Chapter 57

Background color
Font
Font size
Line height

FAYE

Napalingon kami ni Chase nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto kung nasaan kami ngayon. At agad na nag-init ang ulo ko nang sabay na pumasok ang mag ama habang may kasamang tauhan sa likod nila.

Sinuri ko si Tito Dylan mula ulo hanggang paa, lumaki ang katawan niya at kung noon wala siyang tattoo, ngayon ay meron na. May cobra tattoo siya sa kanang braso niya.

Tumayo ako, iniwan si Chase na nakaupo at nakasandal sa pader. Pareho kong sinulubong ang mga tingin nila at habang tinitingnan ko sila, lalo lang kumukulo ang dugo ko.

I looked at Dianne. "You're so weak. Masyado kang kumakapit sa ama mo. Hanggang ngayon ba ay wala ka pa ring character development?"

Natigilan siya sa sinabi ko at matalim akong tiningnan. Ngumisi lang ako sa kaniya at sunod na bumaling sa ama niya na tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.

"Nakaligtas ka man noon pero sisiguraduhin ko na hindi na ngayon," ngumisi siya. "Kung kami ang nagkatuluyan ng nanay mo, walang gulong mangyayari at hindi ko gugustuhin na ikaw ang maging anak ako."

I almost laughed at what he said. Hindi ko rin naman gusto kung siya ang magiging ama ko.

Ang kapal naman ng mukha niya.

Buti nga at hindi siya pinili ni mommy. Mabuti nga at maayos mag-desisyon ang nanay ko. Pinagpapasalamat ko na may taste siya sa mga lalaki at hindi niya pinili ang lalaking ito.

"I don't want you to be my father, either. Besides, who said I want to be your child? If you and mommy end up together and I am your child, hindi ko rin po gugustuhin na maging ama kita." I answered.

Natawa si Tito Dylan at napangisi pa pero nakikita ko sa mga mata niya ang galit.

"You inherited the same behavior as your parents," ngumisi siya bago senyasan ang mga tauhan niya.

Lumapit sa amin ang mga tauhan niya at pareho kaming mahigpit na hinawakan ni Chase. Pareho kami ni Chase na hindi nagpumiglas dahil alam naman namin na hindi kami mananalo sa kanila. Wala rin naman kaming magagawa.

Naunang lumabas ang mag ama at bago pa lumabas si Dianne ay inirapan niya muna ako kaya napasinghap ako.

Baliw ang babaeng iyon.

Hindi ko alam kung nasaang parte na kami ng building na ito. Hindi ko maintindihan kung bakit ang hilig nilang dalhin kami sa isang abandonadong lugar.

Sa ganitong klaseng lugar ba talaga nila kami gustong patayin?

Pumasok pa kami isang kwarto at pagpasok namin ay nakita ko si Tito Dylan na nakaupo at nagsisindi ng sigarilyo habang si Dianne naman ay nakatayo sa tabi niya.

Muntik na akong mapamura ng bigla kaming itulak ni Chase nang may mga hawak sa amin kaya napaluhod kaming dalawa ni Chase sa sementong sahig.

Napangiwi pa ako sa sakit ng tuhod ko. Tumingin ako kay Chase para tinginan kung ayos lang ba siya, halos magkatabi lang naman kaming dalawa. Nagtama ang mga mata namin at tipid lang siyang ngumiti sakin kahit na halata ang sakit sa mata niya.

Paniguradong nabigla ang sugat niya.

"Ayos ka lang?" he asked and looked at me worriedly.

Just like he did, I just nodded and gave him a small smile. Sabay kaming napatingin ni Chase sa harapan ng magsalita si Tito Dylan.

"In what way do you want to be hurt and die?" tanong niya habang nakatingin sa amin at naninigarilyo.

Pareho kaming natahimik ni Chase pero dumaan ang ilang minuto nang magsalita si Chase.

"Shouldn't we be the ones asking you that? After all, you will be the first to die."

