Chapter 3

Background color
Font
Font size
Line height


JUNO CRIS MORGAN



Puti.. puti ang unang bumungad sa'kin pagkamulat na pagkamulat ng mga mata ko.

Where the hell I am? Napapikit ako ng maramdaman ang pagkirot ng ulo ko. Shit shit! Ang sakit!

"JC! Oh my gosh."

I gulped hard. The fuck! Nasan ba ko?

"JC calm down. Padating na ang doctor."

I inhaled deeply. Ano bang nangyari? Ang huling natatandaan ko lang, at tumama kami sa isang sasakyan.

Shit! Oo nga pala. May sumusunod sa'min.

"Ms. Morgan, may masakit ba sayo?" The Doctor asked.

Tumango ako. "My head."

"Check ko lang vital signs mo."

Pinainom niya ko ng gamot kaya kahit papaano, unti-unting nawala ang sakit ng ulo ko.

"You don't have to worry Ms. Morgan. You're safe. You just need a rest."

I sighed. Thank god. "Excuse me." paalam niya

Napahinga ako ng malalim. Bakit kailangan mangyari sa'kin ang bagay na 'to?

"How are you feeling?" Venus asked, worriedly.

I sighed. "Okay naman." I simply said.

"What happened Juno?" kunot noong tanong sa'kin ni Dike.

I gulped hard. "I don't know." mahina kong sagot.

She sighed. "Buti na lang at minor injury lang ang natamo niyong dalawa ni Athena." dagdag niya.

Mabilis na napalingon ako sa kanya dahil sa narinig. "Si Athena? How is she?" agarang tanong ko.

"Don't worry about her Juno. She's fine. Masamang damo ang babaeng iyon." Thalia suddenly said. "At ang masamang damo, hindi agad namamatay." dagdag pa niya

"Thalia's right. Parang pusa 'yun ee." Segunda naman ni Dike

Napairap ako. "Mga basher kayo ah."

Grabe sila kay Athena. Pero kahit papaano, totoo naman ng sinabi nila.

"We're just stating the fact here JC. Biruin mo, ilang beses ng naaksidente ang babaeng iyon, pero tingnan mo naman. Buhay pa din."  natatawang sagot ni Dike sakin.

"Stop it Dike. At least si Athena, mahaba ang buhay." pag saway ni Venus

Napailing na lang ako. Ang iingay nila. "Where's Gaia?" tanong ko kay Ven.

She smile. "Iniwan ko muna kina Mom."

Napahinga ako ng malalim. "Ilang araw na ba kong nandito?"

"Actually pangalawang araw mo pa lang dito. At sobrang na-warshock ang mommy mo ng malamang naaksidente ka." singit ni Thalia.

Napailing ako. Mommy talaga. "Nasan na pala siya?" tanong ko.

"Pinauwi na muna namin. Kailangan niya magpahinga. Baka mamaya nandito na ulit 'yun." Venus answered.

I smile. "Thank you cous."

She smile too. "You're always welcome JC."

"Napaka bobo mong bwisit ka. Ang sabi ko attack. Puro farm farm farm!"

Kunot noong napatingin ako kay Thalia na bwisit na bwisit sa cellphone niya. Anong nangyayari?

"Ayaw ko nga umattack. Mamamatay lang ako diyan." Simpleng sagot ni Dike.

"Ako ang papatay sayong bwisit ka." galit na galit naman na sagot ni Thalia.

"Na-uh! Bawal pumatay ng kakampi." pang-aasar naman ng isa.

"Papatayin kita sa totoong buhay. Gaga ka! Sabihin mo gawa!"

Napailing ako. Grabe sila. Ng dahil sa laro nagkakaganyan sila.

"Stop it children. Ang iingay niyo." saway ko.

"Sorry po teacher. Si Thalia kasi, papatayin daw ako." Dike laughed.

Napairap ako. They're really getting into my nerves. Akala ko magmamatured na sila dahil mga professional na kami, hindi pala.

Actually, nag matured naman sila, 50/50. Tssk.

"Ano palang ginagawa niyo dito? Wala ba kayong mga pasok?" pag-iiba ko.

"Hindi kami pumasok." Thalia said.

Napakunot noo ako. "Why? Hindi ba kayo papagalitan ng mga boss niyo?"

Thalia shrugged. "I'm the boss Juno."

"Me too. I'm the boss." segunda ni Dike

Napaismid ako. Ang hahambog ah. "Hambog niyo girls." Venus said all of sudden.

