Chapter 38

Background color
Font
Font size
Line height

FAYE

"I choose you..."

Napatayo na kaming dalawa ni Klein dahil kami na ang susunod. Kami na ang huling kakanta, request kasi namin ni Klein na kami nalang ang huli.

Ilang oras na rin kami rito ni Klein sa backstage, hindi naman kami nainip dahil madaling matapos yung iba.

Yung iba nga, sumayaw pa habang kumakanta. May nakakakilig scene pa.

Masasabi kong magagaling ang dalawang representative ng WHU at R.U, magagaling ang mga nauna sa amin.

"Kinakabahan ka," biglang sabi ni Klein kaya napatingin ako sa kaniya at nakitang nakatingin siya sa akin.

"Sinong hindi kakabahan? Ang gagaling nila," bulong ko sa kaniya. "Ikaw? Hindi ka ba kinakabahan?"

Umiling siya.

"Bakit?"

"Bakit ako kakabahan kung alam ko namang mananalo tayo?"

Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Huwag mong sabihin na nagbayad sila para manalo kami?

Nanlaki ang mata ko at napatakip sa bibig.

"Kung anong-ano ang iniisip mo," natatawang sabi niya. "Alam ko naman na mananalo tayo dahil alam ko naman hindi mo hahayaan na matalo tayo."

"Sorry," alanganin akong natawa.

May point din naman siya. Oo, kinakabahan ako pero hindi pwedeng magpakain ako sa kaba ko.

Hindi ko hahayaan na matalo kami. Pasan ko ang buong CHU ngayon.

He simply smiled at me and reached out his right hand to me.

I smiled and took his hand.

"And now, the remaining contestants. Let's extend a warm welcome to two representative of Clifford High University!" Anunsyo ng host. "Klein Daryl Asher and Faye Katherine Allister!"

Kasabay non ay ang paglabas namin ni Klein. Sinulubong kami ng nakakabinging sigawan.

Halong humigpit ang hawak ko sa kamay niya kaya saglit siyang tumingin sakin.

"Don't be nervous, babe," he smiled. "Magagawa natin 'to, mananalo tayo."

Tumango ako.

Namamawis kong kinuha ang microphone na inabot sa akin. Pagkatapos ay nagsimula ng tumugtog ang Blank Space by Taylor Swift.

Hinila na ako ni Klein sa dalawang upuan na nasa gitna ng Stage, upuan na para sa amin.

"Nice to meet you, where you been?" Pagsisimula niya habang diretsong nakitingin sa akin.

"I could show you incredible things. Magic, madness, heaven, sin. Saw you there and I thought," he approached me while I was still sitting, holding my face up so I could look at him squarely.

Our eyes met.

May napag-usapan ba kaming ganitio? Sa pagkakaalala ko, wala dahil hindi naman kami nag practice.

Medyo kinakabahan ako sa ginagawa niya.

"Oh, my God, look at that face. You look like my next mistake. Love's a game, wanna play? Ay," he smirked.

Tumaas ang kilay ko ng lumapit pa ang mukha niya. Ito pala ang gusto niya, ha.

Hindi ako gumalaw at hinayaan na lumapit ang mukha niya sakin. Inilapit ko ang microphone sa bibig ko habang nasa kaniya ang tingin.

"New money, suit and tie. I can read you like a magazine. Ain't it funny? Rumors fly. And I know you heard about me," Tumayo rin ako pero nung tumayo ako, hinatak ko siya papalapit sa akin at narinig ko ang mahina niyang pag-singhap na kinangisi ko.

Mas lalong naglapit ang mukha naming dalawa, ilong na nga lang ang humaharang sa amin.

"So hey, let's be friends. I'm dying to see how this one ends. Grab your passport and my hand," Pinadausdos ko ang daliri ko dibdib niya pababa sa t'yan niya habang nakatingin sa kaniyang mga mata.

"I can make the bad guys good for a weekend." Before removing myself from him and returning to my seat, I gave him a wink.

Nakita ko pa kung paano siya bahagyang natawa bago bumalik sa upuan, lumingon siya sa paligid at may sinenyasan. May lalaking tumakbo papalapit sa kaniya at binigay sa kaniya ang gitara.

