CHAPTER 16

Background color
Font
Font size
Line height

*****

Chapter 16

10:30 A.M

Nagulat siya sa oras, goshhhhh tinanghali na naman siya ng gising. Huwag na kayong magtanong kung bakit tanghali na naman siya nagising, alams niyo na kung anong nangyari.

Bumangon siya at pumasok sa banyo para maligo. Ang pangit naman sigurong hindi siya maliligo eh! may nangyari sa kanila ni Blake at ang lagkit lagkit na ng pakiramdam niya.

Tsk. Tuwing may nangyari sa kanila umaabot ito ng magdamag, masyadong irresistible si Blake.

Nagtapis siya ng tuwalya at lumabas ng banyo. Yes, madali lang naman ang maligo pwera nalang kung may ibang ginagawa habang naliligo.

Pumili siya ng usual attire niya pag andito lang sa bahay, jogging pants at t-shirt ni Blake. Bet niya ang t-shirt ni Blake dahil malalaki iyon abot hanggang tuhod niya, gustong-gusto niya ang mga malalaking damit.

Pagkatapos bumaba na siya. Oh! Yeah! Today is Saturday so walang pasok si Nicholas pero si Blake meron. Nagpaalam si Blake sa kaniya kagabi na may lalakarin silang dalawa ni Nicholas ngayon, ewan niya rin kung saan pupunta baka about sa other business nila 'yon.

Pagdating niya sa may sala, dali-dali niyang binuksan ang T.V at umupo. Favorite Korean show na naman ang pinanunuod niya tuwing sabado “The Journey to the West.” gustong-gusto niya talaga ito natatawa kasi siya lalo na pag game time na.

Ding.dong.ding.dong

Nakita niyang sumilip si Manang galing sa kusina.

“Ako na po Manang ang magbubukas.” Tumango si Manang. Mukhang busy nga ito sa kusina. Ano bang meron ngayong araw?

Tumayo siya at pumunta sa pintuan, binuksan niya ito. Isang babaeng sosyalun ang nasa harapan niya ngayon. Ang akala niya mga parents ni Blake ang andito since bibisita daw ulit ang mga ito.

“Sino po sila?”
“Are you he's new maid?” Tinaasan siya nito ng kilay. Kahit labag sa kalooban niya, wala siyang magawa kundi ang tumango.

“Are you going to let me in or not?”
“Ayyy sorry po.”
“Now you're saying sorry. Stupid!”

Pumasok ito at umupo sa pang-isahang upuan at kinuha ang remote at nilipat sa ibang channel.

Aba't ang babaeng 'to napaka feelingon din eh no.

“Tanga ka ba or nav tanga-tangahan.”
“Excuse me?” Tinaasan niya ito ng kulay.
“Hindi mo man lang ba ako aalukin ng tubig or juice,”
“At bakit naman kita aalukin. Sino ka ba?”

Aba kung kanina hinayaan niya itong tarayan siya aba Hindi na pwedeng umulit. Kung tinarayan ka dapat isang beses lang , kasi pag may kasunod pa tarayan mo din.

Tandaan niyo mga readers hindi lang kaaway mo ang marunong magtaray, ikaw din kailangan mo lang ilabas ang fighting spirit mo ganern.

“What? You don't know me?”

Nameywang siya, “Magtatanong ba ako kung kilala kita. Tanga ka pala eh,”

Umusok ang ilong nito.

“Ako lang naman ang magiging future amo mo.” Tinuro-turo pa nito ang sarili.

Nangunot ang noo niya. “At paano kita magiging future aber. As far as I remember walang iniwan na kasulatan si Blake na may bago na pala kaming amo.”

“Bobo! Ako lang naman ang Mommy ni Nicholas kaya go and get me some juice. And oh! Please a sandwich also. Napagod ako sa biyahe papunta dito.”

Umupo ito. Imbis na patulan niya pa, 'wag na lang papalampasin niya muna 'to. Pero itatanong niya talaga ito kay Blake, kami ang magtutuos mamaya.

“Kung alam mong mapapagod ka, edi sana hindi ka nalang tumuloy papunta dito. Bobo rin pala.”

Syempre bulong niya lang 'yon pero sadyang malakas ata ang pandinig ng clown na'to.

