Chapter 43

Background color
Font
Font size
Line height

FAYE

"Ngayon lang ako magsasabi ng problema sa inyo pero itong sasabihin ko, alam na ni Faye." Tumingin sakin si Ryuu at ngumiti.

Ngumiti ako sa kanila nang bigla nila akong lingunin dahil sa sinabi ni Ryuu.

"Hindi ako naglayas," mapait siyang ngumiti. "Pinalayas ako sa amin."

Napatanga ang iba dahil sa sinabi niya at mukhang hindi pa makapaniwala.

Teka.. wala siyang nabanggit na ganito noon ah? Kung pinalayas siya, saan siya nakatira ngayon?

"P-Pero ang sabi mo..." Nakaawang ang mga labi ni Jake habang nakatingin kay Ryuu.

"Obviously, I lied." Tiningnan niya kami isa isa na parang kinakabisado ang bawat mukha namin. "My mother is.. gone."

"Ha?!" Agad na nagpakita ng reaksyon si Yvo. "Ang sabi mo buhay?!"

Agad naman siyang hinampas ng katabi niyang si Kiel. "Putangina mo talaga, kakasabi lang na nagsinungaling siya sa atin."

"E, yung tatay mo? Nasaan?" Tanong ni Zyrus.

"My father abandoned me," sagot niya na parang wala lang sa kaniya.

"Aba, gago." Nagsalubong ang kilay ni Jake.

"He abandoned me because I was not his," aniya. "I am not his real son."

Natahimik sila at nanatiling nakatingin kay Ryuu. Nang hindi sila nagsalita, nagpatuloy siya.

"Hindi ako galing sa kaniya, hindi niya ako sperm."

Muntik na akong mapaubo dahil sa huli niyang sinabi niya habang ang mga hunghang ay muntik nang matawa kung wala lang kami sa seryosong usapan pero yung sinabi ni Ryuu, totoo naman.

Hindi siya sperm ng tatay niya.

"May mother was a rape victim," his voice broke. "At iyon ang dahilan kung bakit hindi ako tanggap ng tatay ko."

Lalong hindi sila nakapag-salita. Nahagip ng mga mata ko si Ashton na palihim na pinupunasan ang luha niya.

"Ayaw din sakin ng pamilya ng mga magulang ko. They all abandoned me," tumulo ang luha niya. "They all abandoned me because they believed that I was the reason why mommy died. They blame me for her death."

"Ryuu.." Napalunok si Chase. "Why did your mother die?"

"Why do they blame you?" Magkasabay na tanong ni Trace at Kaulev kaya nagkatinginan sila pero nagsiiwas din nang tingin.

"Maraming utang ang Daddy ko.." Aniya. "Nabaon siya sa utang at hindi ko alam kung bakit."

"Mayaman naman ang pamilya ko pero hindi ko alam kung bakit siya nabaon sa utang," kumuyom ang mga kamao niya. "Pinang-bayad niya ako sa utang and my father's creditors kidnapped me. That was the time my mother died.. because she saved me.."

Pinanood ko si Ryuu na huminga nang malalim at parang hirap na hirap siyang sabihin ang susunod niyang sasabihin.

Pero nang magtama ang mga mata namin, binigyan ko siya ng malambot na ngiti, natigilan siya.

"My m-mother.." Napalunok siya. "My mother was brutally killed in front of me..."

Sumikip ang dibdib ko and my breathing became heavy when I heard those words again.

I am hurt and will continue to be hurt because I see myself in Ryuu.

Hindi na ako nagulat ng bigla siyang yakapin ni Jake, sumunod naman si Kio na sumisinghot singhot pa.

Ngumiti siya sa amin. Yung ngiti na lagi niyang pinapakita sa amin, yung ngiting walang problema.

"I will become a lawyer and once I do," huminga siya nang malalim. "I'm going to change my last name."

"I don't deserve them, and they don't deserve me." Dugtong niya.

Napangiti ako.

Pilit kong pinaalis ang maninikip ng dibdib ko. Ryuu's words about his mother being killed right in front of him.. reminded me of the past.

It reminds me of him.

His words are killing me. It kills me over and over again.

"Bawal kang masaktan. Inaalagaan kita, e kaya bakit ko hahayaan na saktan ka nila?"

"Kung sasaktan ka man nila, ako nalang. Basta huwag lang ikaw dahil baka ikamatay ko iyon."

