Chapter 51

Background color
Font
Font size
Line height

Trigger Warning: Attempted Rape, Violence, Death, and Abuse. You can skip this chapter. You don't have to read this chapter if you can't or don't want to. It's fine, and I understand. Your mental health is more important

This chapter is dedicated to scilloides_

FAYE

"Ano ba! Bitawan mo ako!" Umiiyak na sigaw ko sa taong may bitbit sa akin. Patuloy kong pinapalo ang matigas niyang likod kahit alam kong wala akong magagawa. Idagdag pang ang laki-laki niyang tao! Para siyang kapre.

Hindi ko alam kung paano ako napunta sa ganitong sitwasyon. Bata lang ako. I'm only 14 years old!

Nasa park lang naman kami ni Hiro at parehong nakaupo sa swing hanggang sa may humintong itim na van sa harapan namin at bigla nalang kaming sinakay sa loob.

Bigla nalang akong binagsak ng may hawak sakin sa sahig kaya napadaing ako dahil alam kong napasama ang pagkaka-bagsak sa akin.

"Erin!" Narinig kong sigaw ni Hiro at naramdaman ko ang paglapit niya sa akin, at ang maingat niyang paghawak sa akin. "Inaalagaan ko 'yan tapos gaganyanin mo lang?! Binagsak na parang laruan?! Fuck you!"

Hindi naman siya pinansin nung malaking lalaki at basta nalang kaming tinalikuran.

"Bastos amputa," bulong naman ni Hiro. "Akala mo kung sinong malaking tao."

Tinulungan naman ako ni Hiro na umayos nang upo. Ramdam ko ang pagiingat niyang hawakan ako. Dapat nga masanay na ako sa kaniya dahil ganito siya kapag hinahawakan ako, ingat na ingat.

"Saan ang masakit?" Nag-aalalang tanong niya at pinunasan ang luha ko.

Umiling lang ako sa tanong niya kahit naiiyak na ako sa sobrang sakit ng balakang ko lalo na ang pang-upo ko. Kung pwede ko lang murahin ng harapan ang kapre na iyon ay ginawa ko na kaso natatakot ako, e.

"Erin..." Tawag sakin ni Hiro kaya napatingin ako sa kaniya.

"Bakit?"

"I'm sorry if I didn't protect you from that guy." I saw the guilt in his eyes. "I promised to protect you, but I didn't even protect you from that guy. I failed to protect you. I broke my promise."

Napangiti naman ako sa sinabi niya sa kabila ng sakit na nararamdaman ko.

"It's okay. You always protect me, but please protect yourself too." I said and sighed. "Huwag puro ako ang iniintindi mo. Kung gusto mo akong protektahan, protektahan mo rin ang sarili mo."

Tumingin ako sa kaniya at nakitang titig na titig siya sa akin.

"Protect yourself, because how can you protect me if you can't even protect yourself, Ashairo?"

Hiro is one year older than me. He is my best friend and my first love.

It's fine with me if he doesn't like me; we're still young, and one more thing: there's time for love.

I don't need to push and rush.

Inilibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng kwarto kung saan kami dinala at kinulong ng mga 'yon. Parang abandonado na ang kwartong 'to. Yung katulad ng mga kwarto sa abandonadong building lang.

"Siguradong hinahanap na nila tayo," sabi ko at tiningnan si Hiro na nasa tabi ko. Pinatong ko ang ulo ko sa balikat niya at hindi naman siya nagreklamo.

"Yeah."

"Sa tingin mo, bakit nila tayo dinukot? For ransom?" tanong ko at sandaling napatingala na akala mo'y may makukuha akong sagot sa taas.

"Ransom? No." Umiling siya. "Sa tingin ko, hindi nila kailangan ng pera. May malalim na dahilan pa."

Kung gano'n, ano naman iyon? Anong kailangan nila sa aming dalawa?

Honestly, I'm scared. Natatakot kung ano man ang mangyayari sa amin habang hawak nila kami. Natatakot ako para sa kaligtasan naming dalawa.

Alam kong hindi dapat ako pangunahan ng takot pero kasi... hindi ko mapigilan lalo na't hindi namin kilala ang nagpakuha sa amin at hindi namin alam ang dahilan niya kung bakit niya kami pinakuha.

