Chapter 21

Background color
Font
Font size
Line height

"Abused by the Deceptive Professor"

[CHAPTER 21]

She's the best Nanny in the world. Dahil sa kaniya, nailalabas ko ang lahat ng hinanakit ko sa buhay. Siya na ang tumayong ikalawang ina ko. She's the only one who understand me, and I'm so lucky to have her in my life.

Kumalas siya sa pagkakayakap sa'kin at hinawakan ang magkabila kong pisngi. She rubbed her thumb at pinunasan ang luhang pumapatak dito. "Okay ka lang ba, anak? Bakit ka umiiyak? May nanakit ba sa'yo? Sabihin mo sa'kin, susugurin sila ni Nanny." He comforted ngunit napakagat lamang ako ng labi at pilit h'wag umiyak ng todo. Damn it, I'm acting like a crybaby infront of her.

"Anak, alam mo bang galit na galit si Señorito sa aming mga kasambahay at halos halughugin niya ang buong lugar para lang mahanap ka?" Napahikbi na lamang ako sa sinabi niya. It is confirmed na galit na galit nga si Dad, at siguradong magbabalik siya sa dati niyang personalidad. He will surely beat me up from what I have done. Bumuhos ang luha ko sa dibdib niya and she keeps on patting my back.

"Iho… Tahan na, h'wag ka nang umiyak." She keeps on comforting me, at kita kong basa ang suot niyang maid dress dahil sa mga luha ko. Mabilis kong pinunasan ang mga ito.

"N-N-Natatakot a-ako k-kay Dad, N-N-Nanny…" My voice cracked. Her face crumbled in concern, at hinawakan niya ang magkabila kong kamay. "H'wag kang mag-alala, 'nak. Susubukan kong pahupain ang galit ng Daddy mo. Sa ngayon, pumasok muna tayo sa loob at magpalit muna ng damit. Pawis na pawis na ang likod mo."

Tumango ako at napangiti, she really cares about me that no one else could. "Si D-Dad, Nanny. N-Nandyan ba siya s-sa mansyon?" My voice keeps shaking, and I can't help myself. Muling lumukot ang mukha niya at walang nagawa kun'di tumango. "Nandito siya sa mansion ngayon, at nakita kong pumasok siya sa opisina niya nang maglinis akonsa kwarto mo. Kaya tara---" Ngunit napahinto siya nang dumako ang tingin niya sa likod ko.

Unti-unting kumunot ang noo niya, "Sino itong mestisong lalaki na kasama mo, anak?"

I paused at the moment, at nagdadalawang isip kung ipapakilala ko ba siya kay Nanny. "A-Ahhh N-Nanny, s-siya si Si---"

Inilahad nito ang kamay niya at pinutol ang gusto kong sabihin. "I'm sorry for interrupting your moment, tita. I'm Marcus Montecillo, his professor…" Kita kong napatingin siya sa'kin at kumindat, "…and his future lover." Dagdag pa niya, and he left me hanging. Nasisiraan ba siya ng bait? How can he manage to say these things infront of my Nanny? He's really a despicable crap!

I felt my cheeks on fire dahil sa sinabi niya, kaya mabilis akong kumalas sa hawak ni Nanny, lumapit sa kaniya at hinila siya papalayo. I smacked his arm in irritation, at gulat na gulat siyang napahawak sa braso niya.

"Awww! What was that for?"

"Are you really out of your mind?" Mahinang bulong ko ngunit sapat na para marinig niya. He just gave me a wink na halos ika-usok ng ilong ko.

"What? I just told her the truth." Casual niyang sabi na ikinalaki ng mga mata ko. I smack his bicep for the second time, at narinig ko ang yapak ni Nanny papalapit sa'min.

"Hala, bakit mo naman pinalo itong mestisong kano, anak?" Nag-aalalang tanong ni Nanny. Nananaliksik ang mga mata kong lumingon sa kaniya, and he smiled like he just won the battle. I clench my fist at gusto kong paulanin ng punches ang braso niya, ngunit hindi ko magawa dahil nandito ang Nanny ko.

"Tsaka, anak." Napalingon ako sa kaniya and tried to calm myself down. Tila natabunan ng inis ko ang kabang nararamdaman ko kay Dad. "Ano 'yung sinasabi ng mestisong lalaki na pyu…pyutur lab---pyutur laber ba 'yun? Anong ibig sabihin no'n, anak?" I gasped hard nang mapagtanto kong narinig nga ni Nanny ang sinabi ng halimaw na 'yon. Ngunit nakaramdam naman ako ng ginhawa at mabuti na lamang at hindi naintindihan ni Nanny ang gustong sabihin ng demonyong 'yon, since she's a probinsyana at hindi masyadong nahasa sa pagsasalita ng ingles.

