Chapter 04

Background color
Font
Font size
Line height

"Abused by the Deceptive Professor"

[CHAPTER 4]

INILAPAG niya ang isang basket na puno ng prutas sa gilid ng white desk. "I've ordered some fruits from the grocery, incase na mag-crave ka sa prutas." Pamungad na sabi niya nang bumalik siya rito.

Somehow, I felt relief. Despite all of the kademonyohan na ipinakita at ipinaranas niya sa'kin, may nakatago rin palang kabutihan sa kaniya.

But it doesn't mean para lumambot ako sa kaniya, I'm still sticking with my decision na hinding-hindi ko siya mapapatawad.

"What you want to eat? This one or this one?"

"Anong 'this one'?"

"I'm letting you choose between these foods or…?"

Napakunot ang noo ko dahil hindi ko makuha ang gusto niyang sabihin. "Or?"

"Me?"

Nanlaki ang mga mata ko and it took a minute bago rumehistro sa isip ko ang gusto niyang ipahiwatig.

"There's no way na pipiliin kita!" Inis na inis kong pinagpapalo ang braso niya, napakabastos niya at hindi man lang niya i-lugar ang kabastusan niya.

He's impossible!

"I'm just kidding." Natatawang sabi niya, I frowned in rage at inirapan ko siya.

Bwisit talaga siya!

"Bon Appétit."

Kinuha niya ang isang paper plate na may laman na pagkain at nagulat ako nang itinutok niya sa akin ang kutsara.

"Open your mouth."

Muling napakunot ang noo ko. "Anong gagawin mo?"

"I'm going to feed you, obviously."

Tila nainis ako sa sinabi niya at mabilis na inilayo ang mukha ko sa kutsarang hawak niya, "Hindi na ako baby para subuan pa!" Inis na inis kong sabi.

Anong tingin niya sa'kin? Porke't I'm lying here in hospital bed, hindi na ako makakakain mag-isa?

He chuckled at inilapag ang hawak niyang paper plate sa white desk.

"But you're still my baby."

Tila nanigas ako ng parang estatwa sa sinabi niya. Ramdam ko rin ang pag-akyat ng dugo ko sa pisngi at ang kakaibang ritmo ng pagtibok ng puso ko. Mabilis kong tinakpan ang pisngi ko dahil sa inis. Nasisiraan na ba siya ng ulo? Inis na inis ko siyang inirapan at ibinaling ang tingin ko sa kanan.

"Come on, Denise. Let me just feed you, just one time. I want to cope up with awful things I've done to you." Napalingon ako sa sinabi niya and he just... pouted?

Ang kaninang kabang nararamdaman ko ay mas lalong dumoble pa. Sa tingin niya cute siya sa ginawa niya?

Uhhh… he's annoying!

Napabuntong-hininga na lamang ako at wala na rin akong nagawa, pagod na rin akong makipagtalo sa kaniya kaya pumayag na akong subuan niya ako, ng isang beses lang!

Akmang susubuan niya pa ako nang pigilan mo siya. "Kaya ko na, I can take care of my self." Walang-ganang sabi ko at mabilis na inagaw sa kaniya ang disposable spoon.

Napabuntong-hininga na lamang siya sa inakto ko as a sign of defeat.

"Fine."

Hindi ko na siya pinansin at mabilis na nilantakan ang pagkain na nasa harap ko, 'cause it feels like I'm starving to death!

Napansin ko rin sa peripheral vision ko na tumayo siya at lumapit sa basket na puno ng mga prutas na binili niya, at pumitas ng dalawang saging do'n.

"Damn, these bananas are big," Manghang sabi niya at tila sinuri-suri ang anggulo ng mga ito. "...and I wonder how bigger my banana is rather than these two." Dagdag pa niya na ikinabulunan ko.

Tila nagulat din siya sa nangyari at mabilis na ibinigay sa akin ang water bottle. Mabilis ko itong nilagok at mabuti nalang at nawala ang nakabarang pagkain sa lalamunan ko.

Hingal na hingal ako nang matapos ko itong maubos, nilingon ko siya na kasalukuyang tumatawa ngayon.

Pinilit niyang pakalmahin ang sarili niya at lumapit sa akin. "Are you okay? What happened to you?" Takang tanong nito na may halong pang-aasar. Inis na inis ko siyang inirapan, siraulo ba talaga siya?! Bahala siya sa buhay niya! Kahit kailan talaga, isa siyang malaking bwisit sa buhay ko.

Lumakas pa ang tawa niya, "I didn't expect my words could choke you up,"

Lumapit siya sa akin at tinitigan ako ng mata sa mata "...pa'no pa kaya if my banana was in your mouth?"

He grinned at pinadaanan ang daliri niya sa mukha ko. "I guess you'll be out-of-breathe." Pilyong sabi niya and he gave me an annoying wink.

Sa sobrang inis ko ay buong pwersa kong tinulak ang dibdib niya,

"BASTOS!"

Inis na inis kong pinagpapalo ang braso niya, habang siyang tawang-tawa lamang.

Argh! Nakakainis siya!

"Okay! Okay, stop! I'm just kidding." Saad niya at pinipigilan ang kamay ko. Inis na inis ko siyang inirapan.

"I'm done!" Hinawi ko ang white desk na nasa harapan ko at tumango lamang siya.

