Prologue

Background color
Font
Font size
Line height

Hinigpitan ko ang kapit sa strap ng bag ko habang naglalakad ako papunta sa bagong classroom na papasukan ko.

Section Knight...

Umakyat ako sa 3rd floor, ayokong magreklamo pero bakit kasi sa 3rd floor pa? Okay sana kung may elevator sila dito, tutal naman mayaman ang school nila. Kay bago bago ko dito nagrereklamo na agad ako.

Hinanap ko ang room ko at buti nalang nahanap ko ka-agad. Ang ingay sa loob! Wala bang teacher? Magsisimula na ang klase ah.

Inaayos ko ang sarili ko bago kumatok at agad naman bumukas ang pinto. Bumungad sakin ang gwapong nilalang. Beh ang gwapo, literal na gwapo oh.

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa, siguro nasa 30's na siya pero ang gwapo pa rin.

"You're here! Come in." Nakangiting sabi niya at niluwagan ang pag bukas ng pinto.

Tumango ako at pumasok sa loob at napatigil sa nakita ko. Makalat, Maingay, Madumi may naiwan pa ngang alikabok! Ilang taon na ba silang hindi naglilinis?

"Attention!" Sir Pogi shouted. Saan ko naman napulot yung 'Sir Pogi' na 'yan? Kase nga pogi siya. Natahimik naman ang bago kong kaklase at napatingin sa akin.

Kanina pa ako nagtataka pagkapasok ko dito. Bakit? Bakit ako lang ang nag iisang babae dito?

Nag cr ba silang lahat?

"Bakit may babae dito?"

"Hoy alis na!"

"Bawal ka dito!"

"Kagaya ka rin niya!"

"Gold digger."

"Bawal babae dito!"

"Alis kana miss."

"Hindi ka tanggap dito."

Ano bang problema nila? Mga gago 'to ah. Tinaasan ko sila ng kilay. "Wala akong pake."

"Ang yabang mo ah." Napatingin naman ako sa lalaking nagsalita.

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. "Ang pangit mo." Syempre joke lang 'yon, actually ang gwapo nilang lahat.

Rinig ko naman ang tawanan ng mga hunghang. His eyes widened because of what I said. Hindi siya makapaniwalang tumingin sakin. "A-Anong sabi mo?!"

"Ang sabi ko, ang pangit mo. Maglinis ka nga ng tenga mo nagiging bingi ka na." I said sarcastically.

"Alam mo bang ikaw lang ang nagsabi na pangit ako?" Matalim ang tingin niya sakin. As if naman na natatakot ako sayo.

"Hindi ko alam at hindi ko tinatanong. Anong magagawa mo kung pangit ka sa paningin ko?" Bored ko siyang tiningnan at rinig ko ang tawanan ulit nila kaya tiningnan sila ng masama ng lalaki, at binalingan ako ng tingin.

"Malabo ba mata mo?"

"Hindi, kaya nga sinabi kong pangit ka sa paningin ko dahil hindi malabo ang mata ko."

Aktong magsasalita siya ng nagsalita na si Sir. "Enough." Binalingan ako ng tingin ni Sir. "What's your name?"

"Faye Katherine Allister." Simpleng sagot ko.

"I'm Sir Logan Cortez. Section Knight Adviser." Nakangiting tumango ako. "You can take your sit now."

Nilibot ko ang tingin ko at naghanap ng mauupuan pero ang mga hunghang nilagay ang bag nila sa mga vacant sit at yung iba naman pinatungan ng paa.

Napasimangot ako at napalingon nung may sumigaw. "Faye dito kana lang sa gitna namin ni Trace!" Sigaw nung isang bata na nasa likuran.

Napunta ang tingin ko sa bakanteng upuan na nasa gitna nila. Agad akong naglakad papunta sa likod nila pero muntik na akong masubsob sa sahig kung hindi ko lang nai-balanse ang katawan ko. Rinig ko ang tawanan nila, kinalma ko ang sarili ko at hinarap ang hunghang na may gawa non.

"Hindi ka bagay dito. Umalis kana, shooo!"

Nagsalubong ang kilay ko. "Anong shooo? Mukha ba akong aso?"