"H'wag mo na lang siyang pansinin, Nanny. Let's go inside." Saad ko at mabilis siyang hinila palayo, without taking a single turn to the demon behind me. Ngunit rinig ko ang mga yapak niya, at sinusundan nga kami. Lumingon ako sa kaniya at pinandilatan ko siya ng mata, ngunit tila nakangiti lamang siya sa'kin na parang tanga. I just rolled my eyes in response at mabilis na tinahak ang daan papunta sa front door.

Napabitaw sa'kin si Nanny, "Oo nga pala, iho." Tumaas ang magkabila kong kilay nang lumingon siya sa halimaw na 'yon. "Ser, pwede ho bang pakihatid na lamang itong alaga ko sa kaniyang kwarto? Iniwan ko lang ho kasi ang niluluto ko sa kusina." Pakiusap niya. Napalingon ako sa kaniya and he nodded like an angel, "No problem, tita."

Tch, kung maka-tita akala mo naman close silang dalawa. Naramdaman kong hinawakan ni Nanny ang magkabila kong pisngi "Sabihan mo lang ako kung makakasalubong mo man si Señorito, hah? Susubukan kong maabot ang kakayahan ko st mapalamig ang ulo ng Daddy mo. Nasa kusina lamang ako at tinutulungan si Tessy na magluto." Nakangiting sabi niya at tumango na lamang ako at napangiti.

"Ohhh sige na, tama na ang drama---hala nasaan ang sandok ko?" Lumingon-lingon siya at nakita niyang nasa bermuda grass ito. "Nakuuu, ang Nanny mo talaga, tumatanda at makakalimutin na. Sige na, anak. Magpahinga ka sa kwarto mo at magpalakas ka." Huling bilin niya at iniwan kaming dalawa ni Sir Marcus.

I just smiled genuinely habang sinusundan siya ng tingin. Kahit gano'n si Nanny, mahal na mahal ko pa rin siya.

I gather my courage at humarap sa front door at kita kong nakaawang ito ng kaunti. Muling nanumbalik ang lahat ng kaba sa dibdib ko, and I can feel his intimidating aura sa likod ng pinto. Humigpit ang pagkakakapit ko sa straps, at nanlaki ang mga mata ko nang kusa itong bumukas.

Sumalubong sa akin ang pigura ng isang lalaki na tila hinihintay ang pagbabalik ko. He's folding his arms in his chest, and he's wearing an expressionless face. I was frighten by his dark aura, at nababasa ko sa mga mata niya ang matinding galit na tinatago niya behind his eyes.

"Where have you been?"

"D-Dad---"

"H'WAG MO 'KONG MA-DAD DAD D'YAN, DENISE! HINDI AKO MADADALA SA MGA PAAWA MO. NOW TELL ME, WHERE THE FUCK HAVE YOU BEEN?!"

Tila nanlambot ako sa diin at lakas ng boses ni Dad na umalingawngaw sa buong mansyon. Even the maids ay napalingon sa'ming dalawa at tila naawa sa sinasapit ko. Napakagat na lamang ako ng labi at pilit pinipigilan ang pagpatak ng mga luha ko sa takot.

Lumapit siya sa'kin, and he's too fast upang masundan siya ng tingin ko. Sa isang iglap lamang, ramdam ko ang higpit ng pagkakahawak niya sa panga ko, while his eyes were burning in rage. "Alam mo bang hinalughog ko ang buong subdivision para mahanap kang bata ka?! I even filed a missing person case to the police station, and now you have guts to face me without giving me concrete explanation kung saan ka galing? Tell me, ginagago mo ba ako, Denise?! SAAN KA GALING?!"

Ramdam ko ang higpit ng kapit niya sa panga ko kaya napahawak ako sa kamay niya. It feels like he's already crushing my jaw, "D-D-Dad… N-Nasasaktan p-po ako!"

"AT TALAGANG MASASAKTAN KA, DENISE! TELL ME, WHERE THE FUCKING HELL HAVE YOU BEEN?!"

Nagpupuyos na siya sa galit, na tila lalamunin ako ng buo. Mangiyak-ngiyak akong tumitig sa mga mata niyang punong-puno ng galit. Bakit sobra ang galit niya sa'kin, dahil nawala lang ako ng isa't-kalahating araw? Bakit?

"D-D-Dad, let m-me go. P-Please let m-me expl---"

"Please let go of your son, Mr. Chavez. You're hurting him."

Napahinto si Dad sa pagwasak ng panga ko, at dumako ang tingin niya sa taong nasa likod ko. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat, na tila hindi inaasahan ang taong ito.

"W-W-What… WHAT THE FUCK IS THE MEANING OF THIS?! What are you doing here?!" Punong-puno ng diin ang tono ng boses ni Dad at tila pinipigilan ang sariling sumabog sa galit. I met his eyes and it was full of confusion and anger. Muling nanumbalik ang takot ko kay Dad, dahil hindi naman siya palamura ng ganito.

SMOKESTONE | © 2020

You are reading the story above: TeenFic.Net