CHAPTER 16

Background color
Font
Font size
Line height

Fere's POV

Naka force leave ako ng 2 weeks dahil sa OA ang boss ko. Wala tuloy ako magawa sa bahay. Nabobored ako. Matapos kong magiiyak at magcollapse last week, mukhang balik na naman sa pagiging "wife" ang role ko sa boss ko. Within that 2 weeks, araw araw naririto si Yuseff. Madalas, inihahatid nya din ang mga kapatid ko papuntang school. Eto namang kapatid ko, ligayang ligaya kay Yuseff. Haiii nako.

Andito kami ngayon sa isang park malapit sa condo. Kasama ko si Faye at Yuseff. Naglalaro yung dalawa habang nakaupo ako sa isang bench.

"Wiiii. Kuya! Higher pa dali! Hahaha. Ansaya naman dito Kuya." Sabi ni Faye habang inuugoy ni Yuseff ang duyan

Kanina pa silang naglalarong dalawa at mukhang di sila napapagod. Mula ng magulo ang buhay namin, ngayon ko na lang ulit nakitang ganito kasaya ang kapatid ko. Nasasaktan man ako sa presensya ni Yuseff, hindi ko maiiwasang matuwa sa kanya. Siya nga ata ang anghel ng buhay ko.

"Baby Faye, kain na tayo? Gutom na ata si Ate." Yaya ni Yuseff

"Sige po Kuya, pero pwede po ba tayo dun sa McDo?"

"Oo naman. Kahit anong gusto ng baby namin." Sabi nya kay Faye at piniggy backride nya.

"Ui Sir Yuseff, wag mo na buhatin si Faye, mabigat na sya. Faye baba ka nga, nakakahiya kay Sir."

"Ate. bakit mo po sya nisisir? Diba asawa mo po sya?" Takang tanong ni Faye

"Faye ang totoo---" He cut me

"Nahihiya lang ang ate mo Faye. Diba wife? San nga gusto ng baby namin?"

"Sa McDo Kuya! Yehey!!! Fries!!!" SIgaw ni Faye

How could I break her happiness? Malapit lang ang Mcdo sa unit na tinitirhan namin kaya naglakad na lang kami. Inaalalayan ko na lang sila habang naglalakad. Ang likot kasi ni Faye at Yuseff.

"Hi Ma'am Sir, good morning, may I take your order?"

"Baby ano gusto mo?" Tanong ni Yuseff kay Faye

At dahil bata, ang tinturo lang nya ay happy meal at fries.

"Bibilhin natin yung lahat ng toys pero dapat mageaeat ng rice ha? Kapag hindi nageat ng rice hindi natin kukunin ang toys. Okay?"

Faye willingly nodded with a beaming smile on Yuseff. He is a monster, he's a certified spawn of Hades, minsan pa nga ay alien sya but one thing's very very sure. He'll be a great father someday.

"Wife you order our food. Upo na kami dun sa may vacant. Be sure na orderin lahat ng happy meal at umorder ka ng food na mabubusog tayo." Sabi ni Yuseff tapos iniabot nya sa akin ang wallet nya at umupo na. Tatanggihan ko sana kaya lang naalala kong wala pala akong dala kundi face towel.

"Mag-ama nyo Ma'am?"

Wala naman sigurong masama kung ikeclaim ko diba? Kaya tumango ako at ngumiti.

"Mas mahal kayo Ma'am, kamukha nyo kasi ang baby nyo." And she's all smile at me.

Umorder na lang ako. Inassist pa nga ako ng isang crew dahil madaming happy meal din ito. Mali ba kung hihilingin kong wag na matapos ang ganitong kasiyahan ng kapatid ko? Sa totoo lang, ang mahalaga na lang sa akin ay maging okay si Fate, si Faye at si Mama.

Hapon na nung umuwi kami. Tumawag si Fate na gagabihin daw sya. Habang naglalakad kami ay nakatulog na si Faye sa mga balikat ni Yuseff.

