Chapter 5

Background color
Font
Font size
Line height

Author's Note: Update! Update! HAHAHAHA Sorry sa mga typo, wrong spelling and grammar if meron. Thank you!

Tapos na ako sa modules, sana kayo rin:)

Enjoy Reading!

FAYE

Pag-bukas ko palang ng pinto ng room napapikit na ako dahil may nalaglag na malamig na tubig sa'kin mula sa itaas ng pinto, may kasama pang yelo! Tangina.

Gano'n na ba ako ka-lutang para hindi ko mapansin na may malamig na tubig pala sa taas ng pinto?!

Narinig ko ang tawanan nila. Ay happy kayo? Happy?

Saksakin ko kaya sila?

Binuksan ko ang mga mata ko at boring silang tiningnan.

"Oh, himala at hindi mo naiwasan?" Natatawang tanong ni Ryuu. Gagong Ryuu 'to. Siya una kong sasaksakin.

Iu-una kita sa listahan ng sasaksakin kong tarantado ka.

"Saya ah?" Plastic akong ngumiti sa kaniya.

"Syempre! Tatanga tanga ka e." Mayabang siyang ngumiti. Pigilan niyo ko sasaksakin ko talaga 'to.

"Ay tanga ka daw!" Sabi ng kung sino kaya nagtawanan sila.

"Nahiya naman ako sayong tatanga tanga rin. Isa ka pang tanga gago." Ngumisi ako habang nakatingin sa kaniya.

Naningkit ang mga mata niya habang nakatingin sa'kin at nakapamewang. "Happy ka?" Pikon na si Ryuu guys.

"Oo happy ako, kaya nga kapag natuto akong pumatay ikaw ang uunahin kong putangina ka." Nanlaki ang mata niya dahil sa sinabi ko.

"Criminal!" Sigaw niya habang nakaturo sa'kin.

Ngumisi ako. "Opps correction! Magandang Criminal."

Inalog alog niya ang katabi niyang si Jake. "Baby Jake look oh, she away away me." Sabi niya at tiningnan ako ng masama.

Ano daw? She away away me? Sira ulo ba 'to?

"Tangina mo Ryuu umayos ka nga! Kinikilabutan ako sayo." Inirapan siya ni Jake kaya napabusangot siya.

"But baby-" Hindi niya natuloy ang sasabihin niya dahil inunahan na siya ni Jake.

"Isa pang baby mo at mang-hihiram ka ng mukha sa aso." Banta sa kaniya ni Jake.

Narinig ko ang tawanan ng mga walanghiya hunghang. Pero natigil sila dahil dahil may nagsalita sa likod ko, nakaharang pala ako sa pinto hehehe.

"Miss Allister? Bakit basa ka?" Sir Logan.

Humarap ako sa kaniya at hiyang ngumiti. "A-ano... ano p-po nag s-swimming po a-ako." Napakamot ako sa batok dahil sa walang kwenta kong dahilan. Saan naman ako mag si-swimming dito?

Narinig ko ang tawanan ng mga walanghiya hunghang sa likod ko.

May araw rin kayo sa'kin.

Kumunot ang noo niya at tumingin sa likod ko, at umiling. "Section Knight ang may gawa niyan, tama?"

Oo Sir, kaya 'wag niyo akong pi-pigilan kapag sinasaksak ko 'yang mga walanghiyang hunghang na nasa likod ko.

Gusto sanang sabihin 'yon kay Sir kaso 'wag nalang pala, kaya hilaw nalang akong ngumiti sa kaniya at tumango tango naman siya, at humawak sa noo niya bago bumuntong hininga na parang stress na stress siya sa mga kalokohan ng mga tarantadong 'to.

Nakaka-stress naman kasi talaga. Kung ako kay Sir, pinag sasaksak ko 'yan isa isa.

Sir Logan looked at me and spoke, "Change your clothes. You might get sick."

Buti pa si Sir mabait, tapos yung mga hunghang tarantado.

Tumango nalang ako kay Sir at umalis na para pumunta sa girls comfort room para mag bihis. Buti nalang may dala akong pamalit na uniform, at buti nalang girls scout ako nung bata ako, laging handa.

Pumasok ako sa isang cubicle para magpalit. Pagkatapos kong magpalit lumabas ako ng cubicle at humarap sa salamin para ayusin ang sarili ko.

Ang ganda ko.

Ang cute ko.

Lumabas ako ng girls comfort room at pumunta na sa room.

Pagpasok ko napatingin sila sa'kin, inirapan ko ang mga hunghang at naglakad papuntang upuan ko sa gitna nila Ethan at Trace.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Ethan.

"E, kung buhusan kaya kita ng malamig na tubig tapos tanungin kita kung ayos ka lang?" I raised my eyebrow at him.

Ngumuso siya, "Faye may pagkain kaba sa bag mo? Nagugutom ako ihhh."

Naningkit ang mga mata ko hang nakatingin sa kaniya, "Kumain kana diba?"

"Ha? Hindi ah hehe."

