Chapter 3

Background color
Font
Font size
Line height

Author's Note: Kung magulo ang chapter na 'to sorry poooo! Hindi kasi ako magaling sa action scene HAHAHAHAHAHAHAH ๐Ÿ˜ญ

Btw, thank you for 80+ followers! Salamat sa inyoooo! Mahal ko kayo mga beh<33.

FAYE

Binalik ko naman ang tingin ko sa dalawang nakaupo sa sahig, nakayuko lang sila. Ano? Hindi nila papatulan ang clown na 'to?

Napangiwi ako dahil binuhusan nila ng pagkain ang dalawa at tsaka tumawa.

Sayang yung pagkain dapat binigay nalang nila sa'kin. Ano bang ginawa ng pagkain sa kanila?

"Hindi kami magnanakaw at wala kaming ninanakawan." Mahinhing sabi ng babae habang nakayuko.

Napatingin ako kay Chloe ng magsalita siya. "Talaga lang ha? Wait, totoo bang sa skwater kayo nakatira? Sa bagay anong aasahan ko sa mahihirap na kagaya niyo?" Natatawang sambit ni Chloe. Napatingin naman ako sa lalaking nerd na hawak hawak ng dalawang lalaki, hindi ko sila napansin.

Nakarinig ako ng bulong bulungan dahil sa sinabi niya, yung iba nandidiri at yung iba naman naa-awa. Gano'n ba talaga dito? Porket mahirap at sa skwater nakatira ibu-bully na nila at pandidirihan? Judgemental nga naman.

Hinawakan ng tatlong clown ni Chloe yung babae at tinayo pagkatapos ay sinampal ni Chloe yung babae na kinasinghap ng lahat. At dahil isa siyang clown hindi siya nakontento at sinira pa ang damit ng babae na kinaingay ng mga lalaki, may narinig pa akong sumipol.

Nagsalubong ang kilay ko.

"Malandi ka diba? Ayan hindi kana mahihirapan sa pagkuha ng atensyon ng ibang lalaki, pati nga boyfriend ko nilalandi mo." Nakangising sambit ni Chloe pero makikita mo ang galit sa mga mata niya.

Napatingin naman ako sa lalaking nerd na binubugbog ng dalawang bisugo. Napakurap ako at nagpalipat lipat ang tingin sa kambal dahil pareho na silang umiiyak.

Ayokong nakaka-kita ng umiiyak, lalong ayokong maka-kita ng lalaking umiiyak.

Hindi na ako nakatiis at tumayo at lumapit na sa kanila, tinawag ako ng tatlo pero hindi ko sila pinansin. Uunahin ko muna si kuyang nerd bago yung kakambal niya, bubog na e. Kawawa naman si pareng nerd.

Hinawakan ko ang braso ng isang bisugo dahil akto niyang susuntukin si kuyang nerd.

"Balak niyo bang patayin 'yan? Ang payat payat niyan oh." Sambit ko at tumingin kay kuyang nerd na gulat na nakatingin sa'kin ngayon kaya ngumiti ako.

"At sino ka naman?!" Sigaw ni kuyang bisugo 1.

Napangwi ako at pinunasan ang mukha ko dahil tumalsik ang laway niya sa mukha ko, eww.

Napunta tuloy ang atensyon nilang lahat sa'min pati si Chloe na salubong ang kilay na nakatingin sa'kin ngayon, napatingin ako sa babae na nakatingin sa'kin kaya ngumiti ako.

"Wag mo akong sigawan, hindi ako bingi. Pwede mo naman akong tanungin kung sino ako nang hindi sumisigaw dahil magkalapit lang tayo."

Sumama ang tingin niya sa'kin. "Bitawan mo ang braso ko."

"Paano kung ayoko?"

Tumingin siya kay kuyang bisugo 2 at sinenyasan na hawakan ako binitawan ko tuloy si kuyang bisugo 1, binatawan ni kuyang bisugo 2 si kuyang nerd at lumapit sa'kin para hawakan ako pero bago pa niya ako mahawakan tinuhod ko siya sa gitna at sinipa sa mukha.

Tumba.

"Oh? Ano ka ngayon? 'Wag kang mag alala hindi ka maba-baog, okay? Tiwala lang." Sambit ko.