"Hiro, promise me that no matter what happens, you won't leave me. We will get out of here safely."

"Hindi naman kita iiwan," sagot niya at hinaplos ang buhok ko. "Sabay tayong aalis dito. We will go home together. Safely. Promise."

"Kilala kita, Hiro." Hinarap ko siya at nakitang nakatingin siya sa akin. "Alam kong hindi mo ako iiwan pero alam ko rin na uunahin mo ako kesa sa sarili mo."

He smiled at me. "May masakit pa ba sayo? Nagugutom kana ba?"

Napaismid ako dahil ang galing niya talagang ibahin ang usapan.

"Masakit pa rin ang katawan ko dahil sa biglang pag-bagsak sakin." Napabuntong hininga ako dahil totoo naman. Masakit pa rin ang katawan ko lalo na ang pang-upo ko. "At oo, nagugutom na ako pero kaya ko namang tiisin."

"Babawian ko ang lalaking iyon dahil sinaktan ka niya." Nakabusangot na aniya.

Natawa ako. "Ayos lang. At isa pa, anong laban mo sa kapre na 'yon? Ang laki non, e ikaw? Langgam ka lang siguro para sa kaniya."

Nagsalubong ang makapal niyang kilay dahil sa sinabi ko. "Ano naman? Ano naman kung langgam lang ako sa paningin niya? Basta babawian ko 'yon dahil sinaktan ka niya. Isusumbong ko rin siya sa pamilya mo."

"Hiro—" He cut me off. Ang hilig din niyang putilin ang sasabin ko! Hindi ko ba alam sa lalaking 'to.

"Bawal kang masaktan. Inaalagaan kita, e kaya bakit ko hahayaan na saktan ka nila?" Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Napabuntong hininga siya. "Kung sasaktan ka man nila, ako nalang. Basta huwag lang ikaw dahil baka ikamatay ko iyon."

Napaiwas ako ng tingin. Nagsimulang mag-init ang mga mata ko, naiiyak ako. Naiiyak ako dahil ganito siya sa akin, palagi niya akong pinoprotektahan habang ako ay wala man lang nagagawa kapag siya naman ang nasasaktan.

"If they don't hurt you, I will live, but if they do, I might die." ani Hiro. Pinunasan niya ang luhang nasa pisngi ko at muling ngumiti sa akin. "I will protect you until my last breath, Erin."

"Huwag kang umiiyak, pumapangit ka." Hinampas ko siya dahil sa sinabi kaya humalakhak siya.

Sa ganitong sitwasyon na nga kami, nakuha pa niyang mang-asar! Hanggang dito bwinibwisit niya ako. Hindi niya talaga pinapalampas ang mga araw na hindi niya ako inaasar.

"Ayokong makita kang umiiyak. Ayokong makitang umiiyak ang babaeng mahal ko," sabi niya kaya natigilan ako.

"Ha?"

"Nothing." Umiling siya at ngumiti. "Ang pangit mong umiyak."

Muli ko siyang hinampas. "Ang bully mo!"

"Pero hindi naman kagaya ng mga nangb-bully sayo noon." Tumingin siya sa akin. "Kapag may nang-bully pa sayo, sabihin mo sakin."

"And don't be afraid to show them your face. Don't be afraid to show your beauty," he smiled softly at me. "What they tell you is not a good enough reason to hide your face from others. Don't hide your face forever, Faye Katherine. Don't be affected by what other people say to you. They are just jealous of you. You know yourself better than they do."

Natigilan ako sa sinabi niya. Tinatago ko ang mukha ko dahil natatakot sa sasabihin ng iba. Bata palang ako, naranasan ko nang-mabully at buti nalang nandiyan si Hiro para sa akin.

Hindi ko sila sinusumbong sa magulang ko. Hinahayaan ko lang sila dahil alam kong magsasawa rin naman sila. Ayokong magpa-apekto sa kanila pero hindi ko rin naman mapigilan ang sarili kong maapektuhan.

"Don't hide and live in darkness forever. You will not achieve the peace you want if you continue to live in darkness," sabi niya pa. "Huwag kang makinig sa sinasabi ng iba. Hindi ka pangit, alam mo 'yan. Maganda ka."

