Chapter 37

Background color
Font
Font size
Line height

FAYE

"Hindi ka ba hinahanap ng mga kaklase mo?"

Nandito pa rin ako sa room ng Section Breaker. Kanina pa nga ako pinapalis ng iba sa kanila, eh. Lalo na yung masungit na ang pangalan pala ay Sean.

Yung Sean na 'to, kalahi yata ni Jake. Pwedeng kambal din sila. Hindi ako na-inform na may nawawalang kakambal ang Jake namin.

"Hayaan mo silang mag hanap," sagot ko at tumawa.

Ngumiwi siya at binigyan ako nang pagkain na agad ko namang tinanggap dahil nagugutom na rin ako.

"Saang school ka nga ulit galing?" Biglang tanong ni Ichiro at nilapit pa ang mukha sakin.

Napailing si Eris at hinila ang kwelyo ni Ichiro papalayo sa akin.

"CHU," sagot ko.

"Anong Section?" Tanong ni Azrael. Si Azrael yung kaedad ni Ethan at Ryuu.

Parang version lang 'to ng dalawa kaso mas childish si Azrael. Mahilig din siya sa pagkain.

"Section Knight."

"Eh?"

Napatigil siya at hindi makapaniwalang tumingin sa akin. Nagkatinginan silang tatlo nina Rafael at Ichiro.

"S-Sigurado ka?" Nakita ko pa kung paano lumunok si Rafael.

"Muka ba akong nagbibiro?" Tumaas ang kilay ko.

"Wala namang babae roon. Katulad namin hindi sila tumatanggap ng babae," si Yakov ang sumagot at tinuro pa si Eris na kaharap ko.

"At 'yang babae na 'yan, hindi namin alam kung paano napunta sa Section namin," dagdag niya at umirap pa.

"Gago 'to, ah," rinig kong bulong ni Eris na masama na ngayon ang tingin kay Yakov.

"Meron," ngumiti ako. "Meron ng babae."

"Sino?" Tangang tanong ni Ichiro.

"Siya! Yung kaibigan ko, tanga!" Turo sa akin ni Eris at binatukan pa si Ichiro. "Saka, ano bang problema niyo sa Section niya?!"

Umiling sila.

"So, it's you."

Agad na nabaling ang atensyon namin sa nag salita. Dumiretso ang tingin ko sa likod.

Sa lalaking may subo ng lollipop na naka-upo dulo katabi si Jack Frost at yung lalaking nakasalamin.

"Anong ako?" Nangunot ang noo ko.

"I had assumed that they wouldn't accept a woman, especially him, due to what happened in the past," he grinned as he looked in my direction.

"But I think I'm wrong," he added and shrugged.

Nakatingin pa rin siya sa akin habang may lollipop sa bibig at may mapaglarong ngisi sa labi.

Alam ko naman na ayaw nila sa babae pero ano bang pinag sasabi ng gagong 'to?

Hindi ko alam pero may parte sakin ang gustong malaman kung ano man ang sasabihin niya o ano pa ang mga nalalaman niya.

"Luther, naiirita ako sayo. Pwede ka bang tumahimik?"

So his name is Luther.

Imbis na pansinin niya ang sinabi ni Eris sa kaniya ay bigla siyang tumayo at lumapit sa akin.

"Eris, manahimik ka muna," rinig ko sabi sa kaniya ni Ichiro.

Napatayo ako at napa-atras nang bigla niya ilapit ang mukha niya sa akin. At nakita ko pa kung paano lumaki ang ngisi niya dahil sa reaksyon ko.

"Based on your reaction, you know nothing. You don't know anything about their past. And to make matters worse, they didn't even bother to tell you," he shook his head, disappointed.

Napayuko ako dahil sa sinabi niya. He's right, wala akong alam sa nakaraan nila.

Pero, ano nga ba ang kailangan kong malaman?

Muli kong inangat ang tingin ko sa kaniya. Nanatili ang mapaglarong ngisi sa labi niya pero may something sa mga mata niya na hindi ko malaman at mapaliwanag.

"You're clueless, aren't you?" I observed his expression turn grave.

Nawala ang mapaglarong ngisi na nakapaskil sa labi niya. Ang mga mata niya na maraming emosyon na pinapahiwatig ay nawala nalang sa isang iglap at napalitan iyon ng walang emosyon.

Wala na akong nakikitang kanit anong emosyon kay Luther.

He leaned up close and whispered into my ear. "I pity you, Erin Allister."

Mahina akong napasinghap.

How did he know who I am?!

Ilalayo na sana niya ang sarili sakin nang may humawak sa kwelyo niya at inilayo siya sa akin.

I saw Eris with a serious expression.

"You are to close, Velasquez." Biglang sabi niya at ang tingin ay na kay Luther.

Agad na bumalik ang mapaglarong si Luther, nginisian niya si Eris.

