan kana naman pupunta?"

Nagkibit balikat naman ako. "Dyan lang. Sa tabi-tabi."

Hindi  naman siya nagtanong pa kaya nagdere-deretso na lang ako sa pag-alis ko. Ano kayang sasabihin ko kay mahal?

Baka naman matuod na naman ako. Nakakahiya. Lalo pa't medyo may pagkapaepal ang cute niyang anak.

Parang si Ate Prim ang nanay ni Gaia at hindi si Venus. Nako nako talaga.

Saglit lang din ang nilaan ko sa paglalakad bago tuluyang mapahinto sa tapat ng gate ng bahay nila. Actually, madami naman akong alam kay Venus, maraming salamat talaga sa pinsan niyang si Juno at lagi niya ko kinukwentuhan patungkol sa buhay ng mahal ko.

Botong-boto talaga sa'kin. Pssh. Bagay naman kasi talaga kami.

"What are you doing here Autumn?"

Agad naman akong nabalik sa ulirat ko ng marinig ang napaka gandang boses na yun. Wala na, hulog na hulog na talaga ako sa kanya. "Dinadalaw ka mahal."

Her brows furrowed. "Why? Wala naman akong sakit."

Napangiti na lang ako. "Ako kasi, feeling ko magkakasakit ako kung hindi kita makikita."

Hays. Sana naman kahit papaano kiligin kang diyosa ka, kasi ako kilig na kilig.

Pero imbes na sagutin ako, nilampasan niya lang ako. Napakamot tuloy ako sa batok ko. Hindi parin talaga siya nagbabago, napaka suplada parin niya pagdating sa'kin. Hay nako.

"Mahal, saan ka pupunta?"

"Susunduin si Gaia." she simply said.

Napakunot noo naman ako. "Bakit? Nasan ba siya?"

She looked at me, plainly. "School. Hay Autumn."

Napangiwi ako. Oo ng naman Autumn. Malamang nasa school ang bulinggit na yun.

Akalain mong need pa pala niya ang mag-aral.

Akmang papasok na siya sa sasakyan niya ng pigilan ko siya. "Pwede ako sumama?" nakangiting tanong ko

She raised her left brow to me. Syet lang! Hot! "Bakit ka naman sasama?"

I put my hands in the pocket of my pants. "Kasi gusto ko. Kaya wala kang magagawa. Halika na."

Wala naman na siyang nagawa pa ng hilahin ko na siya paalis. Ako na rin ang nagsara ng kotse niya. "Teka, saan tayo pupunta?"

Nakangiting pinagsaklop ko ang kamay naming dalawa. Kinikilig ako syet! "Sa school. Susunduin natin si Gaia diba?" I said, smiling from ear to ear.

"Alam ko." she sighed. "What I mean is, maglalakad tayo?"

Napatawa naman ako ng mahina. Cute niya ee. "Relax lang mahal ko. Nasa shop ni Ate Prim ang kotse ko. Yun gagamitin natin."

Her brows furrowed. "Bakit hindi na lang kotse ko ang gamitin natin?"

Napakamot ako sa batok ko. Bakit ba ang kulit niya? Ang daming tanong ah. "Ee gusto ko kotse ko gamitin natin. Hayaan mo na ko mahal." tugon ko

She shook her head. "You're really unbelievable Autumn."

I just smile at her. "Yes mahal, I am!"

Tumahimik na kami pagkatapos nun. Hindi na naman niya nagawa pang magsalita kaya, tahimik kaming naglalakad.

At ang mas masaya pa doon, HHWW ang peg namin. Gosh. Ang sarap talagang ma-inlove lalo na kung sa kanya.

"Autumn."

I immediately looked her. "Hmm? Yes mahal?"

"Kamusta ka?" she plainly asked

Napakunot noo naman ako. Kanina pa kami magkasama ngayon lang niya natanong yun? Kwasa? "Hangga't kasama kita, mas okay pa ko sa okay." nakangiting sagot ko.

