Chapter 16

Background color
Font
Font size
Line height

JUNO CRIS MORGAN

Inis na nilapag ko itong folder sa desk ko. Hindi ako makapag concentrate. Hindi ako makapag-isip ng ayos. Kahit anong basa ang ginawa ko sa article na 'to, wala parin akong maintindihan. Inis na itinukod ko ang siko sa lamesa at napahawak sa noo ko.

Ilang araw na ba akong ganito? Tatlo? Dalawa? Mula ng ikasal ako kay Gwenn, hindi na ko makapag-isip ng matino. Miski itong trabaho ko, napapabayaan ko na.

Masasabon na naman ako ng tatay ko nito panigurado. Tss.

Imbes na magmukmok ako dito, tumayo na lang ako at inayos ang mga gamit ko. Tutal wala naman ako sa sarili ko, mas mabuting umuwi na lang ako. Baka tuluyan lang akong mabaliw dito kung sakaling hindi pa ko aalis.

Nakita ko pa si Lucy na nagulat ng makita ko. Sinabihan ko lang siya na uuwi na ko at, saka tuluyan kong nilisan ang lugar na 'to.

Mabagal lang ang pagpapatakbo na ginawa ko. Kaso kahit anong bagal ang pagpapatakbong ginawa ko, nakarating parin agad ako sa bahay. Napahinga na lang ako ng malalim bago napagpasyahang lumabas at pumasok sa loob.

At katulad ng lagi kong nabubungaran tuwing uuwi, madadatnan ko siya sa kusina. Seryosong nagluluto ng hapunan.

Napailing na lang ako bago tinahak ang daan papuntang kwarto. Mula ng ikasal ako, dito na kami natuloy sa bahay na matagal ng binigay sa'kin ni daddy. Usapan kasi namin, kapag kinasal na kami, doon lang namin magagamit ang bahay na 'to. Nauna nga lang ikasal si JK kaya mas nauna niyang magamit ang bahay na regalo sa kanya.

Nanlalambot ang pagkilos na naglinis ako ng katawan. Nagbihis na din ako ng simpleng pangtulog at pagkatapos, pasalampak na nahiga sa kama.

Ang sakit ng ulo ko. Bukod don, ang bigat din ng pakiramdam ko. Wala naman na akong nagawa pa ng unti-unti ng bumigat ang talukap ng mga mata ko.

Nakaramdam naman ang mahihinang tapik sa balikat ko dahilan para mapamulat ako. Bahagya pa nga akong nagulat ng magandang mukha ni Gwenn ang bumungad sa'kin.

"Ang taas ng lagnat mo." she seriously said. "Bumangon ka dyan para kumain. Iinom ka din ng gamot." dagdag pa niya.

Napalunok naman ako at mariing ipinikit ang ulo ko. Kaya parang ang bigat ng pakiramdam ko kanina lang, lalagnatin na pala ako.

"Juno, bangon na diyan." sobrang kalmado ng boses niya ng sabihin niya 'yun.

Kaya kahit ayaw ko, pinilit kong makabangon. Napahawak pa ko sa noo ko ng kumirot ang ulo ko. Gosh. Ayaw ko talaga ang nagkakasakit. Napakatagal ko bago gumaling.

"Oh, kumain ka." nilapag niya naman sa harap ko itong isang bowl ng soup.

Kunot noong tinignan ko siya. "Hindi mo ko susubuan?" grabe siya kung hindi. 'Yung mga nakikita ko sa palabas, kapag may sakit sinusubuan nila. Inaalagaan nga nila ee. Tapos siya, grabe lang.

At kagaya nga ng inaasahan ko, tinaasan lang niya ko ng kilay. "May lagnat ka lang Juno, pero hindi ka baldado." agad naman siyang tumalikod para maghanap ng damit na susuotin. "Kumain kana diyan. Kaya mo na 'yan."

Napanguso ako. Grabe siya. Wala man kang ka-care care sa'kin. "Gwenn naman." pagpapaawa ko pa.

Hindi naman niya ko pinansin bagkus pumasok lang siya ng tuluyan sa banyo. Napabuga na lang ako ng hangin at inis na kinuha itong kutsara.

Sa loob ng ilang araw na pagsasama namin, ni hindi man lang niya ko nagawang kausapin katulad noon. Sobrang lamig ng pakikitungo sa'kin ng gaga. Akala mo naman siya ang biktima ng t-nginang kasal na 'to. Umay talaga.

Hindi pa ko nakakarami sa pagsubo ng lumabas na siya galing sa banyo. Simpleng short at t-shirt na lang ang suot niya ngayon. Wala parin naman nagbago, maganda parin siya.

