CHAPTER 14

Background color
Font
Font size
Line height

Fere's POV

Monday na naman at heto na naman kaming mga kumikitang kabuhayan, para kanino bumabangon drama. As usual, nagluto ako ng hotdog kanina. Tutal naman sweldo, mamaya ibibili ko nga sila ng bacon! haha. Namiss ko magalmusal ng madaming ulam!

Maaga ako ngayon dahil takot ako sa trapik. Nang makarating ako sa opisina nagulat na lang ako sa desk ko. May bulaklak?? Saan galing? Infainess, maganda yung bulaklak.

"Hi Fere! Ui flowers, san galing?" Tanong ni Bianca sabay baba ng mga folders. I just shake my shoulders, hindi ko alam eh.

"Aba, umaadmirer ka girl! Hanapin mo yung card ha? Tapos balitaan mo ako! Byee." Sabi ni Bia

My day started pretty well and normal. Hindi na ganun kahirap ang trabaho ko kasi ang legal folders derecho na kay SIR YUSEFF. Naku Fere, nalilimutan mo na atang boss mo pa din si SIR YUSEFF at panay kang Yuseff sa kanya. Dahil wala ang boss ko, mabilis ko natapos lahat ng mga folders. Wala rin dag dag task ngayon.

By 12:00 noon, bumaba na ako para sunduin si Biaca I'm used to having lunch with Via kapag hindi ako naglalate lunch, madalas ay lumalabas kami kasi punuan sa cafeteria. Nagulat na lang ako na parang lahat na lang ng tao ay nakatingin sa akin. May dumi ba ako sa mukha?

"Ano na girl, kanino na galing ang bulaklak?"

"Hindi ko talaga alam Bi eh. Baka nga nagkamali lang yun. Wala kasing card eh"

"Hindi kaya kay Sir?"

"Oi! hindi no! Impossible."

Fere wag paasahin ang sarili. Nakamamatay. While we are enjoying our meal, nagulat kami ng may tumabi na lang sa akin.

"Hi Fere."

"Oh Hi Sam."

"Do you like the flowers?"

Narinig ko ang kantyaw sa kanya ng mga taga legal department na andun lang sa kabilang table. Nginitian ko sya.

"Sayo ba galing yun?"

He nodded like a school boy who've got a very good art work.

"Yes, thank you. They are beautiful."

"Ehemn. Nakakaistorbo yata ako. Una na ako sa office. Maaga pa naman, maiwan ko na kayo."

Nauna na nga si Bianca, pagtingin ko sa relo ko, maaga pa nga, may more than 30 minutes pa kami.

"Hindi na tayo nakalabas Fere."

"Sorry Sam ha. Alam mo naman busy tsaka madalas ako nagalalate lunch eh."

"Pwede ka ba mamaya? Dinner?"

"Sige."

Nahihiya naman akong hindian itong si Sam. Lagi ko na lang kasi syang tinanggihan, tsaka for sure wala akong OT, wala akong boss eh. Before 1:00pm nakarating na kami sa floor,hinatid pa nga ako ni Sam hanggang elevator. Sam's one of the hearthrobs dito sa office. Crush ng bayan. If I'm in my old self, baka kami na, months ago pa. Oh God hearing myself, confirmed I'm adulting.

Saktong 6:00pm nag out na ako. Mga 6:15 nung makita ko si Sam na naghihintay sa lobby. He is all smile, para talaga syang model ng toothpaste. Dala ko rin yung boquet na bigay nya sa akin. Tumawag din ako sa mga bata na malalate ako ng uwi.

"Let's go?"

"Yes, let's go."

Dinala ako ni Sam sa isang restaurant na lingid sa kaalaman nya ay sa mga Hernandez pa din. Masarap ang pagkain, masaya ang usapan. All in all the night was a pure bliss. Sam's so mabait and funny. The date was so fun. He made me laugh hard.

"Thanks for coming with me Fere."

