Chapter 45

Background color
Font
Font size
Line height

FAYE

Palihim na tumawa ang iba dahil sa sinabi ni Dwayne. Inirapan sila ni Kairus bago ito tumingin sa akin, napatagal pa ang pagtitig niya sa akin bago umiwas.

"Trace?" Tawag ni Yvo sa kaniya. "Ikaw na."

"Wala akong problema," ngumiti siya sa amin. "Maayos ako. Maayos ako dahil maayos kayo."

"Wala ka talagang problema?" Tanong ko pa.

"Wala talaga," natawa siya.

Napatango ako dahil na rin sa kumbinsido ako sa sagot niya. Halata naman talagang wala siyang problema, e.

"E, ikaw?" Nginuso ko si Kaulev na tahimik lang.

Tumingin siya sa akin at umiling.

"Wala rin."

"May tanong nalang ako sayo," sabi ni Kleon at ngumisi.

"Ano?"

"May gusto ka ba kay Faye?" Tumingin siya sa akin para makita ang reaksyon ko pero tinasaan ko lang siya nang kilay.

"Problema rin ba 'yan?" Nagtatakang tanong ni Ryuu.

"Ay, si tanga talaga." Natatawang ani Zyrus.

"Si gago oh, putcha." Napailing si Dwayne.

"Basta ako, ayoko pang mamatay ha," sabi naman ni Yvo.

"Mahal ko pa buhay ko," nagkibit-balikat si Kiel. "Ikaw, Kleon? Mahal mo pa buhay mo?"

"What?" Natawa si Kaulev. "Baliw ka ba?"

"Hindi mo ba gusto si Faye?" Tanong naman ni Kio.

"Hindi ko siya gusto," tumawa siya ulit. "Who said that?"

"Eh? Diba sabi mo—" Agad pinutol ni Kaulev ang sasabihin ni  Zyrus.

"Na ano? Mahal ko siya? Crush? Gusto?" Tumawa siya. "Of course not!"

"In denial ka rin ba?" tanong ni Zyrus, nakangiwi.

Umiling siya. "I'm not, Zyrus."

"Pero nung nagtanong ako sayo nung nag truth or dare tayo, umamin ka!" Nakangusong sabi ni Ryuu.

"I said yes but I didn't think you would take my answer seriously." Napakamot siya sa ulo. "I'm just kidding."

"And I just want to tease him," dugtong niya. Tumingin pa siya kay Kairus at bahagyang ngumisi na lalo namang kinasama ng timpla nitong isa.

"Ay, akala ko naman..." mahinang sabi ni Ryuu.

"Manok pa naman kitang hayop ka." Napaismid si Yvo.

"Wala akong balak na makisali sa kanila," ngumisi si Kaulev.

"1 down, 4 more to go." Humalakhak si Kleon.

"Sino pa ba? Ah, si Kairus at Chase!" biglang sabi ni Ryuu. "May problema kayo?"

"I have no problems," sagot ni Kairus na ngayon ay pinaglalaruan naman ang buhok ko.

Nakita ko pa yung iba na parang tanga na pinapanood si Kairus na paglaruan ang hanggang bewang kong buhok.

Narinig kong napabuntong hininga si Chase na para bang walang siyang choice kundi sabihin ang problema niya dahil itong gagong 'to, wala raw problems.

"Tinatamad ako. Alam niyo naman ang problema ko, okay na 'yon." Ani Chase.

Napangiwi ako.

"Sabagay, aware naman kami sa kalagayan mo." Napatango si Sebastian.

"Baka hindi alam ni Faye," sabi naman ni Ryuu kaya napatingin silang lahat sa akin.

"She knows."

"Alam ko."

Nagkatinginan kaming dalawa nang nagka-sabay kaming dalawa habang yung iba naman parang tanga na palipat-lipat ang tingin sa amin.

Napaiwas ako ng tingin at napaubo. "Sinabi niya sa akin ang tungkol doon..."

Tumingin ako kay Chase. "Don't let them decide for you. May sarili kang isip, you can decide for yourself. Malaki kana, alam mo na ang tama at mali."

"Don't let them control you. Chase your dream and be a photographer." Ngumiti ako. "Your name is Chase, and you're not named Chase for nothing."

"Your name really suits you, huh." Mahina akong natawa. "Let's chase your dream together. We'll chase it together."

