Chapter 20

Background color
Font
Font size
Line height

FAYE

Maaga akong pumasok ngayon para tingnan ang lagay ni Kaulev dahil sa nangyari kahapon. Dahil pagkatapos mang yari 'yon, agad na nila akong hinatid. Ni hindi na nga kami nakakain.

Hindi naman malala ang lagay niya e, pero nag aalala pa rin ako dahil may sugat siya at baka hindi pa nagagamot. Hindi lang naman si Kaulev ang inaalala ko, syempre pati sa ibang hunghang.

I don't know but I feel guilty because I didn't help them yesterday especially Kaulev.

I let him protect me.

At tinotoo niya nga ang sinabi niya. Hindi man lang ako nawakan o nasaktan ng mga aso na 'yon.

He kept what he said to me. He protected me.

I was just at the gate of CHU, nang makita kong mga nagtatakbuhan ang mga estudyante papunta sa oval.

Nagtaka naman ako. Anong meron?

Dahil medyo may pagka-chismosa ako, tumakbo rin ako papuntang oval kung nasaan sila.

Napatigil ako nang makitang nagkukumpulan sila sa gitna ng oval. Madaming estudyante doon kaya hindi ko makita kung anong nangyayari.

I ran there again and came even closer. Nasa malapit na ako but I couldn't see because of the number of students in front of me! Hindi naman ako pandak kaya bakit hindi ko makita? Tumingkayad na ako pero hindi ko pa rin makita punyeta.

Matangkad naman ako.

Narinig ko pa ang mga bulungan ng mga nasa malapit sakin.

"Hindi ba naaawa si Chloe?"

"Uy gagi, kawawa oh."

"Bitch talaga 'yang punyeta na 'yan."

"Nambu-bully nanaman si tanga."

"Ayan. Basura kasi."

"Manahimik ka Lily. Isa ka rin na kaugali ni Chloe."

"Tawagin niyo yung wonder pets!"

Kumunot ang noo ko sa mga bulungan nila. May binubully nanaman si Chloe? Gaga talaga 'yon e. Sama ng ugali.

Sino naman kaya yung binubully niya? Kawawa naman.

Mas tumingkayad ako para makita ko kung anong nangyayari sa gitna at nagtagumpay ako dahil nakita ko na kung ano ang nangyayari.

Nagsalubong ang kilay ko sa nakita ko. I don't like what I see now.

Nakipagsiksikan ako sa mga estudyante na mga nasa harapan ko.

"Excuse me! Excuse me!" Sigaw ko para makadaan at makapunta sa harapan.

Nagulat sila nang makita ako at agad na nahawi ang mga estudyante ng makita ako.

Nang makarating ako sa harap I could almost gasp. I saw how they tortured Lenard and Lalaine.

Tumingin ako kay Lalaine na umiiyak at nakita kong wala na siyang suot na pang itaas na damit kundi bra nalang.

Sunod kong tiningnan si Lenard na patuloy pa rin na binubugbog ng mga hindi ko kilalang lalaki. At unti nalang ay mawawalan na siya nang malay.

May narinig ako umiiyak na bata? Lalong nagsalubong ang kilay ko nang makita ko si Lucas na hawak ni Katrina.

Anong ginagawa ni Lucas dito?

Naka uniform pa siya at may gasgas sa mukha. Huwag niyang sabihin na pati bata ay nagawa na rin niyang patulan?

"Chloe, stop what you're doing! Don't you feel sorry?!" Sigaw sa kaniya ni Katrina. Nagulat siya nang kunin sa kaniya sa kaniya si Lucas na patuloy pa rin na umiiyak. "Putangina. Bata 'yan!"

Ngumisi lang sa kaniya si Chloe.

I saw how the twins begged not to hurt Lucas.

My fist clenched in anger.

Hinubad ko ang bag ko at binigay sa babaeng nerd na may kalapitan sa akin.

Nakita ko ang gulat sa mata niya. Pilit akong ngumiti sa kaniya.

"Sayo muna ang bag ko ha? Kunin ko na lang mamaya at kapag hindi ko nabalikan, punta ka sa building namin at ibigay mo sakin." Sabi ko sa kaniya na kinatango niya.