Diba. Iisa lang ang nasa isip naming magpinsan. Tssk.

"We're just stating the fact Venus." mayabang na sagot ni Dike.

"Yabang mo. Taga alaga ka lang naman ng buntis." sagot ko

Napangisi ako. Sa tuwing nasa site si Brier, si Dike ang nagbabantay sa kaibigan naming si Cassandra. Hindi naman maka-angal ang isa dahil gustong-gusto ni Cass na makita si Dike.

Pinaglilihian ng buntis ang babaeng ito. Tssk tssk.

Pangit ang kalalabasan ng unang anak niya panigurado.

Ang sama ko. HAHA

"Walang personalan pre." tugon niya.

Napatawa ako. "Preggy sitter HAHA." 

She rolled her eyes. "HA HA! FUNNY FUNNY FUNNY. VERY VERY VERY."

Malulutong na tawanan ang pumuno sa kwartong kinauupahan ko. Aba matinde! Parang tanga lang. HAHA

"Ang old class mo talaga Dike." Thalia said.

"Ang old class mo talaga Dike. Nye nye nye." pang-gagaya ng isa.

Napailing na lang ako. They're really unbelieveble. "Do you ever look at someone and think, Dick head?" tanong ko.

Thalia quckly nodded. "Yup! When I looked at Dike." sagot niya.

I laughed hard. "TANGINA! HAHAHAHA!"

"Mga bwisit kayo!" pikon niyang sigaw.

Para kaming nga tanga na tawa ng tawa ngayon dahil sa kapikunan niya. Siya itong ang hilig mang-asar pero siya naman itong napaka pikon.

Nasa ganun kaming eksena ng biglang bumukas ang pinto ng kinauupahan kong kwarto.

At ngayon nakikita ko ang pinaka nakakatakot na mukha sa buong mundo.

Choss.

"Mom."

She sighed. "How are you?" she seriously asked.

I gulped hard. Damn it! "I'm fine mom."

She staring at me intently. Kinabahan naman ako dun. "Juno Cris. What the hell just happened?"

"Nabangga kami." simpleng sagot ko.

"The hell Juno! Ilang beses ko na ba kayong pinapaalalahanang magkapatid na wag na wag kayong magmamaneho ng lasing?" kulang na lang umusok na ang ilong niya sa sobrang galit.

Kilala ko si mommy, kapag ganitong kaligtasan na namin ang pinag-uusapan, nag-iiba na siya.

Napalunok ulit ako. Ito na po. Magsisimula na siya. "Mom. Hindi ako lasing nun."

"Pero nakainom ka." sagot niya. "Ano bang tingin niyo sa buhay niyong makapatid? Pusa? Na may siyam na buhay?" madiing dagdag niya.

Umiling ako. "I'm sorry mom."

Kung meron 'man akong kinakatakutan, si mommy 'yun.

Laging sinasabi sa'kin ng mga tao, kamukhang-kamukha ko si mommy at kaugaling-kaugali ko. Pero nakakatakot talaga siya para sa'kin. Parang anumang oras, pwede niya kaming kainin ng buo.

Iww. So gross.

"Tumino na ang kapatid mo Juno. Sana naman hindi mo na siya gayahin pa." she seriously said.

I nodded at her. "Yes mom. I'm sorry talaga."

She sighed. "By the way, meron akong dapat sabihin sayo." seryosong saad niya.

Kunot noong tumingin ako sa kanya. "What is it mom?"

"Gusto ko laging may magbabantay sayo, 24/7." she said.

I inhaled deeply. "Mom. Ayaw ko magkaroon ng body guard." agad na tanggi ko. "Look, malaki na ko.  Hindi na ko bata para kailanganin pa ng body guards. At saka, kaya ko na naman ang sarili ko." dagdag ko pa.

Gosh! For pete sake! I'm already 26 years old. Ayaw ko talaga ng body guard kahit noon pa. Kaya ko na naman ang sarili ko.

"Kaya mo ang sarili mo? Pero naaksidente ka ngayon." casual na sagot niya. "Ayaw kong mawalan ng anak Juno." she added.

"Mom. Hindi naman ako mawawala sayo, sa inyo. Look, buhay na buhay pa ko oh. I'm breathing." ibinuka ko pa ang dalawang braso ko para ipakita sa kanyang malakas ako. Pero ang nanay ko ito, inirapan lang ako.