"Sir, ako na po magbubuhat kay Faye nakakahiya na po."

"Can't you see how happy I am?"

"Sir--"

"Can you please stop calling me Sir??"

"Pero kayo po ang boss ko."

"Let's talk later. Ibababa ko muna si Faye and we'll talk."

Tama bang kabahan ako? Wala naman sigurong gagawin tong amo ko sa akin hindi ba? Pero seryoso sya kanina eh. Hala, natatakot ako. Tsk.

"Wife."

"Sir."

"Stop calling me Sir!"

"Hindi po pwede, kayo po ang boss ko, Sir po ang dapat kong tawag sa inyo. Kayo po ang tumigil sa pagtawag sa akin ng wife!"

"Ikaw ang nagsabi, you are my wife!"

"But that's just to help you."

"Still, you are my wife."

"Pero hindi nyo nga po ako asawa."

Nagulat ako ng bigla na lang nya akong hinila.

"Sir! Saan tayo pupunta?????"

"Magpapakasal tayo ngayon!"

"Ha?! Sir! Baliw ka na ba?"

"No. I'll make a call and make sure you are my wife. Yun lang naman pala ang problema mo eh."

"Sir ano ba! Hindi ako nakikipaglaro!"

"Do I look like playing to you?"

"Teka nga, sabi mo maguusap tayo eh. Bakit kung saan mo ako dadalahin??"

"You are not listening!!!"

"Ikaw nga po ang hindi nakikinig! Tama naman po ako diba? Boss ko kayo---"

Nagulat na lang ako ng biglang lumapat ang mga labi nya sa labi ko. Yes, I've kissed a lot but this, this is--

"Now, listen to me.And please shut your mouth."

"Let's start with I don't want you calling me Sir. You can choose from tons of endearment but please, not Sir, or Boss or whatever will refer to your boss."

"You can call me babe, love, sweetheart, darling whatever suits you will do."

"Pero--"

"You don't want me to get angry do you??"

"Fere, I like you. You get that? I really really like you. And I get damn jealous with every guy who've got to touch you. I see red whenever some fuctards go near you."

I am not talking. Shit, I am really not going to talk? Hindi ko alam kung paniniwalaan ko sya. Hindi ko nga alam kung ano ba ang dapat na maramdaman ko. I am damn scared because he's damn serious. I am shocked is this a confession? I am overwhelmed he like me? Or do I need to be happy because I think I locked him.

"Do you get what I am trying to say Fere? I will make it this simple. YOU. ARE. MINE."

"Wife. Say something."

Teka nagdidigest pa ako. Susme, nakakatense ang mga sinabi nya.

"Wife. If you are not going to talk, I will kiss you again."

Edi lalo akong hindi magsasalita. I giggle in my mind. Sa dami ng sinabi nya, alam kong sumaya ang puso ko. Hindi dapat, alam kong hindi dapat pero maiiwasan ko pa ba ito? Masaya ang puso ko, masaya ako, siguro naman, kahit papaano pwede diba?

As I am with my deep thoughts, naramdaman ko na naman ang paglapat ng mga labi nya sa labi ko. Kahit gusto ko ang pakiramdam na ito, aba, sinuswerte itong kampon ni Hades.

"Hoi! Grabe ka!"

"Why? I just wanted to kiss my wife."

"Grabe ka sa wife." I deep breath " Wala naman akong choice hindi ba? It's either You own me or I am owned by you, right?"

"Yes." He proudly smiled at me

"Alam mo Yuseff."

He again tried to kiss me again.

"Nakakarami ka na ha!!!" hampas ko sa balikat nya

"Everytime you call me without endearment, I will kiss you. I need to remind you that you are mine."

"Okay. Teka lang, linawin lang natin ha, so boyfriend na kita?"

"No."

"Eh ang kapal naman pala ng mukha mo eh! Halik ka ng halik tapos----"

Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko at hinalikan na naman ako.