"Don't compare yourself to others, because if you always compare yourself to others, you won't see who you really are. You can't see the hidden beauty inside you," ngumiti siya sa akin at bahagyang ginulo ang buhok ko. "You're an Allister, Erin."

This man... he always boosts my confidence whenever I feel insecure. I'm always insecure, but he doesn't let me compare myself to others. But sometimes I can't help it.

I don't know what would happen to me without Hiro by my side. Hiro and I have been together since childhood, but I still don't want to train myself to always have him by my side.

Because everything has an end. Destiny is destiny. Nothing will change.

Natulog akong nakahiga sa binti niya habang siya naman ay hinihimas ang buhok ko. Binti niya ang nagsilbing unan ko. At bago pa ako tuluyang hilahin ng antok, klaro ko pang narinig ang sinabi niya.

"Ikaw ang isa sa mga magagandang nangyari sa buhay ko, Erin."

Nagising ako nang may narinig akong kalabog. My eyes immediately looked for Hiro and saw him next to me, who also seemed to have woken up because of what he heard.

"A-Anong... nangyayari?" tanong ko at bumangon.

"Hindi ko alam," sagot ni Hiro sa akin.

Sabay kaming napalingon sa pinto ng bigla itong bumukas at pumasok ang dalawang malalaking lalaki. Yung isa, siya yung kahapon na bumuhat sa akin at bigla nalang ako binagsak. Habang ang isa naman na kasama niya ay hindi ko kilala dahil ngayon ko lang ito nakita.

Naglakad papalapit sa pwesto namin ang dalawa at agad namang humarang sa harapan ko si Hiro.

"Umalis ka riyan kung ayaw mong masaktan." Matigas na sabi ng kapreng lalaki.

Umiling si Hiro. "No. You have no right to touch her."

Sabay na natawa ang dalawang lalaki na para bang may nakakatawa sa sinabi ni Hiro.

Tumayo ako at kumapit sa jacket ni Hiro. Saglit siyang napatingin sa akin.

"Hindi mo kami kaya, bata." Natatawang sabi ng isa. "Kaya umalis ka riyan at kukunin namin ang batang kasama mo dahil gusto siya makita ng boss namin at ng anak niya."

"Ayoko," mariin na sagot naman ni Hiro at masamang tiningnan ang dalawa. "Wala akong pakialam. You will not take her, and she will stay by my side."

Nakita ko naman ang pagkawalan ng pasensya at pagka-inis ng dalawang kapre. Matalim nilang tiningnan si Hiro kaya agad namang tinapatan ni Hiro ang matatalim nilang tingin.

"Inuubos mo ang pasensya ko," sabi ng kapre at tiningnan ang isa niya pang kasama na mukang naiintindihan ang nais niyang iparating.

Agad na lumapit sa amin ang isang lalaki at hinawakan si Hiro sa kwelyo kaya napabitaw ako mula sa pagkakahawak ko sa damit niya. Agad namang nag-pumiglas si Hiro mula sa pagkakahawak ng lalaki.

"Bitawan mo ako! Layuan niyo si Katherine!" Patuloy pa rin sa pagpupumiglas si Hiro. "You hear me?! Stay away from her!"

Natawa ang lalaki. "Bata ka lang pero ang tapang-tapang mo na porket galing ka sa mayamang angkan at isa kang Villafuerte," hilaw na ngumisi ang lalaki. "Hindi ka naman dapat kasama pero nag-pumilit ka. Masyado kang epal, bata. Villafuerte ka nga talaga."

Naramdam ko naman ang mahigpit na pag-hawak sakin ng isang kapre kaya katulad ni Hiro, nagpumiglas ako.

"Bitawan mo ako!" Naiiyak na sigaw ko. "Ayoko sayong kapre ka!"

Nakita kong napatingin sakin si Hiro at nang makita niya na hawak ako ng lalaki ay lalo siyang nag-pumiglas.

"Ang sabi ko, layuan niyo si Katherine!" Ramdam na ramdam ko ang galit niya pero alam kong kahit anong gawin namin, wala kaming magagawa.

"Ang ingay mo." Pagkatapos sabihin iyon ng lalaking may hawak kay Hiro ay agad niya itong inuntog sa pader at binalibag.

