Chapter 24

Background color
Font
Font size
Line height

FAYE

May naka-indirect kiss na ako at si Kairus pa!

Bakit kasi ginawa ni Kairus 'yon? I couldn't sleep well last night dahil sa kakaisip sa ginawa ni Kairus kahapon.

Indirect kiss lang 'yon pero feeling ko para kaming naghalikan.

"Aray!" Hinawakan ko ang noo ko ng pitikin ako ni Ethan sa noo. "Problema mo?" Tanong ko at sinamaan siya nang tingin.

"Kahapon, tulala ka tapos ngayon, tulala ka rin. Naka singhot ka ba?" Napatakip siya sa bibig niya.

"Manahimik ka. Hindi ako naka singhot." Sagot ko.

Napatingin ako sa pintuan nang may pumasok at nakita ko si Chase at si Kairus.

Our eyes met. I immediately averted my gaze from Kairus. Napayuko ako dahil feeling ko namumula ang mukha ko, nawala na sa isip ko yung sa ginawa ni Kairus kahapon pero ngayon, nakita ko lang siya, bumalik na naman sa isip ko ang bagay na iyon.

Tanginang indirect kiss 'yan, lakas ng impact sa'kin.

"Uy, bakit ka namumula?" Tanong ni Kiel habang nakayuko ang ulo, sinisilip ako.

Nakita kong gano'n din si Ethan at Ryuu. Bakit nandito sa pwesto namin si Ryuu?!

Pinili kong hindi sila pansinin.

I take a deep breath before lifting my head. Pero pagkaangat ng ulo ko, pagmumukha agad ni Kairus ang sumalubong sa akin!

Putangina naman oh.

Nasa harapan ko siya at ang mukha niya ay nakababa, at... at ang lapit sa'kin! Unti nalang maglalapat na ang labi naming dalawa!

"Luh, ano 'yan?"

"Wow, bold."

"Porn!"

"Faye, sabi mo ako lang?! Mga taksil!"

"Wala na, tapos na. May nanalo na."

"May nanalo na? Aww, look oh, I'm sad na."

Lumunok ako at inilayo ang makinis niyang mukha sa akin. Tangina, namumula ba ako?!

Relax, Faye. Relax.

Tumayo ako at agad na hinila si Trace papalabas. Hindi ko na pinansin ang mga hunghang na tumatawag sa amin.

Alam kong nagulat si Trace dahil bigla ko nalang siyang hinila, hindi ko nga rin alam kung bakit ko siya hinila.

Dinala ako ng mga paa ko sa garden ng CHU. Binitawan ko ang kamay ni Trace at umupo sa bench.

Naramdaman ko namang sumunod siya sa'kin at umupo sa tabi ko.

"Trace, anong mararamdaman mo kapag may naka indirect kiss ka?" Bigla kong tanong sa kaniya.

Indirect Kiss lang 'yon pero ang lakas na ng impact sa akin.

"Honestly, I don't know. I don't know the answer of your question. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, hmm maybe, dumbfounded?" Natawa siya. "Baka kung maranasan ko iyang indirect kiss na 'yan sa taong mahal ko baka magpa-party pa ako sa sobrang saya. Indirect Kiss palang iyon pero malakas na ang impact sa akin, paano pa kaya kapag totoong kiss na? Edi baka humimlay na ako non."

Napakurap ako at ilang minuto lang ay humalakhak ako dahil sa sinabi niya.

Hindi ko alam na may ganito pala siyang side. Medyo tahimik kasi siya e.

"Wait, why are you asking me that question? May naka indirect kiss kana ba?" Tanong niya.

Napatigil ako sa pag halakhak at napatingin sa kaniya, at napalunok.

"Huh? Wala!" Mabilis na sagot ko.

Napakurap siya. "Defensive mo naman."

Napanguso ako. "Wala naman talaga e. Nagtatanong lang naman ako."

Sasabihin ko ba? Tangina, bakit gano'n epekto sakin ng indirect kiss na 'yan?

"Si Kairus ba?" Biglang tanong niya.

"Huh? Anong si Kairus?" Napalunok ako.

