Chapter 25

Background color
Font
Font size
Line height

"Abused by the Deceptive Professor"

[CHAPTER 25]

NAPABALIKWAS ako sa aking pagkakagising nang maramdaman ko ang malakas na pagyugyog sa akin ng isang tao. Iminulat ko ang aking mga mata and trying to catch my breath. My heart skipped a beat nang makita ko kung sino ang babaeng nasa harapan ko.

It was Mom!

"Diyos naming mahabagin! Sir Denise, ayos lang po ba kayo?" Nag-aalalang tanong niya sa'kin. Mabilis akong napayakap sa kaniya, 'cause I still feel my organs trembling in fear. Nanlalamig ang mga kamay ko at patuloy na tumutulo ang pawis at luha sa aking mukha. The scene once again caught my mind at hindi ko maiwasang mapaluha na lamang.

"Mom! P-P-Please, d-don't leave m-m-me..."

Ngunit mabilis siyang kumawala sa akin at pilit na yinuyugyog ang aking braso. "Sir Denise! Hindi ako ang Mom mo, si Tessy ito. Si Tessy ito! Nagha-hallucinate ka lang."

Doon lamang ako nahimasmasan at unti-unting naglaho ang mukha ni Mom, kasabay nito ang pagguhit ng mukha ni Ate Tessy. Napakagat na lamang ako ng labi at muling bumigat ang nararamdaman ko sa aking dibdib.

"I'm sorry. I'm sorry Ate Tessy!"

It's been years, pero hindi ko pa rin matanggap na wala na siya.

Nanunumbalik pa rin sa akin ang mga panahon kung saan nasaksihan ko kung paano siya bawian ng buhay, and I'm still blame myself for what happened, dahil alam kong kailangan kong akuin ang lahat ng kasalanan na ginawa ko. It wasn't her fault, nor dad. I am, I am the one to blame!

"M-My... m-my m-m-mom..." I hoarsed in whisper. I pursed my lips at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap ko kay Yaya. I know I'm now showing weakness---which is I hate to do, pero dito ko lamang nailalabas ang lahat ng bigat ko sa dibdib. The darkness descended, crawling through my soul, covering my heart with grimness. Masakit pa rin kahit ilang taon na ang nakalipas.

I buried my face in her chest in grief at inilabas sa kaniya ang sakit. Aside from Nanny, isa rin si Ate Tessy na tumayo bilang pamilya ko. She treated me like her own brother kahit limang taon ang tanda niya sa'kin. Nagpapasalamat talaga ako at kahit hindi ko pa rin maramdaman ang buong pagmamahal ni Dad, nandyan naman silang dalawa ni Nanny at handang iparamdam sa akin na hindi ako nag-iisa sa laban.

"Tahan na, Sir Denise. Ano bang nangyari sa'yo? Naglilinis lang ako sa master bedroom nang marinig kitang umuungol sa kwarto mo na parang binabangungot ka. Masamang panaginip nanaman ba?" Umangat ang ulo ko at mabilis kong pinunasan ang mga luha sa aking pisngi at tumango.

"A-Another nightmare...I dreamt about mom passing away, again." My voice cracks at hindi ko mapigilang mapaluhang muli.

Muli niya akong yinakap, "Magiging okay rin ang lahat, Sir Denise. Malalagpasan mo rin ito." She comforted at napangiti na lamang ako.

I'm really lucky to have her and Nanny.

Nagtagal muna kami ng ilang minuto, at nang masiguro niyang kalmado na ako ay agad na siyang tumayo.

"Ayos ka na ba talaga?" Nag-aalalang tanong niya at muling kinuha ang mop na nakadantay malapit sa pintuan ko. "Hindi ka na ba aatakihin ng bangungot mo?"

Natawa naman ako ng kaunti. "Hindi na ako tulog, ate. I'm fine now. You can go now and continue what you haven't done." Saad ko. "Thank you, ate."

"Wala 'yon, sir Denise. Ano pa't parang kapatid na ang turing ko sa'yo. Basta't kahit anong mangyari, nandito lang kami ng Nanny mo." Nakangiti niyang pahayag.

Napangiti na lamang ako sa sinabi niya. With her words, I feel secured. Akmang yayakapin ko siyang muli nang pumasok sa isip ko kung anong araw ngayon.

"Teka ate, what time is it na ba?"

"Bakit? Alas sais pa lamang ng umaga."