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Chase. Saan naman niya nakuha ang sinagot niya?

Chase looked at Dianne, standing next to her father.

"I thought you had changed." Chase shook his head. "How long will you be like that? How long will you obey your father? How long will you let your father poison you?"

May dumaang emosyon sa mga mata ni Dianne na hindi ko matukoy. Naapektuhan ba siya?

"Listen to me, Dianne," sabi ni Chase gamit ang seryosong boses. "Your father is just using you for his plans."

Nakita ko sa mukha ni Dianne na naapektuhan siya pero inis pa rin siyang tiningnan ni Dianne.

"Shut up!"

Pare-pareho kaming napatigil at nagulat nang biglang may naghagis ng kutsilyo sa direksyon ni Chase.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa nangyari. Nakita ko ang pisngi ni Chase na may sugat at dugo, mukhang sinadya siyang daplisan doon.

"C-Chase..."

"Don't poison my daughter's mind, Gonzales." Tito Dylan spoke emphatically and looked angrily at Chase.

Chase shook his head and laughed. He looked up and grinned at Tito Dylan, who was looking at him angrily.

"Shouldn't I be the one telling you that, Mr. Vejia?" Chase looked at him intently. "Don't poison your child's mind."

Tumawa si Tito Dylan at malokong ngumisi sa amin ni Chase. "Anak ko siya kaya bakit ko naman lalasunin ang isip niya?"

"Why don't you ask yourself?" Hindi ko mapigilang sabi. Napatingin naman sila sa akin. "Why would you poison your daughter's mind, Tito Dylan?"

Tumingin ako kay Dianne na nakakunot ang noo ngayon at kitang-kita sa mukha niya ang kalituhan.

"The world that Dianne lives in is full of lies because of you. Because of her own father." I took my eyes off Dianne and shifted my gaze to her father. "How long will you raise your child in a world full of your lies?"

Muli akong tumingin kay Dianne na ngayon ay nakatingin na rin sa akin.

"Makinig ka sakin," sabi ko at mariin siyang tiningnan. Ramdam na ramdam ko ang matalim na tingin sa akin ni Tito Dylan pero hindi ko iyon pinansin basta... masabi ko lang katotohan na dapat malaman ni Dianne. "Hindi pinatay ng pamilya ko ang ina mo dahil ang pumatay sa ina mo ay katabi mo at matagal mo ng kasama."

Nakita ko kung paano matigilan si Dianne at napatagal ang titig sa akin, hindi alam kung paniniwalaan ba ang sinabi ko o hindi.

"It's your father, Dianne." I added. "Your father, who you always defend and believe in."

Bahagyang nanlaki ang mata ko nang may biglang humila sa akin at kasunod non ay isang putok mula sa baril.

Hindi ko na kailangan kilalanin ang humila sa akin dahil bigla siyang nagsalita na kinangiwi ko lang.

"Damn it," mura niya. "Mapapatay ako ni Kairus kapag nakita ka niyang may gasgas o sugat man lang."

Hindi ko pinansin si Chase at umaayos dahil nakadagan ako sa kaniya. Buti nalang at hindi nila tinalian ang mga kamay namin dahil mahihirapan talaga kaming kumilos at hindi ako mahihila ni Chase. Kung nagkataon ngang may tali kami sa mga kamay at hindi agad ako nahila ni Chase, malamang ay nasa katawan ko na ang bala na iyon.

Tinulungan ko rin si Chase na umaayos. Tumingin ako kay Dianne at sa ama niya.

"Will you believe her, Dianne?" Tito Dylan's voice showed anger as he looked at his daughter. He was still holding the gun. "Are you going to believe that bitch more than your father?"

Napatingin sa kaniya si Dianne. "D-Dad—"

Natigilan siya nang biglang tumawa ang kaniyang ama at lumingon sa amin. Kitang-kita ko ang sobrang galit sa mga mata niya.

Kitang-kita ko rin sa mga mata niya kung gaano niya kami gustong patayin.

