Chapter 34

Background color
Font
Font size
Line height

FAYE

Balik school na naman. Tatlong araw na ang lumipas pagkatapos nang nangyari sa pagitan namin nina Brandon.

Nakalabas na rin ako sa hospital, sabay kami ni Travis.

At ngayon, nasa Music Hall ako ng CHU kasama si Klein. Katulad nang sabi ni Sir Logan, siya ang makakapareha ko.

Tatlong araw nalang din ang meron kami para mag practice. Ayoko sanang mag practice kaso ang sama nang tingin sakin ni Sir, eh.

Ayaw pa ngang pumayag ng mga hunghang nung nalaman nila na si Klein ang magiging kapareha ko. Pero wala naman silang magagawa.

"What song do you like?" He asked.

"I'm a fan of Taylor Swift," sagot ko. "May naisip na akong kanta kaso baka hindi mo magustuhan—" I was cut off when he spoke.

"Are you a swifties?"

"Uh, yes."

"So am I," ngumiti siya sa akin. "Now, what Taylor Swift song would you like us to sing?"

Napakurap ako at sandaling napatulala dahil sa sinabi niya. Oh my gods.

"Faye?"

Muli akong napakurap nang tawagin niya ako.

"Ah, blank space?" Hindi siguradong sagot ko. Lahat naman maganda ang kanta ni Inang kaya nga nahihirapan akong pumili, eh.

Tumaas ang kilay niya. "Okay then. We are going to sing that."

"Do you know the song's lyrics? Do you know the song's melody?"

"Easy," natatawa niyang sabi. "Of course I know. It's also one of my favorite songs."

"I'm Swifties, just like you. So don't worry, I didn't become swifties for nothing," he smirked.

"Okay," sagot ko. "Ano naman ang gagawin natin ngayon?"

"Magp-practice?" Patanong na sagot niya.

"Tinatamad ako," reklamo ko.

Natawa siya nang mahina. "Ako rin."

Wow. Ang SSG President at Top Student ng CHU, tinatamad mag practice.

Hindi naman siguro siya nahawa sa 'kin, ano?

Tumayo ako at kinuha ko ang bag ko bago muling tumingin sa kaniya na nagtatakang napatingin sa akin.

"Where are you going, lady?"

Ngumisi ako sa kaniya. "Kakain. Nagugutom ako. Sama ka?"

"Of course."

Tumayo na rin siya at gaya nang ginawa ko, kinuha na niya ang bag niya at sabay kaming lumabas ng Music Hall.

"Hoy Klein," tawag ko sa kaniya habang naglalakad kami papuntang Cafeteria.

"Yes?" Nakangiting sagot niya at saglit akong nilingon bago ibalik ang tingin sa harap.

"Anong feeling maging top student at SSG President?" Tanong ko.

"Are you serious?" Bahagyang tumaas ang makapal niyang kilay.

Tumango ako.

"Feels good," he answered. "It's fun too."

Napatango ako dahil sa sinabi niya. Hindi ba sumasakit ang ulo niya?

Sabay kaming pumasok sa loob ng Cafeteria. Pagkapasok namin, inilibot ko ang paningin ko.

Kami pa lang ni Klein ang estudyante rito. Sabagay, medyo maaga pa at hindi pa break time.

"I'll be the one to place the order," sabi niya at tumingin sa akin. "What do you desire?"

Sandali akong nag isip ng cravings ko ngayon. "Carbonara and a slice of mocha cake. And only lemon juice for the beverage."

"That's it?" He asked.

Ngumiti ako at tumango. Pero nung papaalis na sana siya, agad kong hinawakan ang braso niya kaya napatigil siya at nagtatakang napaharap sa akin.

"Egg Sandwich with bacon and cheese na rin pala," dagdag ko.

"Ganiyan ka kagutom?"

"Marami na ba 'yon?" Nagtatakang tanong ko.

Natawa nalang siya at napailing bago ako muling talikuran.

Nagkibit balikat nalang ako.

Umupo ako sa napili kong pwesto na malapit sa bintana. Muli rito, nakikita ko ang kabuuan ng School field.

Napatingin ako sa harapan nang may naglapag ng tray sa harapan ko.

Nandito na pala siya.

"Salamat," ngumiti ako sa kaniya.

Tumingin ako sa tray ni Klein na nasa harapan niya, tiningnan ko ang pagkain niya.

"Diet ka?" Biglang tanong ko.

Umupo siya sa harapan ko at natawa. "No. Ganito lang talaga ako kung kumain."

Tumango nalang ako at sinimulang kainin ang pagkain na libre niya.

Ang swerte ko naman. Nakalibre ako.

Sa kalagitnaan nang pagkain naming dalawa, biglang tumunog ang bell, senyales na break time na.

Nagsimulang magpasukan ang mga estudyante sa Cafeteria kaya naman nang makita nila kami, agad napunta ang atensyon sa amin.

Nagsimula na rin silang magbulungan na muntik ko ng ikairap.