"What?!" My jaw almost drop. I slept in a whole day?! Nanlaki ang mga mata ko at hindi ako makapaniwala na natulog lamang ako ng buong araw. That explains why my stomach is now growling, 'cause I skipped three damn meals, and Dad didn't even bothered na gisingin ako.

Nang makita ni ate ang reaksyon ko ay bigla na lamang siyang natawa.

"Hindi ba may pasok ka ngayon? Sakto gising ka na rin kaya maghilamos ka na. Nagluluto na rin ng almusal si Manang sa kusina, kaya magbihis ka na, bunso. May pasok ka pa, 'di ba? Kaya chupi chupi na sa kama at maglilinis pa 'ko." Pagtataboy niya sa'kin na ikinatawa ko na lamang.

"Bunso? That's cute, ATE." I teased her with the 'ate' at namula naman siya. "Nako, kina-career ko na talaga ang pagiging kapatid ko sa'yo. Sige na, BUNSO, maglilinis pa ako kaya maghilamos at magbihis ka na kung ayaw mong ma-late. Kapag may kailangan ka lang, tawagan mo lang ako, nasa kabilang kwarto lang ako at naglilinis." Pamamaalam niya. Tumango ako ng may ngiti sa aking labi bago niya nilisan ang kwarto ko.

Mabilis na rin naman akong kumilos at naligo, 'cause I don't want to be late on my class.

><><><><><><

NANG MATAPOS kong maipasok ang huling butones ng suot kong vest, I grabbed my bag at the corner at mabilis na nilisan ang kwarto ko. It was still dark in our hallway since masyado pang maaga at mag aalas-syete pa lamang ng umaga.

I didn't bother to turn the lights on at kahit madilim ay sumulong na ako. Mabilis na rin akong bumaba at nakita ko si Nanny na naglilinis malapit sa living room namin.

"Good Morning, Nanny!"

Napalingon siya sa'kin at ngumiti. "Good Morning, 'nak. Nga pala, nasa kusina na ang Daddy mo at kanina ka pa niya hinihintay na makasabay kumain." Tumayo siya at lumapit sa akin. "Mukhang masama nanaman ang timpla ng Daddy mo simula pa kagabi. Hindi yata mapakali hangga't 'di ka nakakausap ng masinsinan."

Muling nabuhay ang takot at kaba sa aking dibdib. I almost forgot, I owe him an explanation kung bakit ako nagtagal sa pamamahay ni Sir Marcus. What should I do? Napabuntong-hininga na lamang ako at pilit na ngumiti kahit hindi ko alam ang gagawin ko.

"It's okay, Nanny. Sige na po, I'm going to take my breakfast muna in the kitchen. Pakigawan po ulit ako ng Chicken Sandwich ahh. Namimiss ko na po 'yung sandwich niyo, Nanny." Pinilit kong pagaanin ang atmosphere sa pagitan namin and to divert the topic. Tila nag-work naman at ngumiti siya.

"Sige, dadaan na ako sa kusina at tapos na rin naman ako rito. Kaya sige na, samahan mo na ang Daddy mo sa hapag-kainan. Balita ko buong araw kang natulog kaya sigurado akong gutom na gutom ka dahil hindi ka kumain ng buong araw kahapon." Tumango na lamang ako at napangiti. Nagpaalam na siya sa'kin at nauna nang pumasok sa kitchen.

Kinapitan ko ang straps ng aking bag while I'm starting to agitate habang tinatahak ko ang daan papunta roon. Hays, bahala na si Batman. Kahit ano mang mangyari, I'm just go with the flow.

Nang makarating ako sa dining room, muli kong naramdaman ang bigat ng atmosphere doon, and I saw my Dad sitting at the end of the table habang nagbabasa ng dyaryo. Napalunok na lamang ako at pilit na kinakalma ang sarili ko, dahil sigurado akong may masamang mangyayari nanaman.

Nakabuo ako ng plano. Kailangan ko nang makalabas sa bahay na 'to and I'm just going to take my meal at the school's cafeteria. May daan naman sa dirty kitchen papuntang garage kaya ipapatawag ko na lang si kuya Albert kay Nanny without bothering Dad. Tama! Gano'n nalang ang gagawin ko.

Unti-unti akong naglakad papasok, at mabuti na lamang at tila hindi pa rin niya ako napapansin. I sneak like a fox and trying not to make a sound with my steps, at akmang makakaapak na ako papasok sa dirty kitchen nang marinig ko ang malakas na pagtikhim niya.

"Are you trying to escape, Denise?"

SMOKESTONE | © 2020

You are reading the story above: TeenFic.Net