Nang Minsa'y Inuna Ang Sarili
Simula nang sumakabilang-bahay ang kaniyang ama, wala nang ibang inisip si Paulo Donato kung hindi ang tumulong sa kaniyang pamilya, lalong-lalo na sa kaniyang ina na kinailangang mangibang bansa upang matustusan lamang ang kanilang pag-aaral at pangaraw-araw na pangangailangan. Ito ang dahilan kung bakit lubos na lamang ang pagpupursigi ni Paulo upang makapagtapos sa tamang oras at nang may honors, kung papalarin.Ngunit isang araw ay biglang dumating sa buhay niya si Kevin. Dapat bang pagbigyan ni Paulo ang kaniyang puso na magmahal? O magiging sagabal lang ba ito sa kaniyang mga pangarap?Para sa isang taong palaging inuuna ang ikabubuti ng kaniyang pamilya, kailan niya ba dapat piliin naman ang kaniyang sarili?…