"Yung naka indirect kiss mo?"

Nanlaki ang mata ko. "O-Hindi!"

"So, may naka indirect kiss ka nga?" Tinitigan niya ako na para bang sinusuri ako kung nagsisinungaling ba ako o nag sasabi ng totoo.

Hindi ako nakasagot. Para kong nalunok ang dila ko dahil hindi ako makasagot sa tanong niya.

Bakit ang lakas ng pakiramdam niya?

Tumango siya at natawa nang mahina. "You don't have to answer my question at hindi mo kailangan itanggi dahil nakita ko."

"Nakita mo? Ang a-alin?"

"I saw what Kairus did yesterday when you two were in the kitchen," Natawa siya. "Indirect Kiss lang naman iyon at hindi ka naman niya hinalikan pero bakit ang lakas ng impact nang ginawa niya sayo?"

Napayuko ako. "Hindi ko alam. Hindi ko rin alam." Umiling ako.

First time kong may maka-indirect kiss kaya siguro gano'n ang reaksyon ko, wala, wala nang ibang dahilan.

"Nahulog kana ba?"

"Ano?" Gulat na ani ko.

Napabuntong hininga siya. "Nahulog kana b-" Pinutol ko ang sasabihin niya.

"Hindi. Ayoko."

Wala naman sigurong dahilan para mahulog ako sa kaniya.

"Huwag na natin pag usapan iyan," Wika niya. "Bakit mo ako hinila?" Nagtatakang tanong niya.

Ngumiti ako sa kaniya. "Hindi ko alam, basta nahila nalang kita e. Tangina kasi nung amo niyo."

"Bakit?" Natatawa tanong niya.

Sumimangot ako. "Nakita mo ba kung gaano kalapit yung pangit niyang muka sa'kin kanina?! Gulat ako do'n!"

Hindi ko man lang naramdaman na nasa harapan ko na siya kanina, para siyang kabute, sumusulpot nalang kung saan-saan.

"Lahat naman tayo nagulat."

"Ha?"

"We were also surprised at what he did. Akala namin mahahalikan niyo na ang isa't isa." He answered.

Napangiwi ako.

Hindi ko ma-imagine na mahahalikan naming dalawa ni Kairus ang isa't isa.

"Bumalik na tayo, baka hinahanap na nila tayo." Tumayo siya at inilahad ang kamay niya sa'kin.

Ngumiti ako sa kaniya bago abutin ang kamay niyang nakalahad sa harapan ko.

Habang pabalik kami sa classroom, nag-k-kwentuhan at nagtatawanan kaming dalawa.

Kung ano-anong kalokohan ang pinagsasasabi naming dalawa tapos para kaming mga baliw na bigla nalang tatawa.

Ang sarap niyang kasama, promise! Hindi ko alam na may ganito pala siyang side dahil palagi lang naman siyang tahimik e.

Natigil lang ang tawanan naming dalawa nang tuluyan na kami marating sa ikatlong palapag at sa harapan ng classroom namin.

Pagpasok namin sa loob lahat sila ay napatingin sa amin ni Trace.

"Nag date kayo?"

"Tagal niyo ah. May ginawa kayo ano?!"

"Yung barko ko, lumalayag oh!"

Sinamaan ko sila nang tingin kaya natahimik sila. Mga gago.

"Hindi kana namumula?" Inosenteng tanong ni Ethan.

Putangina.

Inirapan ko siya at hindi sinagot. Pumunta na ako sa upuan ko at hindi nilingon si Kairus kahit na ramdam ko ang tingin niya sa akin.

Napatingin kaming lahat sa may pinto nang may kumatok.

Isang lalaki na taga Section A.

"Anong kailangan mo?" Maangas na tanong nina Jacob at James.

Siraulo talaga ang kambal na 'to. Akala mo inaano e, mukha namang mabait si boy.

Nakita ko kung paano lumunok yung lalaki bago mag salita. "P-Pinapatawag ni Sir Logan si Miss Faye, doon sa classroom namin, sa Section A."

Agad akong nagtaka. Bakit ako? At saka bakit nandoon si Sir Logan?

