Chapter 49

Background color
Font
Font size
Line height

FAYE

I stared at the enlarged gate in front of me. I was in front of the gate of the mansion. This mansion is like a castle. Wala pa rin pinagbago.

Hindi ko nga alam kung papasok ba ako o hindi. Yes, I'm nervous. I mean—who wouldn't? I've been gone for a long time.

Sa sobrang tagal kong nawala, ni hindi ko na alam kung anong nangyayari sa sarili kong pamilya.

I've been selfish for a long time. I didn't even think they were there for me. I'm only thinking about myself, aren't I? I'm so unfair. Fucking unfair. 

I miss my home.

I stepped my feet closer to the huge gate in front of me. I took a deep breath before ringing the doorbell.

Nanginginig at nanlalamig ang mga kamay ko nang sumilip ang guard sa butas ng gate. Nagtataka siyang nakatingin sa akin.

Dito pa rin pala nagt-trabaho si Manong. Matagal na rin simula ng huli ko siyang nakita.

Naka-sumbrero at naka-shades nga pala ako. Kung hindi kasi ako mags-shades, agaw pansin ang mga mata ko. Titingnan at titingnan nang mga tao ang mga mata ko.

Nag-sumbrero ako dahil mainit. Pa-mysterious lang din gano'n.

"Sino po sila?"

Tinanggal ko ang sumbrero ko at ang shades ko bago ngumiti sa kaniya. Nakita ko naman ang nanlalaki niyang mga mata habang nakatingin sa akin, hindi makapaniwala.

"F-Faye, hija?" Napakurap siya. "Ikaw nga ba talaga iyan?"

Tumango ako at ngumiti. "Ako nga po."

"Aba'y teka lang at bubuksan ko ang gate," natataranta niyang sabi at nagmamadaling binuksan ang gate, may pinindot muna siya sa loob saglit bago tuluyang bumukas ang napalaking gate.

Are you familiar with the remote control gate? That's the kind of gate we have.

Ewan ko ba kung bakit ganiyan ang gate namin. For safety na rin siguro. At saka, hirap din ako sa gate na 'yan noon kapag tumatakas ako.

Nang tuluyang mabuksan ang gate ay agad akong pumasok at sinalubong nang yakap si Manong.

"I miss you po!" Natatawang sabi ko.

Narinig ko pa ang pagsinghot ni Manong Lorde habang yakap din ako.

"Ikaw na bata ka... ang tagal ka naming hinahap! Lalo na ang pamilya mo, hija. Pasaway ka kahit kailan." Napailing siya at kumalas sa akin. Pinunasan niya ang luha niya.

"Namiss din kita, hija." Malambot siyang ngumiti akin. "Wala kasing batang nangungulit sa akin para lang makalabas siya at makapaglaro."

Natawa ako. "Kamusta po? Ang tagal po nating hindi nakita."

"Ayos naman," ngumiti siya. "Aba'y ikaw dapat ang tinatanong ko niyan. Ikaw ang kamusta, hija?"

"Ayos rin naman po."

"Paniguradong naging mahirap sayo ang mga nangyari..." Malungkot na aniya.

Sobra.

Tumikhim ako. "Nandiyan po ba sila?"

"Ah, ang Mommy mo lang," sagot niya.

"Si Daddy po?" tanong ko.

Malungkot siyang ngumiti sa akin. "Nasa hospital at binabantayan ang Kuya Kin mo. Patuloy pa rin nila hinahanap ang may gawa non sa Kuya mo. Teka, alam mo na ba ang nangyari kay Kin?"

Tumango ako at mapait na ngumiti. Palihim na kumuyom ang mga kamao ko kaya tinago ko ito sa likuran ko.

"Halos hindi na kumain at matulog ang Mommy mo at gano'n din ang Daddy mo. Hindi nila alam kung paano ka hahanapin, kung kailan gigising ang Kuya mo at kung paano nila pagbabayarin ang gumawa nito," sabi pa ni Manong Lorde at napabuntong hininga. "Halos wala silang pahinga. Ayaw pa ngang umuwi ng Mommy mo kung hindi lang siya pinagsabihan ng ama mo. Bihira nalang din sila umuwi rito dahil sa dami ng mga nangyari."