Ano ba yan Juno! May sakit kana at lahat-lahat, pinagpapantasyahan mo parin siya. Tss.

"Tapos kana ba?" seryosong tanong niya. 'Yung tipong hindi mo mababakasan ang pag-aalala sa tono niya dahil sa sobrang pagkaseryoso. Tss.

At dahil nanghihina din ako ngayon, hindi ko na lang siya sinagot. Akmang babalik na ulit ako sa paghiga ng maagap naman niya kong pinigilan.

"Ang arte JC ah." then she rolled her eyes at me. "Kumain ka pa."

"Ay-.." hindi ko na nagawang tapusin ang dapat na sasabihin ko nang bigla niya kong subuan.

Gusto ko siya irapan dahil sa nagawa. Kaso kapag ginawa ko 'yun, mas lalo lang sasakit ang ulo ko.

"Paano ka hindi magkakasakit niyan, aalis ka ng sobrang aga, kung uuwi ka naman hatinggabi na." mariin naman niya kong tiningan sa mata ko dahilan para mapalunok ako. "Pinapahirapan mo lang ang sarili mo."

I gulped hard and mentally cursed. Edi oo na. Ako na ang tanga. Tss. "Ayaw ko na. Busog na 'ko." imbes na sambit ko.

Pero tila bingi siya at pinagpatuloy niya lang ang pagsubo ng pagkain sa bibig ko. Hay. Napaka kulit na babae. "Wag ka na muna siguro pumasok bukas." dagdag pa niya. "Dahil panigurado, hindi ka pa gagaling agad." sunod naman na inabot niya sa'kin ang isang basong tubig ng maubos ko na itong soup. Hindi naman ako nag-inarte pa at pati gamot ininom ko na.

"Wag ka munang mahiga, maupo ka lang diyan." pagpapaalala pa niya.

At gaya nga ng sabi niya, hindi agad ako nahiga. Nakaupo lang ako habang nakasandal sa headboard ng kama. Pinagmasdan ko lang siya habang kinukuha niya ang laptop niya. Napailing na lang ako.

"Pwede bang dito kana lang maupo sa tabi ko?" pag-agaw ko ng atensyon niya.

Kunot noong nilingon naman niya ko kaya napahinga na lang ako ng malalim. "Dito ka nalang maupo sa tabi ko. Dito ka na din gumawa." marahan ko pang tinapik itong kama para paupuin siya.

Lihim na nagdiwang naman ako ng pinagbigyan niya ko. Umupo siya sa tabi ko habang ang laptop niya, nakapatong sa hita niya. "Lesson again?" pagtatanong ko pa.

She nodded. "Yes"

Dahan-dahan akong tumayo. "How's school Gwenn?"

Hindi ko na kasi siya nasusundo. Dahil yun ang gusto niya. Pinagbawalan niya kong sunduin siya. Wala naman akong magawa kundi ang sundin ang gusto niya. Pero kahit papaano, hindi ko hinahayaang umuwi siya ng mag-isa. Palihim ko siyang pinupuntahan tuwing uwian na nila. Inihahatid ko din siya ng tanaw hanggang sa tuluyan na siyang makauwi dito sa bahay.

Kahit naman naiipit sa ganitong sitwasyon, hindi ko naman pwedeng pabayaan na lang siya basta.

"Okay lang." tipid na tugon niya.

Hindi naman na ako sumagot pa at mas piniling tumahimik na lang. Hindi naman ako manhid para hindi maramdamang ayaw niya kong kausapin. Mariin ko na lang na pinikit ang mata ko. Masakit parin ang ulo ko at ramdam ko parin ang panghihina ko. Sana talaga, gumaling ako agad. Ayaw kong maiwan dito mag-isa lalo na't nagtatrabaho din itong kasama ko. Baka mabaliw ako kung mag-isa lang ako buong magdamag dito.

"Nagpapalipas kaba ng gutom Juno?" she asked all of sudden

"Hindi naman. Minsan lang." sagot ko habang nakapikit parin ang mga mata. "Pwede bang mahiga na ko?" nanlalambot na kasi talaga ako.

Hindi naman ako bingi parin hindi marinig ang paghinga niya ng malalim. "Go na." nagulat pa ko ng alalayan niya ko sa paghiga pero hinayaan ko na lang. Baka naawa sa'kin ang babaeng ito kaya mabait.

Nakahinga na lang ako ng maluwag ng tuluyan ng maramdaman ng likod ko ang malambot kong kama. Ang sarap lang sa pakiramdam.

"Kung gusto mo ko iwasan, iwasan mo na lang ako. Wag mo ng idamay pati sarili mo." mahinang saad niya sapat lang para marinig ko. "Nagkakasakit ka ng kakaiwas mo sa'kin."