"Oh, jealous?" Mapang asar na tanong niya.

Nangunot ang noo ni Eris. Nawala ang seryosong ekspresyon niya at napalitan iyon ng inis na pilit niyang tinatago.

"Why am I supposed to be jealous? Who are you?" Tumaas ang kilay niya. "To be clear, I'm just protecting my friend from you."

Namamangha siyang tiningnan ni Luther.

"Calm down, woman," he smirked. "Hindi mo dapat pinoprotektahan ang kaibigan mo mula sa akin. Instead of me, protect her from them, not from me."

Mas lalong nangunot ang noo ni Erie habang ako pilit na iniintindi ang mga binitawan niyang salita.

"Ano na namang sinasabi mong putangina ka?"

"Bardagulan ba ito ni Velasquez at Salazar?" Narinig kong sabi ni Rafael.

"Dito nag simula lola at lolo ko, eh," biglang sabi ni Yakov at bumungisngis.

Sinabayan naman siya ni Azrael at Rafael sa pagbungisngis.

"Kadiri naman kayo," sabat ni Ichiro. "Hindi naman si Eris ang type na babae ni pareng Luther."

"Kailan ka pa natutong umepal, Ichiro?" Masungit na tanong ni Yakov.

"Ngayon lang, bro."

"Tarantado," mura ni Rafael.

Hindi pinansin ni Luther ang pinag sasabi nila, sa halip ay saglit niya akong tinapunan nang tingin at muling binalik ang tingin kay Eris na masama ang tingin sa kaniya.

Handa na nga rin manapak si Eris, halata naman. Kaya kung sasapakin niya si Luther, hindi na ako magugulat.

Hindi na rin ako maaawa, baka sa halip na maawa ako dahil sinapak niya si Luther ay baka matuwa pa ako.

"Why do you have to protect your friend from me, Eris?"

"Kasi gago ka," sagot ni Eris.

Natawa nang mahina si Luther dahil sa sagot ni Eris.

"I'm not the one who will hurt her. I won't harm your friend since they will do it on their own. People she trusts and is close to will hurt her," napailing siya. "He'll suffer at the hands of those she trusts and is close to."

"Nababaliw—" Pinutol ni Luther ang sasabihin niya.

"In fact, I even warned her," he added. Tumingin siya sa akin gamit ang seryosong ekspresyon. "Be careful with the people you choose to trust."

"Because perhaps they or he will be the reason for your sorrow, tears, agony, and most importantly, your destruction." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tinalikuran niya ako pero bago siya bumalik sa upuan niya, may binulong pa siya kay Eris na lalong kinasama ng timpla ng isa.

Saglit pa niya akong nilingon bago nagpatuloy. At nakita kong may subo na naman siya na lollipop.

Nanatili ang tingin ko kay Luther at ramdam ko ang mga tingin na binibigay sakin nang mga kaklase niya.

Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at napabuntong hininga nalang bago muling umupo at tiningnan si Eris na parang malalim na ang iniisip.

"You're just here."

Napalingon kaming lahat sa mga pumasok. Marami sila pero ang mga hunghang lang ang nakilala ko.

Hindi ko kilala ang iba pang mga pumasok puro sila lalaki.

Hindi.

Dahil may isang babae silang kasama—si Luna.

Si Luna na kasama ng iba pang mga lalaki na pumasok, kasabayan lang ng mga hunghang.

Lumapit sakin ang mga hunghang na mga nakasimangot.

"Tinakasan mo kami," duro sakin ni Ryuu habang masama ang tingin sa akin.

"Bakit ka tumakas?" Reklamo ni Kiel.

"Ang hirap mong nahapin," biglang singit ni Yvo.

Napairap ako. "Sino ba kasing nay sabing hanapin niyo ko?"

"Grabe ka! Ikaw na nga itong hinanap, eh!" Singhal ni Kleon.

"Stubborn," rinig kong sabi ni Kairus na nasa tabi ko kaya napatingin ako sa kaniya.

Masama ang tingin niya sa akin na para bang may ginawa akong malaking kasalanan.

"Masanay kana," hilaw akong ngumisi.

Napailing siya.

"Pareng bro!" Sabi nang kung sino at biglang niyakap si Kairus kaya napaatras ako.

Naningkit ang mga mata ko habang nakatingin sa lalaki. Hindi 'to taga Section Breaker.

Nagulat ako nang biglang may yumakap sa akin, pabango palang alam ko na.

"I miss you," malambing na sabi ni Luna habang yakap yakap ako.

Niyakap ko siya pabalik. "I miss you too."

Kumalas siya mula sa pagkakayakap at hinarap ako. Napangiti siya at mabilis akong hinalikan sa pisngi.

"You're so beautiful, my love."

Napangiti ako sa sinabi niya.