"If they don't hurt you, I will live, but if they do, I might die."

"Ako nalang," he begged. "Ako nalang ang saktan at pahirapan niyo.. huwag lang si Erin oh."

He doesn't beg; he hates it, but for me and my safety, he begs.

He begged them not to hurt me, and I hate it because he always puts me before himself.

Laging ako.. he never put himself first.

Nabalik ako sa reyalidad ng biglang magsalita si James.

"Ryuu.." ngumiti siya kay Ryuu. "Dito kana lang sa amin."

"Tutulungan ka naming makamit ang hustisya," dugtong ni Jacob.

Sumang-ayon silang lahat. "At kapag nakamit mo na ang hustisya, nandito pa rin kami. Patuloy kang sinusuportahan."

"Tangina niyo po." Pinunasahan ni Ryuu ang luha niya. "Para namang papayag akong iwan niyo ako, kayo na nga lang pamilya ko, e."

"Lalo kana!" Sabay duro niya sa akin.

Napailing ako. "Hindi naman ako aalis."

Hindi ako sigurado. Pero isa lang ang sigurado ko, tutulungan kita.

"Dito ka lang?" Paninigurado niya kaya tumango ako.

"Okay," ngumiti siya. "Panghahawakan ko 'yan."

"Saan ka muna nakatira?" Tanong ko habang nakatitig sa kaniya.

"Sa bahay nila," sabi niya at tinuro si Kairus na tahimik lang na nakikinig.

Doon siya nakatira? Bakit hindi ko man lang napansin iyon nung pumunta ako sa palasyo ni Kairus?

"Siya ang tumutulong sakin..." mahinang sabi niya. "Siya nga rin ang nagpapa-aral sa akin, e."

Natigilan ako.

This Ferrer...

"Ako na sunod!" Ngumiti sa amin si Ethan habang nakataas ang parehong mga kamay pero yung ngiti niya, hindi katulad ng dati.

"Tangina," mura ni Yvo. "Ang init init, bata tapos balot na balot ka?"

"Ang weird mo," dugtog ni Kiel.

Ngumiti lang sa kanila si Ethan at hindi pinansin ang mga pinagsasabi nila.

"My family has been dead for a long time..." mahina niyang sabi habang kinakalikot ang mga kuko niya sa kamay, nakita ko pa nga ang paglunok niya.

"Ha?" sabay-sabay na sabi nila. Nakatulala sila habang ang iba naman ay mga nagtataka.

Napatingin ako kay Kairus na napatigil sa paglalaro ng mga kamay ko at nakita ko siyang nakatingin kay Ethan.

Lahat kami ay na kay Ethan ang mga mata habang hinihintay ang sunod nitong sasabihin.

"Ampon ako," pag-amin niya. "Ang sabi ng kinikilala kong pamilya ngayon ay patay na ang totoong pamilya ko. At ang sabi pa nila, iniwan ako ng mga magulang ko sa kanila."

"Edi wala ka talagang dugong Mendoza?" Tanong ni Kiel.

Agad namang tumango si Ethan. "Bata palang ako, alam ko na ang tungkol sa pagiging ampon ko dahil hindi naman nila tinago ang pagiging ampon ko."

"Hindi ba ka ba thankful dahil mayroon ka pang pamilya? Swerte mo nga, e kasi may isa ka pang pamilya na mag-aalaga sayo," ani Zyrus.

"Noon, oo, pero ngayon? Hindi na ako thankful na naging pamilya ko sila," umiling siya. "Ayoko sa kanila, mga bad sila..."

Kumunot ang noo ko dahil sa huling sinabi niya. Nanatili akong nakatitig sa kaniya.

"Ang bait kaya nila!" Nakangusong saad ni Ryuu. "Diba nung pumunta kami sa inyo, ang bait nila sa—"

Natigilan sa pagsasalita si Ryuu. Lahat kami ay natigilan nang biglang hubarin ni Ethan ang suot niyang jacket.

Napasinghap kaming lahat. Nanginginig ang mga labi ko sa nakita.

"P-Pakitang tao lang nila iyon," humikbi siya. "Pero ang totoo, mga d-demonyo sila..."

Tiningnan ko ang kabuuan niya, ang katawan niya... puno ng mga pasa.

W-Wala 'yan.. noon.

