CHAPTER 29

Background color
Font
Font size
Line height

~ ENJOY READING! (•‿•)

*****

Chapter 29

Magkaharap si Maria at ang lalaking nagngangalang Blake. Ang bata ay nasa mini sala ni Shane. Ang office kasi ni Shane ay parang isang mini house, isang kuwarto lang siya pero kompleto na lahat ang naririto they didn't invade so many space. And this is what I loved.

Nagpresinta si Nicholas na siya muna ang mag-aalaga sa dalawa para daw makapag-usap sila ng Daddy niya. At ngayon ang lakas nang tibok ng puso niya. Kanina pa nakatingin sa kanya ang lalaki wala kasi sa amin ang nagsalita. Ayaw naman ni Maria na unahan ang pagu-usap nila dahil kahit si Maria ay hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya.

“Hi!” saad niya. Siya na lang unang nagsalita para matapos kaagad ito, “Anong pagu-usapan natin?”
“Be my son's babysitter.” sabi nito na nakatingin pa rin sa kanya.
“Ahm...”
“60 million! Be my son's babysitter.” muling saad nito na kamuntikan niya nang ikalaglag sa upuan. Natulala saglit si Maria sa sinabi ni Blake.

60 Million? Babysitter lang ng anak nito, “Hindi ko iyan tatanggapin.” saad niya.

“What?” mahinang sigaw nito.
“Maayos na ang trabaho ko rito. Sapat na iyon para sa akin at sa mga anak ko.” ani niya.
“Ano? Either you like it or not you're going to be my son's babysitter!” galit na saad nito.
“Teka nga! Ba't ka nagagalit? At isa pa malaki na ang anak mo,” Tinuro niya si Nicholas, “Kailangan pa rin ng babysitter?”
“Yes!” saad nito.
“Pero hindi ko pa rin ta-tanggapin!”
“What if... I'm the one who can help you?” Tanong nito.
“Ha?”
“Paano kung kami ang makakatulong sa 'yo para bumalik ang alaala mo?!”

Nanlaki ang mga ni Maria sa narinig, “Paano mo na laman na wala akong na-aalala?”

“I have my own way. So?...” Tanong nito.

He's request is tempting. She wants to remember. Maria want her memories back. But is this guy mapagkakatiwalaan? I hope so.

“Oh! Gosh, Dad.” ani ni Nicholas. Lumapit ito sa ama, “Hi, Mom! I miss you. I'm your son way back five years ago not biologically. You started as my babysitter but things happened and BOOM! Your my Mom already. Actually, I wanted you to be my Mom because of your kindness.” mahabang litanya nito.

Maria is shocked to know about this. Hindi siya nakasagot kaagad.

“Dahil nga sa hunger ako sa pagmamahal at pag-aaruga ng isang Ina, I easily fall for you and want you to be my Mom. So is Dad.” dagdag pa nito.
“I don't know what to say?!” Nakayuko niyang saad.
“It's okay, Mom,” lumapit ito at hinawakan ang kamay niya, “Me and Dad will help you to bring your memories back.”

Nakatingin lang si Maria kay Nicholas.

“And oh! by the way, Dad is the father of your twins, Mom.” Nalaglag ang panga ni Maria sa sinabi ni Nicholas.

Nicholas just dropped a bomb. Hindi man lang marunong mag dahan-dahan.

“Son!” mahinang sigaw ni Blake.
“Oh! Come on, Dad 'wag na tayong magpaligoy-ligoy pa. I miss, Mom! And I want my little brother and little sister to know me and you.” Tinuro nito ang ama.

Napahilot si Maria sa sentido niya ng bigla itong sumakit. Grabe! naman ang batang 'to hindi marunong mag dahan-dahan.

“Are you okay, Mom?”
“I'm okay.” saad niya.

Napaangat siya nang tingin nang lumapit ang mga anak niya kay Blake.

“Ikaw po ba talaga ang Tatay namin?” Tanong ni Xandra. Bigla na lamang kinabig ni Blake ang dalawa upang yakapin.
“Oh! My Babies!”

Pinugpog nito nang halik ang buong mukha ng dalawa. Umiyak na rin si Xandra pero si Xander ay walang imik.

“Na miss po kita, Tatay.” mahinang saad ni Xandra.
“I miss you too, baby!” Blake said while kissing Xandra's hair.
“Hindi ka na po ba magta-trabaho nang malayo?” Tanong ulit ng bata.