Nagsimulang manggilid ang luha ko. Along with my suffering is their suffering too.

"Ngumiti man sila sa amin at sabihin ayos lang sila pero hija, hindi non mababago ang katotohanan na nakikita namin ang sakit at pagod sa kanilang mga mata. Lalo na't nangungulila sila sa iyo," dugtong ni Manong Lorde habang nakatingin sakin na may lungkot sa mga mata.

Tumulo ang luha ko. Masyado kong inisip na ako lang ang nahihirapan. Hindi ko man lang naisip na tao rin sila, may nararamdaman at nahihirapan din sila katulad ko.

I caused too much pain to my family.

"Punta na po kay Mommy," sabi ko at yumuko kay Manong Lorde.

Tumango lang siya at ngumiti.

Alam ko naman na naaawa si Manong sakin, e. Kitang-kita ko naman iyon sa mga mata niya. Kahit nga ako, awang-awa na sa sarili ko.

Sino ba namang hindi?

Malayo ang gate sa mismong mansion kaya pinahatid pa ako ni Manong sa anak niya at sinakay sa sasakyan. Gulat na gulat pa nga si Kuya Rey nang makita ako.

"Thank you po," saad ko pagkababa ko.

"Masaya ako dahil nakauwi kana," nakangiting sabi ni Kuya Rey at pinunasan ang luha niya. Anak nga pala siya ni Manong Lorde.

Kasama kong lumalaki si Kuya Rey kaya close talaga kami kahit dalawang taon lang ang tanda niya sa akin. Dito na rin siya lumaki at hindi ko akalain na seryoso siya sa sinabi niyang pagsisilbihan niya ang pamilya ko pag-laki niya bilang kapalit nang pagtulong ng pamilya ko sa pamilya niya.

Niyakap ko siya. "Namiss kita, Kuya."

"Ako rin," aniya. Naramdaman kong ginulo niya ang buhok ko. Kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kaniya at ngumiti. 

"Puntahan ko na si Mommy," sabi ko at tumango naman siya at kumaway sakin bago niya paandarin ang iBike niya, yung electric bike.

Kumaway din ako bago tumalikod at humarap sa napalaking bahay na nasa harapan ko. Hindi na ako nag-isip pa at agad na pumasok sa loob.

When I entered the house, I was greeted by a luxurious interior.

I looked up for a moment because of the large chandelier that immediately grabs attention when you enter the house.

Napatitig ako roon. It was a Givenchy Royal Hanover chandelier worth more than nine million dollars.

Dumiretso ako sa taas, kung nasaan ang kwarto nina Mommy. Nakita ko pa nga ang mga naglalakihang mga mata ng mga maids namin dito sa bahay. Nginitian ko lang sila.

I slowly opened the door to their room. I quietly peeked inside and saw my mother lying on the bed. She looked like she was sleeping.

Dahan-dahan at tahimik akong pumasok sa loob. Napatingin ako sa yakap-yakap niyang picture frame, napatitig ako roon dahil iyon ang picture namin ni Kuya nung mga bata pa kami.

Halata rin na kakagaling lang niyang umiyak dahil basa pa ang mga pilik mata niya.

Umupo ako sa kama dahilan para lumubog ito at bahagyang kumunot ang noo niya. Ang ganda pa rin ni Mommy kahit natutulog habang ako mukhang shunga.

"Mommy..." tawag ko.

Muling kumunot ang noo niya at unti-unting bumukas ang mga mata niya. Dumiretso sakin ang mga mata niya at agad na napabangon habang tulala na nakatitig sa akin.

"F-Faye Katherine? Anak?" Naluluha niyang sabi habang nakatingin sa akin.

"Is that you?" She came to me and carefully touched my face. I saw the longing in my mother's eyes.

Ngumiti ako sa kaniya at tumango.

Napaluha siya at niyakap ako. Rinig na rinig ko ang mga hikbi ni Mommy. Ramdam ko rin ang pagkabasa ng balikat ko dahil sa mga luha niya.

"Am I not d-dreaming?" Kumalas siya sa yakap at hinarap ako. Muling hinawakan ang mukha ko.

I shook my head and wiped my mother's tears.