Tumayo ako at nanginginig na lumapit sa kaniya. Sinubukan ko pa rin tumayo kahit alam kong nanglalambot ang mga tuhod ko sa nakita ko.

"Putangina," rinig kong mura ni Yvo.

"A-Anong...a-anong..." Hindi matuloy-tuloy ni Sebastian ang sasabihin niya dahil sa pagka-gulat.

"Ang p-pamilya mo.. ang may g-gawa ng mga 'y-yan?" Hindi makapaniwalang sabi ni Chase, nanlalaki ang mga mata.

Sunod-sunod na tumango si Ethan habang tumutulo ang mga luha niya. Kagat-kagat niya ang isang kuko niya habang nanginginig.

Katulad ng iba, nakatulala rin si Kairus at hindi makapag-salita. At kahit ako, gano'n din ang reaksyon.

Gusto kong magsalita pero parang may bumabara sa lalamunan ko.

"W-What did they do to you? Why? W-Why did they do that to y-you?" Sunod-sunod na tanong ni Chase, bakas sa boses niya ang galit.

Hindi siya sumagot.

"Tell us," mahinang sabi ni Kairus. "Don't be afraid.."

Napatingin ako sa kaniya at nakita ko ang maraming emosyon na nasa mga mata niya. Bumaba ang tingin ko sa mga kamao niya at nakita kong mga nakakuyom ang mga iyon.

"Nag-iisang anak lang ako. N-Nung una, mabait naman sila, e pero habang tumatagal at lumalaki ako, nagiiba sila hanggang sa sabihin nila sa akin na k-kailangan ko silang b-bayaran at syempre, p-pumayag ako dahil malaki ang utang na loob ko sa kanila pero k-kasi hindi ko naman alam na ayon ang g-gusto nilang k-kabayaran..." Nagsimula muling tumulo ang mga luha niya.

Ginamit ko ang nanginginig kong kamay para hawakan ang mukha niya.

"A-Anong ginawa nila sayo?"

Mapait siyang ngumiti habang nakatingin sa akin. "G-Ginamit nila yung k-katawan ko..."

Tumulo ang luha ko. At narinig ko ang sunod-sunod na pagmumura nila dahil sa narinig.

"Ano pa?" Mahinahon pero mariing tanong ni Kairus.

"Y-Yung mag asawang 'yon... t-they did that "thing" with me," nabasag ang boses niya. "N-Nakadiri s-sila..."

I cried and hugged him.

"H-Hindi ikaw ang kailangang mag-bayad dahil sila ang kailangang mag-bayad... ngayon," ani ko.

"Hindi mo sila kailangang bayaran pero sila... kailangan nilang mag-bayad," rinig kong galit na sabi ni Dwayne.

"Putangina nila," galit na ani Yvo. "Madudugin ko ang nguso ng matandang 'yon."

"P-Puputulin ko ang ulo niya sa baba!" Humihikbing sabi ni Kio.

"Ibabalik ko sa kanila ang mga pasa mo," sabi naman ni Jake. "Sila naman ang babalutin ko."

Narinig ko pa ang sinabi ng iba pero hindi ko na pinansin iyon at tinuon kay Ethan ang pansin ko.

"They will pay. They will pay for what they did to you," ngumiti ako sa kaniya pero sa loob-loob ko, gusto ko ng sumabog sa sobrang galit.

Sa mga problema palang nila, sobra na ang galit ko, paano pa kaya sa iba? Ano ng magagawa ng galit ko?

Lahat ng nanakit sa kanila ay kailangang mag-bayad. They will all suffer. I will make them suffer at my own hands.

I'm not the type of person who will take revenge like Eris, but because of what the Mendozas did to Ethan, they have to face my wrath.

Mukha magiging si Eris muna ako.

"Of course, they will pay, but they will pay right now," napatingin kaming lahat kay Kairus nang bigla itong tumayo at dumiretso sa pintuan. "But now, the Mendozas first."

"Kairus!"

Napatayo sina Chase. Nanatili akong nakatingin kay Kairus na nakatingin sa akin ngayon, umiigting ang panga.

Walang emosyon siyang tumalikod pero bago siya tuluyang umalis, bumuka ang bibig niya pero hindi ko naman narinig ang lumabas sa bibig niya.

"They will also pay for making my girl cry."


You are reading the story above: TeenFic.Net