Lumingon siya sa mga tauhan niya at sumenyas kaya lumapit sa amin ang isang tauhan, at pilit akong inilayo kay Chase.

"Ano ba!" sigaw ko at nagpumiglas. "Bitawan mo ako!"

"Shit, tangina." Rinig kong mura ni Chase at sinubukan tumayo. Sinubukan niyang abutin ako pero agad siyang nahawakan ng isang tauhan ni Tito Dylan.

Dalawa ang may hawak sa kaniya habang sa akin ay isa lang. Alam nilang hindi makakalaban si Chase kaya malakas ang loob nila dahil kung walang sugat na iniinda ang isang 'yan, paniguradong sabog na ang mga mukha ng dalawang may hawak sa kaniya.

Natigilan ako nang lumapit si Tito Dylan kay Chase habang may hawak na baril. Tiningnan niya si Chase mula ulo hanggang paa.

"Gusto mong makarinig ng kwento?" Tumawa si Tito Dylan at pinaglaruan ang hawak niyang baril habang nakatingin pa rin kay Chase.

"There were two children who were kidnapped. A girl and a boy. The boy protected the girl, just like you are doing now. But do you know what happened to that boy?"

Natigilan ako.

 
Hindi sumagot si Chase kaya napangisi si Tito Dylan. Sandali naman akong tiningnan ni Tito Dylan pero agad din na binalik ang tingin kay Chase na masama ang tingin sa kaniya habang hawak pa rin ng dalawang lalaki.

"The boy died protecting that girl."

Napayuko ako dahil sa narinig. Tangina. Mahina akong suminghap at napalunok. Pigil-pigil ko ang luha ko.

"Nakakalungkot lang dahil hindi man lang sila sabay na bumalik na buhay at magkasama." Natigilan si Tito Dylan. "Magkasama man silang bumalik pero may pinagkaiba ang dalawa at alam mo kung ano iyon?"

Napaangat ako ng tingin at nakitang nakatingin sa akin si Tito Dylan. Ngumisi siya.

"The girl came back alive, while the boy came back dead. He was brought back dead, lifeless." He turned to Chase. "See the difference? Isang buhay at isang patay, iyon ang pinagkaiba nilang dalawa."

Kumuyom ang kamao ko. Nagpumiglas ako ako dahil gusto kong sugurin. Gustong-gusto kong alisin ang ngisi sa mukha niya!

"Hayop ka!"

Tumawa lang si Tito Dylan at tiningnan si Chase.

"Now, do you also want to follow the fate of that boy? Do you also want to die protecting Faye Katherine?"

Tumingin ako kay Chase at umiling. Nanatili siyang nakatitig sa akin. Dumaan ang ilang minuto ng hindi siya magsalita kaya aktong magsasalita na ang nakangising si Tito Dylan ay biglang nagsalita si Chase.

"Hiro died protecting Faye, and I will too. I will gladly follow Hiro's fate. That boy's fate," he said while looking at me softly. A smile appeared on his lips. "I will die protecting her too. If it's for her safety, I guess it's worth it."

Tuluyang tumulo ang luha ko at paulit-ulit na umiling habang nakatingin sa kaniya. I looked at Chase with pleading eyes.

Muli akong umiling sa kaniya habang lumuluha pero nanatili pa rin siyang nakangiti sa akin.

I will not let him die. I won't let him sacrifice his life just for someone like me. I will not let him die while protecting me.

I'm not worth it for them to die for me. It's not worth it for them to waste their lives just for me.

Natawa si Tito Dylan bago sinuntok si Chase na kinasigaw ko. Muntik na siyang matumba kung hindi lang siya hawak nang dalawang lalaki sa braso.

Tumingin sa akin si Tito Dylan at lumapit. "Nagsisimula pa lang ako kaya bakit umiiyak kana?"

Galit ko siyang tiningnan. "Mas masahol ka pa sa hayop."