Ngumiti ako sa kaniya. "You're not dreaming, Mommy. I'm real. I'm here, right in front of you."

Muli niya akong niyakap at doon na siya napahagulgol. Nagsimula na rin akong manggilid ang luha ko.

"A-Akala ko..." Napahikbi siya. "Akala ko hindi kana babalik, anak."

Kumalas ko sa yakap. "I'm sorry."

Nangunot ang noo niya. "Why are you saying sorry?"

"Sa mga nagawa ko po." Napayuko ako. "Mommy, iniwan ko kayo. Tumakas ako at pinasakit ko ang mga ulo niyo kakahanap sakin."

"Hindi kami galit. Napatawad kana namin at naiintindihan namin lahat," ngumiti siya sa akin at hinimas ang buhok ko. "What we want to know is what the Vejias did to you."

I saw the anger in my mother's eyes. I can clearly see and feel her anger towards the Vejias.

"What did they do to you when they kidnapped you?" tanong niya.

Napatigil ako at hindi ko alam kung sasabihin ko ba. Handa ako pero bakit ako nagdadalawang isip na sabihin sa nanay ko ang ginawa nila sakin noon?

"Sasabihin ko po kapag kumpleto na tayo," ngumiti ako sa kaniya.

Napatigil siya at napatango nalang. Alam kong gustong-gusto na niyang malaman ang lahat.

"Ang Kuya mo..."

"Alam ko po," mapait akong ngumiti sa kaniya at nakita ko ang paglungkot ng mga mata niya.

"Gusto ko siyang makita," dugtong ko.

Ngumiti siya sa akin at tumango. "Pupuntahan natin sila," sabi niya at muli akong niyakap. "Miss na miss kita, anak. Halos mabaliw ako nung bigla kang nawala."

Niyakap ko siya pabalik. "Miss na miss ko rin po kayo."

"Magbibihis lang ako." Tumayo siya at tiningnan ako. "And please, wait for me and don't leave us again."

Tumango ako.

My mother is still the same as before. Even though she doesn't have make-up on her face, she still looks beautiful, and even though the clothes she wears are not fancy, she still screams elegance. My mother's appearance looks perfect—no, she's really perfect.
 
She's perfect—the real definition of perfection.

 
I didn't inherit much from her except the complexion. Makinis at maputing balat lang, iyon lang.
 
Pero masaya ako. I'm happy because I'm finally home.

When we entered the hospital, we immediately went straight to the VIP room, where Kuya's room was. Fortunately, we didn't encounter any media.

Hawak-hawak ni Mommy ang kamay ko na parang bata. Ramdam ko ang takot niyang pakawalan ako dahil siguro iniisip niya na sa oras na bitawan niya ako ay bigla nalang akong mawala at iwan sila.

But no, I will never leave them again. I will stay by their side no matter what happens.

Habang papunta kami rito, maraming mga bodyguards ang nakapalibot at kasama namin na para bang may mangyayari sa amin na masama.

"We're here."

Napatingin ako kay Mommy nang magsalita siya. Napatingin ako sa pinto na nasa harapan namin, napatingin din ako sa paligid.

Isa lang ang napansin ko, tahimik.

"Let's surprise your father," she smiled softly at me. "I'll be the first to go in. I'll just wake up your father, who is surely asleep. Dito ka lang muna."

Napangiti ako.

Pimanood ko ang nanay kong tahimik na pumasok sa loob. Masaya siya pero hindi ko pa rin maitatanggi na hanggang ngayon ay may lungkot pa rin siyang nararamdaman.

Ako rin naman. Kahit na nakauwi na ako at makakasama ko na ulit ang pamilya ko, alam kong may kulang pa rin. May kulang pa rin sa akin, lagi nalang may kulang.

At hindi ko alam kung ano kulang na iyon. Dahil kahit ang sarili ko ay hindi matukoy ang kulang na iyon.

"Fiona, what are you doing here?" Napalunok ako nang marinig ko ang boses niya. Namiss ko siya. "I told you to rest at home, and I would take care of everything."

I can feel the tiredness in my father's voice. His voice was also hoarse, and he looked like he had just woken up.