Muli akong ngumiti sa kaniya bago siya talikuran.

Akmang sisipain ni Chloe si Lucas nang magsalita ako kaya napalingon silang lahat sa pwesto ko.

Wala talagang awa ang gaga na 'to.

"Hindi ko alam na pati pala ang bata ay papatulan mo na," Natatawang usal ko sa kaniya pero mababakas sa tono ko ang galit. "Kaya pala ganiyan ang mga itsura nila pag umuuwi dahil ikaw naman pala ay may kagagawan." I said sarcastically.

I've known for a long time that Chloe treats them like this. I waited for them to tell me about what Chloe was doing to them but from what I could see, it looked like they had no intention of telling me about this.

And I don't think it's going to be this far what Chloe is doing to them.

Yes. I was silent but I knew a lot.

I approached Chloe and looked at her sharply before looking at Lucas who was still crying.

Tinayo ko siya at pinahiran ang mga luha niya. Ngumiti ako sa kaniya bago tingnan ang kabuuan niya lalong lalo na ang mga gasgas niya.

Inilayo ko siya kay Chloe.

"Listen to me, pumunta ka kay Katrina ha? Doon ka muna. Ako na bahala rito. Wawalisin ko lang mga kalat dito." Nakangiting sabi ko kay Lucas na agad na tumango kahit humihikbi pa rin.

Namumula ang ilong niya kapag umiiyak. Ang cute!

Tumakbo siya papunta kay Katrina. I saw how Kat would lift him up and calm him down.

Pwede na siyang magka-anak, silang dalawa ni Ethan.

Inalis ko ang tingin sa kanila at binalik ang tingin kay Chloe na mapang-asar na nakatingin sa'kin ngayon.

"Wala kana bang mahanap na ka-level mo kaya sila ang pinatulan mo? O baka naman, ayaw mong patulan ang mga ka-level mo dahil alam mong talo ka?" Tanong ko, natatawa.

I looked at her from head to toe and saw how offended she was at what I did.

"You! Don't look at me like that!" Inis na sigaw niya sa'kin. Iyon lang naman ang ginawa ko, nagka-ganiyan na siya? "If you want me to stop what I'm doing to them, beg."

Maraming napasinghap sa sinabi niya.

Ako? Magmamakaawa? Nagpapatawa ba siya? Dahil kung oo, natawa ako dahil sa sinabi niya.

"Anong sabi mo?" Tanong ko.

Irita siyang tumingin sa'kin. "Get on your knees! Magmakaawa ka."

Napatingin ako sa mga kasamahan niya na nakangising nakatingin sakin. Para silang mga asong ulol.

Pangit.

Tiningnan ko ang mga estudyante at nakita ko rin ang mga hunghang. Mukhang lahat sila hinihintay akong lumuhod at magmakaawa, lahat sila hinihintay ang gagawin ko.

Pero sorry sila, hindi ako luluhod at magmamakaawa. Asa.

"Inuutusan mo ba ako?" Tinagilid ko ang ulo ko at tiningnan siya.

"Hindi ako nagbibiro! Lumuhod ka at magmakaawa."

"Inuutusan mo ba ako?" Ulit ko sa tanong ko sa kaniya pero hindi siya sumagot. "Tinatanong kita. Inuutusan mo ba ako?"

"Oo! Inuutusan kita!"

Bakit lagi siyang nakasigaw? Hindi ba siya naiirita? Dahil ako, iritang irita na.

"Okay." Tanging sagot ko.

Napasinghap ang mata nanonood sa'min. At nakita ko kung paano ulit siya ngumisi.

"Huwag kang magpakasaya dahil hindi ko naman gagawin ang gusto mo. I just asked you pero wala akong sinabi na gagawin at susundin ko na ang gusto mo." Dugtong ko.

Ako na isang Allister? Luluhod at magmamakaawa lang sa isang bully? Hala never. Baka sugurin ako ng buong angkan ko kapag nalaman nila, mahirap na.

Nawala ang ngisi niya. "W-What did you say?" Nanggigigil na tanong niya.

Ay nanggigigil siya? Hindi bagay sa kaniya. Pangit rin siya katulad ng mga asong ulol na kasama niya.