Doon lang ako nagmulat para tingnan siya. "Hindi kita iniiwasan 'no." yeah, I lied. Tss.

"Don't fool mo JC." she took a quick glance at me. "Hindi ako kasing manhid mo para hindi maramdamang iniiwasan mo ko."

Nakalimutan kong masakit nga pala ang ulo ko at inirapan ko siya. Kaya napangiwi na lang ako ng maramdaman ko ang pagkirot ng sintido ko. Umay talaga.

"Ano ba 'yan? Napakatanga mo naman." at ang gaga, nahihimigan ko pa ang pagtawa sa boses niya. "Alam mo namang masakit ang ulo mo, iirapan mo pa 'ko." at unti-unti ng sumilay sa labi niya ang nakakalokong ngisi. "Gustong-gusto mo talagang nasasaktan ang sarili mo."

Mahina ko siyang hinampas ng unan na ikinatawa niya lang. Kung wala lang ako sa ganitong posisyon, hindi lang hampas ang gagawin ko sa kanya.

"Hindi ka paba tapos diyan?" pag-iiba ko ng usapan. "Matulog na tayo."

Saglit lang naman niya ko tinitigan bago mabilis na sinara ang laptop niya. Pinatong lang niya yun sa study table niya bago agad na sumampa dito sa kama.

Lihim akong napapangiti. Mula ng tumira kami dito, ito ang kauna-unahang beses na tatabi ako sa kanya. Hindi ko alam kung anong inaarte ko, pero mula kasi ng magkasagutan kami sa bahay nina mom and dad, nag-iba na din ang ihip ng hangin sa pagitan naming dalawa.

"Matulog kana Juno." she simply said.

Agad naman akong tumagilid paharap sa kanya at hinila ang kumot hanggang sa balikat ko. "Gwenn"

She closed her eyes. "Hmm?"

Napalunok ako. Hindi naman ganon kadilim sa kwarto namin, sakto lang pero kitang-kita ko parin ang angking gandang meron siya. Hindi ko tuloy alam kung swerte ba kong matatawag dahil siya ang napakasalan ko.

"Thank you." puno ng sinseridad na saad ko. "For taking care of me." pagpapatuloy ko pa.

Bahagya pa kong natigilan ng mabilis siyang nagmulat ng mata para tingnan ako. Hanggang ngayon talaga, naiinis parin ako sa sarili ko.

"That's my responsibility Juno." marahan niya pang inayos ang kumot na humaharang sa katawan ko. "I'm still your wife. And I need to take care of you whether I like it or not." she added.

Sukat doon ay napangiti ako. Walang pag-aalinlangan kong nilagay ang braso ko sa baywang niya at mas lalo pa kong lumapit sa kanya. "May isa ka pang responsibilidad sa'kin na kailangan mo gawin." marahan kong dinampian ng halik ang tungki ng ilong niya.

Agad naman niyang hinawakan ang mukha ko para lang itulak palayo. Imbes na makaramdam ng inis, napatawa na lang ako. "Responsibilidad mo mukha mo." barumbadong tugon niya. "Manigas ka diyan. Kuskos mo 'yan sa pader."

Kahit may karamdaman, nagawa ko parin ang tumawa. 'Yung tawang halakhak talaga. Nakakamiss lang yung ganito. Kailangan lang pala magkasakit ako para pansinin ako ng babaeng ito. Kung ganon, hihilingin ko na sana araw-araw na lang ako may sakit.

At dahil isa akong Morgan, hindi ko siya pinagkinggan, bagkus lalo akong nagsumiksik sa leeg niya. At maiinit na halik ang ginawad ko sa maputi niya leeg.

Ramdam ko naman ang paghigpit ng hawak niya sa balikat ko. "Juno"

I chuckled and sucked her neck. Ng dahil sa ginawa kong 'yun, kulang na lang bumaon na sa balikat ko ang kuko niya sa sobrang diin ng pagkakahawak niya.

"J-juno itigil mo yan. I-isa aahh." walang pakundangan kong dinikit ang tuhod sa maselang parte ng katawan niya.

Nakangiting nilayo ko ang mukha ko sa kanya at tiningnan siya. Bakit parang nawala ang sakit ng ulo ko?

"Gwenn"

Mabibigat na paghinga ang pinakawalan niya bago ako matapang na hinarap. Napangiti akong muli.

"Willing kabang magpuyat ngayong gabi?"

Kasi kung oo, lalaban ako. At wala akong paki kung may lagnat ako. Lagnat lang siya, Si Juno ako. Tss.






-----------------------------------------

A/N: Si Juno po talaga ang pinaka ano sa kanila. Pangalawa lang si Cassandra.

You are reading the story above: TeenFic.Net