Tinuro ko ang gilid ng labi niya, "May cheese pa sa gilid ng labi mo oh."

Nanlaki ang mga mata niya at dali daling pinunasan ang gilid ng labi niya at tumingin ulit sa'kin, "Nagugutom ulit ako ihhh. Sige na pahingi ako. Meron kabang pagkain?"

"Meron," Sabi ko at nagliwanag naman ang mukha niya at inilahad ang dalawang kamay niya sa sa'kin. "Pero hindi kita bibigyan."

Narinig ko ang tawa ni Trace at ang tawa ng mga nakarinig.

Kumurap kurap naman si Ethan, "F-Faye..." Mangiyak ngiyak niyang sambit.

I chuckled, "Just kidding. Bibigyan kita, wait ka lang." Kinuha ko ang bag ko at binuksan. Si Ethan naman pa-simple pang sumisilip.

Kumuha ako ng tatlong chocolate at isang chuckie at ibinigay sa kaniya.

Ngumiti naman siya ng malaki, "Salamuchiee!"

Tumango ako at kumuha ng dalawang chocolate at isang chuckie, at ibinigay ko kay Trace na kinagulat niya pero tinanggap naman niya.

"Thank you." Nakangiting sambit niya.

Shit ang gwapo!

"Welcome." Ngumiti ako.

I looked at Sir Logan as he called me, "Ms. Allister?"

"Yes po?" Nagtatakang tanong ko.

"Are you related to the Allister Family?" Tanong ni Sir na nakapagpa-tahimik sa'kin.

I was silent and blinked. I was surprised by Sir Logan's question to me.

I'm not the only one who kept quiet, but also my classmates, and they seem to be waiting for my answer.

"Hindi po. Allister lang ang surname ko, pero hindi po ako related sa kanila. At baka nagkataon lang na magka-pareho kami ng surname." Laking pasasalamat ko dahil hindi ako nautal.

Tumango tango siya at tumingin ulit siya sa'kin, at nagsalita, "Do you know Katherine Allister? The youngest in the Allister Family? You two have the same name and surname, the only difference is that your second name is Katherine, and you have Faye in the name but she doesn't."

Natikom ko ang bibig ko. Kung alam niyo lang...

"Yes, I know her. About the fact that we have the same name and surname, maybe just uhm coincidence? Hehehe." I said awkwardly.

Napatingin ako kay Ethan ng magtanong siya, "Hindi mo siya pinsan?"

"Hindi."

"Kahit pinsan lang?"

Tumango ako.

"Hindi talaga?"

"Hindi nga."

"Sure ka? Sure na sure? Hindi mo talaga siya pinsan?"

Tiningnan ko siya ng masama, "Ang kulit mo, hindi ko siya pinsan." Kase ako 'yon.

"Section Knight, ni isa ba sainyo wala pang nakakakita ng mukha niya?" Tanong ni Sir.

Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang tawa.

"Sir, masyadong private ang info ni Bebe Kath." Sambit ni Ryuu kaya napangiwi ako dahil sa pag tawag niya ng 'Bebe Kath.'

Tumayo mga balahibo ko.

"Sir,wala pang nakakakita ng mukha niya maliban sa mga taga Sapphire at Family and Friends niya!"

"Oo nga Sir. Tsaka mga piling tao lang ang nakakakita o pwedeng makakita ng mukha niya."

"Parang gusto ko tuloy lumipat ng Sapphire."

"Gusto kong ng makita ang mukha niya!"

"Paniguradong maganda siya!"

Oo, tama ka maganda ako.

"Siguro baka ayaw niyang magpakita ng mukha niya dahil pango siya, kulot ang buhok, may malaking glasses, may braces, makapal ang kilay, manang kung manamit, nerd... inshort pangit." Nanlalaking matang sambit ni Ethan habang kumakain ng chocolate na binigay ko sa kaniya.

Tarantado, Gago, Tangina, Putangina, Sira ulo, Talipandas, Hayop. Lahat yata ng mura nasabi ko na sa isip ko dahil sa sinabi ni Ethan.

Ano 'yon gano'n imagination niya sa'kin?! Bawiin ko kaya yung pagkain na binigay ko sa kaniya?

"Siguro laging suot non puro over size t-shirt, tapos malay niyo lapidang naglalakad 'yon." Dugtong ni Ethan.

"Anong lapidang naglalakad?" Takang tanong ni Ryuu.

Tumigil sa pag nguya si Ethan at tumingin sa kaniya, at ngumiti ng malaki, "Flat chested."

Hayop.

Narinig ko ang tawanan nila pati si Sir nakisali rin.

"Gago Ethan HAHAHAHAHA!"

"Tarantado!"

"Lapidang naglalakad HAHAHAHAHA!"

"Flat chested daw!"

Naririnig kita Ethan kung alam mo lang.

Gusto kong bawiin ang binigay ko sa kaniyang pagkain.

Gusto ko siyang suntukin.

Ituloy ko kaya yung pananaksak ko sa kanilang lahat? Isama ko na si Sir.

