Chapter 46

Background color
Font
Font size
Line height

This chapter is dedicated to you missbossmaiden. Sorry for the late dedication!

FAYE

"NEWS: Kin Allister is currently in the emergency room, there is no news on his condition at the moment, while his family is currently on their way."

Napatulala ako at hindi alam kung ano ang dapat gawin. Ano nga ba dapat ang kailangan kong gawin?

"Ay, family war na naman ba 'yan?"

"Huh?" Napalingon ako kay Sebastian dahil sa sinabi niya kaya napatingin din siya sa akin.

"Ganito kasi 'yan, muntik nang pabagsakin ng mga Allister ang mga Vejia noon." Aniya habang nakatingin sa akin.

Vejia...

Ngayon ko lang ulit narinig ang salitang iyon. At sa tuwing naririnig ko ang salitang 'yon, bumabalik lahat sa akin.

"Bakit?" tanong ko.

"May ginawa ang mga Vejia noon sa unica hija ng mga Allister na si Erin," sagot ni Ryuu habang nakatingin sa TV, malungkot ang mga mata niya.

"Kinalaban nila ang mga Allister," dugtong ni Dwayne. "Mga tanga, e."

"Buti nga naawa pa ang mga Allister sa mga Vejia, e. Pinalampas pa nila dahil hindi pa nagsasalita si Erin at wala pa yatang ebidensya na makakapag-diin sa mga Vejia." Ani Yvo.

"At isa pa, nawawala si Erin. Hindi pa nakikita hanggang ngayon," sabi naman ni Kleon.

"Ano sa tingin niyo?" Napalingon kaming lahat kay Ethan na gising na pala, kinukusot pa ang mga mata. "Yung kapatid niya kayang naaksidente ang pagpapabalik sa kaniya?"

Walang nakasagot sa kaniya.

Hindi ako makapag-salita, napalingon ako kela Stacey na ngayon ay naaawang nakatingin sa akin. Katulad ko, hindi rin nila alam ang gagawin nila.

"Trending sa twitter si Kin ngayon." Napailing si Dwayne habang hawak ang cellphone. "Si Erin din."

"Lagi naman silang nagt-trend," natawa si Ashton.

Napatingin ako kay Ellaine na lumapit kay Dwayne at tumabi sa lalaki, sumilip siya sa phone ni Dwayne. Nanlaki naman ang mga ni Dwayne habang nakatingin sa kaibigan ko.

Lumapit ako kay Ethan at ngumiti. "Ayos kana?"

Sunod-sunod din siyang tinanong ng mga hunghang.

"Ayos kana talaga?"

"Ampunin kita!"

"Gusto mo pagkain?"

"Tulog ka ulit baby ko!"

"Libre kita!"

Ngumiti siya sa amin at tumango pero nang tingin niya ako sa mga mata ay agad na naglaho ang ngiti niya.

"Bakit ganiyan kalungkot ang mga mata mo?" tanong niya.

"Ha?"

"Ang lungkot ng mga mata mo," aniya. "Bakit?"

Ngumiti lang ako sa kaniya.

"Faye, yung sasabihin namin..."

Napatingin ako kay Ashton nang magsalita siya.

"Ano ba 'yon?" tanong ko.

"Tungkol sa nangyari sa amin noon," sagot ni Jake at tiningnan ako.

Handa na ba akong malaman lahat? Ito naman ang gusto ko pero bakit kinakabahan ako? Kinakabahan ako para sa kapatid ko at kinakabahan ako sa malalaman ko.

Hindi ko na kailangan puntahan at kausapin si Luther para lang malaman ang mga iyon.

Tumingin silang lahat kay Kairus kaya napatingin din ako sa kaniya at nakita kong nakatingin siya sa akin.

Napakurap ako habang sila ay napasinghap nang tipid na ngumiti si Kairus at tumango.

"Dianne Vejia.." Agad akong napalingon kay Kairus ng banggitin niya ang pangalan ng babaeng sumira ng buhay ko.

Nakita ko sa gild ng mga mata ko ang gulat na sina Stacey. Kahit ako rin naman nagulat.

"She's the first girl we have accepted in this section, and she became my girlfriend too..." he added.

Mahina akong napasinghap. My chest tightened because he said that girl had become his girlfriend.

I know. I know I love Kairus. No matter how much I deny my feelings, my heart just keeps beating for him.

Na-realize ko lang 'to nung nakaraan. I just realized that I love him.