Nagulat silang lahat sa ginawa ko. Napatingin naman ako kay kuyang bisugo 1 na may hawak na upuan at balak yatang ihampas sa'kin at hindi nga ako nagkamali, tumaas ang kilay ko.

Umiwas ako at umikot para makapunta sa likod niya at sinipa siya dahilan para masubsob siya.

"Ouchieee." Rinig ko sabi ni Amelia, natatawa.

Lumapit ako kay kuyang nerd at tinulungan siyang tumayo pero natumba kami dahil may humampas sakin mula sa likod kaya napangiwi ako,sumakit ang balikat ko mukhang nadali yung balikat ko ah.

"Faye!" Rinig kong sigaw ng tatlong bruha pero hindi ko sila pinansin.

Napapikit ako at tumayo, tumingin ako sa may gawa non... si kuyang bisugo 1 at si kuyang bisugo 2 na nasa likod niya at nahihirapan pa rin tumayo.

"Masakit ba?" Nakangising tanong ni kuyang bisugo 1, tumingin ako sa hawak niya... kahoy.

Saan naman siya nakakuha ng kahoy?

"E, kung ikaw kaya hampasin ko at tanungin ko sayo kung masakit ba? Gusto mo i-try natin?" Ang sakit ng likod ko,isama pa yung balikat ko na kumikirot!

"Faye yung balikat mo, may dugo!" Sigaw ni Ethan kaya napatingin ako sa kaniya, nakatingin sa balikat ko ang mga hunghang kaya tumingin ako sa balikat ko at nagsalubong ang kilay ko dahil may dugo nga.

Umaangat ang tingin ko sa dalawang bisugo na nakangisi sa'kin ngayon kaya tumaas ang kilay ko.

"Eto lang ang kaya niyo? Wala, mahina." Bored akong tumingin sa kanilang dalawa.

"Anong sabi mo?! " Kuyang bisugo 1.

"Hindi ka lang pala mahina, bingi ka pa." Naiiling na sabi ko. "Ang sabi ko ang hihina niyo."

Hindi na ako nagulat ng biglang sumugod sa'kin si kuyang bisugo 1 at susuntukin ako pero nasapo ko ang kamao niya na dapat ay tatama sa mukha ko, ang sakit ng kamay ko... kamay ko ang nasuntok at hindi ang mukha ko.

Sapuhin ba naman yung kamao, ang tanga Faye.

Napunta ang tingin ko kay kuyang bisugo 2 na sunod na sumugod sa'kin kaya mabilis kong binitawan ang kamao ni kuyang bisugo 1 at hinawakan siya sa braso at mabilis na pinilipit na kinahiyaw niya sa sakit, bago ko siya sipain sa t'yan ginawi ko muna siya sa gawi ni kuyang bisugo 2 na pasugod na sa'kin at tsaka siya sinipa, ayun sabay na natumba.

Tumama pa nga sa malapit na lamesa. Buti nga.

Lumapit ako sa kanila, hindi na sila makatayo. Yun lang naman ang ginawa ko ah? Ay weak.

"Mas nagmukha kayong bisugo ngayon." Sambit ko habang nakangiti at tinalikuran sila at pinuntahan si kuyang nerd na tulalang nakatingin sa'kin.

Tinulungan ko siyang tumayo, nilagay ko ang isang braso niya sa balikat ko, napangiwi ako dahil natamaan ang sugat ko. Bali nasa kaliwa ko siya at ang kanang braso niya ang nakalagay sa balikat ko.

Inakay ko siya papunta sa babaeng kapatid na hawak pa rin ng tatlong clown ni Chloe.

"Let her go." Mahinahon kong sabi.

Galit na tumingin sa'kin si Chloe. "Who are you?"

"Hindi mo gugustuhin na malaman kung sino ako."

Sumama ang tingin niya sa'kin at lalo siyang nagalit pero ngumisi din kalaunan. "Looks like you're the new girl in Section Knight." Tumingin siya sa mga hunghang. Nagsimulang mag ingay ang mga bubuyog. "Malandi ka rin. Basura din ang ugali mo."

"Are you describing yourself?"

"What did you just say?!"

"You should wash your dirty mouth."

"Tanga kaba? Nahuhugasan ba yung bibig ng tao?"

I looked at her from head to toe. "Bakit tao kaba?"

Nakarinig ako ng tawanan pero mas malakas ang tawanan ng tatlo kaya napailing ako.