"Kung ikukumpara ako sayo, Oo mukha kang aso." Nakangising sabi niya kaya lalong lumakas ang tawanan nila.

Masyadong akong maganda para maging aso ulol!

I raised my eyebrow and smirked. "Kung ikukumpara din ako sayo, sating dalawa, mas mukha kang aso. Buti nga ako mukha lang, ikaw aso na talaga."

Rinig ko ang tawanan nila dahil siguro sa sinabi ko. Nanlaki naman ang mata niya at aktong magsasalita ng talikuran ko na siya at naglakad patungo sa likod.

Nilagay ko ang bag ko sa upuan at aktong uupo na ng biglang may nagsalita. Wala ba silang balak na paupuin ako? Kase ako upong-upo na dahil nangangawit na ako kakatayo.

"You don't belong here." Malamig na sabi ng isang lalaki na nasa dulo at nakaupo habang nakatingin sakin ng malamig. Napunta ang tingin ko sa lalaking katabi niya na malamig din na nakatingin sakin.

Pansin ko din ang pagtahimik ng lahat, tumigil ang tawanan dahil lang nagsalita ang lalaking 'to.

"So? I don't care."

"Get out. Baka ako pa mismo ang kumaladkad sayo palabas." He said seriously.

I smirked. "Walang nagtatanong."

Napasinghap ang mga hunghang dahil sa sagot ko, sumama naman ang tingin sakin nung lalaki. Pansin ko din ang pagbabago ng atmosphere sa loob ng room. 

"What did you say?" He raised his eyebrow. Bakla siguro 'to hehehe.

"You heard me. Hindi ka naman siguro bingi para hindi marinig ang sinabi ko, hindi ba?"

Muntik ng mag abot ang kilay niya dahil sa sinabi ko. "Excuse me?"

"Oh bakit? Dadaan ka?" Tumaas na ang Mt.Fuji kong kilay ng dahil sa lalaking 'to.

Napa 'Ooohhh' naman ang mga walang hiya kong mga kaklase.

"Who the hell are you? Hindi mo ba ako kilala?" Parang may dumaang angel dahil sobrang tahimik ng room namin. Sa tono palang na ginamit niya, malalaman mong nauubusan na siya ng pasensya ng dahil sakin. At paniguradong galit na 'to.

"Faye Katherine Allister is my name. At sa tanong mo kanina na 'Hindi mo ba ako kilala?' bago lang ako dito, kaya paano kita makikilala? Kaya obviously hindi kita kilala, common sense naman po!" I rolled my eyes at pinaglaruan ang dulo ng buhok ko.

"San pusta niyo?"

"Gago ang tapang!"

"Hala papi kairus may katapat kana!"

"Hell."

Bulungan ng mga hunghang. Tumingin ako sa kaniya, salubong na salubong ang kilay niya habang nakatingin sakin. Ngumiti lang ako at umupo sa upuan ko sa gitna nila.

"Ang tapang mo hihihi." Nakangiting sabi ng batang nasa right side ko. Bata pa siya at mukhang childish.

"Anong pangalan niyo?"

"Trace Vasallo."

"Ethan Alexander Mendoza."

Tumango tango ako at ngumiti sa kanila. "Ilang taon na kayo?"

"16."

"17."

"Ethan? 16 ka lang? Weh?" Tumingin ako sa kaniya ng may pagtataka.

"Oo, 16 palang ako hehehe." Nakangiting sabi niya sakin.

"Tapos grade 10 kana?"

16? Pwede ba 'yon sa grade 10? Sabagay, ako nga 17 na pero grade 10 pa rin.

"Hmm matalino naman ako kaya napunta ako dito." Tumango nalang ako kahit sa totoo lang, hindi ko siya gets.

Anong connect non sa pagiging matalino niya?

"Oo nga pala, bakit ako lang ang babae dito? Nag cr ba silang lahat?" Tiningnan ko silang dalawa.

Natawa ng mahina si Trace."Walang babae dito pero ngayon meron na. Ikaw. Ikaw lang babae dito."

I blinked. "Totoo?" Tumingin ako kay Ethan, nakangiti siyang tumango.

I'm the only girl here?

I'm the Only Girl in Section Knight...


You are reading the story above: TeenFic.Net