CHAPTER 28

Background color
Font
Font size
Line height

~ Enjoy Reading! (✿ ♡‿♡)

*****

Chapter 28

Maaga siyang nagising dahil may pasok siya ngayon. Dadalhin niya ang mga bata sa cafe dahil walang pasok ang mga 'to. May conference daw ang mga teachers.

Pagkatapos niyang maligo kanina ay nagluto agad siya at inayos ang dadalhin ng mga bata. Nang magising na ang mga anak niya, pinaligo niya kaagad ang mga 'to. Hindi niya na kailangan paliguan ang mga 'to dahil marunong na sila. Nag-prepare na lang siya ng damit na susuotin ng kambal.

Nang matapos na ang mga 'to pinunasan niya muna bago binihisan. Nagmamadali siya dahil late na siya. Na late siya ng gising dahil sa panaginip niya.

She knows that it was part of her memories. Her dreamed about a man and a young boy. The young boy kept calling her Mom. At first the man was mad at her. He even warned her and when I woke up, I felt a pang in my heart.

Ipinalig niya ang kanyang ulo para mawala ang panaginip na 'yon sa isip niya. Nang tapos na ang mga anak niya lumabas na sila at nag-abang na ng masasakyan. Sila Lola at Lolo kasi maaga itong umaalis kaya tuwing gabi na lang talaga sila nag-uusap.

Nang may tricycle na dumaan pinara niya ito sumakay sila. Nagkuwento ang mga anak niya tungkol sa klasi nila. Magka-klase ang dalawa at buti na lang hindi nagco-compete ang mga 'to. Nang makarating na sila nag-abot siya ng bayad. Pinauna niya na ang mga bata na pumasok sa cafe dahil naghintay pa siya sa sukli.

Sanay na ang mga tao sa mga anak niya lalo na kay Xandra dahil matabil ito.

“Salamat, Manong.” Ngumiti siya kay Manong bago pumasok sa cafe. Pagtapak pa lang ng mga paa niya sa loob ng restaurant minabah siya.

Hindi niya alam kung bakit? Ang lakas ng tibok ng puso niya. Napahinto pa siya saglit bago isinawalang bahala ang nararamdaman niya. Nilibot niya ang kanyang tingin sa loob ng cafe pero wala namang kakaiba o kaduda-duda. Wala rin ang mga anak niya marahil nandoon naman ang mga 'to sa opisina ng amo niya.

Pumasok siya sa kusina at kumuha ng apron isinuot niya ito bago lumabas. Nang may pumasok na bagong customer nilapitan niya ito.

“Welcome to Shane's Cafe. Can I take your order, Sir?” Inihanda ko ang board na listahan ng mga orders.
“Just the usual.” mahinang saad nito.
“Po?” Tanong niya rito. Hindi niya kasi alam kung ano ang sinasabi nito.
“Oh! I'm sorry, my bad. Your not the waiter who usually take my order.” natatawang saad nito.
“Is that so, Sir? I'm sorry too.”
“No! No! It's okay. Where is she by the way?” Tanong nito.

Don't tell me may gusto 'to sa waiter na sinasabi nito?, “What's her name, Sir?”

“I don-,”
“Arian! Ako na rito.” mahinang saad ng isa sa mga kasamahan ko na si Andria.
“Sige!”

So, siya ang waiter na sinasabi ng lalaking 'yon kung sa bagay hindi na rin ako magtataka sa gandang babae ba naman ni Andria kahit sino mabibighani talaga.

Kinuha niya na lang ang order ng ibang customer. Tiningnan niya oras, may malaking clock kasi naka sabit sa taas ng pintuan, 12:00 P.M? Naalala niya bigla ang mga anak niya na hindi pa kumakain.

Juskems! Nawili na naman ako sa trabaho ko. Napasapo siya sa kanyang noo. Pumasok siya sa kusina at itinabi muna ang tray, hinubad niya ang apron na suot at sinabit ito. Inayos niya muna ang kanyang damit bago lumabas ng kusina.

Pumunta siya sa opisina ni Shane ng nasa harapan na siya kumatok siya ng tatlong beses.

“Pasok!” Sigaw ni Shane mula sa loob. Pumasok siya at sinira ang pinto.

Nang humarap siya nanlaki ang mga mata niya dahil hindi lang si Shane ang tao sa loob. May tatlong lalaki at isang batang lalaki. Ang isang lalaki ay namumukhaan niya dahil asawa ito ni Shane ang dalawa hindi niya kilala.

Nilibot niya ang tingin sa loob ng opisina hindi talaga siya magsasawang tingnan ito dahil napakaganda ng opisina ni Shane. Dumako ang tingin niya sa mga anak niya na kumakain sa gilid.

Napangiwi siya sa itsura ng mga anak niya. Tumingin ulit siya sa gawi ni Shane at ngumiti siya ng pilit.

Napahiya siya ro'n ah! Napakamot siya sa ulo niya dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Hindi rin naman nagsalita ang mga 'to.

“Ahm... Shane, sorry sa abala. Kukunin ko muna ang mga anak ko.” saad niya na nakayuko. Hindi niya kayang tingnan ang lalaking kung makatitig wagas.

