Chapter 4

Background color
Font
Font size
Line height

Author's Note: Here is my update for you'll. Sorry if my update took so long. I was also a student po,so yeah I was kinda busy po. By the way,kamusta ang comeback niyo ng mga module niyo?HAHAHAHAHA.

Also, Gusto ko pong magpasalamat sa inyo! Thank you po sa 100+ followers! ^_^

FAYE

Nandito ako sa classroom habang nakadukdok ang ulo ko sa lamesa ko, binabato nga nila ako ng mga papel na binilog nila.

Kailan ba sila titigil? Parang gusto kong manapak ng mga hunghang.

Inaangat ko ang ulo ko at tumayo, at tiningnan sila, napatigil naman sila sa pag bato sa'kin ng papel.

"Kailan niyo ba ako titigilan?" Mahinahong tanong ko. Ayokong aksayahin ang oras ko sa mga walang kwentang bagay.

"Until you leave our section." Walang emosyong sambit niya.

Don't english english me tangina mo.

"How many times have we told you to leave our section?" Sambat naman ng katabi niya.

Eto pa isa, don't english english me.

Isang linggo na ako dito pero hanggang ngayon hindi pa rin nila ako tanggap, at hindi ko pa rin kilala ang iba sa kanila. At ang hindi ko maintindihan, bakit ayaw nila sa babae?

Inirapan ko si Kairus at sinagot ang tanong ni Chase. "How many times? Wag ako ang tanungin mo dahil hindi ko alam. Hindi ko naman binilang."

I saw how his fist clenched. "I will give you a chance to choose. Aalis ka ng section namin o Gagawin naming miserable ang buhay mo?"

Natahimik ako... kaming lahat. Nakatingin silang lahat sa'kin at hinihintay ang sagot ko.

Why are they so selfish?

I looked at Ethan and Trace who were looking at me and waiting for my answer, even if they didn't say it, I knew they were worried about me because I saw it in their eyes.

I looked at Kairus who was looking at me while smirking.

"No. I'm not leaving this section. I will stay here." Sambit ko. Sana tama ang naging desisyon ko. "Gagawin niyong miserable ang buhay ko? You don't have to do that, my life has been miserable for a long time. But go ahead and make my life miserable." I smiled bitterly.

Napa-english tuloy ako.

"If you are sure of your decision, be ready because starting tommorow your life will be miserable. Exciting, isn't it?" Chase said while smirking.

Hindi ko siya sinagot. Sinundan ko siya ng tingin nang bigla siyang tumayo at lumabas ng walang pasabi.

Napatingin ako kay Kairus ng magsalita siya. "You must choose the first option but still you choose the second option. You made the wrong decision." Nakangising aniya habang nakatingin sa'kin, nasisiyahan.

After he said that he left and I think he would follow Chase.

No doubt, magkaibigan nga silang dalawa, parehong gago.

Napunta ang tingin ko sa mga hunghang na nag sisi-alisan, mukhang susundan nila yung dalawa.

"Goodluck." Sambit ni Ryuu at tinapik ang balikat ko habang nakangisi.

Aambahan ko sana siya ng suntok kaso biglang kumaripas ng takbo ang gago.

"Faye, bakit?" Kunot noong tumingin ako kay Ethan, nandito pa pala silang dalawa ni Trace.

"Anong bakit?"

"Bakit pinili mong hindi umalis?"

"Bakit naman ako aalis? Dahil lang ba gagawin nilang miserable ang buhay ko?" Natatawang tanong ko.

"Hindi mo sila kilala." Mahinahong sambit ni Trace.

"What do you mean? Hindi ko sila kilala? Totoo namang hindi ko sila kilala dahil hindi naman sila nagpakilala sa'kin e. 'Wag kang mag alala, kikilalanin ko sila." Nakangiting sabi ko. Napangiwi si Ethan at Trace.

"Hindi gano'n ang ibig sabihin ni Trace!" Si Ethan, para siyang batang nagma-maktol.

"Eh, ano?"

"Hindi mo sila kilala. I mean, hindi mo kilala yung ugali nila at kung anong kayang gawin nila, lalo na yung dalawa." Paliwang ni Trace.

Tumango tango si Ethan, "Tama tama." Tumango ulit siya.

Sa totoo lang,para siyang tanga.

"Sinong dalawa?"

Napasimangot si Ethan, "Si Kairus at Chase."

"Yung dalawang pinaglihi sa sama ng loob?"

"Pinaglihi sa sama ng loob?" Nanlalaki ang mata ni Ethan.

"Oo. Si Kairus at Chase, pinaglihi sa sama ng loob. Laging salubong ang mga kilay lalo na si Kairus, akala mo naman kung sinong gwapo, pangit naman ang lintik."

Mas lalong nanlaki ang mata ni Ethan at humagikgik at si Trace naman nakangiti habang pailing iling.

Taka ko silang tiningnan, "Bakit?"

"Wala. Sige na, kailangan na naming umalis baka hinihintay na nila kami." Nakangiting sabi ni Trace sa'kin. Tumango ako kaya umalis na silang dalawa, hanggang labas ng room rinig ko ang tawa ni Ethan.

Ano ba ang nakakatawa?

Ngayon lang ba nasabihan na pangit ang lintik na 'yon?

Pero....... nakakatunaw ang ngiti ni Trace, ang gwapo kapag nakangiti.

Crush ko na yata si Trace.

KAIRUS

That girl.

I don't like her.

I don't really like her. Damn it.

Aaminin ko. Oo, nagulat ako sa pag sagot niya sa'kin. Sa pangalawang pag kakataon, may sumagot sa'kin ng gano'n.

Isang babae lang ang nakakasagot sa'kin ng gano'n. Siya lang.

I close my eyes in annoyance, annoyed because of that woman.

But I'll make sure her doesn't last long in our section.

I will make her life hell.

I will make her miserable.

I will destroy her.

Hindi ko pa nakakalimutan ang pag tuhod niya sa junjun ko. Putangina.

"Anong plano?" Chase asked while looking at me seriously.

"Oo nga. How can we get her out of our section?" Jake asked.

"Tigasin e."

"Matapang mga pre."

"Paano natin mapapa-alis?"

"Halatang sanay makipag laban shet."

I smirked because of what they said.

"I'll take care of it."

Taka silang lahat tumingin sa'kin.

"What are you thinking?" Kunot noong tanong ni Chase.

I looked at him seriously, "You all know that I really love to play a game. Especially if that's a new game."

"What are you trying to say?" Trace asked.

I looked at him because of his question. My gaze went to the one next to him, it's Ethan.

Ethan crouched down as he played with his hands. I also notice how quiet he is.

"Paglalaruan ko siya. I will make her fall inlove with me," I smirked. "Then I will fuckin' destroy her. I don't care if she gets hurt. I just want to retaliate. She's nothing but a piece of shit." Dugtong ko.

Tumingin ako kay Chase na pailing-iling sakin.

We all looked at Ethan as he spoke, "Bakit? Bakit natin kailangan pa-alisin si Faye? Wala naman siyang ginagawa sa atin." He raised his head and looked at us all.

I laughed sarcastically, "Sainyong dalawa ni Trace wala, pero sa'kin... sa'min meron," I looked at him coldly. "And you fvckin' know girl are not allowed in our section. I'm just reminding you, fvckin' all of you."

I stood up so they all looked at me, "Let's just pretend. Let's just pretend that we already damn accepted her." Dugtong ko, bago maglakad palayo sa kanila.

This game is fvckin' exciting.

***
Hii! Sorry po sa mga typo,wrong grammar and spelling if meron po. Thank you:)


You are reading the story above: TeenFic.Net