"Sobrang saya namin non dahil magkakaro'n na kami ng babae rito. Alam naming gago kami, aware naman kami, e pero nagbago kami. Nagbago kami para sa kaniya, binago niya kami," sabi naman ni Kleon.

"Kaso dumating yung araw na nagka-gusto si Kairus at Chase kay Dianne at muntik na kaming magkagulo..." mahinang sabi ni Ryuu.

"Buti nalang talaga hindi natuloy," dugtog ni Kiel.

"Niligawan siya ni Kairus at pumayag naman siya hanggang naging sila," nakangiwing kwento ni Ashton. "3 months lang yung dalawang 'yan."

"Pero dumating yung araw na nagbago yung ugali niya, nagsimula siyang mang-bully at kahit anong paalala namin sa kaniya, paulit-ulit pa rin niyang ginagawa. At nalaman din namin na ginagamit lang naman pala niya si Kairus dahil sa pera, at iyon ang utos ng pamilya niya. Kunin ang loob ng tagapagmana ng mga Ferrer." Ani Yvo.

Nakita ko ang galit at sakit sa mga mata niya.

"At si Chase pala talaga ang mahal niya sa simula't sapul," sabay na sabi ni Kleon at Sebastian.

Napatingin ako kay Kairus na napabuntong hininga lang habang si Chase ay nakayuko.

Sa totoo lang, naiingit ako kay Dianne ngayon. Sobrang swerte niya.

Napangiti ako nang mapait.

At hindi ko rin akalain na gagawin niya iyon sa mga taong 'to. Expected ko naman na gagawa siya nang masama pero hindi pa rin ako makapaniwala.

She caused so much pain to these people, to the people who protected and cared for her. Especially with Chase and... Kairus.

How did she do those things without even feeling guilty? 

Mas lalo lang nadagdagan ang galit ko sa kaniya. I'm so disappointed.

I feel their pain.

The pain that Dianne caused them. I closed my eyes to stop my tears.

Naiiyak ako sa sobrang galit at sakit. Hindi ko na alam ang mga kailangan kong gawin lalo na nalaman ko na tama ang kutob kong si Dianne nga talaga.

"Pero hindi naman siya pinatulan ni Chase! Ang sama nung babaeng 'yon, e!" singit ni Ethan.

"Edi kung pinatulan niya ang bruhang 'yon, ang pangit ng standards niya." Umirap si Kio at humalukipkip.

"Doon nawala ang tiwala ang tiwala namin sa mga babae pero bigla kang dumating..." natawa si James at napailing.

"Para siguro sa iba, ang babaw ng dahilan namin para mawalan ng tiwala sa mga babae pero para sa amin? Hindi mababaw iyon. Niloko kami, pinerahan. Ang sakit kaya non." Nakangusong wika ni Zyrus.

"Hindi ba kayo nag-away—"

"Hindi ah!" sagot agad nila sa akin.

"Faye, hindi namin hahayaan na magka-gulo kami.. tayo. At kung magkaka-gulo man, edi aayusin agad! Hindi pwedeng hindi, ano!" sabi ni Kiel.

"Ang hindi papayag, hindi magkaka-anak!" sigaw ni Jacob.

"Ayos lang kung pinerahan kami, marami naman kaming pera." Ngumisi si Dwayne kaya agad siyang sinipa ni Ellaine kaya natikom ang bibig niya.

Hindi ko alam kung ano ng nangyayari sa dalawang 'to. Pero minsan, nahuhuli ko silang magkasama at naguusap.

Hinayaan ko lang naman sila pero kung sasaktan ulit 'yan ni Dwayne, hindi talaga siya magkaka-anak.

"Nasaan si Dianne ngayon?" tanong ko kahit alam ko naman na ang sagot sa sarili kong tanong.

Napatingin silang lahat sakin, nagtataka.

"Nasa Sapphire yata, e." Hindi siguradong sagot ni Jake.

"Hindi naman siya bagay doon, e!" Tumawa si Ashton. "Masama ugali non."

"Vejia moments!" sabay-sabay na sigaw nila.

"At saka, ang balita noon, yung tatay ni Dianne ay dating rapist at muntik na ulit maka-biktima 'yon." Napabuntong hininga si Sebastian. "Hindi ko ako sigurado ha!"

"Paano mo naman nasabi?" tanong ni Kleon.

"Na-chismis sa akin ni Papa—ay teka! Hindi nachismis sayo ni Tito Klean?" tanong ni Sebastian kaya umiling si Kleon. "Na-chismis sakin ni Papa, e."

Napakamot sa ulo Kleon. "Hindi na-chismis sakin ni Papa."

