Chapter 24 (Part II)

Background color
Font
Font size
Line height

Litong-lito ako sa mga sinasabi niya. Bakit sinisisi niya sa'kin ang nangyari kay Mom? Hindi ba't dapat siya ang maging rason kung bakit tinangkang magpakamatay ni Mom? If he's not being a careless father to us, edi sana masaya pa rin kami hanggang ngayon!

Gustuhin ko man siyang sagutin, but I don't wanna lose my respect. He's still my father afterall and I can't bear seeing Mom despise me dahil lang sa hindi ko pag-respeto kay Dad. Kaya napapikit na lamang ako at muling napahawak sa kamay niya. "D-Dad, I-I'm your son. Y-Your b-blood and f-flesh. B-Bakit ginagawa m-mo sa'kin ito? N-Nasasaktan a-ako D-Dad."

"I don't fucking care! Wala akong anak na katulad mo. Wala akong anak na bakla, at hinding-hindi ako magkaka-anak ng bakla!" His baritone voice echoed around my ears. At tila mas lalong nawasak ang mundo ko dahil sa mga salitang nagmula mismo sa bibig niya.

So this is the reason. Eto ang rason kung bakit simula't-sapul pa lamang ay napakalaki na ng galit niya sa akin. He's a homophobic father, and he hates gays. Napakasakit, napakasakit na marinig sa mismong bibig niya na ayaw niya sa mga katulad ko. No words can explain how am I feeling right now. Masyadong masasakit ang mga ibinabato niyang salita sa'kin, and I don't know if I still can endure more.

All this time... Ngayon ko lang napagtanto na my father hates me for being gay.

"S-So this is the reason..." Hindi matutumbasan ng sakit ng pagkakasakal niya sa'kin ang bigat ng nararamdaman ko ngayon. Naramdaman ko na lamang na sunod-sunod ang luhang pumatak sa pisngi ko. I don't think I can take it anymore.

"D-Do you h-hate me t-that m-much f-from being g-gay, Dad? T-To the p-point na g-gusto mo n-na akong p-patayin?!" I let my emotions drive my words. Napakagat ako ng labi at pilit na pinipigilan pang tumulo ang mga luha ko. Sawang-sawa na akong umiyak dahil lang sa kaniya!

This is weakness! I hate being weak, and I fear weakness! Ayoko nang magmukha pang mahina dahil lamang sa kaniya.

Lumapit ang mukha niya sa'kin and he pinned my head to the wall na halos ikawala ng urat ko. I, once again, met his dark gaze, at punong-puno iyon ng galit at pagkamuhi. "I fucking hate you, Denise! I fucking despise you from being what you are now. Sana hindi ka nalang ipinanganak ng Mom mo! Kung pwede lang kitang patayin dati, matagal ko nang ginawa. You're always bringing disaster to our family and isa kang malaking malas sa mga Chavez!"

Bumagsak ang balikat ko at tila nanlambot dahil sa sinabi niya. How can he manage to say this foul words right infront of his son?! It feels like heart shattered apart, and I can't feel more pain anymore. Tumatatak sa isip ko lahat ng sinasabi niya.

He's making me feel like I'm worst person in the world.

Naramdaman ko na lamang na lumuwag ang pagkakahawak niya sa leeg ko kaya't napahawak ako sa akong dibdib at nahabol ko pa ang aking hininga. Ngunit napakislot ako nang hawakan niya ng mahigpit ang magkabila kong braso like he's going to crush me.

"Eto ang tatandaan mo. Kapag nawala pa sa'kin si Elizabeth, I swear to God baka isama rin kita sa hukay niya. Magsama kayo!" Sigaw niya at hindi ko inasahan na buong pwersa niya akong itutulak papunta kay Mom. Ngunit tumama ang balikat ko sa isang machine at wala akong nagawa kun'di mapahikbi na lamang. I can't feel the pain, dahil tila wala nang mas sasakit pa sa mga sinabi niya sa'kin.

Akmang lalapit siya sa'kin nang biglang tumunog ng napakalakas ang isang machine. Napalingon din ako kay Mom and she's sudden doing violent shaking na tila nagkaka-seizure siya. Nanlaki ang mga mata ko nang maamoy ko ang usok ng machine kung saan ako tumama.

"Elize? Elize? Elizabeth!"

"Mom! Mom!" Hindi ko alam kung anong gagawin ko at tila nabablanko ang aking isipan. Sobrang lakas na rin ng ingay na pinagmumulan ng machine, kaya't mabilis akong napahawak sa kamay ni Mom while she's still on convulsion. Tila dumoble pa ang sakit sa aking dibdib nang makita ko ang nangyayari sa kaniya.

Hindi ko kaya. I lost my father's love once, at hindi ko kakayaning pati si Mom ay mawala sa'kin!

Nakita kong lumapit si Dad sa kabilang bahagi ng kama. "I'm going to call the Doctor. Please hold on, Elize!" Tila nataranta si Dad at mabilis na lumapit sa intercom while he's trying to reach out the Doctors. Wala akong magawa, gusto kong tumakbo at hanapin ang mga doktor ngunit napako lamang ako sa pwesto ko.

Muli kong tinatanong ang aking sarili. Bakit nangyayari ito? Is it because I hit the machine kaya nagkaka-ganito si Mom? Fuck! I should've have restrain myself from my father's force, edi sana hindi ko matatamaan ang machine at hindi magkaka-ganito si Mom.

This is my fault. This is my entire goddamn fault!