Umiling siya at aktong pagbubuhatan ako nang kamay ng biglang nagsalita si Chase.

"If I were you, I wouldn't lay a hand on her. Because if her family sees any wounds, bruises, or even scratches on her body, you're dead," said Chase, who laughed a little while looking at us.

"I don't care. She's just an Allister."

"She's not just an Allister." Chase shook his head. "Baka nakakalimutan mong hindi lang ang mga Allister ang babangain mo o baka naman hindi mo alam na hindi lang ang mga Allister ang binabangga mo ngayon?"

Natigilan si Tito Dylan at kunot noong lumingon kay Chase.

"Anong ibig mong sabihin?"

Ngumisi si Chase. "Why don't you ask your daughter?"

Bumaling si Tito Dylan kay Dianne kaya tumingin din kami ni Chase. Hindi pa rin nawawala ang ngisi sa mukha ni Chase.

Hindi man lang ba siya nasaktan sa suntok na iyon?

"D-Dad..." Napalunok si Dianne. "Wala ka bang alam sa pamilya ni Tita Fiona?"

Tumaas ang kilay ni Tito Dylan. "Ano namang meron sa pamilya ni Fiona?"

Magsasalita sana si Dianne ng magsalita ulit si Tito Dylan.

"Ang mga Friedrich ba ang inaalala ninyo? Sobra rin ang galit ko sa pamilyang iyon." Natawa si Tito Dylan. "Don't worry, they won't interfere. Fiona's family is too elusive compared to the Allisters."

"How can you be sure, Daddy? That girl is also a Friedrich! We don't know anything about the Friedrichs because they are too private, but we know how powerful they are! Pader ang binabangga natin!" Dianne bit her lip. "Why don't you seem afraid of them? Besides, you also need to explain something to me about what Faye was saying earlier!"

"You believe her? I'm your father, so you should believe me instead of that bitch. I don't have to explain anything to you either," malamig na sabi ni Tito Dylan sa kaniya. "Also, there's nothing to fear from the Friedrichs. They have their own world. Wala rin naman sila rito sa bansa."

Dianne gasped and looked at her father in disbelief. Nakita kong nanggigilid ang kaniyang mga luha. I saw the disappointment in her eyes as she looked at her father.

Napailing siya at napayuko. Mukhang hindi na niya alam ang gagawin niya.

Nagsalita si Chase.

"You're really not afraid of anything, Mr. Vejia. It seems that even the Friedrichs don't scare you, or maybe you're just hiding your fear?" Chase spoke boldly.

Lumingon sa kaniya si Tito Dylan na may masamang timpla ang mukha dahil sa sinabi ni Chase.

"Be alert, Mr. Vejia. I'm sure they already know where we are. Idagdag pang matagal na kayong naamoy ng mga Friedrich dahil sa ginawa niyo noon." Seryosong tumingin si Chase kay Tito Dylan. Nawala ang mapaglarong ngisi na nakapaskil sa labi niya kanina. "Pader ang babanggain niyo."

Tito Dylan shook his head. Hindi ko nga alam kung tama ba ang nakita ko sa mga mata ni Tito Dylan kanina dahil parang may kaba sa mga mata niya kanina.

"Before they even know where you two are, you're both dead."

After he said that, he raised his hand, holding a gun. I thought he was going to aim his gun at Chase, but I was wrong.

Because he pointed his gun at me.

Nanlaki ang mga mata ni Chase habang ako ay napasinghap. Nakatingin ako sa ulo ng baril na nakatutok sa akin.

"Mas maganda siguro kung ikaw ang uunahin—" Naputol ang sasabihin niyang may biglang nagsalita kaya napatingin kami sa direksyon na iyon.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita kung sino ang nagsalita at mas nagulat ako ng makita ko ang mga kasama niya.

"Go ahead and shoot my daughter; I will make sure that not only my daughter will be shot but also your daughter, Dylan."


You are reading the story above: TeenFic.Net