Nakita kong natigilan siya at napatitig sa akin. Naramdaman ko ang pag-tigil ni Kairus sa paglalaro ng buhok ko.

"We'll chase it together..." Ulit niya at napatango. Nakita ko pa pagsilay ng matipid na ngiti sa labi niya.

Katahimikan ang babalot sa amin kung hindi lang nagsalita si Ryuu.

"Hala, korek!" sabi naman ni Ryuu. "Ako ang una mong kuhanan ng litratro ha!"

Natawa naman si Chase at napatango.

"Edi sanaol," sabi naman ni Kio.

"Nasaan kaya ka-together ko?" Nakangusong sabi ni Sebastian at tumingin pa sa akin, at ngumiti.

Ngumiti rin ako.

"Ay, nagpaparinig!" Tumawa si Ashton.

"Ka-together mo, may ka-together na!" asar naman ni Kleon.

"Mga ulol." 

"Basta abutin mo pangarap mo ha? Nandito lang kami, lagi mong kukuhanan ng mga litrato!" Humalakhak si James.

Natahimik ulit kami, hinihintay kung sino ang unang magsasalita. Nakita ko pa kung paano sila magpalitan ng tingin at kung paano nila kausapin si Kairus gamit ang mga mata.

"A-Ah, may sasabihin k-kami—" Naputol ang sasabihin ni Ashton nang may biglang pumasok at isinigaw ang pangalan ko.

"Faye!"

Napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita ko ang tatlo na hingal na hingal na para bang hinabol sila ng sampong kabayo.

Dali-daling lumapit sakin ang atlo at hindi pinapansin ang mga kasama ko.

"Buksan mo yung TV!" Nagmamadaling ani Ellaine.

Nangunot ang noo ko at napatingin sa TV namin na nakalagay sa taas ng blackboard. Tumingin ulit ako sa kanila.

"Huh? Bakit?" Nagtatakang tanong ko. "Manonood kayo?"

"May TV naman kayo roon sa room niyo kaya bakit dito kayo manood?" tanong ni Zyrus.

"Ay, istorbo!" Pagpaparinig nila pero hindi naman sila pinansin ng tatlo.

Hindi nila sinagot ang tanong ko.

"Nasaan yung remote niyo?" tanong ni Amelia. Pinanlakihan pa ni Ellaine ng mata ang mga hunghang kaya agad na itinuro ni Dwayne ang drawer namin kung saan nakalagay ang remote ng TV.

Agad namang pumunta roon si Ellaine para kunin ang remote.

Tumayo ako at lumapit kay Stacey para tanungin siya. Iba ang pakiramdam ko rito, masama ang kutob ko.

Naramdaman ko rin ang pagtayo ng mga hunghang. Alam ko rin naman na makikichismis ang mga 'to.

Kinakabahan din ako at hindi ko alam kung bakit. Wala naman akong ginagawa para kabahan pero bakit ganito ang nararamdaman ko?

"May problema ba?" tanong ko, nagtataka.

"I'm sorry," sagot niya.

Mas lalo akong nagtaka at mas lalo akong kinabahan dahil bakit naman siya mags-sorry? Pansin ko rin na maga ang mga mata niya.

Nang makuha ni Ellaine ang remote ay agad niyang binuksan ang TV gamit ang nanginginig niyang mga kamay.

Naningkit ang mga mata ko.

Bakit naman manginginig ang kamay niya? Hindi naman malamig. Napatingin ako kay Amelia na kinakagat-kagat ang labi at napapalunok pa.

Nang mabuksan ang TV, bumungad sakin ang balitang hindi ko inaasahan.

Ang balitang parang bombang biglang sumabog. Ang balitang nagpa-blanko sa isip ko.

"An accident occurred. The car cashed into a tree, and the driver was identified as Kin Allister."

***

Q1. Sino po yung mas dangerous sa mag-kakaibigan? Si Eris po ba?
Eris, gumaganti e hahaha. Medyo soft kasi si Faye at Luna pero dangerous din naman ang dalawang 'yon, hindi lang halata dahil tahimik lang.

Q2. About sa house ng fam ni Kai, ano pong mas malaki? Bahay ng fam ni Faye o kay Kai?
Faye. Malaki rin naman bahay nina Kairus, palasyo nga diba hahaha lamang lang talaga ng isang semento yung bahay nina Faye.


You are reading the story above: TeenFic.Net