"The fuck?"

"Bakit sila magkasama?"

"Bitch."

"Bakit ang landi niya? E, hindi naman kagandahan."

"So landi, eww."

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Klein kaya napatingin ako sa kaniya.

Nakita ko kung paano siya mawalan nang gana kumain ng sandwich niya.

Tiningnan niya ako. "Don't mind them. Just eat."

Tumango ako at sunod na kinain ang Egg Sandwich na pinabili ko sa kaniya. Ito nalang ang huling kakainin ko dahil naubos ko na yung Carbonara at yung Mocha Cake tapos nasa kalahati nalang yung Lemon juice ko.

Aktong iinom ako nang inumin ko nang may sumigaw.

"Hoy! Bakit mo kasamang kumain 'yan?!"

Sabay kaming napalingon ni Klein sa pinanggalingan ng boses. Nakita ko si Ryuu at Ethan na nasa Entrance ng Cafeteria at parehong masama ang tingin sa amin.

Napangiwi ako nang maglakad silang dalawa papalapit sa amin habang ang iba naman ay mga nakatayo sa Entrance at mga lukot ang mukha.

"Hoy! May ginawa ka ba sa Faye namin? Ginayuma mo ba siya kaya sumabay siya sayong kumain?!" Singhal ni Ethan kay Klein habang dinuduro.

Napatingin ako kay Klein na napabuntong hininga at bagot na tiningnan ang daliri ni Ethan na nakaduro sa kaniya.

"I didn't do anything to her. I also didn't use any potions," mahinahong sabi niya. "And could you please stop pointing your finger at me? I might suddenly cut it off."

Nanlaki naman ang mga ni Ethan sa sinabi niya at agad na binaba ang daliri niya bago tuluyang lumapit sa akin at nagtago sa likuran ko.

"Ang sama ng ugali," rinig kong bulong niya, nakanguso. "Akala mo kung sinong gwapo, mukha namang paa. Pakisampal nga 'yang lalaki mo."

Lalaki ko? Agad ko siyang sinamaan ng tingin dahil sa sinabi niya. Gagong chanak 'to.

Bastos talaga bunganga ng isang 'to. Kahit kailan talaga.

Narinig ko ang tuloy-tuloy na bulong niya, kung paano niya paulit-ulit na laitin si Klein.

"I can hear you, kid." Biglang sabi ni Klein.

Five words.

Limang salita, sapat na para mapatikom ang bibig niya.

Agad na sumabat si Ryuu. "Why are you englishing us?!"

"Do we have a problem, Mr. Justin?" Tanong ni Klein sa kaniya habang bahagya nakataas ang kanang kilay.

"Wala po," umiling si Ryuu. Pumunta rin si Ryuu sa likod ko at doon nagtago kaya ngayon, dalawang tao na ang nasa likod ko at parehong nagtatago.

Tingnan mo 'tong mga tangang 'to.

"Did you two enjoy it?"

Napatingin kami sa nag salita. Si Kairus na nakatingin sa akin habang nakapamulsa.

Hindi ko man lang napansin na nakalapit na pala sa amin ang mga ito. At ang dami ko na rin naririnig na mga bulungan.

Sinalubong ko ang mga mata ni Kairus pero hindi rin ako nakatagal at napaiwas ng tingin.

Tangina, iniiwasan ko nga siya, eh.

Naalala ko pa rin yung kiss! Hindi madaling kalimutan yung halik lalo na't first kiss ko 'yon at nakuha pa sa hospital.

"Of course. We both found it enjoyable," he smirked. "Plus, being with your girl is fun."

Napatanga ako sa sinabi ni Klein.

"Ay, your girl daw." Napabungisngis si Ethan na sinabayan naman ng kambal at ni Ryuu.

"Naks, kayo na ba?" Ngisi ni Yvo.

"May hindi ba kami alam here?" Maarteng tanong ni Kio.

Ang sarap niyang bigwasan. Ay hindi, silang lahat, masarap bigwasan.

"Mga Ferrer talaga, ang bibilis." Humalakhak si Kiel na kinangisi ni Kleon at Dwayne.

Nakita ko pa ang pasimpleng pagsulyap nina Zyrus kila Chase na tahimik lang na mga nakatayo.

Pagkatapos, ay bumungisngis sila.

"I'm not talking to you. I'm talking to my girl... and not you, Asher," mariin na sabi niya.

My girl?!

Napatigil si Klein pero nanatili pa rin ang ngisi sa labi niya. "Oh, I thought you were talking to me. My apologies, Mr. Ferrer."

Narinig ko ang mga bungisngisan ng mga hunghang. Masyado naman yata silang masaya.

Inangat ko ang tingin ko at sasalubungin sana ang mga mata ni Kairus kaso na kay Klein na ang tingin niya.

"But thanks anyway, you're right," si Kairus naman ang ngumisi ngayon. "Being with my girl is fun, but my girl didn't seem to enjoy it."


You are reading the story above: TeenFic.Net