Maria look away when Blake looked at her. Kapag nagtatanong ang mga bata about sa tatay nila ang sinasagot niya nagtrabaho ito sa malayo minsan naman sinasabi niyang hindi niya alam kaya naguguluhan ang mga anak niya. Pero kahit na gano'n ang mga sagot niya hindi na muli nagtatanong ang mga 'to.

Para bang alam nila na ayaw niyang pag-usapan ang gano'ng bagay.

“Promise! Hindi na magta-trabaho si Tatay sa malayo. Gusto ba ni baby Xandra na malapit lang ako sa kanya?” rinig niyang tanong ni Blake. Tumango lang si Xandra at mas lalong hinihigpitan ang pagka-kayap sa ama.

“What about my baby Xander?”
“Same with Xandra, Tatay!” mahinang saad nito na nakayuko.

Nahihiya itong anak niyang lalaki. Hinayaan niya ang tatlong mag-usap. Nilapitan siya ni Nicholas at niyakap ng mahigpit. Nagpa-kandong pa talaga. Ang tanda na eh.

“I miss you, Mom!”
“I know. Pang-ilang ulit no nang na sabi 'yan.” natatawang saad niya.
“Tsk! I want you to go home with us, Mom!”
“Hindi naman gano'n kadali iyon Nicholas.” saad niya habang hinaplos-haplos ang buhok nito.
“No, Mom! Your coming with us.”
“Your being disrespectful, Nicholas.” saway niya rito.
“I'm sorry! I just missed you that I don't want to stay out of my sight, Mom.”
“Kung 'yan ang gusto mo kakausapin ko muna ang mga nag-alaga sa akin.” 

Tumango lang ito at sinubsob ang mukha sa leeg ko. Hindi niya alam kung paanong natangaggap nito na hindi siya ang tunay na ina nito. Kaya kung kinakailangan na madaliin ang lahat para lang maka-alala siya gagawain niya ang lahat.

ANDITO sila sa bahay ni Lolo Jose at Lola Juanita. Kinakausap pa ni Lolo si Blake para talaga makompirma na totoo ang sinasabi nito. Habang si Lola naman busy sa pag-asikaso kay Nicholas.

Nasabi niya na rin ang plano niyang lumipat nang bahay. No'ng una tutol ang mga 'to pero kalaunan pumayag rin naman. Dahil sinabi niya sa kanila na bibisitahin niya ang mga 'to. Sila ang tumulong sa kanya tapos tatalikuran niya lang ang mga 'to hindi 'yon kakayanin ng konsensiya niya. 

Habang siya naman ay nasa kuwarto nagi-impake ng mga damit nila. Wala sa plano niya ang magdala ng maraming damit dahil para 'pag bumisita sila rito hindi niya na kailangan pang magdala ng damit dahil may damit naman siya rito.

Nang tapos na siya lumabas si Maria sa kuwarto at dumiritso sa kusina para maghain. Dito na lang sila maghapunan dahil malayo pa ata ang bahay ni Blake mula rito baka gabihin sila at matulog na ang mga batang hindi pa naka-kain kaya naninigurado lang.

“La! Halina po kayo at kakain na.” Tawag niya pa.

Naririnig niya ang yapak ng kambal niya. Naglagay siya ng pinggan kada upuan. Naunang dumating ang kambal kaya inasikaso niya kaagad ito. Sumunod si Nicholas, inasikaso niya rin ito.

"Thank you, Mom!” saad ni Nicholas. Nginitian niya lang ito at ginulo ang buhok.

Nang dumating na sila Lola, Lolo at Blake umupo na rin siya. Umupo si Blake sa tabi niya bali magkatabi sila at nasa harapan nila ang kambal at si Nicholas while Lolo and Lola ay nasa magka-bilang dulo ng mesa. Aabotin niya na sana ang kanin ng maunahan siya ni Blake at ito ang naglagay ng kanin sa pinggan niya at sinunod ang sa sarili nito at ulam naman ang nilagay nito.

“Salamat!” mahinang saad niya.
“I miss doing this to you.” saad nito at hinalikan ang tuktok ng ulo niya. Napapikit siya saglit sa hiya dahil sa Lola niya na may panunuksong tingin.

Pinabayaan niya na lang na asikasohin siya ni Blake habang siya naman ay inaasikaso niya ang mga bata.

________

Please don't forget to votes, comments and share. Don't forget also to follow me 🙂😉

jam_shookt<3

A/N: One chapter to go and then Epilogue na! Stay tuned tayo jammies✨❤️

You are reading the story above: TeenFic.Net