"Masyado kang pabida! Kay bago bago mo lumalabas na 'yang basurang ugali mo! Katulad ka lang din ng section mo! Basura." Wika niya.

Nahiya naman ako sa ugali mong impakta ka.

"Asan?"

Her eyebrows met. "Asan ang alin?"

"Asan ang pake ko."

"Basura talaga ang ugali mo!"

"Oh, come on. Don't describe yourself."

Pinagtatapik ko ang kamay ng mga clown para mabitawan yung kapatid ni kuyang nerd.

"Ouch!" Sabay sabay na sabi nila.

Tinapik ko lang naman yung kamay nila, masakit ba 'yon?

"Arte." Bulong ko.

Pumunta naman sa gawi namin yung kapatid ni kuyang nerd at tumabi sa kaniya.

Napatingin ako kay Chloe ng magsalita siya. "I'll make sure you will pay."

"Sa pagkakatanda ko, wala akong utang sayo. At kung meron man, sabihin mo sakin kung magkano at babayaran ko."

"Tandaan mo ang araw na 'to, magbabayad ka sa ginawa mo. Maling tao ang binangga mo." She smirked.

"Sige, hihintayin ko 'yan." Simpleng sabi ko. Hindi na siya sumagot at tinalikuran ako ng may ngisi sa labi. Pinagsisipa niya ang dalawang bisugo at lumabas ng cafeteria.

Kinuha ko yung upuan na malapit sa sa'kin at inupo ko si kuyang nerd doon.

Napatingin ako sa balikat ko at napabuntong hininga.

"Gaga ka!" Inis na sambit ni Amelia sa'kin at hahampasin ako ng makita niya ang balikat ko.

"Faye naman..." Sabi ni Ellaine.

"Are you okay?" Nag aalang tanong ni Stacey.

Ngumiti ako at tumango. Napatingin ako sa dalawang magkapatid. "Ayos lang kayo?" Ang tanga pala ng tanong ko.

"O-Oo, s-salamat po." Nakayukong sambit ng babae.

"Fayeeeeeee!" Napatingin ako sa may sumigaw, si Ethan kasama si Trace na papalapit sa'kin. Yung mga hunghang nakatingin lang.

"Are you okay?" Nag aalang tanong ni Trace.

Naks, nag aalala sa'kin si pareng Trace.

Ngumiti ako. "Oo naman." Sabi ko at nag thumbs up.

"Faye, delikado ang ginawa mo..." Nakangusong sabi ni Ethan, tinapik ko lang balikat niya at ngumiti.

Binalik ko ang tingin sa dalawang magkapatid. "Tara." Inakay ko ulit si kuyang nerd, nagtataka siyang tumingin sa'kin... silang lahat.

"Saan mo naman dadalhin ang dalawang magkapatid na 'yan?" Takang tanong ni Stacey.

Ngumiti ako. "Sa condo ko."

Gulat nila akong tiningnan, pati na rin sa mga nakarinig. "What? Are you serious?" Gulat na tanong ni Amelia.

"Yes. I'm serious." Ngumiti ako ng malapad.

"Seryoso ka nga?"

"Oo nga. At tsaka wala naman akong kasama sa condo ah?" Ngumuso ako.

"P-Pero-" Pinutol ko ang sasabihin ni kuyang nerd.

"Walang pero pero doon kayo titira sa condo ko."

"Ate n-nakakahiya p-po k-kasi... " Nakayukong sabi ng babae.

Tinapik ko siya sa balikat at kaya napatingin siya sa'kin. "Anong nakakahiya doon? Titira lang naman kayo sa condo, tsaka wala akong kasama doon."

"P-Pero kasi may i-isa pa k-kaming k-kapatid na lalaki... " Mahinang sabi ni kuyang nerd sapat na para marinig ko.

"Gano'n ba? Okay lang kahit tatlo kayo. Mas madami, mas masaya." Masayang sabi ko. "Oo nga pala. Anong pangalan niyo?"

"L-Lenard."

"Lalaine po."

Tumango tango ako at nakangiting tumingin sa kanila. "Una na kami ah? Hindi muna ako papasok, paki-excuse kami sa mga adviser namin."

"Sige. Pero kaya mo bang magdrive?" Nag aalalang tanong ni Stacey.