"Mom! P-Please hold---" Nagulat ako nang mabiloa na lumapit sa'kin si Dad at basta nalang niyang hinila ang braso ko at inilayo kay Mom. Mangiyak-ngiyak ko siyang tinignan ngunit may bahid pa rin ng galit ang kaniyang mga mata. Walang awa niya akong inihagis sa gilid at tumama ang bewang ko sa isang lamesa na ikinadaing ko sa sakit.

Bakit ganito siya? May nangyayari na ngang hindi maganda kay Mom ngunit mas pinangungunahan niya ang galit at pagkamuhi niya sa'kin. He's really selfish!

Hindi ko inasahan when he pointed at me. Dinuro niya ako. "Kapag may nangyaring masama kay Elizabeth," Lumapit siya sa'kin at mahigpit na hinawakan ang panga ko. "I swear to God baka mapatay na talaga kitang bata ka! This is all your damn fault." Puno ng panggigigil niyang sigaw, ngunit kahit sobrang ingay ng machines ay rinig na rinig ko pa rin ang mga katagang sinabi niya.

Tila mas lalong gumuho ang mundo ko. Umabot na talaga sa sukdulan ang galit niya sa'kin to the point na he wants to push me on the edge of my life. Parang napunit ang buong pagkatao ko dahil sa sinabi niya, and his words shoved harshly in my mind, making me bleed in pain. Masakit, sobrang sakit.

Bumitaw siya sa pagkakahawak sa'kin at muli akong itinulak sa pader. Wala na akong nagawa kun'di humikbi na lamang. Mabilis siyang lumapiy kay Mom, punong-puno ng pag-aalala at pangamba while he's trying to reach out the Doctor.

Ni isang beses man lang hindi ako nakaramdam ng pag-aalala sa mismong tatay ko. Napahawak na lamang ako sa aking bibig at pilit na pinipigilan ang aking paghikbi. Ngunit tila traydor ang aking mga mata at namalayan ko na lamang natuloy na pala akong lumuluha.

"Where are those motherfucking Doctors?! Fuck this hospital! Elize, please hold on. Please, h'wag na h'wag kang bibitaw, for the sake of me. Please, Elize. I love you. I'm sorry for hurting you because of our son. Please, I love you more than my life. Please, hold on, honey!" Pakikiusap ni Dad at pilit pinapakalma ang ngayong patuloy na nagse-seizure na si Mom.

Sabay kaming napalingon nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang nagmamadaling doctor at ang apat na nurses sa kaniyang likuran.

Muntik nang sugurin ni Dad ang Doctor, at mabuti na lamang at inawat suya ng dalawang kalalakihang nurses. "WHERE THE FUCK HAVE YOU BEEN?! WHY ARE YOU SO IRRESPONSIBLE FOR YOUR PATIENTS?! ALAM NIYO BANG MAMAMATAY ANG ASAWA KO DAHIL SA GINAGAWA NIYO?!" Galit na galit niyang sigaw at tila lumabas muli ang sungay ni Dad. Nakakatakot, nakakapangamba.

"I'm very very sorry for our inconvinience, Mr. Chavez. We have no time to explain, we need to get to work now!" Tarantang sabi ng Doctor. "Please take Mr. Chavez out of the room for a moment."

Ngunit pilit na nagmatigas si Dad. "No, I'm staying with my wife!"

"But Mr---"

"You either push me of take me away from this room, hindi ako aalis dito! We vowed each other na magkasama kami through sickness and health. Hinding-hindi ko iiwan ang asawa ko!" Wala nang nagawa ang doctor kun'di magpaubaya.

Dumaan ang oras at nakatulala lamang ako habang pinapanood kung paano pakalmahin ng Doctor ang katawan ni Mom. Ilang minuto lamang at tuluyan nang kumalma ang katawan niya, and we felt relief.

"She's fine n-"

Ngunit napahinto ang Doctor nang biglang tumunog ng malakas ang heart monitor, at nakita nalang namin na blanko na ang guhit nito.

Tila nataranta ang Doctor at nurses sa paligid ngunit nakatitig lamang ako kay mukha ni Mom. This can't be happening!

"Prepare the defibrillator! NOW!"

"NO... NOOOO! ELIZABETH! MY ELIZABETH!!!" Muling napatayo si Dad sa kaniyang pagkakaupo at akmang lalapit ngunit mabilis siyang pinigilan ng mga kalalakihang nurses. "GET OFF ME! THIS CAN'T BE. MY ELIZABETH!"

"Turn the volts high."

"Clear!"

"One more, Clear!"

"Again, Clear!"

Tila nabingi na ako and my mind can't process on what's going on, dahil nilukob ng malakas na tunog ng makina ang tenga ko. This must be a dream. Am I dreaming? Kailangan ko nang magising sa bangungot na 'to.

"DO EVERYTHING YOU CAN! AYOKONG MAWALA ANG ASAWA KO! DOC, PLEASE DO EVERYTHING!" Sigaw ni Dad.

"Set the volts to the max range."

"But Doc---"

"NOW!"

Ngunit wala pa ring nagbago. Patuloy pa rin ang ingay ng heart monitor at ang tuwid na linya nito. Tila nawalan na kami ng pag-asa nang ibigay ng Doctor ang dalawang defibrillator sa nurse at tinanggal ang suot nitong facemask.

"I'm so sorry, Mr. Chavez. We did everything we can, pero hindi na kinaya ng katawan ni Mrs. Chavez. I'm very sorry for your loss."

Humarap ang Doctor sa nurse. "Elizabeth Chavez. Time of Death, December 23, 2005. 2:32 pm."

"MOOOOOOOOOOOOM!"

SMOKESTONE | © 2020

You are reading the story above: TeenFic.Net