“What are you whispering at?”
“Nothing.”

Tinalikuran niya ito at nagpunta sa kusina. Pagpasok niya nakita niyang nakaupo lahat ng mga katulong dito pati si Manang, Cedes including Sheryl. Napairap siya.

“Mommy ba talaga ni Nicholas ang babaeng clown na iyon.”

Kinagat-kagat ni Cedes ang kuko niya. “Ba't parang natatae kayo.”

“Eh! Kasi naman kung andito ang babaeng 'yan palaging nagpapaalis ng mga katulong. Ginagawan niya ng kuwento para lang mapaalis kami dito.” sabat ni Luisa, one of the maids here.
“Ba't naman kayo matatakot eh, wala pa namang officially statement si Blake about sa clown na 'yun.” (She's referring to the mother of Nicholas.)
“Pero kahit na.” anang naman ni Cedes.

Napahinga siya ng malalim. Nagsalin siya ng juice at kumuha ng sandwich na nasa mesa. Kung ano ang nakahain 'yun na ang kunin, 'wag ng maghanap ng iba.

Nilagay niya ang mga 'to sa tray.

“Anong ginagawa mo beshy waps?” Cesdes asked.
“Nanghingi ng juice at sandwich ang clown na 'yon.”
“Ikaw ang magbibigay?” Umiling siya.
“Nope.”

Cedes give her a question look.

“Luisa ikaw magbigay nito.”
“Eh! Ma- este Arian alam mo namang takot ako doon ehhh.”
“Huwag kang matakot ako ang bahala sa'yo.” Tinapik-tapik niya ang balikat nito, “Let's provoke her.”
“Ha?”
“Wow ha nag choir lang ang peg.” Sabay-sabay kasi sila.
“Arian.” Saway sa kanya ni Manang.
“Sorry po.” barinig niyang tumawa pa si Cedes, pinanlakihan niya ito ng mata.
“Sige na luisa.” Manang said.
“Basta Luisa gawin mo ang lahat 'yung punto na sasabog na siya at doon ako papasok sa eksena. Gets?” Nag ok sign si Luisa.

Lumabas na ito sa kusina at sabay-sabay kaming napahinga ng malalim.

“Goodluck sa kanya.”
“Ikaw nalang kaya dapat ang nandoon Cedes?”
“Beshy waps naman baka wala pa siyang nasabing salita tinapon ko na sa mukha ng babaeng 'yun ang sandwich.” Napailing-iling siya sa sinabi ni Cedes.

“Teka ba't ikaw napag-utusan?” They all look at her.
“Napagkamalan akong yaya.”
“What?” Sigaw ni Cedes. Piningot ni Manang si Cedes. Natawa siya.
“Hinaan mo kasi ang bibig mo Cedes.” nag peace sign ito.
“Ba't hindi ka nagpakilala iha?” tanong ni Manag.
“Hayaan mo siyang magpaka feelingon Manang. For the mean time.”

“Ahhhhhh!”

Narinig nilang lahat ang sigaw ni babaetang clown. Sa lakas ba naman ng sigaw akala mo naman parang tinanggalan ng t*ngg*l.

Tumingin siya sa kanila. Pagtingin niya nakita niyang nakatitig ang lahat sa kaniya.

“Well, wish me luck,” Tumalikod siya sa mga ito.
“Godd luck beshy waps.” pahabol na sigaw ni Cedes.

Bumuntong hininga siya at tuloyan ng lumabas sa kusina.

Pagdating niya sa living room, hindi niya nagustohan ang nakikita niya ngayon. Yumuko lang naman si Lucia at pinunasan ang basa sa paanan ng babaetang clown habang humihingi ng paumanhin.

“What do you think your doing?”  Tinaasan siya nito ng kilay.
“Ikaw ang inutusan ko ba't siya ang naghatid, tingnan mo tuloy ang nangyari naapakan niya lang naman ang mahal kung sandal.”
“I can buy you a dozen of that,” Tiningnan niya ito sa mata. “Luisa thank you, at bumalik kana sa kusina ako na ang bahala dito.”

Tumayo si Luisa sa pagkayuko, “Thank you MA'AM.” Luisa emphasized the word Ma'am. Baliw din ang babaeng 'to.