"No, I should be the one to thank you for keeping me happy."

"I hope we can do this again."

"Sure thing Sam, I enjoyed this night so well. Anyway, I need to go, my sisters might be waiting for me."

Sam being a gentleman opened the car door for me then hugged me tight and wished me good night.

"San kayo galing?!!"

Nagulat ako sa sigaw ni Yuseff. Nakakagulat naman tong isang to. Bigla bigla na lang sumusulpot.

"I said, where have you been???! "

Teka nga, bakit ba nagagalit ito? May kasalanan ba ako? hmmn. Baka naman inaatake lang ito ng pagiging kampon ni Hades. Teka, nasaniban ba sya ng Papa ko??

"Nagdinner lang." sagot ko

"Nagdinner ka?? At sino ang kasama mo?"

"Si Sam?"

"Who's that fucktard!!!! Sya rin ba ang nagbigay sa'yo ng bulaklak na yan??"

"Ui, bakit ka ba highblood?"

Sa halip na sumagot sya, nag walk out ang lolo ko. Ano na naman ba kasing problema nun? Gabi na, hindi na lang kasi umuwi at magpahinga.

What the hell is wrong with that guy? Aba! maloloka akong talaga sa kanya. He's sending super mixed signals. Nakakabugnot na din talaga sya. Hindi ko na ba alam kung ano ang nakain nya at nagkakaganun sya.

Umakyat na ako sa unit, laking gulat ko ng makita ko ang mga kapatid kong nakaupo sa mesa na punong puno ng pagkain.

"Ate! Ano ka ba! Kanina pa kami gutom na gutom. Halika na, kain na tayo." Fate

"Ihhhh Ate Fate, si Kuya naman ang wala. Hindi pa ba tayo pedeng kumain?" Faye

"Ate, asan na ba yung asawa mo? Kanina pa kami naghihintay dito oh. Tawag kami ng tawag di ka naman nasagot."

"Teka teka, san galing ang pagkain?"

"Dun nga kay kuya na asawa mo. Ano nga pala pangalan nya Ate?"

"Yuseff. Teka, dala nya ba yan?"

"Opo nga ate. Ang kulit mo din ano? Gutom na po kami."

"Osige sige. Kumain na kayo, hahabulin ko lang ang kuya nyo."

Patakbo akong bumaba sa unit para sanay habulin sya. Nang tinanong ko sa guard, nakaalis na daw sya. Nahihirapan akong intindihin ang ipinakikita nya sa akin. Ayoko sa lahat yung nagaassume ako. Haii Yuseff, pinapaikot mo ang mundo ko.

"Oh ate, nahabol mo ba si kuya na asawa mo?"

"Faye, Yuseff nga daw ang ang pangalan ni Kuya. Ate, ang sarap ng mga pagkain grabe. Mayaman yung asawa mo ano?"

"Haii nako, kayong dalawa, kumain na lang kayo. Wala na masyadong tanong."

"Ate nagaabroad ba yung si kuya na asawa mo? Kasi lagi syang wala kasi."

"Faye! Kumain ka na lang. Sige na."

Hindi ako makatulog ng gabing iyon. Bakit? Bakit ba ginagawa ito ni Yuseff? Hindi ako pwedeng mainlove sa panahon ngayon, delikado ako mainlove, sobrang nagiging tanga ako. Hindi yun pwedeng mangyari ngayon. Hindi pwede dahil mas kailangan ako ng mga kapatid ko. Hindi ko pwedeng unahin ang sarili ko. Hindi na ako pwedeng maging selfish.

Ilang tupa na ba ang nabilang ko? Ilang ikot na rin sa kama. Aba antok, where are you na? Eto kasing si Yuseff, hindi mawala sa isip ko. Dapat si Sam ang iniisip ko kasi masaya yung naging date namin pero itong si Yuseff! Haiii! Nakakafrustrate!!! Maloloka na ako!

You are reading the story above: TeenFic.Net