Luna and Her sweetness.

Lumapit sa amin si Eris habang inaayos ang buhok niya, patingin tingin pa nga siya sa mga kasama ni Luna.

"Pogi ng mga kasama mo, ah. Sino mga 'yan?" Nguso ni Eris sa mga kasama ni Luna.

"Anong pogi? Ang papangit kaya nila," bulong sa amin ni Luna at tiningnan pa ang mga kasama niya.

"Naririnig ka namin, Luna," reklamo nung isa at masama pa siyang tiningnan.

"Wala naman akong pake, Jared," sagot nitong si Luna at inirapan pa yung Jared.

"Section mo 'yan?" Tanong ko at saglit tiningnan ang mga kasama niya na nakatingin pala sa akin kaya tinaasan ko sila nang kilay kaya ayon, nagsiiwas nang tingin.

Muli kong binalik ang tingin kay Luna. Pansin ko rin na hinihintay ni Eris ang sagot ni Luna sa tanong ko.

"Yes," she answered.

"Oh," sabay naming sabi ni Eris at nagkatinginan pa.

Magsasalita sana ako nang sumigaw ang isa sa mga kasama ni Luna.

"Hoy! Magsisimula na yung event!" Sigaw niya at tumingin pa sa akin. "Yung isang representative riyan, go kana roon!"

"Tarantadong 'to," mura ni Yvo. "Sinisigawan mo ba Faye namin, Leon?!"

Napakurap naman yung Leon at umiling. "Hindi, ah. Pinapapunta ko lang roon, Yvo."

"Faye?" Nagtatakang tanong ni Ichiro kaya napatingin kami sa kaniya.

Nakita ko rin ang pagtataka sa mukha ni Rafael at Azrael habang yung ibang kaklase ni Eris ay napailing lang.

"Mga uto uto," nakangising sabi nang isang kaklase ni Eris.

"Pangalan niya, bakit?" Sabi ni Zyrus.

"Anong problema mo sa pangalan ni Faye, Ichiro?" Tamad na tanong ni Dwayne.

Napasinghap siya at agad na binalingan nang masamang tingin si Eris na ngayon ay patay malisya.

"Akala ko Pocky pangalan niya?!"

Napatanga sila habang yung iba ay tumawa. Narinig ko rin ang bulungan nila pero boses lang ng mga hunghang ang kilala ko.

"Tarantado!"

"Pocky amputa."

"Suminghot kana naman ba ng katol, Ichiro bro?"

"Anong pocky ka riyan? Faye pangalan niyan, bobo!"

"Tanga."

"Uto uto."

"Bakit ang tanga, Ichiro?"

"Basta wala kaming kilala na ang pangalan ay Ichiro. Hindi namin kilala 'yan," singit ng kaklase ni Eris.

"Tama," sang ayon ng isang kaklase ni Luna.

"Sino ba naman kasing tanga ang magpapangalan sa anak na Pocky?" Natatawang sabi ni Jared.

"Si Ichiro siguro pero pwede rin ikaw," ngumisi Kleon.

Tumingin ako kay Ichiro na masama na ang timpla, handa ng makipag away.

Bago pa makipag away si Ichiro, agad na nagsalita Sebastian.

"Mamaya na 'yan. Lalaban pa ang Faye namin," taas baba ang kilay ni Sebastian at tumingin pa sa akin.

"True," sabay na sabi ni Luna at Eris.

Nagsilabasan na kami at habang naglalakad masama pa rin ang tingin ni Ichiro kay Eris na tumatawa lang.

Magkakatabi kaming tatlo habang naglalakad, nasa unahan kami. Habang yung mga kaklase namin ay nasa likod namin at mga nag iingay.

Halatang magkakakilala silang lahat.

Paano?

Habang naglalakad, ramdam ko ang tingin ni Kairus sa akin pero hindi pinansin dahil iba ang nasa isip ko.

Nagk-kwentuhan sina Luna sa tabi ko pero ang isip ko lumilipad sa mga sinabi ni Luther.

Naningkit ang mga mata ko.

He knows me.

He knows something about me.

Is it feasible that, if he knows something about me, he also knows something about Section Knight's past?

My Section. Eris' Section. And lastly, Luna's Section.

After all, they all know each other. It seems they have been friends for a long time.

Luther Velasquez. A Velasquez, huh.

Kung kakausapin ko ba si Luther, sasabihin niya sakin lahat ng nalalaman niya?

Do I have to speak with Luther?

Should I speak with him? 

***
Faye also stopped studying because she suffered trauma from being kidnapped. The rest, hindi ko na sasabihin. Nagmu-mukha kasi akong spoiler.

However, feel free to ask me if you have any questions about the story. If there's anything in the story you don't understand, simply ask. Just ask me and I'll give you an explanation.

Thank you!


You are reading the story above: TeenFic.Net