May lalaki rin na nag bigay sa kaniya ng mic stand at doon niya nilagay ang microphone niya habang ang gitara ay hawak niya.

Sinimulan niyang galawin ang gitara.

"So it's gonna be forever or it's gonna go down in flames. You can tell me when it's over," Sabay naming kanta at parehong napangiti habang nakatingin sa isa't isa. "If the high was worth the pain. Get a long list of ex-lovers."

His voice makes me feel as though I'm in heaven.

His voice is soft. Para akong hinehele.

"They'll tell you I'm insane. 'Cause you know I love the players and you love the game..."

Nananatili kaming nakatingin sa isa't isa habang binibigkas ang bawat kanta, hindi pinapansin ang mga nagwawalang estudyante.

Ni hindi ko nga akalain na sanay pala siyang kumanta. Matalino na, talented pa. Oh, saan ka pa?

Bonus na yung pagiging gwapo niya.

"'Cause we're young, and we're reckless. We'll take this way too far. It'll leave you breathless, hmm."

"Or with nasty car," he immediately smirked at me and lifted his eyebrows, making me want to laugh out loud.

"Get a long list of ex-lovers. They'll tell you I'm insane. But I've got a blank space, baby.."

"And I'll write your name..."

I'm in awe of how he plays the guitar, using his fingertips to strum the strings and moving his fingers so fluidly.

Halatang sanay na sanay siyang mag gitara. Natawa ako sa sarili ko, hindi naman kasi siya gagamit ng gitara kung hindi siya sanay.

I love the way he plays the guitar.

He held my hand and we stood up together in front of the six judges and the students when we completed singing.

Sabay kaming yumuko sa harapan nila at ngumiti habang magkahawak ang kamay.

"You two look good together."

Sabay kaming napatingin ni Klein sa babaeng judge na nagsalita. Ang microphone ay nakatapat sa bibig niya kaya sigurado akong narinig ng lahat ang sinabi niya.

Nakangiti siya sa amin.

"Ay, hindi po sila bagay! Si Kairus po! Si Kairus po ang bagay sa kaniya!"

"Si Chase! Yung manok ko!"

"Yung manok kong si Kaulev! Putangina, bakit ang bagal mo, bro?!"

"Gayahin niyo si Trace, tahimik lang! Ay, hoy! Galaw galaw!"

"Bosit ka Ignacio! Wala ka ng pag asang ma-crushback! Bosit bosit!"

"Ay may mga manok kayo? Kami rin, meron!"

"Walang nagtatanong!"

"Edi sana pinabillboard niyo."

"Tama. Let's go, mga bro! Ipa-billboard natin 'yan!"

Muntik na akong bumaba ng stage dahil sa mga pinagsisigawanan nila. Magkakatabi lang naman sila kaya bakit kailangan naka-sigaw?!

Parang gusto ko nalang silang ibaon sa lupa.

"Actually, Ma, she is the girl I'm referring to," sabi niya at tumingin pa sa akin.

Ma?

Nanlaki ang mga mata ko at palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa. May pagkakahawig nga silang dalawa.

Natahimik din ang mga estudyante dahil sa sinabi ni Klein. Hindi ko akalain na Mama niya ang isa sa mga judge!

"Oh," natatawang sabi ni Mrs. Asher at muling tumingin sa akin. "I like you for my son, hija."

Hindi ko alam pero bigla nalang akong napatingin sa direksyon ni Kairus na walang emosyon ang mukha.

Tiningnan niya muna ako mula ulo hanggang paa bago tumalikod at naglakad papalayo.

Anong nangyari sa gagong 'yon?

Bakit parang gusto kong bumaba ng stage at sundan siya?

***
Hi! I just googled the lyrics of Blank Space. And belated happy birthday to my Ryuu and Zyrus!

Bukas o sa isang araw ko nalang siguro i-u-update yung Chapter 39. By the way, goodluck sa inyo bukas! You guys can do this, huwag kabahan.

Kaya 'yan. Just trust yourself, believe in yourself. Fighting!


You are reading the story above: TeenFic.Net