Umalis si Luisa pero bago 'yun, inirapan niya ng matindi ang bobetang clown na 'to. Gusto niya ng humagalpak ng tawa.

“Why did she called you Ma'am?”
“It's none of your business you bobe- I mean miss I don't who you are.”  Winawa-gayway niya ang kaniyang kamay.

“I told you earlier that I a-,”
“I don't care.”
“Sino ka ba talaga sa bahay na'to at bakit ganyan ka kung makaasta?”

Ayaw niya sanag gamitin ang position niya dito sa pamamahay pero kailangan niya itong gawin dahil from the looks of the housemaids here they already know the attitude of this girl and it seems like they are traumatized.

At ayaw niya ng may inaabuso kaya 'wag kayong magalit readers ha! Alam niyo na ang mga taong ganito ang pag-uugali minsan dapat turuan din ng leksyon. Aba! Namimihasa kasi ang mga taong ganito, kagaya na lang ng nasa harapan niya ang sarap sakalin.

“One more and last question who the hell are you in this house?” Umuusok na ang ilong nito sa galit. Binigyan niya ito ng bored look.

She clap her hands like a queen and one by one the maids showed up. Walang mga naka men in black dahil dala ata lahat ni Blake no worries naman daw, kasi nag-aalarm naman daw 'tong bahay pag may pumasok daw na iba.

“Girls, can you introduced me to this ugly creatures.”

Ayaw niyang manlait dahil masama 'yon pero kung gani'tong tao ang kaharap niya, lumalabas ang pagiging laitera niya.

Ito 'yung sinasabi ng iba na iba daw siya magalit eh ang tahimik niya lang naman pero kung magalit wagas. Well kaming mga tahamik na tao don't underestimate us because we're different when we get angry.

“She's the girlfriend of Sir Blake at ang Mommy ni Nicholas.” Sabay-sabay na sambit nila para tuloy silang nag speech quire.
“WHAT?” Malakas na sigaw ni clown na sigurado siyang rinig ito sa buong mansyon.
“Gosh! Can you stop shouting? Naririndi na ako sa'yo kanina pa.”
“YOU! You're the new girlfriend of Blake, hahahahahahaha I can't believe it. Bumaba na pala ang standards niya pagdating sa babae.” Tiningnan siya nito from head to toe.
“Well, simula kasi no'ng iniwan mo siya narealize niya na hindi pala dapat ang labas ng pang-anyo ng isang tao ang pagbabasihan kundi ang loob na pang-anyo. Gets dear?” Tinaasan niya ito ng kilay.
“Yo-,”
“Yeah! Yeah! Yeah! Me naman, wala kana bang ibang masabi.”
“You! You will pay for this, you stupid rat.”
“Ok! I'll wait.”

“Arggh!” Nagmamartsa itong umalis.
“B-bye,” Pahabol niyang sabi habang kumakaway kahit alam niyang hindi na siya kita nito.

Napahinga silang lahat. Yes! po tama kayo ng pagkakabasa kami pong lahat ay sabay-sabay na bumuntong hininga.

“Naku! Salamat talaga beshy waps.”

Tumango lang siya kay Cedes dahil na stress siya.

“Akyat muna ako sa kuwarto na stress bigla nag esophagus ko.” Tumawa ang mga ito.
“Sige na iha! Magpahinga kana, papupuntahin ko lang si Cedes sa kuwarto mo pagkakain na.” anang ni Manang.
“Salamat po.” aniya.

At umakyat siya sa hagdanan. Gusto niya ng marating ang kuwarto agad para makapagoahinga. Susme! Napagod ang esophagus niya.

__________

Please don't forget to votes, comments and share.

09-11-21
jam_shookt

“What sets you apart can sometimes feel like a burden and it's not. And a lot of the time, it's what makes you great.”— Emma Stone.

A/N: Kung may tao mang nakagawa ng kasalanan sa'yo patawari muna para mawala ang bigat na dinadala ng puso mo. I know it's hard to forgive but you'll never know what's the result if you don't try. Forgiving someone it's like having a freedom/our hearts is free and it's not heavy anymore

• STUART  WEITZMAN DIAMOND DREAM STILETTOS - $500,000

NOTE: Yan po ang sandals ni bobetang clown.( charrrr )

You are reading the story above: TeenFic.Net