"Sige, ako na ang magliligpit nito."

Nakaramdam ako ng pagbigat ng aking pantog kaya mabilis akong tumayo, hindi na rin naman masyadong kumikirot ang pang-upo ko kaya nakakalakad na rin naman ako ng maayos.

Nakita kong napalingon siya sa gawi ko at umukit ang pagtataka sa kaniyang mukha.

"Where are you going?"

Walang gana akong lumingon sa kaniya. "Iihi ako, bakit gusto mong sumama?"

Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize ko kung ano ang nasabi ko, unti-unting umukit ang isang ngisi sa kaniyang labi.

"Why not, since you're the one who invited me to come."

Inirapan ko na lamang siya bilang sagot. "Nagbibiro lang din ako." Suplado kong sagot na kaniya na ikinatawa niya ng mahina.

"Wait!"

Napahinto ako nang muli siyang magsalita. Inilapag niya ang hawak niyang paper plate at mabilis na lumapit sa akin.

Napaatras ako ng sobrang lapit ng katawan niya sa akin yata pasimple kong itinulak ang dibdib niya.

"You can walk now?"

Inis akong humarap sa kaniya. Anong tingin niya sa'kin, isang taong pilay? Porket h-he j-just... argh! Ayoko nang balikan pa ang mga pangyayaring iyon.

Inirapan ko siya, "Wala ka nang pakialam do'n."

Hinawi ko siya sa dinadaanan ko at mabilis na humakbang papalayo sa kaniya, ngunit bago pa ako makaalis ay mabilis niyang kinapitan ang kamay ko at namalayan ko na lamang na nakadikit na ako sa katawan niya.

Tila nanigas ako sa kinatatayuan ko ngayon nang ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga na harap ng mukha ko, isang nakakalokong ngiti ang ibinigay niya sa akin at unti-unting lumapit ang mukha niya sa'kin kaya napapikit na lamang ako sa taranta.

Pigilan mo siya, Denise. He's going to steal a kiss from you!

Napakislot ako nang maramdaman ko ang kamay niya sa aking likuran. Mas lumapit pa ang katawan niya sa'kin at mas lumapit pa ang mukha niya sa'kin.

Tila naestatwa lamang ako sa pwesto ko, at hinihintay na dumikit ang isang bagay sa aking labi.

Ngunit ilang minuto lang, namalayan ko na lamang na wala nang braso ang nakakapit sa katawan ko, at nang inimulat ko ang kaliwa kong mata, wala na siya sa harap ko.

Tuluyan ko nang inimulat ang mga mata ko at napalingon ako sa direksyon kung saan halos mamatay siya sa tawa.

Napayukom ako ng kamao, ang kaninang kaba na nararamdaman ko ay napalitan ng inis at galit. Kung alam niya lang, this is the most embarrassing moment I have encountered in my entire life!

Kulang na lamang ay ipanalangin kong bumuka ang lupa at kainin ako nito ng buo. Inis na inis ko siyang pinanaliksikan ng mata, nang mahimasmasan siya ay lumapit siya sa akin at nagulat ako nang hawakan niya ang bewang ko.

"Do you really expect me to steal a kiss from you, mi rosa?" Mapanukso niyang tanong at gumapang ang daliri niya sa bewang ko.

"If you're really interested," Ang kaninang kamay niya sa aking bewang ay bumaba papunta sa aking pang-upo. He's teasing me as hell, at lumapit ang mukha niya sa tenga ko.

"...then we can continue it. Right here, right now." Mahinang bulong niya at napakislot ako nang kagatin niya ang tenga ko.

Buong pwersa ko siyang itinulak sa sobrang irita at inis ko, at napabitaw siya sa paghawak ko. Otomatiko ring lumipad ang palad ko sa pisngi niya at ginawaran siya ng isang malakas na sampal.

"Get lost, you pervert bastard!" Buong panggigigil na sigaw ko at patakbong pumasok sa pinto ng CR.

Hingal na hingal akong sumandal sa pinto, ramdam na ramdam ko ang pamamawis ko sa noo at ang mabilis na tibok ng puso ko.

Samu't-sari rin ang umiikot ngayon sa utak ko na nagpapagulo ng damdamin ko. Napahawak ako sa aking pisngi nang maramdaman ko ang pag-akyat ng dugo ko sa pisngi,

W-What d-did j-just h-happen?

Bakit hindi hinayaan ko siyang gawin sa'kin 'yon? Bakit sa una palang ay hindi ko siya pinigilan? Is there something wrong in me?

Mabilis akong umiling, I shouldn't be thinking about these creepy thoughts! Baka tuluyan na akong mabaliw.

Agad akong lumapit sa toilet bowl at mabilis na inilabas ang mga naipong tubig sa pantog ko.

Ramdam na ramdam ko pa rin ang panginginig ng aking kamay, gulong-gulo pa rin ang utak ko ngunit pinilit ko na lamang na isawalang-bahala ang mga iyon.

Akmang bubuksan ko ang pinto nang kusa itong bumukas, at iniluwa nito ang isang lalaki. At sa isang iglap lamang, he pinned me to the wall at sumalubong sa akin ang mata niya na kasakuluyang nababalot ng… pagnanasa.

"Take your clothes off."

SMOKESTONE | © 2020

You are reading the story above: TeenFic.Net