I smiled at her. "Wala ang salitang 'lumunod' at 'magmakaawa' sakin. Dahil sila mismo ang ang lumuluhod at nagmamakaawa sa'kin." Sabi ko sa kaniya. "Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko? Syempre hindi, bobo ka e."

Joke Only.

Mukhang hindi niya yata alam ang salitang 'Joke Only' dahil pinasugod niya sakin yung mga asong ulol.

Uy gago, baka makagat ako putangina.

Iniwasan ko ang suntok nang unang sumugod sakin. Hinawakan ko ang braso niya at umikot patalikod, at pinilipit ang braso niya na kinahiyaw niya sa sakit.

May naramdaman akong tao sa likod ko at mukhang may ihahampas siya sakin kaya bago pa niya maihampas sakin ang bagay na 'yon ay nahawakan ko na.

Binitawan ko ang braso nung isa at siniko ko sa mukha ang nasa likod ko bago ako lumingon sa kaniya.

Elbow Strike ba ang tawag sa ginawa ko? Ay basta ewan.

Ang pangatlong sumugod naman sakin ay binigyan ko nang groin kick. Alam niyo 'yon? Yung sinipa ko siya sa ano niya basta sinipa ko siya sa gitna niya.

Sunod sunod silang sumugod sakin at agad ko rin naman silang napatumba. Suntok dito, suntok doon, sipa dito at sipa doon, at marami pa.

Okay, isa nalang. Yung leader nalang ng mga asong ulol.

Tumingin ako sa leader nila at nakita ko kung paano siya umatras.

Luh, wala pa nga akong ginagawa.

"Uy beh, wala pa nga akong ginagawa, umaatras kana." Sabi ko at umiling.

"Sugurin mo! Bobo ka ba?!" Galit na singhal sa kaniya ni Chloe.

Grabe kung makapag-sabi nang bobo, parang siya... omg nevermind.

Inaantok ako, putangina. Kulang yata ako sa tulog. Ay kulang pala talaga ako sa tulog kagabi dahil iniisip ko kung kamusta na yung mga hunghang dahil sa mga nangyari kahapon.

Sumugod nga sakin yung pang huling aso kaya bago pa niya masuntok, hinawakan ko ang braso niya at umikot patalikot, at pinilipit katulad lang nang ginawa ko sa unang sumugod sakin kanina.

Wala na. Wala na ako sa mood dahil inaantok ako.

Pagkatapos nang ginawa ko ay tumingin ako kay Chloe. Inilingan ko siya bago lumapit kay Lalaine, bra lang suot niya at ang pang itaas na damit niya ay sira sira.

Nasaan nga ulit yung bag ko? Ah! Pinahawak ko nga pala sa babaeng nerd.

May nagbigay sakin ng jacket at nakita kong si Katrina 'yon. Ngumiti ako sa kaniya bago kunin 'yon.

Lumuhod ako sa harapan ni Lalaine at inalalayan siyang magsuot ng jacket. Pagkatapos ay inaalalayan namin siyang tumayo ni Katrina.

"Okay kana?" Nag aalalang tanong ko.

Pilit naman siyang ngumiti at tumango sakin. Tinitigan ko ang kabuuan niya at napailing dahil ang dami niyang sugat.

Sunod akong lumapit kay Lenard at nakita kong katabi niya doon si Lucas na inaalalayan siya kahit hindi niya kaya dahil maliit siya.

Kinuha ko ang panyo ko at binigay kay Lenard pagkalapit ko sa kaniya. Napangiwi ako sa itsura niya, may dugo ang mukha at gusot ang damit.

Bakit gano'n? Gwapo pa rin.

"Kaya mo bang tumayo?" Tanong ko.

Tumango siya at tumayo pero paika-ika kaya inalalayan ko siya. Nilagay ko ang kaliwang braso niya sa balikat ko.

Muli kong tiningnan si Chloe na nakatingin sa amin ngayon.

"Clowie Jean," Tawag ko sa kaniya kaya galit siyang tumingin sakin pero hindi nag salita. "Ano nanaman ba ang ginawa sayo ng kambal na 'to?"

"Ninakawan nila ako! Nawawala ang wallet ko! At saka sila lang naman ang magnanakaw rito." Saad niya at inirapan ako.