Ginanon niya si Hiro na parang isa lang siyang laruan!

Nanlaki ang mata ko sa nasaksihan ko. Narinig ko ang pagdaing ni Hiro sa sakit at nakita ko ang pagdaloy ng dugo mula sa kaniya.

"N-No..."

Akmang tatakbo ako papunta sa kaniya ng pigilan ako ng lalaking may hawak sa akin.

Agad akong nag-pumiglas. "Ano ba! Bitawan mo ako!"

Pilit pa rin akong kumawala mula sa pagkakahawak niya sa akin pero masyado siyang malakas.

Napaupo ako nang bigla niyang suntukin ang sikmura ko, ang sakit! Naramdaman ko ang pagbuhat niya sakin na parang sako.

Lumuluha kong pinagmasdan si Hiro na namimilipit sa sakit. I want to approach him but I can't. Wala man lang akong magawa kundi ang pagmasdan siyang nasasaktan.

Bakit nangyayari ito sa amin? Wala naman kaming ginawang masama.

Oh, please, save him. Save us.

I don't know where they took me, but I'm sure of one thing: we're still here in the abandoned building.

Katulad ulit ng ginawa niya sa akin, I was just dropped like a toy. Wala silang pakialam kung masaktan man ako o mabalian man lang ng buto.

Masakit pa rin ang sikmura ko dahil sa pagkakasuntok sakin tapos ngayon naman, binagsak na naman ako.

Gustong umiyak at mag-sumbong nang mag-sumbong sa magulang ko. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakaranas ng ganito.

"Ang sarap mong tingnan na nagkakaganiyan ka at namimilipit sa sakit."

Nangunot ang noo ko sa narinig ko. That voice was familiar to me. Pinunasan ko ang luha ko at inangat ang tingin ko para makumpirma ang hinala ko.

And I was right. Si Dianne ang nag-salita, prente siyang nakaupo sa upuan na kahoy habang ang tatay niya ay nasa tabi niya at nakaupo rin, naninigarilyo.

Kumuyom ang mga kamao ko at natawa nang mahina. I can't believe they can do this stuff.

Alam ko naman na sobrang laki ng galit niya sa pamilya ko lalo na sakin pero hindi ko inaasahan na aabot kami sa ganitong lagay. 

"Sarap na sarap kang tingnan akong nagkaka-ganito habang ako ay hindi ko man lang magawang tingnan ka dahil nakakasuka kang tingnan," sabi ko.

Matalim niya ako tiningnan pero wala akong pakialam. Masama talaga ang ugali niya kahit kailan.

"Nakakasuka ka rin namang tingnan dahil malandi ka at inagaw mo si Hiro sa akin!" aniya habang matalim ang tingin sa akin.

Natawa ako. "Wala naman akong inagaw sayo at isa pa, hindi naman naging sayo ang kaibigan ko. Assumera ka lang talaga."

"You will pay for this." Nanggigigil na ani niya. "I will ruin your life."

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay naramdaman ko ang paghampas sakin ng isang matigas na bagay, isang bakal.

You already did. You have ruined my life.

Napasuka ako ng dugo pero nagawa ko pang tumawa nang mahina. Ang sakit! Parang mababalian pa ako ng buto. Hindi lang isa ang ginawa nilang palo sa akin kundi dalawa kaya sa pangalawang pagkakataon, nagsuka ako ng dugo.

I tried to stand up, but before I could stand, someone kicked me, causing me to fall down.

 
Nakita kong tumayo si Dianne mula sa pagkaka-upo niya at lumapit sa akin.

He's obsessed with Hiro. Ang bata pa namin para sa mga ganito pero kung angkinin niya si Hiro akala mo ay pagmamay-ari niya talaga.

Wala ngang pakialam si Hiro sa kaniya. Nanghihina kong pinunasan ang dugo mula sa bibig ko.

Napahawak ko sa kaliwang pisngi kong sinampal niya, nalasahan ko pa ang dugo sa gilid ng labi ko dahil sa malakas niyang pagkaka-sampal sa akin. Napadaing ako nang hawakan niya nang mahigpit ang buhok ko.

"Kulang na kulang pa ito, Faye." Ramdam na ramdam ko ang galit niya at lalong

You are reading the story above: TeenFic.Net