"Your lips are quite addicting, wife."

"Ayan ka na naman nanghalik ka na naman! Tapos hindi kita boyfriend?! Aba--"

"I'm not your boyfriend, I am your husband."

"Anong husband?! Hindi pa nga nagiging tayo! Hindi pa nga tayo kasal??!!"

"Sabihin mo lang kung kelan at saan! Pakakasalan kita ora mismo."

"Yuseff!--"

Hinalikan na naman nya ako.

"Pwede ba, magseryoso na kasi tayo."

"Seryoso ako. I am your husband. Sabihin mo lang, pakakasalan kita agad. And no, I am not joking. Seryoso ako."

Okay, maybe I need to accept things. It maybe this fast, pero I know deep in my heart, this would make me happy.

"Come wife, let's cuddle. Mamaya na tayo magdinner, let's wait for Fate."

I obligingly went near him and let him hug me while we're both on the sofa. This is the first time I feel safe and secured after the tragedy. Sa sobra nga sigurong pagiging kompartable ko ay nakaidlip ako habang yakap ni Yuseff. Wala pala akong naging sagot sa kanya, but I think my silence signs the affirmation of what we will be having. Nagising na lamang ako ng marinig ko ang iskandalosang sigaw ni Patricia.

"Anong meron?!!!!" Patricia shouts

"Lower down your voice Patricia, my wife is sleeping."

Damn. Paano ko ba ito ipapaliwanag kay Patricia?? She's the number 1 hater ng pagsasama namin ni Yuseff.

"Wife? Paanong?? Hoy Ferella! gumising ka jan!"

"Patricia! I said stop!" Pinipigilan naman sya ni Yuseff 

"Patch." Mahinahong sabi ko

"Ano to Ferella?? Anong wife?? Kelan pa???" Galit na tanong ni Patchie

"Patricia!!" Sigaw naman ni Yuseff

"Teka nga, kumalma kayo please. Ah, Patch, magusap tayo." Pakiusap ko sa kanila

"Talagang maguusap tayo!!!" Patricia angrily shouted at me

"Ahhmn, Yu-- I mean hubby, uwi ka na please?" Pakiusap ko kay Yuseff para makapagpaliwanag at makapag-usap kami ni Patricia ng maayos

"Ano? Bakit ako ang uuwi! Ayoko!" Mariing tanggi ni Yuseff

"Hubby. Please? Maguusap muna kami ni Patch at gabi na rin naman, uwi ka na muna." Full force na lambing ko kay Yuseff para makapag-usap na kami ni Patricia

"Hindi pa nga tayo nakain!" Sabi ni Yuseff

"I have foods with me, hindi ka kasali Kuya. Umuwi ka na!!" Patricia shouted again

"May pagkain din kami dito! Ikaw ang umalis!" Ganting sigaw ni Yuseff

Napansin ko na namumugto ang mata ni Patch. I know she needs me now. Kaya ako na lang naginitiate na ayusin muna ito. 

"Hubby, Patch, kain na muna tayo mamaya na lang natin pag-usapan ito. Halika na Patch ayusin na natin ang kainan. Hubby, tawagin mo na ang mga bata."

Tinawag naman ni Yuseff sila Fate at Faye. Salamat naman at hinayaan nila kaming kumain ng payapa. After namin kumain, inutusan ko si Fate na magligpit. Kinausap ko din muna si Patch na hintayin ako sa kwarto.

"Hubby, please? Alam kong kailangan ako ng pinsan mo ngayon. Isa pa, magkasama naman tayo bukas diba?"

"I want to sleep beside you!"

"Hubby, please?"

"Fine. You win! But I'll be here in the morning. Bye."

I missed this feeling of being important. Hopefully, this will last. But for now, si Patricia na muna ang aasikasuhin ko. She needs me so much now.

You are reading the story above: TeenFic.Net