"Kung totoo man 'yan, paano niya napagtakpan 'yon sa publika? Sa mga tao?" tanong ni Kiel na sinang-ayunan ng lahat.

"That man is a fucking mayor. He can probably hide his secret from people, especially those who support him." Kairus suddenly said. "Of course, money can buy the truth."

"And money can cover the truth," dagdag nina Chase.

"That old man is also a businessman, right?" tanong ni Kaulev.

"Oo," sagot naman ni Trace. "Hindi ba illegal ang mga beauty products na binebenta nila?"

"Who knows?"

"Huwag na nating pag-usapan 'yan," saway ni Kiel.

"Tama!" sang-ayon ni Jacob. "May kwento pa kami sayo kaso tungkol na sa section natin."

Tumango sila.

"Ano naman 'yon?" tanong ko, nagtataka.

May iba pa ba akong dapat malaman?

"The name of this section is not actually Section Knight." Kairus said. "Binago lang namin kasi gago kami, trip lang namin."

Naningkit ang mga mata ko. "What do you mean?" What he said caught my attention.

I'm curious!

"Chaotic Section is the real name of our section, Faye." Chase smiled.

"Chaotic? You mean chaos?" tanong ko at tumango naman sila. "Why Chaotic?"

"Magugulo kami, e." Tumawa si Dwayne. "Saka, sabi ng iba, puro kaguluhan lang ang dala namin edi pinanindigan namin. Pero alam namin limits namin ha!"

"We are chaos." Kairus answered.

"Tama!"

"What?" I frowned.

I looked at them one by one. Ngumiti sila sa akin.

"We reign in chaos. The rulers."

***

"Faye, ang dami na nito!" reklamo ni Yvo habang tinaas ang mga hawak niyang mga stuffed toy na napalunan ko.

May mga pagkain at inumin pa nga.

Lahat naman sila may hawak pati na rin si Kairus, buti nga hindi nagreklamo. At saka, bibigyan ko rin naman sila.

Nandito kasi kami sa enchanted kingdom. Inaya nila ako rito para makapag-relax. Mukhang sila lang ang makakapag-relax.

Wala yatang imposible sa mga 'to.

Sa totoo lang, pangalawa punta ko na rito. Unang punta ko rito nung bata pa ako, e. Dapat kasama sina Stacey kaso tinawagan sila ng mga magulang nila at pinapauwi.

Bago sila umalis, sinabi ko sa kanila na balitaan nila ako at hiningi ko na rin ang phone number ni Blake. Sakali lang naman na tawagan ko siya.

Ngumiti lang ako kay Yvo.

Dumiretso ako sa may stall na nagtitinda ng mga headband, bunny ang design niya. Kumuha ako ng isa at isinuot ko sa ulo ko.

Humarap ako sa kanila. "Picture tayo!"

Napatingin silang lahat sa headband na suot ko.

"Cute mo," biglang wika ni Sebastian habang nakatitig sa akin.

"Ganda mo so much," nakangising sabi ni Ryuu.

"Ang ganda mo!"

"Cute nga."

"Sobra-sobra na 'yang ganda mo, bawasan mo nga!" Natatawang sabi ni Kleon.

"Goddess," ngumiti si Kaulev.

"Little bunny," natawa naman si Trace at napatingin sa hawak niyang stuffed toy na bunny.

Napatingin ako kay Kairus na may hawak na phone habang nakatutok sa akin kaya nangunot ang noo ko habang siya naman ay tinago iyon.

Hindi ko nalang pinansin iyon. Tumingin naman ako kay Chase na biglang nag-thumbs up sa akin sa hindi ko malamang dahilan.

"Picture na tayo para remembrance! Tapos suot din kayo nito oh!" Tinuro ko ang suot kong headband.

Nagreklamo pa sila sa una pero wala naman silang magawa kundi ang lumapit sa akin at kumuha ng tig-iisang headband.

Napangiti ako nang makita ang suot nilang headband. So cute.

Kinuha ko yung dalang camera ni Chase at tinanong ko yung isang lalaking biglang dumaan kung pwede bang picturan niya kami.

Nasa gitna nila ako at lahat kami ay naka-wacky, at masayang ngumiti sa camera. Naramdaman ko pa ang braso ni Kairus sa balikat ko kaya napangiwi ako.

Napapagitnaan ako ni Kairus at Chase habang si Sebastian at Kaulev ay nasa tabi ni Kairus habang si Trace at Yvo ay nasa tabi ni Chase. At yung iba? Mga nasa likod namin.