"So, porket nawala 'yang pera mo, sila na agad? Dahil ang alam mo, sila ang magnanakaw. Gano'n ba?"

"Oo." Sagot niya sakin.

"Baka naiwala o naiwan mo naman tapos sinisi mo pa yung kambal." Tugon ko.

She laughed sarcastically. "Nawawala nga! Sila lang ang alam kong kukuh-"

Pinutol ko ang sasabihin niya dahil nagsisimula na akong mairita.

"Ang sabihin mo, burara ka kaya nawala."

***

"Hala, naglalaro ka ng angry bird?" Gulat na tanong ko kay Kairus na nasa sulok at may kinakalikot sa cellphone niya.

Tapos yun pala, naglalaro lang sa sulok ng angry bird.

Wait... si Kairus? Naglalaro ng angry bird? Gago!

Agad niya akong sinamaan nang tingin. "Shut up and leave."

"Ayoko." Umiling ako at umupo sa bakanteng upuan na nasa tabi niya. "Uy, laro kana ulit. Manonood ako. Naglalaro rin ako niyan e, kasi may laro si Lucas niyan. Share ko lang."

Totoo naman, naglalaro ako niyan minsan dahil inaaya ako ni Lucas.

Nandito kami sa room at pagkatapos ng nangyari kanina dinala ko yung kambal sa hospital para magamot tapos bumalik na ako dito dahil may pasok pa ako. Mamaya ko nalang sila pupuntahan doon pagkatapos ng klase.

Si Lucas naman kasama si Rina dahil sinasabi sakin ni Rina, siya raw muna ang bahala sa bata habang may klase ako at saka vacant naman niya.

Si Rina ay si Katrina dahil ang sabi niya sakin, huwag ko na raw siyang tawagin na Katrina dahil masyado raw kasing mahaba at Rina nalang ang itawag ko sa kaniya.

I looked at Kairus when I saw he hid his phone.

Ay, ayaw niyang makipaglaro sakin ng angry bird? Arte naman nito.

Sinundan ko si Kairus nang tingin dahil bigla siyang tumayo at mukhang babalik na sa upuan niya.

Napasimangot ako.

"Hoy angry bird!" Tawag ko sa kaniya.

Napatigil ang mga hunghang sa mga ginagawa nila at lumingon sakin.

When I look at Kairus, he looks at me sharply.

Mamaya maya ay narinig kong tumawa ang mga hunghang.

"Uy, angry bird daw!"

"Ay Kairus, kamukha mo yung red na angry bird!"

"Hala Kairus, naglalaro ka ba ng angry bird?"

"Sinetch itey, naglalaro 'kuno' ng angry bird?"

Muntik na akong matawa dahil sa mga pinagsasabi nila. Ampucha.

"Magtatanong lang ako, uy. Sino favorite mo sa angry bird?" Tanong ko kahit nakamamatay na ang tingin niya sakin. "Yung red ba? Sure ako, yung red. Kamukha mo e."

"What fucking did you say, woman?" Tanong niya at unti-unting lumapit sakin kaya agad akong napatayo.

Hindi ko siya pinansin at tumingin sa pintuan. Iniisip ko kung paano ako tatakas.

"Faye Katherine." Mariin na tawag niya sa pangalan ko.

Hala! Hala! Putangina.

I looked again at Kairus who until now had a sharp look at me.

"Uy gago! Nagbibiro lang naman ako. Hindi ko naman sasabihin sa kanila na naglakaro ka ng angry bir-" Agad akong napahinto sa pagsasalit ng ma-realize ko kung ano ang sinabi ko.

Napalunok ako.

"Hala gago, lagot ka."

"Angry bird pala ha!"

"Isang Ferrer nabalitan na naglalaro ng angry bird!"

I don't know but I just saw myself running out and carrying my bag that I just grabbed from Ethan.

Tumingin ako sa likod at nanlaki ang mata ko sa nakita ko.

He's chasing me!

Omg Mommy! Hinahabol ako ng angry bird!

Ano nanaman ba kasi ang kagaguhan ang pumasok sa isip ko? Goodness.


You are reading the story above: TeenFic.Net