#16

Background color
Font
Font size
Line height

sana iyong pakinggan
ang aking sasabihin,
hindi ko maintindihan
ang sariling kong damdamin.

tila ako'y nalilito
sa sariling pagtatanto,
minsan ay naiisip ko
bakit nga ba nagkakaganito?

para bang isang alon,
umaakyat at bumababa,
sa huli, ako'y malulunod
at hindi na makahinga.

para bang isang bundok,
may pataas at may pababa
at sa huli, balik sa dati,
para bang walang nangyari.

ang mahalin ka pabalik ng taong mahal mo,
gusto kong malaman anong pakiramdam nito
dahil paulit-ulit nalang akong nasasaktan
pagka't ikaw pa rin ang laman ng isipan.

matagal ko nang nais
kalimutan ang nararamdaman.
kahit ano mang gawin ko,
hindi ko ito mapigilan.

tila ako'y nalilito
sa sariling pagtatanto,
araw-araw, naiisip ko
bakit nga ba ganito?

You are reading the story above: TeenFic.Net