Naramdaman ko pa nga ang kamay na ipinatong sa ulo at ang pagtaas ng buhok ko, naka-ilang take rin kami. Pinicturan din nila ako na ako lang mag-isa, suot ko pa rin yung headband at nakangiti ako habang naka-wacky.

Nagpasalamat ako kay Kuya at excited na tiningnan ang mga picture namin. Napangiti ako nang makita ang 'yon. This is probably the happiest thing that has happened in my life.

I will cherish them forever.

Alam kong huli na at sa oras na malaman nilang nag-sinungaling ako sa kanila, magagalit sila sa akin. Kamumuhian nila ako dahil sa ginawa ko.

Pare-pareho lang namin niloloko ang mga sarili namin, pare-pareho lang kaming naglolokohan. Pinunasan ko ang luha kong tumulo.

Tiningnan ko ang phone ko nang bigla itong tumunog. Binuksan ko at nakitang madami akong notifications.

I opened my Instagram and saw that they tagged me. Sunod-sunod kong binuksan ang mga notifications na galing sa mga hunghang.

@_sebastianpogii
This girl is so cute, isn't she?!?!

@3th4n.mendoza
g4nd4 ate k0h nuh!!!

@ryuusei_
Sobrang pretty ng future doctor namin!

@_dw4ynealvarez
hi ganda

@ljake.kluxter
Wala lang, ginaya ko lang sila

@ashtoncj.
Hindi na ako bitter, madam

@v.tracelouis
little bunny

@kleondavis_
post ka sakin

@k.kluxter
Basta mas maganda pa rin ako sayo

@jamesramos

crush ko nga pala guys

@jacobramos
sobrang ganda mo!!! 😭♥️

@t.yvohernandez
Kanino ka lang?

@itsezekiel
hahaha paki namin

@ivanzyrus_
bunny ganda ko 'yan 👊👊👊

@kaulevrhysdelvalle
you're so pretty ngl

@chase.mg
Cute haha:)

Napaawang ang labi ko sa nakita ko, iisang picture lang naman ang gamit nila. Ang picture na ginamit nila ay yung nakasuot ako ng bunny headband habang nakangiti at naka-wacky. At wala pang isang oras ang post nila ay nasa 9k or 10k+ likes na.

Napatitig ako sa isang notification na hindi ko pa nabubuksan. Napalabi ako bago pindutin 'yon.

@kairusferrer_
My fairy.

Butterfly pa ba ang nasa tiyan ko o bulate na? At saka, sino si fairy? Hindi naman fairy ang pangalan ko ah!

At hindi ko alam na naka-follow pala sa akin si Kairus. I stalked him.

@kairusferrer_
Kairus Ace Ferrer
1 posts - 48.9k followers - 1 following
her

Halos malula ako sa dami ng followers niya! Pinindot ko ang following niya at nakitang ako lang iyon habang yung post niya ay isa lang din, at ako lang din 'yon.

Feeling ko ngayon lang siya nag-post tapos naka-pinned post pa. Tiningnan ko ang mga likes, nasa 78k+ likes na! Ang active naman ng mga followers niya.

Pinindot ko ang comments. Ang comment ay mga nasa 19, 998 na. Ang dami rin.

@chase.mg: okay 😶

@itsezekiel: paki namin

@3th4n.mendoza: ate ko yan 😇

@_sebastianpogii: nugagawen

@ryuusei_: sino si fairy

@ivanzyrus_: sino si fairy (2)

@clowiejean: yucks

@kaidenaxel_ferrer: kuya, may kayo?

@t.yvohernandez: kaya inlove na inlove ka, e

@ktrnaglvz: cutiee

@_kleinasher: so?

Binasa ko pa ang iba at napapailing nalang ako. Nakita kong nag-like rin si Luther at Raede pero hindi naman nag-comment. May nakita pa nga akong comment na tinanong kung tapos na daw ba ang pila?

Oo, tapos na.

Tinago ko ang phone ko sa loob ng bag at muling humarap sa kanila. Tinuro ko ang isang ride, extreme tower ride.

"Sakay tayo don!"

Nakita ko ang pagtingin nila doon at nakita ang sunod-sunod nilang pag-lunok.

"Putangina," bulong ni Yvo.

"Faye, parang naiihi ako hehe." Biglang sabi ni Ethan kaya napatingin ako sa kaniya, kumakain siya.

"Ayaw mo lang sumakay don, e." Tukso ko.

"Hindi ah!" sagot naman niya agad.