Napatingin naman sakin ang mga hunghang.

"Ay, Faye, h'wag kang aalis!"

"Hayaan mong mag hintay si Logan doon HAHAHAHAH!"

"Dude, sabihin mo, wala rito si Faye, hindi kamo pumasok!"

"Pakitanong nga kay Logan kung desisyon siya." Rinig kong sabi ni Sebastian.

Palihim akong napairap. Tumayo na ako at hindi sila pinansin.

Kailan kaya sila titino? Ayaw nila akong gayahin, behave lang.

Naglakad ako papuntang pintuan at ngumiti sa lalaki.

"Tara na." Saad ko. "Pagpasensyahan mo na ang mga aso ko, mga nakawala kasi pero hayaan mo, hihigpitan ko nalang mamaya ang pagkakatali." Agad kong siyang hinila at hindi pinansin ang mga pagrereklamo ng mga hunghang dahil sa sinabi ko.

***

Pagkarating namin sa classroom nila, agad akong sinalubong nang masamang tingin ni Chloe at ng mga alipores niya pero ngumiti lang ako sa kaniya.

Bakit ba siya galit na galit sa'kin?

Agad akong pumunta sa pwesto ni Sir Logan na nasa harapan at nakaupo sa teacher desk.

"Sir? Bakit po?"

"Oh, you're here," Tumingin siya sa'kin at ngumiti bago ibalik ang tingin sa harapan at tawagin si Klein?

Okay? Anong meron?

"You're the CHU representative. Gusto ko lang sabihin na ang singing contest laban sa ibang university ay magaganap sa unang araw ng august. Sa Riverdale University, doon ang main place."

Riverdale University? Omg, sa R.U nag aaral si Eris! Ibig sabihin makikita ko na ulit ang kaibigan ko.

I miss her so much.

Tumango ako. "Sir, ilang university ang kakalabanin? Saka, ano ang mga pangalan?"

Sandaling nag isip si Sir Logan. "Twenty."

"Twenty?!" Gulat na ani ko. "Kasya ba ang 20 university sa Riverdale?"

Narinig ko rin ang mga bulungan ng mga Section A tungkol sa sinabi ni Sir.

"Kasya tayo doon, hindi naman buong paaralan, dadalhin natin. Malaki ang R.U kaya sigurado akong magkakasya tayo doon. Moreover, Riverdale University is one of the prestigious and private schools." Sambit ni Sir at ngumiti sa amin.

Nagulat ako nang binigyan ako ni Klein ng upuan. Tangina, kanina pa pala ako nakatayo.

Kinuha ko ang upuan at tinabi kay Sir, ngumiti ako kay Klein at nagpasalamat.

Nagulat pa nga ako dahil tumabi siya sa akin. Okay lang naman na tumabi siya sa akin, I don't mind.

Ang masama nga lang, baka ma-issue kaming dalawa. Mga ma-i-issue pa naman ang mga estudyante ng CHU.

May mga issue disease e.

Pero buti pa si Klein, binigyan ako ng upuan, yung iba hindi. Nakakatampo naman.

"And five university names I remember dahil hindi ko na natatandaan ang iba," Bahagyang napakamot si Sir Logan sa kaniyang kilay. "Equinox Dawn University, Walkerville Hills University, Western University, Phaxton University, and Xavier Lair University. At kung isasama ko pa ang Riverdale University, edi anim na ang alam ko."

Pangalan pa lang, halatang puro mamayaman lang ang nag aaral.

Amoy expensive.

Pero teka, Walkerville Hills University?! WHU? Ay, may kaibigan ako doon, isa.

Si Luna! Sa WHU siya nag aaral. Si Eris at Luna, matagal ko ng kilala. Those two have been my friends since childhood.

Of course, they know my whole being, especially my secrets.

Galing din Sapphire ang dalawang iyon pero lumipat din sila ng school, hindi ko nga alam kung bakit.

The three of us still have communication, hindi naman nawala ang communication namin kahit nung nagkahiwa-hiwalay kami.

Stacey, Amelia, and Ellaine, those two are also friends of theirs. Honestly, magkakaibigan na kami, matagal na.