Tagos hanggang puso niya char. Juskems! Arian ano ba iniisip mo? nasa life and death situation ka. Ang OA ng sarili niya anong life and death pinagsasabi nitong utak ko.

“Ah! Maria. You know my husband already so, I want you to meet Travis,” Tinuro nito ang lalaking naka polo white shirt, “Blake and Nicholas.” Tinuro nito ang lalaking naka itim at ang batang lalaki na naka itim rin.

Okay! May lamay ata silang pupuntahan dahil naka black and white sila. Mag-ama ata si Blake at Nicholas dahil makikita naman ang ebidensiya 'pag tumingin ka sa kanila. Magkamukha eh!

“Nice to meet you all.” Nakayuko niyang saad. Hindi siya sanay humarap sa mga taong hindi niya lubusang kilala.

Pero walang ni isa ang nagsalita. Ang tahimik. Naputol ang katahimikan nang tinawag ako ni Xander.

“Mommy!” Sigaw nito. Tiningnan niya ito lumapit siya sa mga ito at lumuhod sa harapan.
“Ang dungis niyong kumain mga anak.” Kumuha siya ng tissue na nasa mesa at pinunasan ang mukha ng mga 'to. Humagikhik lang ang dalawa.

Alam niyang may nakatitig sa bawat galawa niya dahil ramdam niya ito. She bet that it is the guy who named Blake and the young boy.

Ng tapos niya nang punasan ang mga 'to tumayo siya mula sa pagkakaluhod at hinarap ang mga 'to. Dumako ang tingin niya sa batang lalaki na sa tingin niya ay nasa sampung taong gulang or eleven years old na naluluha. Namumula ang mga mata nito at tila nagbabadyang bumagsak ang mga luha nito na nakatingin sa kanya.

Hindi nakatiis si Nicholas at patakbong lumapit kay Maria at niyakap ito ng mahigpit.

“M-mommy!” Umiiyak nitong saad. Maria stilled at the moment she couldn't think properly because of what Nicholas said.

Umiiyak pa rin si Nicholas habang binabanggit ang katagang Mommy ng paulit-ulit. Hindi alam ni Maria kung ano ang gagawin. But without having a second thought she hugged Nicholas.

Hindi man maalala ni Maria kung sino sa buhay niya ang batang si Nicholas but her heart's know. Nang makita niya si Nicholas kanina may nakaramdaman si Maria ng pangungulila.

Hindi niya man maalala ang batang 'to pero hindi naka limot ang puso niya. Hindi man siya nakakaalala ang puso niya ang magiging basehan para malaman kung gaano kahalaga ang taong naka kilala sa kanya.

Niyakap niya ng mahigpit ang bata hindi niya namalayan na tumutulo na rin pala ang luha niya. Pinahiran niya ang nabasang pisngi. Hinagod niya ang likod ng bata.

“Mommy! I miss you, Mom. God knows how I miss you.” humihikbing saad nito.

Hindi siya nagsalita dahil hindi niya alam ang isasagot. Anong magagawa niya eh wala nga siyang maalala.

“Yah! Bakit mo tinatawag si Nanay na Mommy?” Tanong ni Xander. Lumapit pa ito sa kanila at pilit na pinaghiwalay si Maria at Nicholas.
“Oo nga! At bakit akap-akap mo si Nanay?” Tanong rin ni Xandra.

Napasapo si Maria sa noo niya ang sinasabi ni Xandra na akap-akap it means yakap-yakap. Meron pa kasi itong mga words na hindi kayang banggitin.

Nagtagumpay si Xander na paghiwalayin si Nicholas at Maria. Nang hiwalay na ang dalawa agad na yumakap si Xander sa Nanay nito.

Naiinggit lang ang bulilit na 'to ayaw lang aminin, isip ni Maria. Si Xander kasi hindi ito showy.

“Nanay, bakit mo siya akap-akap?” Tanong ulit ni Xandra.
“Eh! Anak need niya kasi 'di ba sabi ko 'pag sad ang isang tao it means need niya ng hug.” saad ni Maria.
“Ay! Gano'n po ba?” Tumango siya sa anak.

Nagtaka si Maria ng lumapit ito kay Nicholas ang akala niya aawayin ito ni Xandra ngunit akala niya lang pala 'yon. Niyakap lang naman ni Xandra si Nicholas.

“'Wag na ikaw sad. Akap kita ng ganito.” mahinang saad nito.

Nicholas cried because of happiness. He can't believe it he finally meet his baby sister and baby brother. Niyakap niya rin ng mahigpit si Xandra.

While Xander he's sulking. Natawa si Maria sa anak niyang lalaki ng tingnan niya ang itsura nito. Ang seloso talaga ng batang 'to. Pagdating kasi sa kanya at kay Xandra nagiging madamot ito. Ayaw nitong ibahagi silang dalawa.

Nag-angat siya ng tingin at muntik na siyang matalisod ng makita si Blake na ang lapit na sa kanya. Sumilip siya sa tagiliran nito para tingnan kung may tao pa ngunit sila na lang ang naiwan dito.

Nasaan na ang mga tao rito? Bakit nila kami iniwan? 'yan lamang ang mga katanongan na pumasok sa isip ni Maria.

_________

Please don't forget to votes, comments and share. Don't forget also to follow me 🙂😉

jam_shookt<3

You are reading the story above: TeenFic.Net