"Gusto kong maging independent na tao ka anak." sagot niya.

"I'm strong and independent woman mommy." mabilis na sagot ko.

Saglit kong sinamaan ng tingin si Dike ng makitang natawa siya. Ang kapal ng mukha niyang pagtawanan ako. Hambalusin ko siya ee. Tssk.

"You don't even know how to cook." she calmly said.

"Marunong ako mommy." giit ko.

She smirked at me. "Really? Oh sige, anong kaya mong lutuin Juno?" nakangising tanong niya.

Napafacepalm ako sa loob loob ko. Damn it! Tssk. Edi oo na. Hindi na ko marunong magluto. Tssk. "See? Hindi mo alam." She sighed. "Look at your cousin, Venus. Because of her child, natuto siyang maging responsable sa lahat ng bagay. Mas naging better person siya ng dahil kay Gaia."

I sighed. Grabe. Mag-ina nga talaga kami. "Can you please straight to the point mom? Ano bang gusto mo? Magka-anak ako?"

Parang 'yun kasi ang pinupunto niya ee. Tssk. Jowa nga wala, anak pa kaya. Advance ah.

"Actually, gusto ko na talaga magka-apo." nakangiting sagot niya. "Kaso ni isang boyfriend, wala kang pinapakilala sa'min."

"Wala akong oras sa ganyang bagay." sagot ko.

She nodded slowly. "Oh baka naman babae din ang gusto mo? Like your sister." nakangising tugon niya.

Napakagat labi ako sa dahil sa narinig. Habang ang mga kaibigan ko, tuwang-tuwa pa sa nasasaksihan nila.

Argh mommy! Minsan i-timming mo naman na hindi ko kasama ang mga bwisit na 'to.

"Mom."

She smile. "Don't worry Juno. May nahanap na kong pwede mong makasama sa unit mo." nakangiting sagot niya.

Literal na nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. "Mommy! Argh! Ayaw ko nga." tanggi ko.

Jusko po. Hindi nga ko nagpapatulog ng mga kaibigan ko sa unit ko tapos may makakasama pa ko ngayon? The heck! Pano kung masamang tao pala ang nahanap ni mommy? Edi mas lalong napadali ang buhay ko. Tssk.

"Wag kana tumanggi JC. May utang ka pa sa'kin remember." she smirked.

My eyebrows met. "What?"

"Sabi mo sa'kin noon, bago ka gumraduate ng college, magkakaboyfriend kana. Pero nakapag tapos kana't lahat lahat, wala parin." tila nagtatampong saad niya.

Napahilot ako ng sintido dahil sa sinabi niya. Grabe talaga. Tanda pa niya 'yun. "Mom, I was only five years old that time. Usapang bata lang 'yun."

"You promised me." giit niya.

"Nako tita. Kung tutuusin, siya pa ang kinatatakutan ng mga lalaki noon sa Brandon. Kaya pano magkakaboyfriend 'yan." sabat nitong magaling kong pinsan.

"Kaya nga tita. Baka babae din talaga ang gusto ng panganay niyo." segunda naman ni Dike.

Inirapan ko sila. "Shut up!"

They're all laughing at me. Nakakainis lang. Ang sarap nilang pagbuhulin tatlo.

"Natatandaan mo ba dati cous, naglalaro tayo dati ng bahay-bahayan. Tapos ikaw ang naga-act na tatay, habang ako anak niyo." Venus said.

Sinamaan ko siya ng tingin. Please lang Venus. Wag mo ng simulan pa.

"Ee sino nanay?" Kunot noong tanong ni Thalia.

"Wait. Iisipin ko pa. Nakalimutan ko pangalan niya ee." sagot ng pinsan ko.

Napahinga ako ng malalim. Nakakastress sila kausap. Ang sakit sa ulo.

"It's Gwenn." mom said, smiling from ear to ear.

Napapikit ako ng mariin.

Damn it!

"Tama! Si Gwenn nga!" Venus said. "She's also your first kiss Juno." she added.

Inirapan ko siya. "Umuwi ka na lang Ven at alagaan mo si Gaia. Ang daldal mo ah." naiinis kong sagot

Nakakasira ng araw.

Bakit kailangang ipaalala pa 'yun sa'kin?

Bwisit!

Hayst Gwenn Ann Marie.. Hanggang ngayon buhay na buhay ka parin sa alaala nila.

At sa alaala ko...







---

You are reading the story above: TeenFic.Net