Makakapatay yata ako ng mga walanghiyang hunghang.

Ang kapal ng mukha ni Ethan na laitin ako! Pagkatapos ko siyang bigyan ng pagkain? Grabe ha.

Sabagay hindi niya alam kung sino ako, pero nilait pa rin niya ako!

Hindi ba niya alam na anak ako ng mafia boss?

Napatingin ako kay Kairus at Chase, tinaasan ko sila ng kilay ng makitang nakatingin sila sa'kin.

Silang dalawa pala ang nararamdaman kong nakatitig sa'kin kanina pa...

Inirapan ako ni Kairus, pero si Chase nanatili pa rin nakatingin sa'kin.

Masyado yatang nagandan sa'kin si pareng Chase hays.

***

Naglalakad na ako papauwi, wala akong dalang kotse dahil trip kong maglakad. Pinauna ko ng umuwi sina Lalaine at Lenard sa condo, pinag taxi ko sila.

Sinabi ko din na sila nalang muna ang sumundo kay Lucas.

Napatigil ako sa paglalakad ng matanaw ko sa hindi kalayuan ang mga walanghiyang hunghang at may kaharap silang grupo ng mga jejemon.

At mukhang may war na magaganap.

At hindi nga ako nagkamali dahil nagsimula na silang mag rambulan.

Troublemaker nga.

Ang galing nilang makipag laban. Hinanap ng mga mata ko si Ethan at ayun! Lima pa ang kaharap, yabang ng pandak na 'to.

Sunod na hinanap ng mga mata ko si Trace, dalawa ang kaharap niya pero mukhang madali lang naman sa kaniyang patumbahin ang dalawang jejemon na 'yon.

Napunta ang tingin ko kay Kairus kaharap niya ang sa tingin kong leader ng jejemon.

Nahagip ng mga mata ko si Chase, tatlo ang kaharap niya at mukhang hindi niya napansin ang isang jejemon na nasa likod niya at mukhang hahampasin siya ng tubo sa likod.

Nagda-dalawang isip ako kung tutulungan ko ba siya o papabayaan ko nalang siyang hampasin ng jejemon na 'yon.

Hayaan ko nalang kaya?

Nakita ko nalang ang sarili kong tumatakbo papunta sa direksyon ni Chase at hawak ang tubo na dapat ay ihahampas sa kaniya.

"At sino ka naman?!" Tanong sa'kin nung jejemon pero imbis na sagutin siya, sinipa ko siya sa t'yan dahilan para mabitawan niya ang tubo.

Nilingon ko si Chase nakatingin siya sa'kin at salubong ang kilay.

Tingnan mo 'to siya na nga lang ang tinulungan, siya pa galit.

Tiningnan ko yung tatlong jejemon na kalaban niya pero ngayon bagsak na.

"What are you doing here?" Salubong ang kilay niyang tanong.

"Tinulungan ka?"

Tinitigan niya ako, "I don't need your help."

"Sana nagpasalamat kana lang." Umirap ako.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Ethan nang makalapit siya sa'kin.

Tiningnan ko silang lahat nakatingin silang lahat sa'kin at si Kairus na salubong din ang kilay. Tiningnan ko ang mga kalaban nila, lahat sila bagsak pati yung leader nilang jejemon.

Binalik ko ang tingin kay Ethan, "Wala, napadaan lang."

Napatingin kaming lahat sa leader ng jejemon dahil bigla siyang tumayo, aba nakatayo pa, "Siya pala ang bago niyong kaklase." Nakangising sambit niya habang nakatingin sa'kin.

"Obvious ba?" Si Chase.

Mas lumapad ang ngisi niya, "Babalikan ko kayo, lalo na ang only girl niyo."

"Hoy subukan mong galawin si Faye, mang hihiram ka ng mukha sa gorilla!" Sigaw ni Ethan. Ang tapang naman ng pandak na 'to.

Ngisi lang ang sinagot ng lalaki bago umalis kasama ang mga kasama niyang jejemon na nakatayo na pala.

"Faye dapat hindi kana nangialam, delikado." Sambit ni Trace.

"Tss, pakialamera." Walang buhay na sabi ni Kairus.

Naningkit ang mga mata ko dahil sa sinabi niya, susugurin ko sana siya kaso pinigilan na ako ni Trace at Ethan.

Napatingin ako kay Jake ng magsalita siya, "Nakita kana nila. Damay kana. Paniguradong babalikan ka nila."

"Edi hihintayin ko sila." Sagot ko. "Sige, una na akong umuwi sainyo." Tinalikuran ko na sila at nagsimulang maglakad papalayo sa kanila.

Kung babalik,edi hintayin.

Bakit nga ba ako nangialam? Bagong gulo na naman ang pinasok ko.

Tinulungan ko lang naman si Chase, gagong Chase 'yon hindi man lang nagpasalamat.

Sana pala hinayaan ko nalang siyang hampasin ng tubo.


You are reading the story above: TeenFic.Net