Natawa lang ako at tiningnan ang iba. "Ano?"

"H-Hoy Kairus! Bumili kana ng ticket!" Napalunok si Sebastian.

Napatingin ako kay Kairus na nanatiling nakatingin sa may ride, nakita ko rin ang pag-galaw ng adams apple niya.

Tumingin naman ako kay Chase na parang nagdadasal na dahil nakapikit siya at napapalunok pa.

"Hindi ko naman kayo pipilitin kung ayaw niyo," sabi ko naman kaya agad silang nagsitakbuhan papunta sa ride na 'yon.

Mga nagsibili ng mga ticket.

Nilibre nila ako ng ticket. At nang makasanay na kami at maayos na ang pagkaka-seatbelt namin ay nagsimula nang tumaas hanggang sa makatingin kami sa itaas.

Napatingin ako kay Kairus na katabi ko at patuloy pa rin ang paglunok, nakita ko pa ngang nag-sign of the cross siya.

Narinig ko ang sunod-sunod nilang pagmumura nang biglang bumaba ang sinasakyan namin. Napamura nga rin ako, napahawak pa ako sa kamay ni Kairus!

Hindi ko naman alam na ganito! Akala ko kasi masaya!

"Fuck!"

"Putangina! Hayop! Gago! Tangina!"

"Mama ko!"

"Ayoko na! Gago!"

"Ibaba niyo ko ako! Mga hayop kayo!"

"Puta! Ayoko pang mamatay!"

"Our father in heaven—Ayoko na!"

"Tangina!"

Nang makababa kami, agad kaming napaupo sa sahig habang yung iba naman ay pumunta ng cr at doon sumuka.

At pagkatapos nilang sumuka, bumili sila ng tubig.

"Putangina, buntis yata ako." Nanlalatang sabi ni Kleon.

Tumayo ako kahit nanlalata rin ako. "Sakay tayong ferris wheel."

"Ayoko na," umiling si Ethan at Ryuu.

"Time out muna, par." Natatawang sabi ni Yvo.

"Ako lang?" tanong ko.

"Sasama ako." Kairus answered. "Sasamahan kita."

Napatingin ako sa kaniya na naglalakad papalapit sa akin. Pawisan ang mukha niya at namumutla pa.

Napatango nalang ako. Tumingin ako sa kanilang lahat at nakitang may mga mapaglarong ngiti ang mga nakapaskil sa mga labi nila.

"Dumadamoves!" Tumawa si Ashton.

Napatingin ako bigla kay Chase na nakangiti habang nakatingin sa amin.

"Go." He mouthed.

Hinila na ako ni Kairus at bumili siya ng dalawang ticket para sa amin, daming pera.

Pareho kaming tahimik nang makapasok na kami sa loob. Walang nagsalita sa amin, ako nakatingin sa labas habang siya ay nakatingin sa akin.

"Hindi naman talaga naging kami ni Dianne," natawa siya. "Hindi ko siya naging girlfriend. Never."

Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya pero hindi ako lumingon. Kakaamin niya lang na naging sila ng babaeng iyon.

"Everyone knows that we were lovers but we weren't," umiling siya. "Did I fall for her? Nope. Palabas lang ang lahat."

Lumingon na ako sa kaniya at nakitang siya naman ang nakatingin sa labas.

"Bakit lumabas na naging kayo?" tanong ko.

Tumingin siya sa akin. "Iyon ang pinalabas niya sa maraming tao. Chase knew about that too; he stopped her, but she didn't listen. She still told everyone that we were lovers, even though we weren't."

"Hindi mo ba siya pinigilan?"

"Pinigilan ko," he answered. "Pero katulad ni Chase, hindi siya nakinig."

"Ang sabi niyo, si Chase talaga ang mahal niya pero bakit..."

"Do you really think she loves Chase?" tanong niya at mapait na ngumiti.

"What do you mean?" Napalunok ako.

"She only wants money from all of us, Faye. Just money." Napabuntong hininga siya. "She played with all of us, especially Chase, and she played well."

"Do you know how hurt Chase was then? Chase knows that I don't have feelings for Dianne, and Dianne knows that too kaya ang hindi namin maintindihan kung bakit siya namili sa aming dalawa kung alam naman niyang wala akong nararamdaman para sa kaniya? Tapos 'yon pala, pinili ako dahil sa pera. Mukha silang pera."

"At hindi niya talaga gusto si Chase, inamin niya sa aming dalawa iyon ni Chase." He added.

You are reading the story above: TeenFic.Net