"Maayos na ako at isa pa, may supresa ako sayo." Ramdam ko ang saya sa boses ni Mommy nang sabihin niya iyon.

"What?" Napabuntong hininga si Daddy. "Okay, but after your surprise, you will go home and rest. I don't want you to get tired."

Narinig ko ang pag-ismid ni Mommy. "But you? You should rest, not me. You are more tired than me, Kleyzen Andrius."

"Fiona Gail, I don't care if I'm tired as long as it's not you or my family," sabi ni Daddy sa baritong boses. "Basta hindi ikaw, hindi ang mga anak natin at hindi ang pamilya ko."

Natahimik si Mommy.

"Pero halata namang pagod na pagod kana..."

"Baby, I know you're worried, but I'm more worried about you. Besides, I can handle it. Pagod ako pero hindi ako mapapagod sa inyo, hmm?" My father's voice become soft.

I heard Mommy's weak sobs.

Napangiwi ako dahil nai-imagine ko na magkayakap na sila ngayon at hindi nga ako nagkamali dahil nung sumilip ako, magkayakap nga sila habang si Daddy ay hinahalikan si Mommy sa noo.

"Don't cry. We will get through this. Kin will wake up, and Faye will come back." Nakita kong ngumiti si Daddy kay Mommy at muling hinalikan nito ang noo ng nanay ko.

Mommy sniffed. "About my surprise..."

"What about your surprise, you say? Tell me."

"It's about our daughter, Faye."

Nangunot ang noo ni Daddy. "What do you mean? Anong tungkol sa anak natin? At nasaan ang supresang sinasabi... mo?"

Pinakalma ko muna ang sarili bago ako tuluyang pumasok sa loob.

He was stunned when I entered and even swallowed when he saw me, unable to believe that I was here right in front of him.

He looked back at my mother, his tears rolling down his cheeks.

Napalunok siya habang nakatitig pa rin sa akin. "Is this a dream? Please tell me this isn't dream."

"This is my surprise, baby." My mother caressed his cheek and smiled softly. "And this is not a dream, our daughter is here in front of us. She came back."

Daddy quickly stepped towards me and hugged me tightly, as if he didn't want to let me go.

Nagtaas-baba ang mga balikat niya dahil sa pag-iyak. Mommy and I could hear his sobs.

Napatingin ako kay Mommy na nakangiti habang umiiyak na pinapanood kaming mag ama.

I also hugged him and cried too. Hindi ko inaasahan na iiyak siya dahil ang buong akala ko kay papagalitan niya ako dahil sa ginawa ko

And yes, he's crying. The CEO of the Allister Empire, who is vicious, cruel, and dangerous, is crying.

My father cries, and it's rare. He rarely cries.

It's been a long time since I last saw my father cry. I saw him cry after Hiro and I were saved from the hands of the Vejias.

"How are you, baby? Where did you hide? Are you eating well?" Sunod-sunod na tanong niya kaya sabay kaming napatawa ni Mommy dahilan para magsalubong ang kilay niya.

"Bakit kayo tumatawa?" Salubong ang kilay na tanong niya.

My father is not totally vicious, cruel, and dangerous. Maybe it depends on the person he is dealing with.

He's kind, so I don't understand why many people fear him. Minsan nga iniisip ko kung bakit takot ang ibang tao sa kaniya habang yung mga kaibigan naman niya ay binabara lang naman siya lalo na si Mommy.

Minsan nga iniisip ko rin na takot sa kaniya yung ibang tao dahil ba isa siyang Allister?

Well, my father is a CEO and a lawyer.

When it comes to being the CEO of the company, the Allister Empire, Daddy is kind when it comes to work but vicious, cruel, and dangerous.

At kapag trabaho, trabaho lang.

But when it comes to court, he has no mercy.

He has his own law.

***
The three chapters are dedicated to all of you. Apat dapat ito pero parang hindi ko maihahabol yung isa kaya siguro sa new year nalang o sa susunod nalang. Feeling ko kasi mahaba-haba yung chapter 50 kaya hindi ko kayang ihabol. Merry Christmas and Advance Happy New Year! Happy Holidays! I love you. Mahal ko kayo sobra.


You are reading the story above: TeenFic.Net