She took a quick glance at me. "Good to hear that." she paused. "Kamusta ka sa mga nakalipas na ilang taon?" seryosong tanong niya

Mas lalong kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko na talaga siya magets. "Okay naman? I guess." naguguluhang saad ko

Napaiwas naman ako ng tingin ng titigan niya ko. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng pagka-ilang sa paraan ng pagtitig niya sa'kin.

Parang bang may nasabi akong mali.

"Oh Venus!"

Doon lang naalis ang tingin sa'kin ni Venus. At pakiramdam ko din, doon lang bumalik sa normal ang tibok ng puso ko. 

Parang gusto kong pugpugin ng halik ang ate ko dahil sa pagliligtas niya sa'kin. Hay nako.

Sabi na nga ba, nagiging abnormal parin ang puso ko dahil sa kanya.

"Ate Primrose." Venus greet back, smiling.

Hinayaan ko na muna silang mag-usap at kinuha ko na muna ang sasakyan ko.

"Hey lola! Mamaya kana makipagchikahan dito sa mahal ko. Aalis na kami." pagsingit ko.

At ang lola niyo, inirapan lang ako. Napaka taray talaga ng isang 'to. "Nako Venus! Mag-iingat ka dyan sa kasama mo. Baka ano pa gawin sayo niyan."

Sinamaan ko siya ng tingin. Napaka sama talaga ng ugali ng bruhang 'to. Nagawa pa kong sirain sa mahal ko. "Yes po Ate Prim. Akong bahala." natatawang sagot naman ni Venus.

"Tara na nga mahal. Umalis na tayo." marahan kong hinawakan ang kama niya at iginiya siya papasok sa sasakyan ko.

Pasimple ko pang inirapan si lola na nakangisi sa'kin ngayon.

Kung hindi lang kita kapatid, ay nako talaga!

Tahimik naman naming binabagtas ang daan papunta sa school ni Gaia. Paminsan-minsan naman, sinusulyapan ko siya.

Minsan napapaisip ako, siguro nung nagpa-ulan ng kagandahan ang maykapal, hindi niya nasalo. Kasi feeling ko, siya yung nagpapaulan.

Dang ganda ee! Sana all.

"Ahm. Mahal."

Agad naman akong nagbalik ng tingin sa daan ng tingnan niya ko. Jusko. Nakakakaba po. "Yes?"

I gulped hard. "Nasabi sa'kin ni Juno na balak mo daw magmasteral sa ibang bansa."

She nodded slowly. "Yup. Kaso, hindi pa ko nakakapagdecide kung kailan."

Napakunot noo naman ako. "Bakit naman?"

"Ayaw kong iwan si Gaia dito. Ayaw kong malayo sa kanya."

Napatango naman ako. "Edi isama mo?"

"Sad to say, pero ayaw niyang mag-aral sa ibang bansa. Ayaw niyang mahiwalay sa mga pinsan niya."

Napakagat labi ako para pigilan ang pagngiti ko. Ang bulinggit na yun, napaka kulit talaga. "Edi iwan mo sa'kin. Promise, aalagaan ko si bulinggit."

Gusto ko namang mapatawa ng kunot noong tiningnan niya ko. Hayy. Ganito nga talaga siguro kapag maganda ka, nililingon ka. Hehe.

"At bakit ko naman iiwan sayo si Gaia?"

Saktong paghinto ng sasakyan namin ay ang paglingon ko sa kanya.

Kung mas ginalingan ko lang talaga sa noon ang pagpapansin sa kanya, baka kasal na kami ngayon.

Hay. Ang torpe mo kasi Autumn. Kabuwisit ka.

"Mommy naman niya ko ah." I winked at her.  "Future mommy."



Ay syet! Ang advance ko. HAHA







-------

You are reading the story above: TeenFic.Net