"Oo naman, malayo naman 'to sa bituka."

"Ang tigas talaga ng ulo mong babae ka." Iling iling na sabi ni Amelia pero kinindatan ko lang siya.

"Ingat kayo ah?" Wika ni Ellaine.

Tumango ako at tinapik si Ethan at Trace, nakangiti silang tumango. Napunta ang tingin ko sa mga hunghang na nakatingin sa'min pero tinaasan ko lang sila ng kilay, naningkit ang mata ko dahil inirapan nila ako kaya umirap din ako.

Akala nila sila lang? Utot niyo mga gago!

Inakay namin ni Lalaine si Lenard palabas ng cafeteria, feeling ko sikat na kami dahil ang daming nakatingin sa'min.

"S-Salamat." Napatingin ako kay Lenard ng magsalita siya.

"Wala 'yon." Sabi ko sa kaniya at binuksan ang pinto ng backseat ng kotse pagkarating namin sa parking lot ng school, inalalayan ko siyang makapasok saka sinira ang pintuan.

Pumasok din sa backseat si Lalaine katabi ng kapatid niya. Pumasok ako sa driver seat at sinumulang pandarin ang makina. "Saan kayo nakatira?" Tinura naman nila ang direksyon ng tinitirhan nila.

After 1 hour nakarating na rin kami kung saan sila tumutuloy, isang oras pala papunta dito.

Bumaba ako at oo nga sa skwater sila nakatira, napangiwi ako dahil pinagtitinginan nila ako. "Ate dito tayo." Nakayukong sambit ni Lalaine, bakit siya nakayuko? Nahihiya ba siya? Wala naman dapat siyang ikahiya.

Sinundan ko siya, habang naglalakad kami tumingin tingin ako sa paligid... dikit dikit ang bahay dito at ang ingay, may nagbubulungan pa nga dahil siguro nagtataka kung sino ako at kung bakit ako nandito sa lugar nila.

"Ateeeeee!" Napatingin ako sa sumigaw, nasa tapat kami ng bahay na maliit gawa siya sa kahoy at kapag bumagyo, sira agad.

"Ate nasaan po si Kuya?" Napatingin ako sa batang lalaki na maliit. Ang cute niya!

"Ahm nasa labas, sa loob ng k-kotse." Napakamot sa batok si Lalaine.

"Kotse? Wala naman po tayong kotse." Ngumuso siya kaya napangiti ako.

Lumapit ako sa kaniya kaya inosente siyang napatingin sa'kin, lumuhod ako sa harap niya at ngumiti. "Hey..." Kumaway ako.

"Ate ang ganda mo po." Nakangiting niyang sambit kaya napangiti ako.

"Ang cute mo." Sabi ko at ginulo ang buhok niya kaya napanguso siya. "Anong pangalan mo?"

"Hmm Lucas po." Ngumiti siya.

Tumango ako. "Ako naman si Ate Faye."

"Ang ganda mo talaga ate." Sabi niya pero ginulo ko lang buhok niya at bahagyang natawa.

Alam ko namang maganda ako, cute pa nga ako e.

"Ate Faye magi-impake lang po ako ng mga gamit namin." Tumango ako kay Lalaine kaya pumasok na siya sa loob.

"Ate ganda bakit po magi-impake si Ate Lalaine?" Takang tanong ni Lucas.

"Kase sa condo ko na kayo titira." Nakangiting kong aniya.

Lumaki ang mata niya. "P-Po? C-Condo po?"

Tumango ako. "Gusto mo ba do'n?"

"O-Opo, p-pangarap ko p-pong ipunta do'n sina Ate at Kuya po e." Napangiti ako dahil sa sinabi niya.

"Nag aaral ka ba?"

Umiling siya. "H-Hindi po, wala p-po k-kaming p-pera." Napayuko siya.

"Gusto mong mag aral?"

"O-Opo." Tumango siya.

Ngumiti ako at binuhat siya, ang gaan! "Pag aaralin kita, gusto mo?"

Gulat siyang tumingin sa'kin. "T-Talaga po?"

"Oo naman, basta mag aaral ka ng mabuti ha?"

"Opo! Promise po!" Nakangiting sabi niya at niyakap ako.

I chuckled.

Hala, feeling ko naging sugar mommy ako mwehehehe.


You are reading the story above: TeenFic.Net