May GC nga kami e.

Ang limang iyon nalang ang meron ako ngayon at... at ang mga hunghang.

Ang pamilya ko at mga kaibigan ko...

They are my treasure.

"Sir, Can I ask?"

Napatingin ako sa lalaking nag salita. Namumukaan ko siya, isa siya sa mga kaibigan ni Klein.

Gwapo siya, mukha nga lang babaero. Ay, hindi lang pala mukha lang, babaero na talaga.

Tumango naman si Sir Logan.

"Whu didn't you mention the name Sapphire University? Hindi ba sila kasali o nakalimutan mo lang banggitin?" Astonishment appeared on his face.

Pero teka, oo nga 'no? Bakit hindi nabanggit ni Sir Logan ang S.U?

Pero mabuti na rin iyon para hindi nila ako makita. Baka mamukaan pa ako ng iba lalong lalo na sila.

Napabuntong hininga si Sir. "They did not join. Hindi nila tinanggap ang imbitasyon."

"Sir, bakit daw?" Tanong ng hindi ko kilalang babae.

"Hindi ko alam. Maybe they are busy." Sir Logan simply said.

Tiningnan ko ang kabuuan ang classroom ng Section A. Mas maganda ang room nila kung ikukumpara sa room namin.

Wala naman akong pakialam kung maganda ang classroom nila, maganda rin naman room namin.

I looked for Stacey and Amelia. Ngumiti ako sa kanila nang makita ko sila sa dulo at nakatingin din sa direksyon ko.

They also smiled back and waved.

Nahagip pa ng mga mata ko si Chloe na masama ang timpla ng mukha habang nakatingin sa'kin. Matalim ang tingin niya sa akin, feeling ko pinapatay na niya ako sa isip niya.

Muli akong tumingin kay Sir Logan. "Sir, pinapunta mo lang ba ako rito para sabihin ang announcement mo? Bakit hindi mo nalang sabihin 'yan kapag nandoon kana sa room namin?"

"Tinatamad pa akong tumayo kaya inutusan ko si Vergara na papuntahin ka rito." Ngumiti siya sa'kin.

Ay.

"Sir Logan, kung wala ka nang sasabihin, aalis na ako." Tumayo na ako.

I can't afford to stay here anymore.

Hindi ako pwedeng magtagal dito dahil baka magkagulo at magkaro'n ng away, mahirap na.

Kung mananatili ako pa ako rito, baka tuluyan na akong hindi makahinga. Mabigat ang hangin dito sa loob.

I could feel the sharp looks they were throwing at me.

"That's right. Umalis kana. You may even infect us with your bacteria." Rinig kong sabi ni Chloe.

I heard them laugh.

Ito na. Ito na ang sinasabi ko. Magkakagulo na nga.

Lumingon ako sa kaniya. "Bacteria? Hindi ba sa ating dalawa, ikaw ang may bacteria at hindi ako?"

Nagsimulang magsalubong ang kilay niya.

Tumayo siya at lumapit sa akin pero umatras ako na lalong kinasalubong ng kilay niya.

"I don't want to offend you but can you stay away from me? Don't approach me. I don't want to be infected by your bacteria," Ani ko. "I hope you will understand."

Pagkatapos kong sabihin iyon ay tuluyan ko siyang nilagpasan pero agad niya akong hinawakan sa braso, agad ko namang tinampal ang kamay niya at muling humarap sa kaniya.

"Don't touch me either. Moreover, don't test my patience if you don't want your snout to bleed." Ngumiti ako sa kaniya.

Nagpatuloy akong dumiretso sa pintuan ng biglang tawagin ulit ako ni Sir.

Humarap ako sa kaniya at tamad siyang tiningnan.

"Before you leave, there was a change in the decision about the singing contest. You need a partner and..." Tumingin siya kay Klein na alam kong nakatingin sa akin.

"And?" Hinintay ko ang sunod na sasabihin ni Sir Logan.

Pero teka, kailangan na ng partner?

Huwag niyang sabihin na...

"Klein will be your partner."


You are reading the story above: TeenFic.Net